Chereads / The Best Chapter / Chapter 18 - Chapter 18

Chapter 18 - Chapter 18

"What's that?" namamaos pang boses ni Lovely ng hindi pa lubusang naimumulat ang mata. Akala niya ay nanaginip siya na nasa isla siya. Nang maidilat ng husto ang mga mata ay napatunayan niyang nasa resort siya dahil sa ayos ng kanyang kwarto. Kahit inaantok pa ay pilit bumangon ang dalaga upang maghilamos. Nagsuot siya ng robe at lumabas ng kanyang kwarto. Hindi humihinto ang tunog na kanyang naririnig. Pamilyar ito sa kanya. Naririnig niya lamang iyon kapag nasa isla siya. Hanggang sa makita niya ang kumpol ng mga tao sa receiving area.

"Anong pinagkakaguluhan ng mga iyon?" sa isip niya

Hinagilap niya ng tingin si Iza. Sumesenyas ito sa kanya na tignan ang pinagkakaguluhan ng ilang guest sa resort doon. Tumayo lamang siya sa gilid at napasandal. Hanggang sa ilang saglit ay nagsi-alis na ang mga ito. Namilog ang kanyang mga mata ng matanaw na isang malaking hawla ng ibon ang inilagay doon. Ang iba't ibang kulay ng ibon ang pumukaw ng atensyon ng dalaga. Dali-dali siyang lumakad papalapit sa cage. Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga iyon. Binilang niya ang mga ito. Labindalawang magagandang ibon. Sa bawat huni ng mga iyon ay pakiramdam niya'y nasa isla siya. Saka niya napansin na kumpleto ang laman ng cage, may kasama na itong mga patay na kahoy na pwedeng dapuan ng mga ibon at may ilang dekorasyon.

"Canary Birds."

Nanlaki ang mga mata niya ng marinig iyon. Kilala niya ang boses, si Adam ang nagsalita sa tabi niya.

"I see, you liked it." Nakangiting puna nito sa dalaga

Nagbago bigla ang reaksyon ng mukha ng dalaga. Ang pagkabighani sa mga ibon ay napalitan ng simangot.

"NO!" malakas na tugon nito sabay talikod sa binata at padabog na pumasok sa kanyang kwarto.

Napangiti lamang si Adam sa kinilos ng dalaga.

"Parang bata." Sa isip niya

Pagharap ni Adam ay nakita niyang sumenyas ng "thumbs up" si Iza.

Maya-maya pa ay dumating na si Rose at agad napansin ang napakalaking bird cage sa receiving area ng resort.

"Wow! Grabe ang ganda!" papuri nito

"Kay Sir Adam galing yan!" ika ni Iza

"Yan pala yung inayos ni Sir kahapon kaya siya umalis. Nakita na ba ni ma'am?"

Tumango lamang si Iza dahil agad nakitang papalapit na ang dalaga sa kanila.

Mula sa front desk ay tanaw na tanaw ang mga ibon na iyon. Hindi maikakailang nagdagdag ito ng kagandahan sa resort.

Kapag walang ginagawa si Lovely ay napapatingin siya sa mga ibon at palihim siyang napapangiti. Hanggang sa hindi na siya makatiis. Lumapit siya dito at naglagay ng bird feeds sa lalagyanan ng pagkain nito. Pinapanuod niya ang mga ito habang tumutuka ng pagkain.

"I knew you'd love them." Puna ni Adam na bigla na namang sumulpot sa likod ng dalaga

Pairap na tumingin si Lovely at saka bumalik sa front desk.

KINABUKASAN ay nagpahatid lamang ng almusal si Adam sa kanyang kwarto dahil mayroon siyang tinatapos na trabaho sa kanyang laptop. Hanggang sa dinig na dinig hanggang kwarto niya ang sigaw ng isang babae. Hindi siya makapag-concentrate sa ginagawa niya dahil maingay ito. Hanggang sa lumabas na siya upang tignan kung ano ang nangyayaring gulo. Nagmadali siyang maglakad ng makitang nakayuko lamang si Lovely habang sinisigawan ng nagrereklamong medyo may edad ng babae.

"Hi! Good morning ma'am!" medyo naghahabol pa ng hiningang bati nito

"Hindi good ang morning!" masungit na tugon nito

Agad ngumiti si Adam ng marinig iyon. Alam na niya ang dapat gawin sa ganitong sitwasyon. Sumulyap siya kay Lovely at tumango.

"May I know po anong problema Miss---?"

"MISS Esquivel." Pagdiin nito

"Miss Esquivel, I'm Adam, the manager of this resort, and--- Miss Lovely here is THE owner." Pagpapakilala ni Adam sa babae

"Ano po bang problema Miss Esquivel? I'm sure maaayos po natin yan." Usisa ni Adam na may lambing sa tinig nito

Napahinga ng maluwag si Lovely ng maaninag na mukhang kumalma ang kanina'y galit na galit na guest.

"Okay. Ito ang problema, nagpareserve ako ng two rooms para sa overnight stay dito sa resort niyo AT event. MALINAW ang sinabi kong date na April 18! NOT May!" gigil na pagkukuwento ng babae

"Ahh nagkaroon po ng pagkakamali sa month. Magagawa pa rin po namin yan ma'am! We still have two days before the event. We can do that!" paninigurado nito sa babae.

Pinanlakihan ng mata ni Lovely si Adam ng marinig ang pinangakong iyon. Alam niya kasing hindi nila magagawa iyon.

"Are you sure you can do that? Have you seen the number of guests for my mom's 80th birthday? Baka nabibigla ka?" pangmamaliiit na tanong ng babae

"We've handled hundreds of guests before, I'm sure we can handle that. Rest assured Miss Esquivel, your mom's 80th birthday will be perfect! Pwede na ho kayong magrelax-relax, kami na hong bahala sa lahat." Adam said confidently.

Humalukipkip ito pagkaharap kay Lovely.

"Pasalamat ka magaling ang manager mo kung hindi, naku!" may gigil na pagkakasabi nito sabay alis ng resort.

Pagkaalis ng babae ay bahagyang kinurot ni Lovely sa tagiliran si Adam kaya napatawa ito.

"Anong ipinangako mo doon? Hindi namin kakayanin yung event na yun ng two days!" naiinis na sabi nito

"Kaya yan! I'm here! Tutulungan ko kayo." Nakangising tugon ni Adam sabay kumindat ito.

"Ayan yung requests para sa event!" malakas ang pagkakabigay nito ng papel sa binata na tumama sa dibdib nito.

"Ouch!" bulalas nito sabay tingin sa papel. Nanlaki ang mata nito at napahinga ng malalim. "This is going to be a long day!" nabiglang wika nito.

Mahinang binangga niya si Lovely sa braso.

"We'll be working together my Love." Tila nang-aasar ang pagkakasabi nito.

"Anong gagawin natin ngayon dyan?!" naiinis na tanong nito sa binata.

"Samahan mo muna ako maglunch mamaya bago natin 'to gawin." Aya nito

"Urgh! Okay!" sabay talikod nito sa binata

Nagpahanda ng pananghalian si Adam sa cottage para sa kanilang dalawa ni Lovely. Sa mesa ay naroon din ang laptop, cellphone at mga papel na gagamitin para sa event na iaayos nila. Dahil alam ni Adam na importante ito kay Lovely ay buong puso niya itong tutulungan. Ang buong akala ni Lovely ay mangungulit lamang ang binata sa kanya at ginagamit lamang ang pagkakataong iyon para mapalapit sa kanya.

Matapos mananghalian ay sinimulan na ang pagpaplano ng event. Doon na nakita ni Lovely ang husay ni Adam sa pag-iisip, pagpaplano at paggawa ng paraan. Si Adam ang abalang naghahanap sa internet ng pwedeng suppliers at si Lovely naman ang kumakausap sa mga ito sa telepono. Hindi nila namamalayan na maayos na ang trato niya sa binata. Dahan-dahang gumagaan ang loob niya rito at nawawala ang inis sa tuwing kakausapin niya ito.

"Ayan! Kumpleto na! Iseset-up na lang lahat yan bukas!" bulalas ni Adam sabay unat ng magkabilang kamay sa taas ng ulo.

Napangiti sa kanya ang dalaga. Iyon ang unang beses na ngumiti ito sa kanya. Nailang ito bigla ng makitang napansin ito ng binata kaya nagpaalam agad na magpahinga.