KINAUMAGAHAN ay kinausap si Lovely ng kanyang ama. Dahil sa alam nito na hindi sa kanya magsasabi ng problema ang dalaga ay pinayagan na lamang niya pumunta sa resort upang simulan na ang pagpapatakbo nito.
"Congratulations anak! Nakatapos ka na!" pagbati ni NanayTessie ng salubungin nito si Lovely sa resort
"Maraming salamat 'nay."
Hindi pa man nagtatagal sa resort ang dalaga ay nagpaalam na ito kay Nanay Tessie na mananatili muna sa cabin sa isla dahil gusto muna nitong mapag-isa. Nagbilin ito na tawagan siya sa cellphone kung may problema sa resort. Nang hapon ding iyon ay nagpahatid ang dalaga kay Mang Teban sa isla. Dala nito lahat ng kakailanganin. Agad napansin ni Mang Teban ang mga gamit at sa hinala nito ay magtatagal doon ang dalaga.
Nang hapon ding iyon ay nagpunta si Adam sa bahay ng dalaga. Nakasuot pa rin siya ng suit dahil kagagaling niya lang ng opisina. May dala itong bouquet of roses. Nang buksan ang pinto ay sinalubong siya ng kasambahay nito. Hindi pa man nakakasagot ang kasambahay kung nasaan si Lovely ay lumapit ang ama nito. Tindig pa lamang nito ay natatakot na siya. Tila nakaramdam siya ng mga dagang nag-uunahan sa kanyang dibdib ng marinig ang malalim nitong boses.
"Wala si Lovely dito."
"Pwede po bang malaman kung saan ho pumunta?"
"Bakit ko sasabihin sa'yo? Ano ka ba niya?"
Napalunok siya bago nakasagot. "K-kaibigan po."
"Kaibigan lang pala eh. Bakit hindi siya ang tanungin mo kung nasaan siya?" masungit na tugon ng ama at saka tumalikod upang pumasok sa bahay.
Nanlamig si Adam ng sandaling iyon. Sa isip niya'y nakakatakot pala ang kanyang magiging byenan kung sakali. Napatingin siya sa medyo may edad ng kasambahay nila Lovely dahil nakangiti ito sa kanya at may sinasabi ito ngunit walang boses. Dahan dahan nitong isinasara ang pinto ng gate. Siya naman ay sumusunod ang ulo dahil binabasa niya ang mga labi nito. Kumukunot ang noo ni Adam dahil hindi niya maintindihan ang buka ng bibig nito.
"Jusmiyo! Nasa resort si Lab-le!" bulalas nito hanggang sa tuluyang maisara ang pinto. Napangiti si Adam dahil sa pangyayaring iyon. Sa isip niya ay mas magkakaroon siya ng chance kung doon niya susuyuin ang dalaga sa lugar kung saan sila unang nagkakilala. Buo na ang loob niya. Sa oras na payagan na siyang mag-leave ay didiretso siya agad sa resort upang gawin ang lahat para mapasakanyang muli ang dalaga.
LIMANG ARAW ang dumaan. Wala man lamang silang natatanggap na tawag mula kay Lovely. Paminsan-minsan ay dinadaanan ni Alvin at Mang Teban ito sa isla upang masigurong maayos ang lagay nito. Pilit na ngiti lamang ang bati nito sa kanila. Dinadalhan nila ng pagkain ang dalaga na pinabibigay ni nanay Tessie.
Hindi na nakatiis si nanay Tessie sa obserbasyon niya sa dalaga. Bago umuwi ang matanda ay lumapit ito kay Iza at pinatawagan ang ama ni Lovely upang makausap ito. Ikinuwento nito ang naobserbahan sa dalaga at ang pag-alala niya dito. Agad naman tumugon ang ama ni Lovely na kakausapin niya ang anak.
ALAS OTSO pa lamang ng umaga ay dumating na ang ama ni Lovely sa resort.
"Ang aga mo nakarating Antonio."
"Hindi ako mapakali kagabi pa, kaya madaling araw pa lang ay nagmaneho na ako papunta dito."
"Napansin kong nauulit na naman ang nakaraan, hayan na naman siya.. isasarado na naman niya ang puso niya.. lulunurin ang sarili sa kalungkutan."
"Anong gagawin ko? Wala akong alam sa—"
"Panahon na Antonio para damayan mo ang anak mo sa kalungkutan. Wag mo ng ulitin ang ginawa mo noon. Hinayaan mo siyang magluksa mag-isa. Kung nahihirapan kang hanapin ang mga salitang makapagpapagaan ng loob niya ay manatali ka lang sa tabi niya para maramdaman niyang hindi siya nag-iisa."
Natahimik si Antonio sa sinabi ng matanda. Matapos ng pag-uusap na iyon ay agad nagpahatid si Antonio sa isla. Bumaba ito ng bangka bitbit ang mga kakanin na para sa kanyang anak. Tinawag niya ito ng matanaw itong nakahiga sa duyan malapit sa cabin.
Laking gulat ni Lovely ng makilala ang lalaking papalapit.
"Dad! What are you doing here?!" sigaw nito habang papalapit
"Argh, needed some time to relax kaya sinundan na kita dito. Ayaw mo ba?" nakangising tugon nito
Ngumiti ang dalaga sa ama at kinuha ang bitbit nitong kakanin. Kumaway ito kay Mang Teban na senyales na magpapaiwan na siya doon.
Naupo ang dalawa sa mahabang silya sa porch. Napabuntong hininga si Antonio ng makaupo sa silyang yon. Marahan niyang hinimas ang bakanteng parte.
"Dad.." ika ni Lovely sabay abot ng kape saka naupo sa tabi ng ama.
"Naalala mo siya?"
"It's been a while." Sabay higop nito sa mainit na kape
"Almost three years.. eversince mom died you never stepped on this island." Pahayag ng dalaga sa malungkot na tinig
Natahimik silang mag-ama ng ilang saglit. Hanggang sa maalala ni Antonio ang tunay niyang pakay sa isla.
"Anak… Alam kong may problema kaya ka nandito and it's okay kung ayaw mong pag-usapan yon..I just want you know that—"
Biglang humarap sa kanya ang anak sabay pagtulo ng luha nito.
"Dad.." agad yumakap ito sa ama
"I-I'm here anak..and I'm sorry.."
Humagulgol na parang bata si Lovely sa dibdib ng ama. Bawat hikbi ng anak ay parang karayom na tumutusok sa puso ni Antonio.
"I'm sorry anak kung naging selfish ako noong namatay ang mama mo. I was so angry and hurt na nakalimutan kung nawalan ka din. I promise anak, I will always be here for you, remember that." Tumango naman ang dalaga at yumakap ng mahigpit sa ama.