ILANG BESES tinatawagan ni Lovely ang nobyo upang magkita sila. Ngunit panay ang dahilan nitong marami siyang ginagawa. Hanggang sa maisip ni Lovely ang mga sinabi sa kanya ng mga kaibigan. Siguro nga'y tama sila. Baka pinaglalaruan lamang siya ng binata. Gumawa ng paraan ang dalaga at inalam nito ang address ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Adam. Dahil sa mahiyain ang dalaga ay nagpasama pa ito sa mga kaibigan.
Sa lobby ng building ay matyaga silang naghintay. Nakaupo sa sofa doon. Ayon kasi sa receptionist ay lumabas si Adam para i-meet ang isang kliyente at hindi niya alam kung anong oras ito makakabalik sa opisina.
"Girl, isang oras at kalahati na tayo dito. Tawagan mo na kaya yun!"
"Pag tinawagan ko siya baka makahalata na nandito tayo."
"Eh pano kung mamaya pa pala dumating yun?"
"Basta, naghintay na rin naman tayo, sagarin na natin diba?"
"Naku girl! Naiinip na talaga kami eh! Love ka namin pero ang OA na ng ginagawa mo, ganun mo ba talaga kamahal yan?"
"Wag ka ng magtanong Mia! Kita mo ngang nagpapaka-"
"Sshhh! Ayan na siya! Ayan na siya!" pigil na pigil na boses nito
"Aber! Aber! Tignan nga natin kung worth the wait yang prince charming mo!" sabay baling ng tingin sa tinitignan ng kaibigan
"Sino ba dyan?" usisa ni Cassey
"Yung naka dark blue na suit." Mahinang tugon ni Lovely habang titig na titig sa binata habang naglalakad ito at kausap ang kaopisina
"Oh my sweet Lord! Ang yummy!" bulalas ni Cassey
"Correct! Kaya naman pala halos magkandatulo yang laway mo girl!"
"Hoy hindi ah!" pagtanggi ni Lovely
"Anong hindi? Kanina ka pa nakanganga diyan! Lapitan mo na kaya!" sabay tulak sa kaibigan para tumayo na ito
"Wait!" ika nito sabay ayos ng suot nitong asul na blouse. She quickly brushed her hair with her fingers and walked towards Adam.
Mula sa gilid ay mahina nitong tinawag ang binata. Hindi siya narinig nito kaya medyo nilakasan niya ng kaunti ang boses.
"Adam!"
Lumingon agad ang binata at nanlaki ang mata ng makita siya. Ngumiti ito na halos umabot hanggang panga ng makita ang dalaga. Ganoon din si Lovely. Kumislap ang kanilang mga mata. Lumapit agad si Adam sa dalaga at niyakap ito. Nagulat naman ang dalaga sa ginawa ng binata. Lalo siyang kinilig ngunit ayaw niyang ipahalata ito.
"Urhm" Adam's friend clears his throat
"Ah! By the way, Nico, this is Lovely." Pagpapakilala ng binata
Bumati naman ang dalaga sa kaibigan ng nobyo.
"Wait! Nandito din yung friends ko." Sabay senyas sa mga ito na lumapit.
Mabilis na lumapit ang mga ito sa kanila at isa-isang nagpakilala. Natatawa ang ang dalawang binata sa kakulitan at pagiging bungisngis ng mga ito.
"Still in college?" usisa ni Nico sa mga ito
"Yup! Graduating na kami." Tugon ni Evie
"Wooh! I miss being young! I-enjoy niyo na yan before kuhanin ng bills ang buhay niyo!" biro ni Nico
"Nananakot ka naman" hirit ni Cassey
"Uhm, just stating fact." Pabirong tugon nito
Matapos ang biruan ay agad ding nagpaalam ang mga kaibigan ni Lovely sa kanila. Para naman makapag-usap ang dalawa. Si Nico naman ay nagpaalam na ring aakyat na sa opisina. Dahil sa biglaang pagkikita na iyon ay nagpasiya si Adam na lumabas sila ng dalaga para makapag-usap ng mabuti. Sa isang tahimik na restaurant sila nagpunta.
"This is nice." Ika ng dalaga habang inaayos ang pagkakaupo.
Habang naghihintay ng order ay hindi mapigilan ni Adam ang sarili ng makasama muli ang dalaga. Hindi ito nakuntento sa paghawak ng kamay at tumayo pa ito para tumabi sa upuan ng dalaga.
Niyakap niya ito habang nakatagilid at hinahalik-halikan ang pisngi nito.
"I miss you so much Love!" gigil na sabi nito
"I miss you too Love."
"Love na tawagan natin ha" malambing na pagkakasabi nito
Tumango lang ang dalaga at pinaayos na ng upo si Adam para makakain na sila. Hindi sila matapos-tapos sa pagkain dahil sa kwentuhan. Hanggang sa malungkot na silang nagpaalam sa isa't isa dahil kailangan ng bumalik ni Adam sa opisina. Hinatid niya ang nobya sa bahay nito.
Parang nasa langit ang pakiramdam ni Lovely pagkahiga sa kanyang malambot na kama. Sobrang saya niya at hindi matanggal ang ngiti sa kanyang labi. Napakalambing talaga ng binata sa kanya kapag magkasama sila. Sa nakita niya ay nakumbinsi siya na talagang busy nga palagi ito sa trabaho.
Pagpasok sa eskwelahan ay sinalubong siya ng napakaraming tanong ng mga kaibigan tungkol kay Adam. Kung may kapatid ba ito o kaya'y kaibigan na pwede sa kanila. Tawa lamang ang tugon ng dalaga sa pangungulit ng mga ito. Pumapalakpak ang tenga ni Lovely sa tuwing mababanggit kung gaano kagwapo ang kanyang nobyo.
"Iba yung dating no? Yung tindig niya talaga, ang professional." Puna ni Evie
"Siya yung tipo ng lalaki na kapag naging mag-asawa kayo hindi ka mamomroblema sa ulam, as in bigas na lang ang kulang!" sabay halakhak ng mga kaibigan sa banat ni Mia.
"Oo! yung katawan, parang ang sarap."
"Excuse me po, boyfriend ko po yung pinagpapantasyahan niyo!" natatawang sita ni Lovely sa mga ito
"Matigas ba girl?" seryosong tanong ni Mia
"Ang alin?!" natatawang tanong ni Lovely
"Yung muscle girl, wag kang malisyosa. Wag ganun." Pailing-iling pa ang ulo nito
"Oo, matigas nung dumikit sakin eh." She said in a seductive way
"Yun eh! Dun tayo sa matigas!" sabay-sabay na nagtawanan ang magkakaibigan
Sa mga sumunod na araw ay dumadalas na ang pag-uusap at pagkikita ni Lovely at Adam. Alam ng dalaga na palihim ito dahil ang sabi sa kanya ng binata ay hindi pa ito nakakahanap ng tamang timing para sabihin kay Sarah ang totoo.
Hindi maiiwasan na maitanong pa rin sa kanya ng mga kaibigan ang sitwasyon niya. At sa tuwing mangyayari iyon ay mabilis niyang ipinagtatanggol si Adam sa mga ito. Hanggang sa ilang araw na naman ang lumipas at dumadalang na naman ang pagsagot ng binata sa mga tawag at messages niya.
Tahimik si Lovely habang ang mga kaibigan ay abalang ginagawa ang kanilang thesis.
"Girl, kanina ka pa ganyan. Wala ka pang nagagawa dyan sa laptop mo. Last na natin to bago tayo gumraduate. Mag-focus ka na." sita sa kanya ni Evie
"Ano nga ulit yung gagawin ko?" tanong nito
"Wait, itago mo muna yang cellphone mo, mamaya mo na tadtarin ng call at messages yang ghost boyfriend mo okay?" Cassey said sarcastically
"Anong issue mo samin ni Adam ha Cassey?"
"Hoy wag kayong mag-away ah. Tama na yan." Pag-awat ni Evie
"Hindi sasagutin ko yan." Matapang na tugon nito
"Ang issue ko? Actually issue namin sa'yo Lovely. Etong thesis natin, halos kami na ang gumagawa. Ikaw, palaging lumilipad yang utak mo sa kung saan. Ay, mali, hindi sa kung saan. Kay Adam. Puro si Adam! Adam!"
"Ginagawa ko naman ang part ko ha." Katwiran nito
"Ginagawa mo nga pero kulang na lang ulitin namin lahat! Hindi ka kasi makapag-focus dahil diyan kay Adam! Hindi ka pa ba nakakahalata ha? Pinaglalaruan ka lang niyan!"
"That's not true. Kayo mismo nakita ninyo kung gaano siya kasaya nung nakita niya ako nund ba?"
"Yun lang? Kontento ka na don? Yan ngang simpleng pagsagot ng tawag o text sayo hindi niya magawa eh."
"Busy lang siya kaya ganon."
"Gumising ka nga Lovely! Pinagmumukha ka ng tanga oh!"
"Hoy tama na yan!" awat ni Mia
"No! Kailangan ng magising nitong kaibigan natin!" matapang na sagot nito kay Mia
"Alam mo tama na 'to! Uuwi na ako." Wika ni Lovely habang nililigpit ang gamit.
"Yan ganyan ka naman eh! Kapag masakit na, iiwas ka, magtatago ka na naman? For once Lovely! Maging matapang ka naman!"
"Ano bang gusto mong gawin ko ha Cassey?" naiiyak ng tanong nito
"Itama mo yang sitwasyon mo!"
"Maitatama naman namin ni Adam eh, naghihintay lang siya ng tamang timing para masabi yung totoo sa –"
"Hindi mo maituloy? Hindi niya masabi sa… FIANCE niya." Madiing pagkakasabi nito
"Tumigil ka na Cassey ah, napipikon na ako!"
"Edi mapikon ka! Mas napipikon kami sa ginagawa mong pagpapakatanga diyan sa lalaking yan! Ilang buwan ng humahanap ng right timing yang si Adam ha?"
Hindi makasagot si Lovely sa kaibigan. Walang tigil na ang pag-agos ng luha niya. Alam niyang tama ang sinasabi ng kaibigan niya sa kanya.
"Hindi mo rin alam.. paano kung hindi dumating yung right timing na yon? Hanggang kailan ka maghihintay?" kalmado ng tanong nito sa kaibigan.
Tanging hikbi na lamang ang naririnig nila mula kay Lovely. Pati sila ay naiyak na rin sa sobrang awa sa kaibigan. Hindi na sila nakapagsalita pa at niyakap na lamang nila