Chereads / The Best Chapter / Chapter 17 - Chapter 17

Chapter 17 - Chapter 17

Gabing-gabi na ng makarating si Adam sa resort. Nagulat si Iza ng makita ito. Kung dati'y nakangiti itong bumabati sa binata ay nagbago ang pakitungo nito.

"Hi Iza! Magcheck-in ako." Nakangiting bati ni Adam

"Okay Sir. Paki-fill up-an na lang ho ito." Nakasimangot na tugon nito

Nanibago si Adam sa malamig na pakitungo sa kanya ni Iza. Ngunit hindi na lamang niya ito masyadong pinansin. Inilapag niya ang malaking bag at saka sinimulang magsulat sa form. Matapos ay agad itong inabot sa dalaga.

"Sir, wala na naman hong check-out date?" may bahid ng inis ang tanong nito

"Ah oo. Hindi ko pa alam kelan ako aalis."tugon ni Adam

"Naku Sir, baka mawala ka na naman na parang bula ah!" pa-irap na sabi nito

"Hindi naman. Gusto ko lang magka-ayos kami ni Lovely.. Nandiyan ba siya?"

"Late na ho Sir, magpahinga na ho kayo." Pag-iwas nito sa tanong ni Adam sabay abot ng susi ng magiging kwarto nito

Sinadya ni Iza na sa kabilang dulo ng resort ang kwartong ibigay kay Adam upang maiwasan ang magkasalubong sila ng amo nito. Masama kasi ang loob nilang lahat sa ginawa ng binata sa kanilang amo.

Kinaumagahan ay agad ikinwento ni Iza kay Rose na nariyan ang binatang nanakit kay Lovely. Umasim din ang mukha ni Rose at napansin iyon ni Nanay Tessie na napadaan.

"Kay aga-aga nakasimangot kayo? Nag-aaway ba kayo?"

"Hindi ho 'nay!"

"Nagcheck-in ho si Sir Adam kagabi, nilagay ko ho doon sa dulong kwarto malayo kay ma'am."

"Alam na ba ni Lovely ito?"

"Hindi pa ho, wala pa po kasi si Ma'am, nasa kwarto niya pa po."

"Sabihin mo agad dahil baka mabigla iyon pag nakasalubong niya si Adam."

"Naku! kung hindi nga lang bawal ay hindi ko tatanggapin yun dito."

"Sino? Sinong hindi tatanggapin?" usisa ni Lovely na nasa kanilang likuran

"Oh siya, maiwan ko na kayo diyan at magluluto na ako." Paalam ni nanay Tessie matapos magmano ni Lovely.

Hindi pa man nakakaupo si Lovely ay agad inabot ni Iza ang form ng binata. Nanlaki ang mata ni Lovely ng mabasa ang pangalan ni Adam sa form. Namula agad ng mukha nito at sa itsura pa lamang ay mukhang sasabog anumang oras.

She stride towards Adam's room.

Malalakas na katok ang ginawa ni Lovely sa pinto ng binata. Medyo matagal bago ito nagbukas.

"What are you doing here?! You need to leave now!" sigaw nito

Tila nagpantig ang tenga ni Adam sa lakas ng boses ni Lovely.

He looked at her and smirked.

"Good morning Love. You can't force me to leave. Customer ako dito."

Hindi agad nakasagot si Lovely dahil nasa tama ang binata. Saka lamang napansin ni Lovely na basang-basa ang binata at nakatapis lamang ng puting twalya. Nadaanan niya ng tingin ang katawan nito at saka binawi ang tingin ng nagsalitang muli ang binata.

"Is that all? Pwede ko na bang ipagpatuloy ang paliligo ko?" wika ni Adam na tila nang-aakit

She rolled her eyes and went bavk to her desk furiously.

TATLONG ARAW ng walang patid na panunuyo ang ginagawa ng binata kay Lovely. Dinadalhan niya ng pagkain ang dalaga sa front desk at tuwing umaga ay may pumpon ng bulaklak na sasalubong sa kanya. Hindi man iyon hinahawakan ni Lovely ay patago itong napapangiti na napapansin ni Rose at Iza.

Isang gabi ay tinawag siya ng tauhan upang pumunta sa event hall. Pagpasok ni Lovely ay nagulat siya sa romantikong set up ng lugar. Then, she saw Adam. He looks dashing wearing his perfectly fit maroon polo. His smile gives warmth to Lovely's cold heart. There's something in him that any woman can't resist.

"What's this?" may bahid ng inis ang kanyang pagtatanong

"Let's have dinner. That's all." Mabilis na tugon ni Adam

"Have a seat." Dugtong nito sabay ayos ng uupuan ng dalaga

"No." matigas na pagtanggi ng dalaga

"Love, can we talk about.."

"Don't.. call me that." Madiin nitong pagkakasabi

Adam quietly sighed. Sumama ang loob niya sa trato ng dalaga sa kanya, ngunit hindi siya nawawalan ng pag-asa. Hinawakan niya ang braso ng dalaga. Parang may kuryenteng dumaloy sa balat ni Lovely at pumiglas agad ito.

"I just want to talk Lovely." Pakiusap nito habang namimilog ang mga mapupungay na mata

"Wala na tayong pag-uusapan pa Adam. Bakit sa tingin mo ba ganun lang kadali yon? You will show up here with your fancy gestures tapos magiging okay na ang lahat?!" she chided

"Gusto kong magka-ayos na tayo. Please. Give me another chance.." namumuo na ang mga luha nito sa mga mata

Umiling-iling si Lovely pagkarinig ng pakiusap na iyon ng binata. Tumalikod na ito at umalis. Nanlulumo si Adam habang pinanunuod niya itong naglalakad palayo sa kanya.