Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 13 - SSTGB 12 : SURPRISES

Chapter 13 - SSTGB 12 : SURPRISES

ARA'S POV

Kumukulo ang dugo ko ngayon habang nanlilisik ang mga mata kong nakatingin kina Charmagne at Marcus. Dahil magkaharap lang iyong building ng room namin ay kitang-kita ko kung paano sila magtawanan sa loob ng classroom nila. At tsaka mas lalong nakakaasar na kanina pa hinahaplos ni Charmagne ang mukha ni Marcus at ito namang lalaking ito ay napapangiti lang!!

Humanda ka sa akin, Marcus, hindi kita sasagutin!! Yes, oh, yes! Marcus asked me yesterday if he can court me! OMG! And of course, I said yes. Papakipot pa ba ako? Chance ko na iyon, eh. Yieee—wait! Galit ako! Hindi pa nga kami ni Marcus, pero mukhang may nagbabalak ng manulot!!

Pigilan niyo ako! Kanina ko pa gustong manabunot! Paano ba naman kasi, eh ang baklang Charmagne hinalikan si Marcus sa pisngi at hindi ko alam kung anong reaksyon ni Marcus dahil tumalikod siya bigla!!

ARGH!!! NAIINIS NA TALAGA AKO!!!

"Oh, sige, patayin mo 'yang libro mo," nai-angat ko agad iyong paningin ko nang magsalita si Anika. At ngayon ko lang napagtantong pinapatay ko na nga iyong libro gamit itong bitbit kong kutsilyo—joke, baba pala ito ng kaklase ko—joke ulit, ballpen lang pala ito.

"Hoy, Chandra, ilayo mo 'yang bakla mong Kuya kay Marcus, ha," usal ko pa at agad niya akong tinaasan ng kilay. "Hindi ko gusto kung paano siyang dumidikit kay Marcus," dagdag ko pa at kaliwang kilay niya naman ang tumaas. Ang hilig-hilig nila akong taasan ng kilay. Tss! Palibhasa naka-kilay kaya proud.

"Mag best friends na sila kaya huwag kang selosa oy. Tsaka kayo ba, ha?" aniya kaya inirapan ko siya. Mas pinili niya iyong Kuya niya! Sabagay, blood is thicker than water nga pala. Talo ako. Tsk!

"Ah, basta! Naaasar ako kapag magkasama sila," sabi ko. Bahaya silang natawa kaya inis ko silang tiningnan.

"Are you seeing Charmagne as a threat, Arabells?" tanong naman ni Clara. Sus, por que tinanghal na Miss UJI itong si Clara, ingles na ng ingles! Tss!

"Hindi!" sagot ko naman agad. "Kasi kahit pumayat si Chandra, ako pa rin 'yong pipiliin ni Marcus dahil tunay ako! Mula ulo hanggang paa, tunay! Walang fake. Babae since birth!" taas noo kong sabi.

"But remember, Marcus is gay and gay wants men or kapwa gay rin katulad nila," muling usal ni Clara. Kahit kailan ay hadlang talaga sila sa amin ni Marcus. Lagi silang humahanap ng paraan para hindi kami magkatuluyan.

"Pero, magpapakalaki na siya para sa'kin," sabi ko. Napailing naman si Anika sabay tingin sa labas. Sinundan ko iyong tingin niya at kina Marcus at Charmagne siya nakatingin. Charmagne is resting his head on Marcus's shoulder. Just. . .wow!!

"So? Tingin mo ikaw na talaga?" tanong naman ni Chandra.

"Syempre!" overconfident kong sagot. Pakapalan na ito ng mukha, ano ba?! "N-Normal lang naman 'yang ginagawa nila, ha. Hindi ba mag best friends sila sabi mo? Kaya ko ring gawin 'yang ginagawa ng Kuya mo," tapos lumapit ako kay Anika, "kita niyo I can also rest my head on your shoulders. Mag best friends tayo, eh. Huwag nga kayong malisyosa," nakangiti kong sabi, pero bwesit, selos na selos na ako sa kaloob-looban ko! Sana nasa malayo na lang iyong classroom nila para hindi ko makita na ganiyan pala iyong ginagawa nila! Kainis!

"Sabi mo, eh. Pero, sure na ba si Marcus sa'yo? I mean sure na siya sa panliligaw niya sa'yo?" tanong naman ni Anika kaya kumunot iyong noo ko.

May dahilan ba para hindi maging sure sa akin si Marcus? Tss!

"Oo nga, Arabells. Kasi, look? Biglaan, eh. Hindi ba narinig mo na ayaw niya sa'yo? Tapos biglang nililigawan ka na niya. Feel ko talaga may ibang reason si Marcus," saad naman ni Clara. Tsk! Ayan na naman sila! Ginugulo na naman ang isip ko!

Ano namang rason, ha?! Wala akong maisip na ibang rason kung bakit ginagawa ito ni Marcus! Tsaka nararamdaman ko namang may pagtingin siya sa akin! Kakaiba na siya kung ngumiti sa akin ngayon. Basta! Ang daming nagbago sa pakikitungo niya nang sabihin niya sa akin na gusto niya ako at sapat na sapat na iyon. Period. Sarado, tapon susi!

"Alam niyo, kayo, itigil niyo na 'yang kanegahan niyo pagdating kay Marcus kasi ako nga, na siyang nililigawan niya ay hindi nag-iisip nang ganiyan kayo pa kaya. Tss," napairap pa ako sa kanila matapos sabihin iyan at syempre, inirapan din nila ako kaya talo ako. 3 versus 1 kaya ang nangyaring irapan. "Pero, seryoso. Huwag na nating isipin kung bakit biglaan ang mga ginagawa ni Marcus. Ang mahalaga ay masaya ang best friend niyo ngayon, kaya please lang, huwag niyo ng hadlangan," mukhang nagmamakaawa na talaga ako sa kanila.

Ngayon ay masasabi ko na talagang. . .kaya kong magpakatanga nang sobra-sobra para lang kay Marcus. Sh*t, ewan, basta mahal ko talaga siya.

"At paano 'pag nasaktan ka?" tanong na naman ni Anika. Kailan ba kasi darating iyong professor namin nang matigil na sila kakagisa sa akin?! Tsk!

"Edi. . .comfort niyo ko. Hehe," ngiting-ngiti kong sabi at sabay lang silang napailing saka sila nagsitalikuran na. Ganiyan lang sila, pero alam kong whenever I need people to lean on, they will always be there. Swerte ko kaya sa kanila, pero mas maswerte sila sa akin. Ara Cee Concepcion na ito, Day! Wala ng mas tatanga—este wala ng. . .wala na, wala ng kasunod. Basta maswerte sila sa akin.

***

Kaninang lunch break ay hindi kami sabay kumain ni Marcus at hindi rin sila magkasabay ni Charmagne. Duh! Ibang lalaki iyong kasama ng Juding at si Marcus ay busy sa ginagawa niyang proyekto kaya kahit lunch break ay sinakripisyo niya na matapos lang iyon. Siguro may award siya kapag natapos niya iyon agad kaya minamadali niya na. Namimiss ko na siya! Ilang oras din kaya kaming hindi nagkita. Hehe.

"Bye, Arabells, mauna na kami," nagpaalam na sa akin ang tatlo. Kinakailangan ko kasing maiwan dito sa classroom dahil bet ako ng professor namin at gusto niya akong ma-solo—syempre joke lang. May tinatapos pa kasi akong isulat, eh. Nakakainis kasi si Chandra, kuda nang kuda kanina kaya hindi ako nakapagsulat! At itong professor namin ngayon ay ayaw niya ng pinipiktyuran iyong mga isinulat niya sa pisara. Para fair daw sa aming lahat, isulat din namin dahil isinulat niya.

My gosh, makaluma! Serr, high-tech na po ngayon, update lang kita! Kaasar.

"Natapos ka rin," aniya nang ipakita ko sa kaniyang nag-effort ako sa pagsusulat. Nag-calligraphy lang naman ako. "Next time, Miss Concepcion, habang nakikinig sa'kin ay magsulat ka rin, ha, dahil wala kang pictographic memory," dagdag pa niya.

"Alam mo kasi, Sir, wala nga akong pictographic memory, pero, Sir, uso na po ngayon 'yong picture-picture. Baka naman next time, pwede na 'yon," syempre, hindi ko iyan sinabi dahil baka bukas ay bagsak na ako kahit hindi pa tapos ang term.

"Pasensya na po, Sir, hindi na po mauulit," sabi ko na agad niyang ikinangiti. "Pero, pwedeng isa pa, Sir? Last na talaga. Ang hirap po kasing hindi makipagtsismis kapag maganda 'yong topic."

"Sige, Miss Concepcion, last na, last day mo na sa klase ko ngayon," napanganga ako sa narinig ko. Sh*t!! Hindi ko napansin na nasabi ko iyon. Good game, Ara!!

Peke akong natawa at bahagya pang pinalo si Sir sa kamay. Feeling close muna para iwas bagsak! "Sir, naman, joke 'yon, ano ba. Sige na, Sir, baka namimiss ka na ng asawa mo, pwede ka ng umuwi," itinuro ko pa iyong pintuan at napapailing na lang siyang tumayo sa upuan niya.

"Lumabas ka na rin at kanina pa naghihintay sa'yo 'yang boyfriend mo," aniya bago siya tuluyang lumabas. Nakakunot naman ang noo ko habang iniisip kung may boyfriend ba ako. Tsk! Wala naman—ay, wala pa pala. Hehe. Malapit na.

Pero, ano raw? Naghihintay? May naghihintay sa akin sa labas? Hala!

Dali-dali akong lumabas at bumungad sa akin si Marcus na nakasandal sa may gilid ng pinto. "M-Marcus?" nautal pa ako. Tsk! Hindi ko kasi inaasahan na nandito siya.

"Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita sa inyo."

Oh, Marcus! Ang puso ko ay saluhin mo dahil nahulog na talaga sa iyo.

"S-Sige, sandali lang, kukunin ko lang 'yong gamit ko," tumango naman siya at agad kong inilagay sa bag ang notebook ko saka ako muling lumabas. "Tara na," sh*t mamon! Hindi ko inaasahan na darating ang panahon na ihahatid ako ni Marcus sa amin. Diyos ko! Dati pinapantasya ko lang ito, pero ngayon, ito na! Nangyayari na talaga. Oh, my gosh!!!

"Ara, hindi ko kasi dala 'yong kotse ko, so magkocommute tayo, okay lang?" tanong niya at syempre tumango ako agad. Isa rin kaya ito sa mga pangarap ko. Ang dami-daming pangarap ko ang natutupad ngayong araw!

Sumakay na kami ng bus at sa ngayon ay tahimik lang kami. Hindi naman ganoon kalayo iyong bahay namin, mga 15 minutes lang iyong byahe at usually ay bus iyong sinasakyan ko kapag wala iyong sundo ko o tinatamad ang mga Kuya kong hintayin ang hanggang alas singko kong klase kaya iniiwan na lang nila ako. Ang babait, mahal na mahal ako.

"Mukhang matatagalan tayo, masyadong traffic," sa wakas ay nakapagsalita rin ako. Ang akala ko ay buong byaheng mapapanis ang laway naming dalawa ni Marcus. Hindi ko kasi alam kung ano iyong pag-uusapan namin, eh. Gusto ko sana iyong tungkol sa kanila ni Charmagne, pero baka ma-confuse lang siya kung bakit silang dalawa iyong topic.

"It's okay, as long as I'm stuck in traffic with you," take note the sincerity and sexiness in his voice! Oh, my gosh!!

🎶Oh, heaven, nasa heaven ako kapag si Marcus humarot ay walang binatbat si Gerald Anderson. 🎶

Napakanta pa ako sa isip ko. HAHAHA! Hindi ako nakapag-ready sa sinabi ni Marcus. Hooh!

"Tigilan mo nga 'yan, Marcus. Mamaya ay hindi ako makatiis at maihi ako sa kilig," tawang-tawa siya sa sinabi ko, pero seryoso, naiihi talaga ako. Kaya lang ay kinakailangan kong tiisin dahil nakakahiya naman kung papatigilin ko iyong bus dahil naiihi ako.

Sige, stuck in traffic with you pala, ha. Sige, enjoy the moment. Pero, isang halakhak lang talaga sasabog si Ara ngayon. Sh*t! Nakakahiya naman ito!!!

Pero, dahil swerte ako, nakarating naman ako sa bahay namin nang hindi umihi sa panty ko. Nakakahiya kaya. Kaloka!

"Salamat, Marcus, ha? Nag-enjoy ako dahil kasama kita," kahit ihing-ihi na ako. Hehe.

"Ako rin naman," aniya at halos mapunit ang labi ko kakangiti. "Gusto ko sanang pumasok muna sa inyo, but I still have some stuff to do. I just really want to send you home to ensure that your safe," dagdag pa niya.

At—ahhh! Marcus naman, eh. Hende eke mekeketeleg nete, eh.

"Thank you, Marcus," puno ng sinsiridad kong sabi. "Mukhang gusto mo na yatang sagutin kita, ha," pagbibiro ko pa.

"Ha?" hindi ko ipinakitang nagtaka ako sa reaksyon niya. Mukha kasing gulat na gulat siya sa sinabi ko, eh roon naman talaga kami papunta. "Hahaha, t-that's nice then," muling usal niya at pilit na lang akong ngumiti. Nawalan ako ng gana bigla. Tsk.

"Sige, you can go now para matapos mo na rin 'yong gagawin mo," sabi ko. Aalis na sana ako matapos kong makapagpaalam, pero bigla niya akong hinila at. . .at. . .h-hinalikan niya ako sa noo!!! Diyos ko! In love na naman ako ulit!!!

"Good night in advance," tuluyan na siyang umalis matapos sabihin iyon. Ako naman ay nanatiling nakatulala hanggang sa tuluyang nawala sa paningin ko ang taxing sinakyan ni Marcus.

"Ahhhh!!! Nakakakilig!!! Ang saya-saya—"

"Ang ingay at may pagtalon pa, Mama."

"C-Charmagne?" takang tanong ko. Kung hindi lang siguro siya nagsalita ay baka hindi ko siya makikilala. Nakasombrero kasi siya at nakatago ang mahaba niyang buhok. Wala rin siyang makeup, pero pinagpala ang Juding dahil red lips pa rin. P-Pero, lalaking-lalaking ang itsura niya kung hindi lang siya naka-off shoulder!

Pero, ano nga bang ginagawa niya sa bahay namin? Punong-puno naman ng surprises ang araw na ito. Meron pa ba? Ilabas na ng matapos na.

"Oh, Charmagne, hija, halika na, ready na 'yong dinner."

"Mommy! Paano ako?" tanong ko pa nang iginaya na ni Mommy si Charmagne papasok ng bahay.

"Ara, sweetie? Andiyan ka na pala. Sumunod ka na at kakain na tayo," aniya at saka sila tuluyang pumasok.

Waaah! Mas pinahalagahan pa ang hindi anak! Nakakainis!