Chereads / The Best Chapter / Chapter 11 - Chapter 11

Chapter 11 - Chapter 11

Naunang umalis ng resort si Adam dahil kailangan na niyang bumalik sa trabaho. Bago ito umalis ay napagkasunduan nila ng dalaga na itama ang kanilang sitwasyon. Nangako si Adam na makikipaghiwalay siya kay Sarah at ganoon din si Lovely kay Zack.

Nang makabalik ang dalaga sa Maynila at pumasok muli sa eskwelahan ay naikwento niya sa mga kaibigan ang nangyari sa kanya noong sembreak.

"Girl, anong nangyari sa'yo? Nagsembreak lang nagpalit ka na ng boyfriend?" Evie asked curiously

"Nakokonsenya na ako Evie, hindi ko pa rin nasasabi kay Zack yung tungkol sa amin ni Adam." Namomroblemang tugon nito

"Naku girl, mahirap yan! Sigurado ako magwawala si Zack kapag nalaman niya yun."

"Kailan ba kayo huling nag-usap ni Zack?"

"Last week pa."

"Shh---! Last week pa?! Huwag mo ng patagalin girl! Tapusin mo na kung tatapusin mo para hindi magmukhang tanga yung tao. Kawawa naman."

"Sa'yo lang tumodo yun tapos—"

"Niloko ko pa. Ang sama-sama ko.." naluluhang wika nito

"Naku girl! Iwan ka namin, nandiyan na siya!" nagmamadaling umalis ang mga kaibigan ni Lovely dahil natanaw na nilang papalapit na si Zack sa kanila

"Be honest! Be honest, okay?" mahinang pahabol na payo ni Evie. Tumango lamang si Lovely at halos hindi makagalaw dahil sa kaba.

"Babe!" sigaw nito habang nakangiti at papalapit na sa kanya

Humalik ito sa pisngi ng dalaga at saka iniabot ang isang paperbag na puno ng pasalubong galing ng Bacolod. Pilit na ngiti lang ang itinugon ni Lovely.

"Is there any problem babe? Last week pa kita kinokontak pero hindi ka sumasagot. Nawala ba phone mo?" kaswal na pagtatanong nito

Hindi pa rin makakibo si Lovely at nanginginig na ang kanyang mga labi. Hindi niya alam paano sisimulan ang pagsasabi ng totoo kay Zack. Nagsama-samang takot, hiya at guilt ang nararamdaman niya.

"Come on babe, talk to me, you can tell me everything." Malambing na paki-usap nito sabay yakap sa nobya

Kumalas mula sa yakap ng nobyo si Lovely. Humarap ito at tinitigan si Zack sa mata.

"You looked so serious babe." Medyo natatawang pagkakasabi nito

Huminga ng malalim si Lovely at saka nagsalita.

"I'm breaking up with you Zack." Mabilis na pagsasalita nito

"W-what?!" tila nabinging tanong nito sa kanya

"I'm not good at this. Alam mo yan, hindi ako makapagexplain ng maayos ng nararamdaman ko-" natatarantang pagsasalita nito

"Calm down babe.. just tell me what you feel." Pilit na pagkakalma sa sarili habang nagsasalita. Hawak nito ang magkabilang balikat ng dalaga.

"I-I'm sorry Zack. I'm inlove with someone else." Nauutal na sabi nito habang namumuo ang luha nito.

Pagkarinig ni Zack ng mga salitang iyon ay nagbago ang reaksyon ng mukha nito.

"Nag-sem break lang tapos iba na yung mahal mo? Ganun kabilis!" gigil na ang tinig nito

"I knew him last summer pa, before us, tapos nakasama ko siya ulit and—"

"So ibig sabihin kasama mo siya sa resort niyo?!" pagalit na tanong ni Zack

Tumango lamang ang dalaga at halatang nakakaramdam ng takot dahil lumakas na ang boses ng nobyo sa kanya.

Pasigaw itong nagmura sabay hinablot ang paperbag sa tabi ng dalaga at saka malakas na ibinato sa sahig. Napasigaw sa takot si Lovely at tumayo. Hinawakan niya si Zack dahil nagwawala na ito sa galit. Nagtinginan na ang mga napapadaang ka-eskwela nila sa kanila.

"Z-Zack I'm sorry talaga. Please wag ka namang ganyan oh." Pagmamakaawa ni Lovely sa binata habang panay ang bagsak ng kanyang luha

Napatingin sa kanya ang binata. Nakita ni Lovely na basa ng luha ang pisngi nito. Nang akma niyang pupunasan ito ay tinabig nito ng malakas ang kamay niya. Kitang-kita ang galit sa mga mata ni Zack. Nakakatakot. Tila umaapoy ang titig niya sa dating nobya.

"I know you hate me Zack. I'm really really sorry." Patuloy na paghingi nito ng tawad sa dating nobyo ngunit wala siyang narinig na anumang salita galing rito, tanging nakakasugat na tingin lamang bago ito tuluyang tumalikod sa kanya at umalis.

Pag-alis ni Zack ay tuluyan ng napaupo si Lovely at doon ay ibinuhos ang kanyang luha. Mabilis na lumapit sa kanya ang mga kaibigan na nanunuod lamang pala sa kanila sa di kalayuan.

Buong maghapong iyon ay hindi kumikibo si Lovely sa eskwela. Alam niyang pagtsisimisan siya ng mga makakating dila doon. Lalo na yung mga babaeng may gusto sa dati niyang nobyo.

Paminsan-minsan ay nakakausap niya si Adam na nagpapasaya ng araw niya. Simula ng naghiwalay sila sa resort ay hindi pa rin sila nagkikita dahil busy daw ito sa trabaho.

"Girl, kamusta kayo ng bago mong jowa?" usisa ni Evie

"Okay lang, nakakapag-usap minsan."

"Nagkita na kayo ulit?"

"Hindi pa."

"Ha? Bakit hindi pa?"

"Busy daw eh."

"Kung mahal ka talaga niyan, gagawa ng paraan yan para makasama ka!"

"Baka naman pinagtitripan ka lang niyan ha!"

"Hindi naman. Hindi ganoon si Adam."

"How would you know? Ilang araw mo lang naman nakasama yun nung summer tapos two days nung sembreak. Ano nga ba siya?" puna ni Cassey

"May point ka girl! Gumagana na yung kakamultivitamins mo ha.." pabirong hirit ni Evie

"Di ba naikwento mo samin na may fiance na yan. Ano ng balita don? Naghiwalay na ba sila?"

Kibit-balikat lang ang itinugon ni Lovely sa mga kaibigan

"Ano yan?! Hindi mo alam?!" pasigaw na sabi nito

"Sabi niya hahanap lang daw ng timing eh."

"Hanggang kailan? So ano ka niya ngayon? Kabit ka?"

"Uy wag ganun, ang hard nun girl."

"Don't get offended Lovely, pero totoo yung sinabi ni Evie."

Pagsang-ayon ni Cassey at Mia

Halos mapaiyak si Lovely sa mga sinabi ng mga kaibigan. Nanlulumo siya sa sitwasyon niya. Nagmamahal lang naman siya pero bakit parang mali lahat.

"Girl.. I'm sorry." Sabay yakap ni Evie sa kaibigan

"It's okay girl. Tama naman kayo eh. Nasaktan lang ako kasi totoo." Malungkot na pagkakasabi nito habang pinupunasan ang luha

"Aayusin ko 'to, I promise."