MATAPOS ang madamdaming usapan ng magkakaibigan ay nakumbinsi na rin nila si Lovely na linawin na ang sitwasyon nila ni Adam. Pinilit niya ang binata na makipagkita sa kanya upang makapag-usap silang mabuti.
Kalahating oras na naghintay si Lovely sa tagpuan nila bago nakarating ang binata.
"Bakit dito tayo nagkita Love? Sana sa restaurant na lang para nakapag-dinner na rin tayo." tanong nito habang iniikot ang mata sa paligid.
"Mas okay na dito. Walang makakakita dahil hindi ka naman kilala dito sa subdivision namin." May lamang tugon nito habang naupo sa isang mahabang upuan sa parke na tanaw ang playground.
"Okay Love. Mukha kang seryoso. May problema ba?"
Humarap ito sa nobyo at marahang tumango.
"Tell me."sabay hawak sa kamay ng dalaga
"I can't continue doing this Adam. Naalala mo ba yung promise mo sa akin? We'll make this right."
"Yes, just give me more time—"
Inilagay ni Lovely ang daliri sa labi ng binata upang maputol ang pagdadahilan nito.
"Sshh.. Adam. We both know you can't tell her about us, dahil kung gusto mo talaga ay dapat noon pa. Sigurado akong mahal kita dahil kahit mahirap ay nagawa ko pa ring sabihin kay Zack ang totoo. Ngayon hindi ako sigurado kung mahal mo talaga ako."
"Sigurado ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Mahal kita Lovely. Please give me more time." Lumuluhang pakiusap nito
"Hindi ko na sasayangin ang oras ko kakahintay sa'yo. You can't even fight for your own happiness so how can you fight for me? Tama na siguro yung ilang buwan kong pagpapakatanga sa'yo. I'm ending w-whatever we have Adam." Lumuluhang pahayag nito. Sabay bumitaw sa kamay ng binata para umalis.
Kitang-kita ang hinagpis ng dalawa matapos ang pagpapaalam na iyon.
KINABUKASAN ay napansin ng katrabaho ni Adam na tila ala itong gana magtrabaho ng araw na iyon.
"Pare, may naisip ka na bang maipipitch para doon sa malaking account?"
"Wala pa eh, kailan nga ulit yun?"
"Two weeks pa naman. Hindi lang ako sanay na ganyan ka. Dati kasi once na sabihin yung account, may mga idea ka na at maaga tayong nagpeprepare eh.. M-May problema ba?" medyo naiilang na tanong nito
"Wala pare, wag ka mag-alala, bukas may idea na ko niyan."
GABI na ay gumagawa pa rin ng thesis ang magkakaibigan. Napansin nilang panay ang ring ng cellphone ni Lovely.
"Girl, sagutin mo na nga yan para tumigil na kung sino man yan!" naiiritang utos ni Evie
"NO! Don't answer that! Si Adam yan eh!" pangkontra ni Cassey
Kinuha ni Lovely ang cellphone at pinatay ito.
"Ayan, hindi na yan magriring"
"Good! Hayaan mo siya! Kung talagang mahal ka niyan, gagawin niya yung tama at pupuntahan ka niya! Hindi yung tawag lang, duwag siya!" gigil na sabi ni Cassey
NAIINIS na ibinagsak ni Adam ang cellphone at nakita iyon ng ina ni Sarah. Bumulong ito sa anak upang itanong kung anong problema ng nobyo nito.
"Anak, what's wrong with Adam? He seems.. d-different. Very distant and quiet. M-may problema na naman ba kayo?" usisa ng ina
"Baka sa work lang yan ma. Hayaan niyo kakausapin ko po."
Lumapit si Sarah sa nobyo upang kamustahin ito. Nag-iisa lamang kasi ito sa table at mukhang napaparami na ang nainom na alak.
"Babe, are you okay?" malambing na tanong nito sa nobyo
"You know I'm not okay. Bakit ba kasi pinilit mo pa akong pumunta dito sa party ng nanay mo." Sabay inom ng alak
"Babe, eversince naman na naging tayo lagi tayong present sa occassions ng family ko di ba? Magtataka sila pag hindi tayo pumunta." Malumanay na tugon nito
"Tsaka hindi mo pa ko isinasayaw. Lahat sila nandon na oh! Tara na babe!" umaarteng naka-pout ang lips nito habang pinipilit ang nobyo
"Ano ba! Ayoko nga eh!" malakas na boses nito. Dahilan upang magtinginan ang mga bisita sa kanila. Pilit na ngumiti si Sarah sa mga ito.
"Nakakahiya kila mama, halika na nga umuwi na tayo." Aya nito habang akmang aakayin ang nobyo para tumayo
"Kaya kong umuwing mag-isa! Dito ka na lang!" muling pagsigaw nito at saka umalis ng hindi man lang nagpapaalam sa mga magulang ni Sarah.
Nagulat si Sarah sa ginawang iyon ng nobyo. Nahihiya man sa ina ay nagpaalam na ito upang sundan si Adam. Sinubukan siyang pigilan ng mga magulang ngunit matigas ang ulo ng dalaga at umalis pa rin. Paglabas niya ng gate ay humaharurot ang kotse na Adam paalis. Inilabas agad ni Sarah ang susi ng kanyang kotse at sinundan ito.
Malakas ang kutob ni Sarah na may ibang babae ang kanyang nobyo ngunit hindi niya ito pinapahalata. Ayaw niya kasing pagsimulan pa ito ng kanilang away. Akala ni Sarah ay pupuntahan ni Adam kung sino man ang babae nito. Nakahinga siya ng maluwag ng mapansin na pauwi ng bahay ang dinaraanan nito. Bumaba agad ng kotse si Sarah para kausapin ng mabuti si Adam.
"What are you doing here?! I told you to stay there!" pagtaboy nito
"Pwede ba tigilan mo yang pagtataboy sakin! Naiinis na ko sayo ah!"
"Edi mainis ka! Bahala ka diyan! Umuwi ka na ila-lock ko na yung pinto!" muling pagtataboy nito
Matigas ang ulo ni Sarah at hindi nakinig sa binata. Tuloy-tuloy itong pumaasok sa bahay at kinukulit ang nobyo na sabihin sa kanya bakit ito kumikilos ng ganoon.
"Ano bang problema Adam?! Nakakahiya yung ginawa mo dun sa party ah!"
Dahil sa epekto ng alak at sama ng loob ay hindi na rin napigilan ni Adam ang sarili.
"Ako? Nakakahiya? Ikaw ang nakakahiya! Tingin ng mga yan ang perpekto mo! Hindi kasi nila alam yung mga ginawa mo!"
"Stop it Adam! Tapos na yun!"
"Wow! Pag kasalanan mo, wag ng pag-usapan! Nice!" sarkastikong tugon nito at pumapalakpak pa
"Ano ba kasing problema mo? Yung kasalanan ko pa rin ba?"
"Hinde! Hindi puro tungkol sa'yo Sarah! May sarili akong problema!"
"May problema nga! Tell me! Pinoproblema mo yung babae mo no?!" gigil ng tanong nito
"Huh, see? Matalino ka talaga Sarah." Nakangising tugon nito habang dinudutdot ang ulo ng nobya
"wag mo nga akong ganyanin!" pagtabig nito sa kamay ng binata
"Sabihin mo sakin yung totoo, may babae ka di ba?!" naiiyak ng pagtatanong nito
Hindi makasagot si Adam sa tanong ni Sarah.
"Ano?! Nagsex ba kayo?! Mas magaling ba siya?!"
"Don't you ever.. She's not like that! She's different. She's not like.. you!"
Isang malakas na sampal ang dumapo sa pisngi ng binata pagkabitaw ng mga salitang iyon. Napaiyak ng husto si Sarah at tila nawala naman ang pagkalasing ni Adam ng sandaling iyon. Magkalayo silang napaupo at ilang patlang ang namagitan bago muling nakapagsalita si Sarah.
"Kaya ka ganyan sakin kasi ano? LQ kayo?" sarkastikong pagtatanong nito
"She hates me because I can't leave you."
"Huh, ako pa talaga ang dahilan."
"Yes, dahil ayokong masaktan ka."
"Bulag ka ba? Hindi mo ba nakikitang sa mga ginagawa mo nasasaktan mo ako?"
Hindi makakibo si Adam sa sinabing iyon sa kanya.
"I know why she hates you. Duwag ka Adam. Duwag."
Tumingin si Adam kay Sarah at tumango ito. Kitang-kita ni Sarah ang sakit na nararamdaman ng binata sa mga mata nito. Kahit nagagalit siya ay nakaramdam siya ng awa para dito. Dahan dahan siyang lumapit kay Adam at niyakap niya ito. Para namang batang humagulgol si Adam sa balikat ng nobya.
"I'm so sorry Sarah. Ayokong makasakit pero nakakasakit pa rin ako."
Humarap si Sarah sa binata at saka nagsalita.
"Adam, alam ko mabuti kang tao at alam kong hindi mo gusto ang mga nangyayari. I don't hate you for your mistakes dahil nagkamali din ako. Kahit anong gawin mo, hindi mababago nun ang pagmamahal ko sa'yo." Masuyong wika ni Sarah habang walang hinto ang pag-agos ng luha nito
MULA ng gabing iyon ay hindi na napag-usapan pa ang nangyari.
Sa isip ni Sarah ay baka kaya nagkagusto sa iba ang nobyo ay nadala lamang ito ng lungkot noong nahihirapan itong tanggapin ang pagkakamali niya. Dahil sa takot na mawala ulit sa kanya ang nobyo ay nagpasiya siyang magbago.
Gabi na ng makauwi ng bahay si Adam. Sa pintuan pa lamang ay may naamoy na siyang kakaiba. Dali-dali niyang binuksan ang pinto at naabutan niya si Sarah na natatarantang inilalagay ang kawali sa lababo. Napaka-usok ng kusina at nangangamoy nasusunog na karne.
"Gosh! Adam! I'm so sorry! I was trying to cook your favorite steak kaya lang..nasunog" mangiyak-ngiyak na sabi nito
Pinipigil ni Adam ang ngiti dahil ayaw niyang ma-offend ang dalaga.
"It's okay babe." Napangiting wika nito
Lumiwanag ang mukha ng dalaga ng marinig iyon. Ngayon lang siya ulit tinawag ng nobyo ng ganon. Bigla siyang nabuhayan ng loob na magiging maayos na uli ang relasyon nila.
"Nakapagluto naman ako ng isa, yung second one yung nasunog. Tikman natin?" malambing na aya nito
Tumango ang binata at naupo sa mesa. Hinain ni Sarah ang steak na iniluto. Mukhang masarap naman ito kaya hindi nag-atubili si Adam na tikman. Pagkasubo ay parang naka-abang si Sarah sa reaksyon ng mukha ng nobyo. Ngunit hindi niya mahulaan kung anong nalalasahan nito.
"Ano? Okay ba?"
"Hmmm.." tila nag-iisip ang binata habang nginunguya ang steak
"Order na lang tayo pizza?"
Tumango ang binata sabay napangiti. Natawa naman si Sarah sa reaksyong iyon ni Adam. Agad kinuha ni Sarah ang cellphone para umorder ng pizza. Nakita niyang patagong iniluwa ng nobyo ang steak na luto niya.
"Seriously?! Ganon kasama ang lasa at kailangan talagang iluwa?!" galit-galitan nitong sabi
Adam burst into laughter.
"Galit ka yata sakin eh! Ang alat nun tsaka ang daming paminta!" natatawang wika nito bago uminum ng tubig
"Eto na umoorder na nga oh!" malakas na tugon nito sa nobyo.
Parang panaginip para kay Sarah ang gabing iyon. Maayos kasi ang pakikitungo sa kanya ng nobyo at hindi na umiinit ang ulo sa kanya.
"Sana lagi na lang kaming ganito." Sa isip ng dalaga habang nakatitig kay Adam habang tumatawa sa pinanunuod nilang pelikula.