Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 8 - SSTGB 7 : BISTADO

Chapter 8 - SSTGB 7 : BISTADO

Kanina pa nila ako pinagtitinginan, pero wapakels lang, ang importante ay hindi nila masilayan ang itsura kong parang kinagat ng isang libong bubuyog. Char, sorry na, OA lang.

"So, anong drama mo ngayon?" inangat ko agad iyong paningin ko at si Anika na nakataas na naman ang kilay ang siyang sumalubong sa magaganda kong mga mata, "ba't ka naka-shades?" muli niyang tanong saka siya naupo sa harapan ko. Si Clara naman at Chandra ay nakaupo na rin, pero nasa amin iyong atensyon nila.

"National Shades' Day ngayon, hindi kayo na-inform?" agad namang naningkit ang mga mata ni Anika at ang dalawa ay bahagyang natawa, "may itinatago ako. Okay na?" nanatiling masama ang tingin ni Anika sa akin saka siya napabuntong-hininga.

"Ba't ka umiyak?" tanong niya at agad kong inalis iyong paningin ko sa kaniya. "Si Marcus na naman?" napairap na lang ako nang marinig 'yong pangalan niya.

"Simula ngayon ayoko nang marinig ang pangalang 'yan," seryoso kong sabi at sandali akong nagulat nang sabay silang napasigaw. Shock na shock naman sila. Jusko!

"Naging pink na ba ang black?" tanong pa ni Chandra na nakalagay pa ang isa niyang kamay sa kaniyang noo na animo'y naguguluhan talaga sa sinabi ko. Tss.

"Basta. Ayoko na. Ayoko nang..." napayuko ako at medyo humina talaga iyong boses ko nang ipinagpatuloy ko iyong sinabi ko, "...magpakatanga."

"YES!" sabay na napahiyaw si Clara at Chandra at may kasama pang palakpak. Talagang masaya sila, ha. Pero, heto ako, parang sira, nasasaktan at nalulungkot sa desisyong sinabi ko.

Ginusto kong sabihin iyon, pero ngayon parang gusto kong bawiin, pero ayaw ko rin. Oo na, bwesit, ako nang mahirap intindihin, mas mahirap pa ako sa calculus, sige!

Minsan naiisip ko na lang sana hindi ito iyong katawan ko, sana hindi ito iyong utak at puso na ibinigay sa akin, sana hindi na lang ako si Ara Cee Concepcion kasi ang hirap kong intindihin. Kaya hinihiling ko minsan na sana may taong darating at sasabihin niya sa akin kung gaano ako kaswerte at kung gaano siya kaswerte na ako si Ara Cee Concepion. Sana lang talaga! Amen.

"Mabuti naman at nagising ka na," seryoso pa rin ang boses ni Anika nang sabihin iyan, pero alam kong nagpaparty-party na 'yong mga lamang-loob niya sa sinabi ko. Siya kasi iyong number 1 basher namin ni Marcus kaya alam na.

"Hindi sa ayaw ko 'yong sinabi mo, Arabells, pero bakit biglang nagkagan'to?" kyuryos naman na tanong ni Clara at nagkibit-balikat ako agad kaya nakatanggap ako ng hampas niya level 101. Masarap kasi talagang pagtripan 'tong si Clara, eh, mabilis mapikon.

Ikinwento ko sa kanila iyong nangyari, pero imbis na maawa sila sa akin ay inasar lang nila ako!

"Mamaya niyan 'yong Kuya ko naman 'yong habulin mo, ha," halata talagang tinutukso ako ni Chandra kaya agad ko siyang inirapan. Sana kasi hindi ko na iyon sinabi pa, eh, na napayakap ako sa Juding na 'yon! Tsk!

"Nakakadiri ka!" inis kong singhal, pero tinawanan niya lang ako. "Kahit pumayat ka pa, Chandra, na talaga namang imposibleng mangyari ay hindi ako maghahabol ng bakla o kahit sino mang lalaki, okay? Last na 'to, si Marcus lang ang una at ang huli kong hahabulin tapos..." sandali akong tumigil kaya mas lalo silang nakyuryos sa sasabihin ko.

"Hoy, ano na, Arabells?" medyo asar na sabi ni Clara.

"...ako na ang hahabulin nila," nagulat ako agad nang sabay talaga silang natawa. "Hala, bakit?!" this time, ako na iyong naasar sa reaksyon nila.

"Ikaw, hahabulin? Ngi? Laman ka nga ng hate confession ng mga lalaki sa University, eh. Napakaistrikta mo kasi sa kanila," napatango na lang ako sa sinabi ni Chandra. Totoo naman kasi.

"Bulag pa kasi ako kay Marcus noon, ngayon mulat na mulat na ako! Iyong pati maiiitim niyang lamang-loob ay kitang-kita ko na!!" napatayo pa talaga ako nang sabihin iyan kaya napatingin sa akin ang lahat ng kaklase ko, pero hindi ko na sila pinansin, naupo akong muli. Hindi ko ikakayaman kong kakawayan ko sila. "Simula ngayon, ipinapangako ko, hindi na isang stupid, fool, tanga, idiot, noob si Ara Cee Concepcion!" muli kong usal at ang tatlo ay agad akong tinalikuran. Tss. Akala siguro nila ay nagbibiro ako, pwes, tama sila. Charot! Nagkakamali sila. Bukas ay paniguradong pipilahan ako. Humanda!

CHARMAGNE'S POV

Bakit ba natanggal itong pilokang ito? Fake yata ito, eh, parang si Marcus—ay, oops, sorry! Hihihi.

"Charles—"

"Shuta! Ano ba?!" asar ko talagang tanong kay Marcus. Bigla ba namang tapikin iyong braso ko, eh, kitang busy ako rito! Nahulog tuloy iyong piloka.  Kurutin ko iyang werlog (balls) niya, eh. Kaya lang meron ba? Hahahaha! Mukhang nakatiklop na rin, eh. "Anetch (ano) ba kasi 'yon?" tanong ko habang patuloy kong idinidikit ang lintik na mamahaling pilokang ito na mukhang fake naman. Na-scam yata ako. Sushmita sen (susmaryosep), ang daming manloloko sa earth. Ingat ang all, para iwas crayola khomeni (iyak).

"Anong nangyayari kay Ara?" napatingin ako agad sa kaniya nang itanong niya iyan. Washington (wala) ako knows sa sinasabi niya. Sakto namang lumabas si Ara kasama ang kaniyang best friends at saka napataas ang on fleek kong kilay. Naka-shades ang Kilatra! Hmm, mukhang ipinagaptuloy niya iyong pagdadrama sa bahay nila. 

"Noselift niya ang mga sinabi mo kahapon. Narinig niya, Marcus," literal na bumilog iyong mga mata niya kaya napangiwi na lang ako.

"I-Ibig sabihin...a-alam niya na?" kinakabahan niyang tanong.

"Kiss muna bago sagot," ininguso ko pa 'yong red lips ko, pero umakto lang siyang nasusuka. Siraulo ito, ha. Kung totoong mendiola (lalaki) lang ako mas chopopo (gwapo) pa ako sa kaniya. "Hindi niya alam. Hindi niya narinig 'yong buo mong sinabi kaya mag-party ka na," mukhang nakahinga nang maayos ang feeling otoko. Tss.

"Huwag mong sasabihin sa kaniya, ha?" itinaas ko lang iyong kilay ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Nag-flying kiss ako bigla kaya sinapol niya 'yong noo ko. Shuta, Marimar! It hurts. Ang swerte ng kamay nito. Tss.

"Bakit ba ayaw mong malaman niya? Bad ka, ha," hindi siya kumibo kaya kinuha ko iyong extra kong contact lens at ibinigay ko sa kaniya, "suot mo nang luminaw sa'yo na isa kang manloloko," sumama iyong tingin niya sa akin, pero nanatili akong nakangiti para mas maasar si Marcus. Pero, ang cute ng shuta maasar, ha. No wonder kung bakit nagpapakatanga si Ara sa taong ito.

"Ayokong masaktan si Ara, Charles—"

"Charmagne," pagtatama ko pa. Pang isang libong beses ko na yata siyang tinama sa pagtawag-tawag niya sa akin ng Charles, pero ang tigas pa rin ng nota—este iyong totoong ulo niya pala, ang tigas!!

"Hoy, ha, huwag mong masabi-sabi kay Ara 'yong napag-usapan natin ayoko talaga siyang masaktan," muli niyang usal kaya natripan ko na naman siya.

"Isang gabi muna," pagbibiro ko pa kaya may flying notebook akong nakita buti na lang nasalo ko iyon agad. "Kiss na lang—oh, makapal 'yan," muntik niya nang paliparin iyong dictionary niyang bitbit. Wow, nakaka-amaze ang shuta may pa-dictionary. "Oo na, hindi ko na sasabihin na beki ka rin," tapos tinakpan ko iyong bibig ko nang nakakunot na talaga 'yong noo niya nang lumingon siya sa'kin.

Oo, pamenthol ang loko kaya lang ay hindi narinig ni Ara ang buo niyang sinabi kahapon.

'Aaminin ko akala ko no'ng una magugustuhan ko siya, pero kalaunan I've realized na...lalaki rin pala ang gusto ko. Kaya ako nanliligaw ng mga babae para hindi nila mahalatang bakla ako. Ayokong may makaalam ng totoong ako dahil nahihiya ako...at mas nahihiya ako kay Ara. Ayoko rin siyang masaktan kapag nalaman niya na ang taong matagal niya nang gusto ay bakla pala. Kaya gusto ko na lang 'tong itago. Never ko siyang niligawan kasi ayokong madagdagan 'yong kasalanan ko sa kaniya. Mahalaga sa'kin si Ara dahil kaibigan ko siya.'

Ang tanga talaga ni Marcus. Sushmita sen! Ayaw niya raw saktan ang Kilatra, pero sa ginagawa niyang panghaharot sa ibang babae ay nasasaktan niya na si Ara. Ewan ko ba rito, sa pagkakaalam ko ay matalino naman si Marcus, pero bakit ang bobo niya? Tsk. Pareho talaga silang tanga ni Ara. Okay rin silang i-untog sa isa't isa.

"MARCUS!" sabay kaming napatayo nang dumating si Ara kasama ang mga kaibigan niya na pilit siyang pinapakalma, "totoo ba?" nakita kong napalunok si Marcus at ako naman ay napatingin kay Chandra. Itinaas niya iyong kamay niya at kumaway na animo'y nasa Misa Universe siya.

At shutaaa! Ang sarap tumambling! Cheka lang. Hihihi. Pero, mukhang alam na ng Kilatra ang totoo. Hmm, sinong tsismosa ang nandito? Inikot ko iyong mga mata ko at natanaw ko ang isang ting-ting (payat) na babae na nakangising nakatingin sa amin.

Shuta itong babaeng ito, ha. Nasaktan tuloy ng maaga si Ara. Tsk. Tumulo na iyong luha niya! Mas lalong mamamaga iyang mga mata niya, for sure. Kahit nakashades siya ramdam na ramdam ko iyong sakit na nararamdaman niya sa bawat hikbi niya at ito namang si Marcus ay naistatwa lang.

Haynako, Kilatra, magmamahal na nga lang sa tao pa na pusong mamon (babae) din at mendiola (lalaki) ang bet.