"CONGRATULATIONS!" iyan ang sigaw ng mga kamag-anak ni Lovely pagbukas niya ng pinto. Ang buong akala niya ay magdidinner lamang sila ng ama sa isang restaurant matapos ang kaniyang graduation. Nakangiti siyang nagmano, bumeso at humalik sa kanyang mga kamag-anak. Nang makita nito ang tiyahin na galing Amerika ay halos mapaiyak si Lovely. Matutunog na halik sa pisngi at mahigpit na yakap ang binungad niya rito. Paano ba naman kasi ay ito ang twin sister ng kanyang yumaong ina.
"Jusmiyo naman itong batang ito. Grabe pumalupot!" bulalas ng kanyang tiyahin habang nakalingkis si Lovely sa kanya
"Hayaan mo na at miss na miss na niya ang mama niya." Ika ng lolo ni Lovely
Bihira lamang umuwi ang pamilya ng kanyang ina dito sa Pilipinas. Kaya masayang-masaya si Lovely sa sorpresang iyon ng kanyang ama. Inaya niya ang mga ito na magbakasyon sa beach resort na pagmamay-ari ng kanyang ina.
"Speaking of resort, anak." Pagputol ng ama ni Lovely sa kwentuhan ng kanyang mga pinsan.
May kinuha itong brown envelope at saka lumapit sa kanya.
"Ano 'to Dad?"
"Open it."
Nang buksan ni Lovely ay nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa sa papel.
"Akin na talaga yung resort!" nagtatatalon sa tuwa ang dalaga at napayakap ng mahigpit sa kanyang ama.
"Ayan na yung land title ng resort, ng island, at sa iyo na talaga yung business. Alam kong proud na proud si Mercedes ngayon."
Mangiyak-ngiyak na pahayg ng ama
"Dad… thank you." Sabay halik nito sa pisngi ng ama.
"Oh! Before we take pictures, paiyakin muna natin si Lovely ha!" biro ng ama sa malakas nitong boses.
Tila alam ng mga kamag-anak ni Lovely ang plano ng kaniyang ama. Inabutan pa nga si Lovely ng isang tissue box ng kanyang pinsan. Natatawa ang dalaga dahil mukhang seryoso ang lahat. Binuksan ang malaking flatscreen tv doon at ang buong akala ni Lovely ay magkakaraoke lamang sila ng biglang may pinalabas na nagpatigil sa lahat. Ang video na nirecord ng kanyang ina.
Sa video ay napansin ni Lovely na sa isla ito kinuhanan at kapansin-pansin ang panghihina ng ina habang nagsasalita ito.
"Hi Love! Ang hirap mong utuin na umalis muna! Palagi ka nakabantay sa akin! Ang hirap tuloy makapagrecord! Anyways, Congratulations anak.. Alam kong darating ang araw na ito.
By this time siguro wala ako sa tabi mo. I'm sorry anak ha. Patawarin mo ang mama. Ayaw nga niyang daddy mo na mag-record ako pero kinulit ko! Kasi sabi ko, paano kung hindi ako umabot sa graduation diba? Hindi ko mababati ang nag-iisa kong prinsesa.
Malaki ang tiwala ko na makakaya mo anak. Sigurado akong nahirapan ka.. pero tignan mo, nakaya mo. Yung mga darating pang pag-subok, kayanin mo ha, lagi mo iisipin na nandito lang ang mama.
Thank you ka kay Daddy mo, siya nagrecord nito, ayan umiiyak! Ipapatago ko ito sa tita mo, siguro nayakap at nahalikan mo na siya ngayon. Isipin mo na lang muna siya ako! kamukha naman eh. Babye anak. Congratulation ulit! I love you so much!"
BUMUHOS ang luha ng lahat, lalo na si Lovely. Malakas ang kanyang paghikbi at niyakap siya ng ama. Nang kumalma ang dalaga ay agad siyang nagpasalamat sa lahat ng pumunta para batiin siya. Masaya nilang tinapos ang selebrasyong iyon sa pamamagitan ng kantahan at kaunting inuman.
NAPANSIN ng katrabaho ni Adam na tahimik lamang itong nanunuod sa kanila habang nagkakaraoke, ngumingiti ito paminsan-minsan.
"Boss! Hindi ka ba masaya? Nakuha natin yung pinakamalaking account! Inom ka lang ng inom diyan, kumanta ka naman!" aya nito habang pilit inaabot ang mic sa binata
Bigo ang katrabaho nitong mapapayag ang binata na makipagkantahan sa kanila.
Hindi na nakatiis si Nico at tinabihan ang kaibigan.
"Magmumukmok ka lang ba diyan o pag-uusapan natin yan?"
Napangiti lang si Adam sa sinabing iyon ni Nico. Kilala kasi siya nito kapag namomroblema.
"Babae?" hula nito
Napangiti muli si Adam.
"Sabi na eh!" bulalas nito
Tumayo si Adam at lumabas ng karaoke room habang bitbit ang bote ng beer. Sumunod naman agad si Nico dito. Sa hallway na ito nagsimulang magkwento tungkol sa paghihiwalay nila ni Sarah at ang tungkol kay Lovely.
"Simple lang yan eh" ika ni Nico
Napakunot ng noo si Adam na tila nagtatanong kung anong dapat niyang gawin.
"Alam mo pare, lakasan mo lang ang loob mo, kagaya ng kapag nagpipitch ka para makuha mo ang isang account. Yung gagawin mo lahat para makuha yung gusto mo, ganun lang." payo nito sabay inom ng beer
"Paano? Ayaw na nga sakin ni Lovely." Anito sa malungkot na tinig
"Alam mo, yang mga babae, ang gusto ng mga yan yung pinaglalaban sila. Sa tingin ko kasi..ang kalaban mo ay ang sarili mo pare.."
Pagkarinig ng payo ng kaibigan ay parang may bumbilyang sumindi sa kanyang ulo at nakaisip na siya agad ng paraan para magkaayos silang muli ng dalaga. Tinapik nito ang balikat ng kaibigan at saka nagmamadaling nagpaalam.
GABING-GABI na ng makarating si Adam sa tapat ng bahay ni Lovely. Nag-doorbell ito at kasambahay ang nagbukas ng pinto ng gate. Hinanap niya doon ang dalaga. Sa pangungulit niya ay sinagot na rin nito ang mga tanong niya. Napag-alaman niyang hindi pa umuuwi ang mga amo dahil nag-celebrate ng graduation ng dalaga.
Bumaik ang binata sa kanyang sasakyan upang doon na lamang mag-hintay. Nag-iisip na siya ng mga pwedeng sabihin sa dalaga. Ilang minuto lamang ang lumipas ay nakita niyang may humintong sasakyan sa harap ng bahay ng dalaga. Matapos bumusina ay may nagbukas na ng gate nito at ipinasok ang sasakyan. Dali-dali siyang bumaba ng kotse upang maabutan ito bago isara ng kasambahay ang gate.
Nakita niya ang dalaga na bumaba ng kotse at may mga bitbit na regalo.
"Lovely!" sigaw nito habang medyo naghahabol ng hininga
Lumingon ito sa kanya at pinanlakihan siya ng mata.
"What are you doing here?!" malakas din tanong nito
Pareho silang napatingin ng biglang lumapit ang ama ni Lovely.
"Anong problema?" striktong tanong nito
"Good evening po Sir. Gusto ko lang po i-congratulate si Lovely." Magalang na bati nito
Tumango lamang ito ngunit hindi ngumiti.
"Mauna na ako sa loob anak" paalam nito sabay utos sa kasambahay na kuhanin ang mga bitbit ng dalaga at ipasok sa loob ng bahay. Naiwang nakatayo ang dalawa sa may gate. Inaya ni Lovely na lumabas sila at doon na mag-usap.
"Anong ginagawa mo dito?" taas kilay na tanong nito sa binata
"Congratulations, graduation mo pala kanina." Nakangiting bati nito
"Amoy alak ka." Nakasimangot na puna nito
Hindi nakakibo si Adam.
"Ano bang kailangan mo?" masungit na tanong nito
"Ikaw." Tugon nito na nangungusap na mata sabay hawak ng binata ang kamay ng dalaga.
Sandaling naniwala si Lovely sa sinabing iyon ng binata. Nang biglang sumagi sa isip niya ang mga ginawa nitong pagpapa-asa sa kanya.
"Hindi mo na ako makukuha sa mga ganyan mo Adam!" sabay bawi ng kamay. Binuksan ni Lovely ang pinto ng gate at padabog na pumasok. Agad hinawakan ni Adam ang braso ng dalaga upang pigilan ito.
"Give me one more chance Love." Naluluhang pakiusap nito
Nakaramdam ng kaunting awa si Lovely para kay Adam ngunit nangingibabaw pa rin ang galit nito. Alam niya sa sariling mahal pa rin niya ang binata ngunit natatakot na siyang ipagkatiwala muli ang puso niya dito.
"Wala na kayo ni Sarah?" blangkong ekspresyon ng mukha nito ng magtanong
"Wala na kami.. k-kaya ako nandito dahil gusto ko magka-ayos na tayo. Please love.." tugon nito na may kasamang pakiusap
Dinugtungan ng dalaga ang tanong na iyon. Muli ay hindi siya nagpakita ng emosyon sa binata
"Sinong nakipaghiwalay? Ikaw?"
Hindi nakatugon si Adam sa tanong na iyon. Alam na niya kung saan ito papunta. Hindi naman niya magawang magsinungaling sa dalaga. Tila nabasa ni Lovely ang katahimikang iyon ni Adam. Doon na lumabas ang talim ng titig niya sa binata at pagtaas ng kanyang kilay.
"Kung hindi siya nakipaghiwalay sa'yo ay malamang wala ka dito. Mas matapang pa siya kaysa sa'yo eh! Atleast siya kinaya niya kahit masakit! Alam ko yun dahil yun din ang ginawa ko when I broke up with Zack! Samantalang ikaw! Duwag ka! Gusto mo kasi ihahain na lang sa'yo ang solusyon ng problema at wala ka ng gagawin! I can't be with that kind of man!" she said furiously.
Tuluyang bumagsak ang luha ng binata sa harap ng dalaga. Nanlumo siya sa mga masasakit na salitang narinig. Dahil sa pagmamahal sa dalaga ay patuloy siyang nakiusap at humungi ng tawad. Ngunit matigas ito at hindi siya pinagbigyan.
Malakas ang pagkakasara ng pinto ng gate at umalingawngaw ito sa kabahayan ng dalaga. Habang padabog na pumasok sa bahay ay hindi niya namalayang tumutulo na pala ang kanyang luha. Hinarang siya ng ama upang kausapin ngunit hindi niya ito sinagot at dali-daling nagkulong na lamang sa kanyang kwarto.