Chereads / Kung Maibabalik ko Lang / Chapter 42 - Ang Mapanginis

Chapter 42 - Ang Mapanginis

Nanggigil sa galit si Enzo. Ngayon lang may nangahas na magsalita sa kanya ng ganito at isang babae pa!

'Para syang tigre, ang tapang nya!'

Saka naman naalala ni Enzo na kanina pa sila naguusap pero hindi nya pa alam ang pangalan ng kausap.

Enzo: "Ehem! Sino ba 'to?"

Issay: "Mahalaga pa ba kung sino ako? Wala naman magbabago sa kalagayan ni Nadine kahit sabihin ko sa'yo kung sino ako!"

Mataray na sagot ni Issay.

'Naman! Nakakainis na sya!'

Ngayon lang sya nakaramdam ng ganitong may nangiinis sa kanya.

'Sinasadya nya talaga na inisin ako! Nakakagigil na sya!'

Enzo: "Kung ayaw mong sabihin ang pangalan mo pwede bang sabihin mo na lang kung nasaang ospital si Nadine?"

Issay: "Pasensya na, pero sabi ng duktor bawal syang ma stress! Kaya hindi ko pwedeng sabihin sa'yo!"

Diretsahang sagot ni Issay.

Enzo: "At anong ibig mong sabihin? Ako ang pinagmumulan ng stress ng anak ko?!"

Singhal ni Enzo.

Issay: "Oo naman! Ikaw .... at ang asawa mo! Lalo na yung bunsong anak mo!"

Walang takot na sagot ni Issay.

Ramdam na nya, napipikon na sa kanya ang kausap kaya lalo nya itong pinipikon.

Kahit man lang sa ganitong paraan maiganti nya si Nadine.

Enzo: "Gusto ko lang naman masiguro ang kalagayan nya!Anak ko sya kaya may karapatan akong malaman yon!"

Issay: "Mr. Belmonte, nasabi ko na kanina pa ang kalagayan ni Nadine.

Sa ngayon me iba pang mga test na pinapagawa sa kanya dahil sa biglang paninikip ng dibdib nya kanina.

Gustong matiyak ng duktor ang lagay ng puso nya dahil emotionally stress ang bata!"

Enzo: "May papupuntahin ako dyan para mabantayan sya!"

Issay: "Mr. Belmonte, kung gusto mong humaba ang buhay ni Nadine na anak mo, pwede bang ilayo mo muna sya sa masasamang nilalang! At kung mahalaga sa inyo si Nadine pwede rin bang wag nyo muna syang istorbohin ng mga ilang araw! Kahit tatlong araw lang!I-a-apdayt ko na lang kayo sa lagay nya!"

Issay: "...At isa pa nga pala!

Wag nyong pagagalitan si Nadine dahilan lang sa nagsasabi ako ng totoo! Hindi kaya ni Nadine na magsalita sa inyo, kaya ako na ang nagkusang gawin ito! Kaya kung meron ka man gustong gantihan ako yun!"

Issay: "Sige na Mr. Belmonte may kailangan pa 'kong gawin!"

At pinatay na nito ang phone.

Walang nagawa si Enzo kung hindi panggigilan ang phone nya.

Gusto pa nyang magsalita pero hindi sya makahirit sa babaeng ito!

Kaya minabuti na lang nyang kumalma at saka nag iwan ng mensahe sa cellphone ng anak.

[Kung sino ka man salamat!

Wag mo sanang kalimutan ang pangako mong i-a-apdayt ako sa lagay ni Nadine

Ikaw ng bahala sa anak ko!]

~Papa ni Nadine

[thumbs up]

~Issay

Nangiti naman si Enzo ng makita ang sagot nito. Hindi man nya kilala ang kausap at may katapangan pa, ramdam naman nya na maganda ang intensyon nito sa anak.

Kaya kahit na naiinis sya sa babaeng ito, mas maiging pagbigyan nya ang kahilingan nito. Kahit na sa kalooban nya isa pa rin syang ama na sobrang nag aalala sa kalagayan ng anak.

Bago sya umuwi tinawagan muna nya ang kasambahay nila sa condo. Gusto nyang malaman ang nangyari ng araw na iyon.

Tinanong din nya ang kasambahay kung anong itsura ni Nadine ng makita nya.

Kasambahay: "Sir, napansin ko po na para po syang namumutla at nanghihina, saka may plaster po ang kaliwang kamay!"

Kay paguwi ni Enzo ng bahay tinanong nya agad ang asawa kung inutusan ba nya si Nadine na asikasuhin ang requirements ni Nicole.

Hindi nya agad ipinaalam sa asawa ang nangyari kay Nadine, gusto muna nyang matiyak kung totoo ang sinabi ng kausap.

"Haaay! Oo Ling! Tinawagan ako ng anak nating si Nicole at nagsumbong sa pagpapabayang ginawa ng ate nya sa kanya! Hindi ko akalaing hindi man lang sya naawa sa kapatid nya yang panganay mo!

Haaay! Kawawang Nicole antay ng antay sa ate nya, umaasa na inaasikaso na nito ang requirements na kailangan nya para maipasa na, pero hindi naman pala ginagawa! Grabe! Hindi man lang sya magbigay ng oras para sa kapatid! Anong klaseng ate yan?! Pinagsarhan pa nya ng pinto ni Nicole!"

Naiinis na sabi ni Nelda sa asawa.

Natigilan si Enzo sa narinig sa asawa. Matagal na bang panahon na ganito nila tinatrato si Nadine pero hindi nya napapansin.

Kungdi nya nakausap ang kaibigan ni Nadine, hindi mabubuksan ang isip nya sa nangyayari.

Akala nya okey lang ang lahat kay Nadine dahil hindi ito nagsasalita. Hindi nya akalain nahihirapan na pala ang bata.

San ba sya nagkamali? Sa pagiging walang malay nya o sa pagkukunsinti sa asawa at bunsong anak nya?

Tinawagan ni Enzo ang bunsong anak na si Nicole.

Enzo: "Diba sinabi ko sa'yo na ikaw ang magasikaso ng requirements sa OJT mo? Bakit pilit mong iniaasa sa ate mo ang paggawa nun?! Ikaw ang pumapasok sa skwela hindi ang ate mo, kaya ikaw ang mag asikaso nyan! Pag nalaman kong pinagawa mo yan sa ate mo pababalikin kita dito sa Zurgau para dito mag OJT! Maliwanag!At mula ngayon, 'wag na 'wag mo ng uutusan ang ate mo sa mga pangagailangan mo! Hindi mo sya utusan! Ate mo sya!

Mas matanda sya sa'yo kaya dapat mo syang respetuhin!

Naiintindihan mo!

Nanggigil nitong sabi sa anak.

Nagtataka naman ang asawa nyang si Nelda kung bakit ito nagagalit kay Nicole.

"Bakit ba? Bakit mo ba pinagagalitan ang bata?! Anong bang ginawa nya?"

Naiinis na tanong ni Nelda sa asawa.

"Dahil matagal ko ng sinabi sa kanya na sya ang magasikaso ng requirements nya pero hindi nya ko sinunod! Papano sa palagay mo matatanggap yang anak mo sa trabaho kung simpleng bagay lang gaya ng pagkumpleto ng requirements iaasa pa nya sa kapatid?"

Singhal ni Enzo

"Pero walang alam si Nicole sa pagaasikaso ng ganyan! Hindi nya alam kung anong gagawin nya! Kaya dapat lang syang tulungan ng kapatid nya!"

Katwiran ni Nelda.

"Anong ibig mong sabihin na wala syang alam e hihingin nya lang sa skuwelahan lahat ng yan? Ano mahirap dun?"

Tanong ni Enzo

"Kahit na! Hindi pa nagagawa ni Nicole yun!"

Sagot ni Nelda

"Alin ang 'di pa nya nagagawa?Kung nagawa nyang mag enrol bakit hindi nya magawang kumuha ng requirements? Napakasimple lang nun!"

Tanong ni Enzo sa asawa.

Hindi sumagot si Nelda. Wala kasing alam si Enzo na sa utos ng ina, si Nadine ang gumagawa ng lahat ng ito para sa kapatid.

Pero hindi mahina ang isip ni Enzo para hindi maintindihan ang pananahimik ng asawa.

Kung ang simpleng requirements hindi alam ni Nicole ang gagawin pano pa kaya ang enrollment?

'Ibig bang sabihin nito, simula pa nuon si Nadine na ang inuutusan nyang magasikaso ng lahat ng ito para kay Nicole?'

Hindi makapaniwala si Enzo.

Ang tagal nang panahon umaayon sya sa gustong gawin ng asawa at bunsong anak.

Ni minsan hindi man lang nya isinalangalang ang damdamin ni Nadine.

Hindi nya matanggap dahil sa kapabayaan nya, isa rin pala sya sa dahilan ng paghihirap ng anak.