Chereads / She Stole The Gay's Brief / Chapter 6 - SSTGB 5 : PAMENTHOL

Chapter 6 - SSTGB 5 : PAMENTHOL

Loner ako ngayon. Si Chandra, busy sa pag-e-ensayo para sa upcoming Foundation Day ng school gano'n din si Clara. Si Chandra kasi 'yong representative ng Education Department sa drawing contest at si Clara naman sa Miss UJI (University of John Ivory.) Si Anika, ewan. Nakidnap siguro dahil 10 AM na ay wala pa rin siya. Nag-text na rin ako, pero dedma ang Bruha, walang reply.

"Ang ganda talaga ni Charmagne!" napatingin ako agad sa may bintana nang may Junior High sa labas na nagsabi niyan.

"Hoy, may nakita akong picture niya no'ng lalaki pa siya. Grabe ang gwapo!" sabi naman no'ng kasama niyang babae. Kebabata, kehaharot! Charot.

"Sana maging lalaki pa siya, 'no?" sabi no'ng babaeng nagsalita kanina. Pero, sana nga. Kaya lang mukhang wala na talagang pag-asa dahil Grade 6 pa raw ng mag out siya at First year college na siya ngayon. So, 6 years ago na siyang bakla at wala na talagang babae ang nakapagpatayo ng nabali niyang pako.

Lumabas ako ng classroom nang hindi sila magkandahumayaw sa labas. Kaliwa't kanan ang papuring naririnig ko at may iba ring mapanghusga na akala mo perpek sila! Tss. Nakita ko naman si Charmagne na naglalakad papalapit dito sa classroom namin at may lalaki sa likuran niya na may bitbit na napakaraming rosas. Huminto sila sa harap ko at hindi ko talaga maiwasang maguluhan sa nangyayari.

"Kuya Jay," inilahad niya 'yong kamay niya at ibinigay naman no'ng lalaki kay Charmagne ang rosas. Grabe ang dami talaga! "Oh," he—she handed me the roses! Sh*t, totoo ba 'to?

"Hala, anong nangyayari?"

"Ba't may pa-flowers? Anong meron?"

"Baka birthday ni Ara?"

Nilingon ko 'yong nagsabi no'n at saka ko sinabing, "tapos na 'yong birthday ko, April 20. Late ka na masyado. Mag send ka nga ng friend request sa'kin sa Facebook or i-follow mo 'ko sa Twitter at Instagram nang maging updated ka naman tungkol sa'kin," at imbis na sagutin ako ay agad niya 'kong inirapan. Baliw rin. Inaano ko ba siya? Siya na nga 'yong tinutulungan, eh. Tss.

"Kunin mo na," medyo naaasar na si Charmagne habang inaabot 'yon sa'kin at ang isang kamay niya ay kinakalikot ang dulo ng kaniyang mahabang buhok.

"P-Para saan?" hindi ko maiwasang mautal dahil napakarandom naman na bibigyan niya ako ng napakaraming red roses.

"Na-scam ka kahapon kaya givenchy (binibigyan) kita ng sangkatuts (napakarami) na red roses, for free at exclusive only for you," sagot niya, pero nakakunot pa rin 'yong noo ko. Nawiwirdohan pa rin ako. 

"Ayan, bobonicles (bobo), 'di magets," muling usal niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Sa Filipino lang ako Bobita Salonga (bobo), huwag ka," sagot ko naman na agad niyang tinawanan. Sh*t, super hinhin ng tawa niya. Walang'ya!

"Okay, ha. Makinig, Kilatra (Babae). Nakikita ko 'yong sarili ko sa'yo—"

Pinutol ko 'yong sinasabi niya at saka ko siya tinanong ng, "ano ako Juding (Bakla)?" 

"Lucresia Kasilag," inirapan niya pa ako matapos niya 'kong sabihan ng baliw. Tss! Sa 'yon ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya, eh. "Na-scam na rin kasi ako dati. Akala ko gibsyo (ibinigay) sa'kin ang bulaklak galing sa isang otoko (lalaki) 'yon pala ibinibenta niya sa'kin. Kaya noselift (alam) ko naramdaman mo kahapon. Kaya ayan, givenchy kita ng 100 na red roses. Be happy, Kilatra!" nakangiti niya pang sabi kaya 'di ko mapigilang mapangiti rin.

Tinanggap ko 'yon at saka ko siya niyakap. Naramdaman ko pa 'yong paghumpak ng bra niya. Halata talagang walang laman, eh.

"Salamat!" nakangiti kong sabi nang kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. Hindi na rin namin ininda ang mga walang kwentang naririnig namin. Muntanga raw si Charmagne dahil sa ginawa niya. Duh! Naiinggit lang sila, kaya mamatay sila riyan. Charot!

"Best friend ka ni Chandra and therefore, you're my friend. Dapat lagi kang masaya, kayong magkakaibigan," aniya kaya agad akong napatango. Inamoy ko 'yong bitbit kong 100 red roses at grabe, ang bango! Mas mabango pa 'to kaysa sa'kin.

"Ara?" nilingon ko agad si Marcus at kasama niya ngayon si Eunice, magkahawak-kamay na naman sila, "kanino galing 'yan?" tanong pa niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi sa tanong niya. Hindi ko alam kung anong point niya kung bakit niya 'yon tinanong.

"Sa'kin," nakataas pa ang kamay ni Charmagne nang sabihin 'yan. Si Eunice ay bigla na lamang natawa at si Marcus ay nakangisi.  "Hindi kasi ako insensitive gaya mo, pamenthol," agad kong nilingon si Charmagne habang nanlalaki talaga 'yong mga mata ko.

"P-Pamenthol?" tanong ko at agad siyang tumango. "Aning-aning (baliw) ka ba?" tinaasan niya ako ng kilay kaya gano'n din 'yong ginawa ko, "lalaki siya, okay? Huwag kang pa-issue kung ayaw mo ng warla (away)!" inis kong sabi. Pero, mas naiinis ako dahil nagmumukha na rin akong bakla. Tsk!

(Pamenthol - baklang nagpapanggap na lalaki.)

"Hindi ako pa-issue, Ara. Beki ako at alam ko kung sino 'yong mga ka-uri ko, okay?" sagot niya kaya agad kong itinaas ang kamay ko, senyales na tumigil na siya.

Tiningnan ko si Marcus na ngayon ay nakakunot ang noo na nakatingin sa'kin. Si Eunice naman ay mukhang naguguluhan na nandidiri sa narinig niya. "Bakla ka ba?" diretso kong tanong kay Marcus na agad umiling.

"What the hell, Ara? I've been in numerous relationship sa mga babae, tapos bakla ako? Sh*t. Is that how judgemental you are?!" nasaktan ako nang sinigawan niya ako, pero hindi ko siya masisisi dahil mukhang hinusgahan ko talaga siya.

"I-I'm sorry, Marcus," bahagya pa 'kong yumuko, pero mukhang galit siya sa'kin dahil bigla na lang siyang nag-walk out! Huhuhu! Sinaktan ko si Marcus kaya nasasaktan din ako ngayon. Pakiramdam ko durog na durog 'yong puso ko. Seryoso, nasasaktan talaga ako.

Nilingon ko si Charmagne na parang walang pake sa nangyayari saka ko pabagsak na ibinigay sa kaniya ang bulaklak. "For what?" takang tanong niya kaya mas lalong naningkit ang mga mata ko.

"Gusto mo bang masira 'yong imahe ko kay Marcus, ha?!" inis ko talagang tanong, pero natawa lang ang bakla.

"Ara, nagsasabi lang ako ng totoo. Cappuccino (magising ka sa katotohanan)! Noselift ko na ramdam mo ang totoo niyang pagkatao," aniya, pero agad akong umiling.

"Huwag mo na akong kausapin," sabi ko at akmang tatalikuran ko na siya, pero hinila niya 'yong braso ko.

"I'm helping you, Ara. Chandra told me your undying feelings for that Pamenthol. Ayokong matulad ka sa'kin na lolokohin lang ng taong inaakala nating kilala na natin noon pa. I'll show you that Marcus Natividad is not straight, bali rin ang meter stick niya," muli niyang ibinigay sa'kin ang mga rosas saka niya ako tinalikuran at umalis.

Napangiwi naman ako agad. Naunahan akong mag-walk out. Kalokang 'yan!!

Pero, hindi talaga ako naniniwala sa kaniya! Hindi bakla si Marcus. Hindi!! Kapag napatunayan niyang bakla si Marcus baka mag tomboy na rin ako para bagay pa rin kami. Charot lang!

Napakuros tuloy ako ng wala sa oras at napadasal sa lahat ng santo na sana hindi totoo 'yong sinabi ng baklang Charmagne na 'yon. Please lang.