NAGKAKASAYAHAN ang mga tauhan ni Lovely ng gabing iyon. Gumawa sila ng bonfire at pinalibutan ito ng patay na kahoy na pwedeng upuan. Sagot ni Adam ang alak at pagkaing nakahain. Dahil sa wala namang bisitang may kailangan sa kanila ay sumali si Iza at Lovely sa mga ito. Naupo ang dalaga sa tabi ni nanay Tessie at agad siyang inabutan ni Alvin ng bote ng beer. Walang arte-arte naman niyang tinungga iyon. Lahat sila ay natatawa habang nanunuod sa pagsasayaw ni Mang Teban, Ador at Adam. Binigyan siya ng inihaw na hotdog ni nanay Tessie at bahagya siyang tinabig nito sa braso.
"Hanggang ngiti-ngiti na lang ba talaga?" panunuksong tanong nito sa dalaga
"Ang alin 'nay?" maang-maangan nito sagot
"Naku Lovely. Tanda ko ng ito, hindi mo maikakaila sakin yang pagtingin mo kay Adam."
"Wala 'nay!" pagsisinungaling nito
"Ano ba kasing pumipigil sa'yong mahalin ulit si Adam?" usisa nito
Hindi kumikibo si Lovely sa tanong ng matanda.
"Natatakot ka?"
Marahang tumango ang dalaga
"Hindi ka magiging masaya kung paiiralin mo yang takot mo. Ganoon talaga kapag nagmamahal. Kasama talaga yung saya, takot, sakit. Walang kasiguruhan talaga." Payo ng matanda
Pilit na ngiti lang ang itinugon ni Lovely bago uminom ng beer.
Hanggang sa biglang hatakin ni Mang Teban ang kamay ni nanay Tessie at inaya itong sumayaw. Parang batang humahagikgik ito sa pagsasayaw kasama ang asawa. Ang katabi naman niyang si Iza ay tumayo na rin upang makipagsayawan. Si Lovely ay tatawa-tawa lamang habang nakaupo doon.
"Wag kang KJ, halika na sumayaw ka rin! Tignan mo si nanay oh!" makulit na pag-aya ni Adam kay Lovely habang hinahatak ito patayo sa kinauupuan. Dahil sa kantyawan ay napapayag siya nito. Sa gitna ng mga kalokohang pagsayaw ay biglang pinalitan ni Ador ng isang lovesong ang pinapatugtog. Nang marinig iyon ay agad niyakap ni Mang Teban si nanay Tessie at ninakawan ito ng halik sa labi.
"Parang teenager lang 'nay?!"kantyaw ni Iza ng humiyaw ang matanda sa kilig
Hinawakan bigla ni Adam ang kamay ni Lovely ng akma na itong aalis pabalik sa pag-upo sa may bonfire.
"Can I have this dance?" He asked wearing his charming smile
Mabilis na kinabig ni Adam ang beywang ng dalaga ng ngumiti ito. Ipinuwesto ni Adam ang mga kamay nito sa kanyang magkabilang balikat. Inilagay naman ni Adam ang kanyang dalawang kamay sa beywang nito.
"Lovely.."
"Uhmm?" nakataas ang dalawang kilay na tila nagtatanong
"I just want you to know that… You are the best chapter of my life." He whispered gently to her ear.
A soft smile curved in her lips.
In that moment Lovely knew she had a change of heart. Hindi nila namalayan na silang dalawa na lamang nagsasayaw doon, magkayakap. Ang mga kasama nila ay namimilog ang mga mata habang pinapanuod sila. Pinipigilan ang kanilang kilig. Hanggang sa huminto na ang kanta. Pagkalas ni Lovely sa bisig ng binata ay doon na humiyaw at nagpalakpakan pa ang mga kasama nila. Nahihiya man ay dinaan na lamang ng dalawa sa ngiti. It was a perfect way to end the night.
NAPASARAP ang tulog ni Lovely at medyo tinanghali na siya ng gising. Hindi maalis ang ngiti nito sa kanyang labi sa tuwing maiisip niya ang binata.
"Good morning!" magandang bati nito kay Rose
"Ang ganda ng gising niyo ma'am ah! Naikwento sakin ni Iza na nagkasayahan pala kagabi. Sayang nakauwi na ako nun!"
"Oo nga sayang, wag ka mag-alala next time pag may ganun sasabihan agad kita." Tugon ni Lovely
ILANG MINUTO pa lamang ang nakakalipas, habang pinapakain ni Lovely ang mga ibon ay nakarinig sila ni Rose ng sigawan ng mga tao. Natanaw agad ni Lovely si Alvin at Mang Teban na humahangos habang may bitbit itong mukhang mabigat. Hanggang sa ilang tauhan niya ang tumulong sa pag-alalay dito. Habang papalapit ang mga ito ay kinabahan si Lovely. Malakas ang sigaw ni Mang Teban. "Emergency!" paulit-ulit na sigaw nito habang natataranta
"Mang Teban ano hong nangyari?" bakas sa pagtatanong ni Rose ang takot ng makalapit ito
Hindi pa man nakakalapit ng husto sila Mang Teban ay nanlamig na ang buong katawan ni Lovely sa nakita. Walang hinto ang pagtulo ng dugo mula sa ulo ng lalaki.
"Mang Teban dito ho! Isakay na sa sasakyan para madala sa ospital!" sigaw ni Rose habang tinuturo ang puting sasakyan ng resort
Hindi maigalaw ni Lovely ang kanyang katawan ng dumaan sa harap niya si Mang Teban at mahagip ng mata niya ang lalaking duguan.
"A-Adam.." nauutal na banggit nito
"Ma'am! Ma'am! Tara na ho sumama kayo sa ospital!" aya ni Mang Teban
Hinatak ni Rose ang braso ng amo. "Ma'am tara na ho!"
Halos paliparin ni Alvin ang sasakyan papunta sa pinakamalapit na ospital. Kinuha ni Rose ang kamay ni Lovely at inilagay ang bimpo sa kamay nito at inilapat ito sa ulo ng binata.
"Ma'am takpan niyo po yung sugat ni Sir!"
"Ha?"
"Ma'am!!!"
Sa malakas na sigaw ni Rose tuluyang natauhan si Lovely. Bumalik na kulay sa mukha nito na kanina'y putlang putla.
"M-Mang Teban ano hong nangyari kay Adam?!" nag-aalalang tanong nito habang mangiyak-ngiyak
"Nagkamali ho ng tapak si Sir kanina, mataas ho ang binagsakan at tumama ang ulo sa batuhan."
"Saan ba siya tumapak?"
"Magki-cliff diving ulit si Sir, sabi nga namin huwag na dahil basa na siya baka madisgrasya siya eh. Makulit ho eh, gusto talagang gayahin yung pagtalon niyo noon, ipapakita niya daw po kasi sa inyo." Pagkukwento ng matanda
Tuluyang ng tumulo ang luha ng dalaga ng titigang mabuti ang mukha ng binata. Maraming sugat ito sa kabilang mukha at ilang parte ng katawan. Pinaghalong awa at takot ang nararamdaman niya ng sandaling iyon.
"Ah.. ma'am.. kinuha ho ni Sir kanina 'to nung sumisid siya." Wika ni Mang Teban sabay abot ng isang magandang seashell sa dalaga
Napahagulgol ang dalaga ng mahawakan ang seashell na iyon. Ang huling alaala niya sa seashell ay ang yumao niyang ina at ngayon naman ay si Adam. Kumirot ng husto ang puso niya.
"Kinuha niyo na po ang mama ko… please.. please.. not Adam. Please God. Please." Pagdadasal nito
Ipinasok agad sa emergency room ang binata at naiwan na sila sa labas. Kinailangan din agad maoperahan si Adam dahil sa tinamong injury nito sa ulo. Hindi malaman ni Lovely ang gagawin ng sandaling iyon. Palakad-lakad siyang naghihintay sa labas ng operating room. Hanggang sa lumabas ang doktor upang i-update siya sa sitwasyon ng binata.
"Iniwan mo na ako noon, wag mo na akong iwan ngayon please..I love you Adam.. so much.. Go back to me please.." humahagulgol na pagsasalita nito
NAGISING na humihikbi si Lovely. Hindi pa man niya lubusang naimumulat ang mata ay agad niyang hinawakan ang pisngi. Basa ito ng luha. Agad siyang umupo mula sa pagkakahiga. Napakahawak siya sa kanyang dibdib. Napakabigat ng kanyang pakiramdam. Hindi niya mailarawan ang sakit.
Inikot niya ang tingin sa paligid. Napakunot siya ng noo ng makita ang mga nakaframe na koleksyon niya ng seashells sa dingding. Naagaw ng pumapagaspas na putting kurtina ang kanyang atensyon. Hinahangin iyon. Bahagya niyang natanaw ang dagat. Doon na niya napagtantong nasa cabin siya. Ngunit nag-iba na ito. Mas malawak at mas maganda kaysa dati.
"Good morning." masiglang bati ng lalaki.
Binaling niya ang tingin sa may pintuan kung saan galing ang boses.
Napaiyak siyang muli. Agad lumapit ang lalaki at naupo sa tabi niya. Pinunasan ng lalaki ang mga luha sa kanyang pisngi. Napadukdok siya sa dibdib nito.
"Napaginipan mo ulit?"
Humarap si Lovely. Tumango ito ng marahan.
"Yung araw na yun.. I thought I lost you Adam."
"That was three years ago love."
Hanggang sa may matinis na tinig silang narinig.
"Mom.. mmy" sigaw ng halos dalawang taong batang babae.
Tumakbo ito at humahagikgik na tumalon sa kama niya.
Her daughter giggled as she hugged and kissed her.
"This is our forever Love. Hindi tayo magkakahiwalay kahit kailan. I will always find courage to be with you dahil ikaw.. kayo ni Celine ang buhay ko." Seryosong sambit ng asawa.
Agad inabot ni Lovely ang labi ng asawa at matunog na hinalikan ito.
-WAKAS-