Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 7 - SSTGB 6 : OVERHEARD

Chapter 7 - SSTGB 6 : OVERHEARD

Nagising ako dahil may kung sino na namang ang lakas kung makakatok sa pinto ng kwarto ko. Bumangon ako bitbit ang isang unan at nang buksan ko 'yong pinto ay itinapon ko 'yon agad sa kaniya. Mabuti na lang at alam niya na na gano'n ang gagawin ko kaya agad niya 'yong nasalo. Bumalik ako sa higaan at muling pumikit.

"Hindi ka ba papasok?" iminulat ko 'yong mga mata ko at busy na si Kuya Arnold sa pagpulot ng mga unan kong nahulog sa kama. Hehe, pasensya na kung ano kasi 'yong posisyon ko kapag nakatulog ako ay 'yon pa rin ang posisyon ko paggising, 'yong mga unan ko lang talaga 'yong malikot kaya ayan nagkalat sa sahig.

Muli akong nagtalukbong ng kumot nang mapatingin siya sa'kin. "Hindi ako papasok," sabi ko at naramdaman ko naman siyang naupo sa kama.

"At bakit?" tanong na naman nito.

"Basta," sagot ko at hindi ko namalayan na tumulo na naman 'yong bwesit kong luha! Ang OA ko na, sh*t! Kagabi kasi nag message ako kay Marcus sa messenger, pero niseen, wala! On line naman siya. Ininbox zone ako! Nag sorry lang naman ako, eh, pero hindi niya tinanggap! Syempre masakit. Mahal ko 'yong tao, eh, tapos ginagan'to lang ako. Sa'n ba ako nagkulang? Kasi sa pagkakaalam ko height lang naman ang kulang sa'kin. Sh*t naman!

"Huwag ka ngang tamad, Ara, bumangon ka na," bahagya niya pang pinalo 'yong kumot na nakatalukbong sa'kin.

"Ayoko nga!" baka 'pag nakita ko siya bigla na lang akong matumba kaya ayoko munang pumasok, siguro mamayang hapon na lang, gano'n. At least ilang oras kaming 'di magkikita sa isang araw. Baka naman mamaya, eh, naka move on na siya.

"May iniiwasan ka ba?" tanong niya at nanlaki naman 'yong mga mata ko.

Inalis ko 'yong kumot at saka ko siya tinanong ng, "manghuhula ka ba, Bro?"

"I was asking, Ara, then it means I'm not yet sure. Kung manguhuhula ako sana sinabi ko may iniiwasan ka, my statement should end with a period and not with a question mark. Ayan kasi, hindi pumapasok sa eskwela," agad akong napatayo nang sabihin niya 'yan kaya tinaasan niya ako ng kilay. Kalalaking tao gumaganyan.

"Mag-aaral na ako," sabi ko. Kailangan kong mag-aral para hindi niya na ako makorek pa. Palibhasa Valedictorian siya no'ng High School. Eh, ako? Umakyat lang sa stage para kumuha ng diploma. At least, 'di ba may nakuha, tsaka sinabitan naman ako ng mga magulang ko ng binili nilang medals, eh. Lima, best in reklamo, best in pabili nito, best in tinatamad akong pumasok, best in mataray sa school, at best in mapagmahal kay Marcus—yiieee, Araaa! Self-support na lang, gano'n, ayaw nila kay Marcus, eh.

Akmang papasok na ako sa banyo nang muli niya akong tawagin. "Iyong bakla ba ang iniiwasan mo?" tanong niya at saka niya pinasidahan ng tingin ang isang-daang rosas na nasa malaking flower vase.

"H-Hindi, ah," hindi ko alam kung ba't na-awkward ako bigla. Kasi ang panget ni Kuya dahil nakangisi siya? I mean ang panget ng ngisi ni Kuya. Hehe. Mukhang tinutukso niya ako! Sh*t mamon!

"Hindi mo ba alam usap-usapan kayo ngayon sa page ng School sa FaceBook?" hindi pa rin nabubura ang ngisi sa mukha niya, "akala ko ba si Marcus? Bakit parang 'yong mas babae pa sa'yo 'yong gusto mo—aray!" syempre, tinapon ko sa kaniya 'yong tsinelas ko.

"HINDI KO SIYA BET!" asar kong sabi sa kaniya. Naalala ko na naman siya! Yong baklang 'yon ginugulo ang isip ko lalo na pagdating kay Marcus!

"Oh, bakit ka sumisigaw?" natatawa niyang tanong. Isa pa! Isa pa! Itong isang tsinelas ko naman ang lilipad ngayon.

"Nakakainis ka kasi!" parang bata kong sabi kaya mas lalo niya lang akong tinawanan.

"Huwag ka ro'n, Ara, ha. Mas maganda pa 'yon sa'yo, eh," sinamaan ko siya ng tingin, pero kalaunan ako naman ang napangisi.

"Bet mo?" tanong ko kaya agad kumunot 'yong noo niya.

"G*go? Baka mas daks pa 'yon sa'kin," hindi ko mapigilang matawa at miski si Kuya Arnold ay nakangisi na.

"So, nakita mo na?" humirit na naman ako.

"Muntik na," napangiwi ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matatawa ako o mandidiri, eh. "Sabay kaming nagbanyo, eh. No'ng una, sh*t, gulat na gulat ako may babae sa banyo ng mga lalaki. Tapos sh*t ulit, hindi ko mabilang ilang beses akong napamura nang nakangisi niyang itinaas 'yong palda niya. Pero, nakahinga ako nang maluwag ng sinabi niyang 'witchikels na magworry, Byola, may nota rin akembang,' tapos hindi ko na natapos 'yong pag-ihi ko, tumakbo ako agad," hindi ko alam kung matatawa ba ako sa kwento niya o matatawa ako sa paggaya niya sa sinabi ni Charmagne.

"Nantindihan mo ba 'yon?" tanong ko matapos akong matawa with matching maluha-luha pa.

"Kaya nga ako napatakbo, eh, nota lang naintindihan ko. Malay ko ba sa iba niyang sinabi, baka mamaya kung anong ritwal na 'yong sinabi niya," inosenteng sagot nito. Napailing na lang ako, kawawa naman 'tong Brother ko, minsan maturuan nga ng gay language.

"Bro, ang sabi niya, huwag kang mag-alala, gwapo, may nota rin ako," sabi ko at dahan-dahan naman siyang napailing.

"Mga bakla talaga," aniya saka siya tumayo kaya bahagya akong napangiti sa kainosentehan ni Kuya. "Maligo ka na at huwag mong iwasan 'yong baklang 'yon kung may gusto siya sa'yo—"

"BRO!" nakakunot naman 'yong noo niya nang lingunin ako, "nakakadiri ka! Lumayas ka na nga!" asar kong sabi kaya ayon tawang-tawa siyang umalis ng kwarto ko. Napairap na lang ako at saka ako naligo nang pilit at papasok ng eskwelahan nang pilit!

***

"Hoy, ano? Anong nangyari kahapon?" 'yan agad ang bungad sa'kin ni Clara nang magpang-abot kami sa may gate ng University.

"Magbasa ka sa FB page, andoon 'yong buong detalye ng nangyari kahapon," walang ka gana-gana kong sagot kaya ayon ang Loka agad ngang nag FB. Pambihira, masyado na siyang late!

"ARABELLS!!" patakbo akong pinuntahan ni Chandra kaya pakiramdam ko umalog 'yong buong field. Cheka lang! "Okay ka na? Oy, sorry, ha, ang daming namisinterpret 'yong ginawa ni Kuya. Masyado kasi siyang naawa sa'yo dahil sa kwento ko," aniya kaya naningkit agad 'yong mga mata ko. Ito pala 'yong storyteller ng baklang 'yon.

"Sana ininvite mo 'ko no'ng nagkwento ka, eh, 'no? Baka may nakaligtaan ka, natulungan sana kita," nakangiti kong sabi kaya agad siyang nag peace-sign. "Masyado mo 'kong kinawawa sa kwento mo, ha," muli kong usal nang magpatuloy kami sa paglalakad.

"Kawawa ka naman talaga. Lalo na pagdating kay Marcus," aniya. Napangiwi na lang ako agad. Hindi ko alam kung bakit iniisip nilang kawawa ako, where in fact, hindi naman. Honestly, masaya ako sa ginagawa ko kaya ba't nila ako kinaawaan? Tsk!

Pagdating namin sa classroom ay ako agad ang usap-usapan. Mga tsismoso't tsismosa! Kung may sweldo lang 'yan mayayaman na 'to, eh.

"Hoy, Anika!" pinalo ko pa 'yong braso niya kaya ang sama ng tingin niya sa'kin, "peace na tayo," actually, kagabi pa siya galit. Kagabi pa niya ako tinatadtad ng tanong kung ba't trending kaming tatlo. Aniya 'yong lagnat niya sa buong katawan ay umakyat lahat sa ulo niya dahil sa nalaman niya kahapon. Lagi na lang daw akong pinapahiya ni Marcus. Si Marcus na naman, siya na naman 'yong may kasalanan!

"Peace tayo mamaya," usal niya saka niya muling itinuon ang sarili sa kaharap na libro. Ganiyan si Anika, lumiban lang sa klase ng isang araw akala mo behind na behind na sa klase kung makapag-aral. Sigurado ako hindi na namin siya makakausap ng isang buong araw.

Naupo ako sa tabi ni Clara, pero napatayo rin ako agad. "Washroom lang ako, Angels," sabi ko kasi hindi ko na matiis ang mga matang nakatingin sa'kin kaya dapat maganda ako para hindi naman nakakahiya sa kanila na titig nang titig sa'kin. Tss.

"Marcus, my Dear. The truth will set you free," napatigil ako nang marinig ang mahinhing boses ni Charmagne sa hallway papuntang banyo.

"Cut the crap, Charles!" inis na sigaw ni Marcus. Sige, bibiboy, lumaban ka!

"I'm Charmagne, Marcus. Call me by that," sagot naman nito, pero hindi naman nagsalita si Marcus. Pero, sh*t, anong drama ko rito? Wala lang, makikinig lang? Tsk! Hindi ako makapaglakad, may glue yata sa tinatayuan ko 'di ko lang napansin. "I'm telling you, Marcus, give me a week, aamin ka rin kay Ara sa totoo mong kasarian," ayan na naman siya! Hindi pa pala siya nakapag move on sa issue na 'yan!! Kahapon pa 'yan, eh, napanis na. Move on.

"Will you please stop?!" muling sigaw ni Marcus, pero natawa lang si Charmagne.

"Baka nga mahulog ka pa sa'kin," at muli siyang natawa habang ako naman ay gusto ko na siyang sugurin! Nakakadiri! Si Marcus mahuhulog sa kaniya? Sh*t! Nakakaiyak, man!

"Huwag ka nang lumapit sa'kin. Stay away from me and please, huwag mong sirain ang imahe ko," halata namang nakikiusap na si Marcus kaya bahagya akong nalungkot. Ewan, hindi ko alam kung bakit.

"Sagutin mo muna 'yong tanong ko. Bakla ka ba?" akmang susugurin ko na si Charmagne nang magsalita si Marcus.

"Iyan ba talaga 'yong tanong mo? O baka naman gusto mong malaman kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para kay Ara? Hindi ba't 'yan ang rason mo kung ba't mo 'ko ginugulo ngayon?" sunod-sunod niyang tanong at napalunok na lang ako. Kinakabahan ako. Bwesit! "Hindi ko siya gusto," iyan pa lang 'yong sinabi niya gusto ko nang mapaluhod. I've never heard him telling me such words. Ang sakit! "Naiirita ako sa kaniya," sh*t, ayoko naaa! "Aaminin ko akala ko no'ng una magugustuhan ko siya, pero kalaunan I've realized na..." hindi ko na alam kung ano 'yong sinabi niya dahil umalis na 'ko. Alangan namang itorture ko pa 'yong sarili ko, 'di ba? Mahal ko 'yong sarili ko kaya tama na 'yong sakit na nararamdaman ko ngayon.

Tama na.

Ngayon alam ko na...ang tanga ko nga. Buti na lang mga 50 percent lang akong nagpakatanga at hindi umabot ng 100 kasi kapag umabot, edi ang tanga-tanga ko na. Joke! Sh*t, walang kwentang biro! Tanga nga ako. Dahil talaga 'to kay Marcus, eh.

I hate you, Marcus!!

Paano ko ba 'yang harap-harapang sabihin sa kaniya?! Baka kasi matulala na naman ako kapag kaharap siya at iba na naman 'yong masabi ko. Sh*t, tanga nga ako!

"Oh," may pulang-pula na mansanas ang bumulaga sa harapan ko. My favorite! Nagningning tuloy agad ang mga mata ko. Bahagya akong napangiti nang tingnan ko ang taong nagbigay no'n at...saka ako bigla na lang humagulgol, "shuta! Mahal 'yong damit ko, Kilatra!" maarte niyang sabi, pero wala akong pake. Basta umiyak lang ako saka ko naramdaman ang malambot niyang kamay na tinatapik 'yong likuran ko habang patuloy niyang sinasabi na, "may your heart and soul rest in peace."

Gandang comfort! Tsk. Habang umiiyak ay kinakagat ko naman 'yong ibinigay niyang mansanas. Ang sarap pala. Nalalasahan ko rin 'yong luha ko. Charot lang!

Pero, basta! Humanda sa'kin si Marcus, ipapakita ko sa kaniya na kahit hindi niya ako gusto hindi ako susuko—bwesit, syempre joke lang. Ipapakita ko sa kaniya si Ara version 5.0 at sinisigurado kong hahabol-habulin niya ako.

Hoy, sana lang talaga! Humanda!