KABADONG-KABADO si Lovely at ang mga kaibigan niya dahil ito na ang araw ng kanilang defense para sa thesis. Isa-isa silang nagsalita at nagpaliwanag ng kanilang parte sa thesis. Habang nagsasalita si Lovely ay pinindot niya ang next slide ng presentation at napatigil siya ng lumabas sa projector screen ang isang litratong ginamit sa thesis. Ang litratong iyon ay kuha mula sa camera ni Adam, kuha ng dagat mula sa resort nila. Napatigil si Lovely at bumalik sa alaala niya ang sandaling iyon na kasama ang binata. Namuo ang mga luha sa mata ng dalaga. Hindi na siya nakapagsalita. Nablangko siya, hindi na niya maalala ang susunod na sasabihin. Napatingin siya sa mga kaibigan at sa panel ng mga gurong naroon. Bakas ang pagtataka sa mga mukha nila. Lumapit ang kaibigan sa kanya at tinanong kung anong problema.
"Excuse me po." Sabay bagsak ng luha ni Lovely at tumakbo palabas ng silid na iyon.
"Lovely! Wait! What's that?" pasigaw na tanong ni Evie ng maabutan niya ang kaibigan sa mabilis nitong paglalakad.
Huminto ito at saka humarap sa kaibigan.
"I'm sorry Evie. I thought okay na ako pero nung nakita ko yung picture bigla kong naalala si Adam." lumuluhang paliwanag nito
"Adam na naman! Naalala mo siya pero ikaw ba naalala niya? Huminto na siya kakatawag sayo diba? Kailangan nating bumalik doon dahil kung hindi natin to matatapos ng maayos hindi tayo makakagraduate!" bulyaw ng kaibigan sa kanya
Nang marinig iyon ay biglang pumasok sa isip ni Lovely ang pangako niya sa yumaong ina. Para siyang binuhusan ng tubig at nagising siya. Huminga siya ng malalim at pinunasan ang luha.
"Aayusin ko na Evie."
Tumango lamang ang kaibigan at sabay na silang bumalik sa silid. Nanghingi ng paumanhin ang dalaga sa mga guro at mabuti na lamang ay pinagbigyan siya ng mga ito.
MAAYOS ang pagsasama ni Adam at Sarah ngunit hindi pa rin nawawala sa puso't isip ng binata ang nararamdaman nito para kay Lovely. Isang gabi ay may hinahanap na file si Adam na gagamitin niya para sa presentation niya sa trabaho. Hindi niya ito mahanap sa kanyang laptop kaya nagbakasakali siyang naka-save iyon sa isa sa mga external hard dive niya. Nang buksan niya ang isa sa mga iyon ay parang may kumurot sa puso niya ng makita ang mga litrato nila ni Lovely sa isla.
"Ito yung first time niyang nakita yung ibon na matagal na niyang hinahanap sa isla." Sa isip niya
Isa-isang tinignan ng binata ang mga litratong iyon. Binalikan niyang lahat ng alaala na kasama niya ang dalaga. Hindi niya maipaliwanag kung ano ba talagang nararamdaman niya. Naguguluhan siya. Mahal niya si Lovely pero hindi naman niya maiwan si Sarah. Natatakot siyang baka may kung anong gawin ito sa sarili at hindi iyon kaya ng konsensya niya.
Nang gabing iyon ay mahimbing ang tulog ni Adam. Habang natutulog ay bahagyang napapangiti ito. Napapanaginipan niya ang mga sandaling kasama niya si Lovely sa isla. Hanggang sa ang ngiti ng binata ay napalitan ng mahinang halinghing. Sa panaginip niya ay hinahalikan niya ang malambot na labi ng dalaga, naririnig niya rin ang bawat singhap nito sa tuwing magbibitaw sila ng labi. Ang bawat titig ng mapungay nitong mata sa kanya habang nakangiti.
"Babe! Babe! Wake up! You're having a bad dream! Umuungol ka eh!" alalang wika ni Sarah
Pagmulat ng mata ni Adam ay agad nitong sinunggaban ng halik si Sarah. Nagulat si dalaga sa ginawa ng nobyo. Iyon kasi ang unang beses na si Adam ang unang humalik sa kanya simula noong magkabalikan sila. Sa tuwing may mangyayari sa kanila ay sa kanya pa nanggagaling ang unang pahiwatig. Damang-dama ni Sarah ang bawat diin ng halik ng nobyo sa kanya. Ang bawat hawak nito sa katawan niya ay punong-puno ng pananabik. Marahas nitong hinubaran ang nobya. Nagulat man si Sarah ay nagugustuhan niya ang nangyayari. Ibang-iba si Adam ng gabing iyon. Napapakagat ng labi si Sarah sa bawat pagsulong ng nobyo. Palipat-lipat ang labi nito sa kanyang labi, leeg at tainga. First time na naging ganito kaalab ang kanilang pagtatalik ni Adam. Pakiramdam ni Sarah ay malapit na nilang marating ang sukdulan ng biglang..
"Love…love.." mahinang bigkas ng binata habang nakapikit ang mata
Nanlaki ang mga mata ni Sarah dahil sa narinig. Hindi siya maaaring magkamali. "Love" ang sinabi ni Adam at hindi "babe".
"Iyon siguro ang tawagan nila ng babae niya" sa isip nito
Nawalan ng gana si Sarah ng sandaling iyon. Hindi na siya gumanti sa mga halik ng nobyo sa kanya. Alam niyang hindi siya ang iniisip ng nobyo na katalik. Halos hindi siya makahinga sa sama ng loob. Dali-dali siyang tumakbo sa banyo ng makatapos ang nobyo. Doon na tuluyang bumagsak ang pinipigil niyang luha. Tahimik siyang humihikbi. Hindi niya akalain na ganoon pala kasakit ang mapagtaksilan.
KINABUKASAN ng magising ang dalawa ay binati ni Adam ng isang halik si Sarah. Doon na napagtanto ni Sarah na hindi natatandaan ni Adam ang nangyari ng gabing iyon. Habang nag-aalmusal ay hindi ipinahalata ni Sarah ang kanyang sama ng loob sa nobyo. Gusto niyang makumpirma kung wala nga ba talagang natatandaan ito.
"Babe, ang naughty mo kagabi ha." Biro nito
"What did I do? Did we--?"
Sarah smiled and nodded.
"I thought I was dreaming!" he giggled
Tama nga siya. Hindi siya ang iniisip ng binata na kasiping ng gabing iyon. Masama man ang loob ay ipinagpatuloy pa rin ni Sarah ang pagpapanggap.
"Let's have dinner tonight babe, my treat. Sa favorite restaurant natin." Aya nito
NANG gabing iyon ay maagang sinundo ni Adam si Sarah sa bahay nito. Pagkarating ng dalawa sa restaurant ay didiretso sana si Adam sa palagi nilang pwesto ngunit sinuway siya ng nobya. Ang gusto nito ay mag-dine sila sa table sa may garden ng restaurant. Mas romantic daw ika nito. Agad naman pumayag si Adam sa kagustuhan ni Sarah. Pagkaupo nila ay pinagmasdan nila ang paligid. May mga string lights at talagang maganda ang landscape ng garden. Bumalik sa alaala ni Adam ang ginawa niyang romantic dinner para kay Lovely.
"Ang ganda no?"
"Ha?" tila nabinging tanong ng binata
"I said ang ganda, lumilipad na naman yang isip mo. Work?"
"Yeah, work." Pagsisinungaling nito
Alam ni Sarah na hindi trabaho ang iniisip ng nobyo. Hindi na lamang ito nagpahalata. Habang naghihintay ng order ay naitanong ni Adam sa dalaga bakit doon nito napiling pumwesto sa labas. Alam kasi nitong ayaw ng nobya ang ganoon. Mas gusto nito yung nasa loob ng restaurant at naka-aircon.
"Maiba lang.. and.. I don't want to ruin my memories sa couch na yun."
"Ano namang masisirang memeories? Ikaw talaga." Sabay dumating ang mga pagkaing inorder nila.
Nagpasalin ng wine ang dalaga sa waiter at pinaiwan ang bote na iyon sa mesa. Habang umiinom ng wine si Sarah ay tinititigan niya ang nobyo na inaalis ang carrots sa plate niya. Napapangiti siya sa ginagawang iyon ni Adam. Hanggang sa maubos niya ang laman ng kanyang glass. Akmang magsasalin ang dalaga ay kinuha ni Adam ang bote at siya na ang nagsalin nito.
"You really love this wine."
Tumango lamang si Sarah at nanatiling nakatitig sa nobyo.
"Why are you looking at me like that? Masyado ka yatang nagagwapuhan sakin ah!" biro nito sabay subo ng steak.
"I'll miss this." Mahinang wika ng dalaga sabay inom ng wine
"Ha?" kunot noong tanong ni Adam
"Nothing" tugon nito at ibinaba ang glass of wine at saka nagsimulang kumain
Nanatiling tahimik si Sarah sa dinner na iyon hanggang sa magpahatid ito sa bahay niya. Ilang beses itong tinanong ni Adam kung anong problema ngunit umiiwas lamang ito. Hanggang sa huminto na ang sasakyan sa tapat ng bahay nito.
Humarap si Sarah sa nobyo at tuluyan ng bumagsak ang luha na kanina niya pa pinipigilan.
"Oh! Bakit ka umiiyak?" nag-aalalang tanong nito sa nobya
Hindi agad nakatugon si Sarah. Huminga muna ito ng malalim bago nagsalita.
"Ayoko sanang matapos ang gabing 'to Adam. And I know that once I say what I'm going to say.. there's no taking it back." Gumagaralgal na boses nito
"Anong sinasabi mo?" takang-takang tanong nito
"I need to let you go Adam." Wika nito habang patuloy na lumuluha
Kumunot ang noo ni Adam na tila naghihintay na dagdag explenasyon.
"We both know that this isn't working. Dapat nakinig ako sa'yo nung una palang..pero I don't regret fighting for what we had."
Paliwanag ng dalaga
"I'm sorry.. but I tried." Tugon ni Adam kasabay ng pagbagsak ng kanyang mga luha
"Alam ko.. hindi madali sakin ang pakawalan ka because all I ever do is love you. Kung hindi sana ako nagkamali noon, sana ay ako pa rin ang nasa puso mo hanggang ngayon. Pero ganun talaga.. hindi ko mababago ang tapos na. I'm doing this dahil alam kong wala kang lakas ng loob na iwan ako. I want you to know that you don't have to worry dahil kakayanin ko Adam."
Hindi makapagsalita si Adam dahil sa pag-iyak. Noon ay gustong-gusto niyang makipaghiwalay sa nobya para makasama ang taong mahal niya ngunit hindi pala ito ganoon kadali. Nasasaktan siya dahil alam niyang mawawala na ang taong minahal niya ng matagal na panahon.
Nagpunas ng luha si Sarah.
"You deserve to be happy Adam…and I can't make you happy anymore." Wika nito habang pilit pinipigilan ang muling pag-iyak
"I love you.." lumuluhang pahayag nito sabay halik sa kamay ni Sarah
"I know.. but you love her more.." tugon nito habang humihikbi.
Bumitaw si Sarah sa pagkakahawak ng binata sa kanya. She gently kissed his lips for the last time. Kapwa sila umiiyak dahil sa pagtatapos ng halos apat na taon nilang pagsasama.