MADALING ARAW pa lamang ay bumangon na si Lovely upang makapag-handa para sa mahabang araw na iyon. Nagdadalawang-isip ito kung ipagpapatuloy niya ang pagkatok sa pintuan ng kwarto ni Adam. Siguro'y may tatlong minuto na siyang nakatayo doon. Naisipan niyang ayain sanang mag-almusal ito kaya lang ay nahihiya siya dahil baka natutulog pa ang binata. Hindi na niya itinuloy ang pagkatok at nagmamadaling dumiretso sa kusina ng resort. Laking gulat niya ng makita ang binata na nagkakape na at kakwentuhan si nanay Tessie.
"Oh! Ang aga mo anak." Bati ng matanda
"Good morning ho 'nay"
Umupo sa tabi ng matanda si Lovely. Nginitian siya ng binata. Halatang bagong gising ito dahil medyo magulo pa ang buhok.
"Ang aga mo dito ah!" puna nito sa binata habang nagtatanggal ng balat ng suman
"Naisip ko kasing maaga tayo magset up para hindi gahulin sa oras."
"Oo, alas kwatro kasi magsisimula yung event. Siguro alas tres niyan magsisidating na yung mga guest." Sabay alok ng suman sa binata. Napapangiti naman ang matanda sa tabi nila habang pinagmamasdan sila.
Mabilis na tinapos ng dalawa ang pagkain at sabay na umalis. Habang naglalakad ay pumukaw ng atensyon ng binata ang unti-unting pagsilip ng araw. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga upang huminto saglit.
They both stood there in great awe.
"God's work is truly amazing." He murmured.
Ilang saglit din nilang pinagmasdan iyon hanggang sa magpatuloy na silang pumunta sa event hall.
Mula sa stockroom ay binuhat ni Adam ang malalaking boxes na ipangdedekorasyon nila sa mababa ngunit malawak na stage na naroon. Nakaalalay ang binata sa hagdan na tinutungtungan ni Lovely. Siya ang nag-aabot ng mga pangdekorasyong bulaklak dito. Hindi maiiwasang mapatingin ang binata sa maputing binti ng dalaga na isang pulgada lamang ang layo sa mukha niya. Napapangiti ito sa tuwing iaangat ng dalaga ang braso, natatanaw niya kasi ang maputi nitong kili-kili.
"Hoy! Anong tinitingin-tingin mo ha? Naninilip ka ha!" sita nito sa binata.
Natawa lamang si Adam bago nakapagsalita. " Baskil ka kasi!" sabay tawa muli nito na medyo napalakas.
Agad tumingin sa kilikili ang dalaga. Tama naman si Adam. Basa nga ang kili-kili niya.
"Hindi kasi ako nagdedeodorant! Hindi naman mabaho yan no!" katwiran nito
"Ang aga niyo mag-away ah!" puna ni nanay Tessie habang may bitbit na baso at kasama nito si Alvin na siyang nagdala ng pitsel ng tubig.
"The more you hate, the more you love." Panunukso ni Alvin
Pinapasok na ni nanay Tessie ang mga taong tutulong sa pag-aayos ng event hall..
"Sino yang mga yan?" kunot noong tanong nito kay Adam.
"Mga tutulong satin yan sa pag-aayos para mapabilis tayo."
"Ahh.. okay." Habang bumababa ng hagdan
"Wag kang mag-alala, sagot ko yan!" nakangising wika nito sabay mahinang tabig sa braso ng dalaga
Uminom lang saglit si Adam ng malamig na tubig at lumapit na ito sa mga lalaking nagsisipagbuhat ng mga upuan. Itinuturo nito kung saan iyon ilalagay. Pati ang mga gagamiting speakers at ilang bulaklak. Nakaupo at pinagmamasdan lamang ni Lovely at nanay Tessie ang binata.
"Mukhang sanay na sanay magmando sa mga tao ano?" bulong ng matanda kay Lovely
"Ganyan din siya sa mga tauhan niya noong nakita ko siya nagshoot dito sa resort." Tugon ng dalaga
Tumayo na ang dalaga upang tumulong sa paglalagay ng seat at table covers. Siya din ang naglagay ng mga centerpiece sa bawat table.
Pawis na pawis at nakatayo ang dalawa habang pinagmamasdan ang ginawa nilang dekorasyon sa event hall. Nagkatinginan sila at biglang nag-apir.
"Ang ganda ganda!!!" tili ni Rose pagkapasok sa event hall
"Sulit ang pagod di ba?" nakangiting tanong nito sa binata
"Hindi naman ako napagod. Sisiw.." pagyayabang ni Adam
"Anong hindi pagod eh ayan oh! Pawis na pawis ka!" sabay punas nito sa noo ng binata ng hawak niyang bimpo. Nabigla si Adam at Rose sa ginawa ni Lovely. Napaurong ito at nahiya.
"Maliligo na nga ako! Kayo ng bahala diyan." Pag-iwas ng dalaga
Nag-ayos si Lovely at isinuot ang kulay peach niyang bistida. Hanggang tuhod iyon at sumasabay sa hangin ang lambot ng tela.
"Ang ganda niyo po ma'am" papuri ni Rose pagkalapit ng amo sa front desk
"Siyempre kailangan presentable kasi maraming guest na babatiin mamaya."
"Ahh.. akala ko po para kay Sir Adam." Sabay tingin ni Rose sa may likuran ng dalaga. Agad namang napalingon si Lovely kung saan nakatingin si Rose. Nakita niyang papalapit sa kanya ang binata. Lumakas ang tibok ng puso niya ng magtama ang mga mata nila. Pormal ang suot nitong dark blue polo na nakatupi ang manggas, naka-black pants at leather shoes.
"Ang pormal mo naman!" puna ni Lovely sa suot nito
"Syempre manager ako dito remember?" nakangiting tugon nito sa kanya
"Mr. Adam!" malakas na tinig mula sa receiving area
"Si Miss Esquivel." Mahinang sabi nito sabay ayos ng tindig at sinalubong ang babae
"Good afternoon po." Bati ng dalawa
"Everything's good?"
"Everything's perfect ma'am"
"oohhh. I like that! Let me see."
"Right this way po." Tinuro ni Adam ang daan at sinabayan ito sa pagalakad na medyo nauuna siya ng kaunti. Si Lovely naman ay nasa likod lamang ng dalawa.
Nagpawala ng isang malakas na "It's perfect!" ang babae the moment na mabuksan ang pintuan ng event hall.
Mangiyak-ngiyak pa ito habang inililibot ang mata sa paligid.
"You really did a good job!" papuri nito
"Ma'am, it's Lovely who planned and decorated the event hall herself."
"Oh my gosh! Really?" sabay beso nito sa dalaga. Halatang naiilang ang dalaga habang binebeso siya nito. Pilit na ngiti ang nasa labi niya dahilan ng pigil na tawa ng binata.
"Thank you iha, and I'm sorry din about last time, naiistress na kasi ako nung time na yun eh."
"No problem po. We're glad na nagustuhan niyo po."
"Hindi ko siya nagustuhan! I love it! Mom will be so happy to see this!"
Magkasamang sinalubong ni Adam at Lovely ang mga bisita na dumarating. Palagi silang napapagkamalang magkasintahan kaya lalong napapangiti si Adam sa mga pagpunang iyon. Buong program ng event ay nakatayo doon ang dalawa upang siguruhin na maayos ang lahat. Hanggang sa isa-isa ng nagbigay ng mensahe ang mga anak ng may kaarawan. Habang tahimik na nakikinig si Adam sa madamdaming mensahe ng mga ito ay nakarinig siya ng pigil na paghikbi mula sa katabi. Napalingon siya at nakitang lumuluha si Lovely. Agad niyang inabutan ng panyo ito ngunit hindi nito tinanggap. Bagkus ay nagmamadali itong lumabas ng event hall at agad sinundan ni Adam. Sa isang sulok malapit sa malaking puno niya nakita ang dalaga. Adam saw Lovely in her most vulnerable state. Bakas sa bawat hikbi nito ang sakit na nararamdaman.
"A-Are you okay Lovely?" nag-aalalang tanong nito
Humarap ang dalaga sa kanya, patuloy ang agos ng mga luha nito. Pagtitig ni Adam sa mga mata nito ay nakaramdam siya ng matinding awa. Walang ano-ano'y hinawakan niya ito palapit sa kanya upang yakapin. Hindi naman ito tumanggi. Yumakap din nito pabalik at umiyak sa kanyang dibdib. Hinaplos ni Adam ang buhok nito at likod upang kumalma.
Sa bawat hikbi ng dalaga ay parang karayom na tumutusok sa kanyang puso. Hinayaan niya lamang ito sa ganoong posisyon. Tahimik siyang naghintay na maibuhos lahat ng dalaga ang lahat ng sakit na nararamdaman. Hanggang sa nakaramdam siya ng pag-alis ng kamay nito mula sa pagkakayakap sa kanya.
Nakayuko itong umurong ng bahagya.
"Okay ka na Lovely?" malambing na tanong ni Adam
"I-I'm sorry.. masyado akong naging emotional dun sa—"
"It's okay. I understand. Care to tell me why?"
"Namiss ko ng sobra si mama.. I just wish na sana umabot din siya ng ganyang birthday. Kayang-kaya ko na siyang bigyan ng sobrang gandang birthday kagaya nito." Lumuluhang pahayag nito
"You know what, It's not about how grand or how many birthday celebrations she could've had. I'm sure being with you and your father made her the happiest birthday girl ever lived. Yun na lang ang isipin mo."
Napangiti si Lovely kahit may mga luha pa ang kanyang mga mata.
"I'm sure patapos na ang party. Baka kailanganin tayo sa loob." Aya nito habang pinupunasan ang mga luha sa pisngi ng dalaga.
MATAPOS ang party ay isa-isang naglabasan ang mga bisita at panay ang papuri ng mga ito sa magandang set-up ng lugar at masasarap na inihaing pagkain.
Lumabas si Miss Esquivel na siyang nagtutulak ng wheelchair ng ina na nagcelebrate ng kaarawan doon.
"Mom would like to say something to you guys.. go ahead ma."
"Maraming salamat iha, iho.. napakaganda ng ginawa ninyo. Kung aabot pa ako sa 90 o 100 ay dito ulit ako magbibirthday." Nakangiting wika ng matanda bakas ang panghihina sa boses nito. Ngumiti at nagpasalamat naman ang dalawa sa papuri ng may kaarawan.
"You guys exceeded my expectations. I'll definitely recommend your resort to my friends." Ika ni Miss Esquivel
Pagkatalikod ng bisita ay nagkatinginan ang dalawa.
"I couldn't have done it without you Adam, thanks." Nakangitiing pasasalamat ni Lovely sa binata sabay talikod nito upang i-guide ang bisita patungong kwarto ng mga ito.
Sa puntong iyon ay halos umabot sa panga ang pagkakangiti ni Adam. Pakiramdam niya'y konti na lamang at magkaka-ayos na sila ng dalaga.