SLOW MOTION, iyan ang tingin ni Lovely sa paglalakad ni Adam habang papalapit sa kanya. Hindi niya maialis ang tingin sa binata at ganoon din ito sa kanya. Habang papalapit ay nagtanggal ng asul na tshirt si Adam. Muli ay napalunok si Lovely ng makita ang toned na toned nitong muscles. Maganda na ang pangangatawan nitong noong una silang magkakilala ngunit mas gumanda pa ito ngayon, litaw na litaw ang cuts nito at abs.
"Jusmiyo, Adam. Ano tong pinaramdam mo sa akin." Sa isip ni Lovely
Bahagyang napakagat labi si Adam ng makita ng malapitan ang seksing katawan ng dalaga. Angat na angat ang kaputian nito sa kulay itim na swimsuit.
Bumibilis ang paghinga ni Lovely habang bumababa si Adam sa tubig at tumabi sa kanya. Kaunti lamang ang espasyong namamagitan sa kanila. Hindi ito nagsasalita. Seryoso ang mukha. Nakatitig sa tubig at parang naghihintay. Hindi malaman ni Lovely kung anong dapat niyang sabihin sa binata. Gusto na niyang matunaw sa kinauupuan. Para mawala ang kaba ay kinuha niya ang glass at sinalinan muli ito ng wine. Napadami ang buhos niya. Nanginginig kasi siya. Alam niyang nakatitig na sa kanya si Adam. Ininom niya ng diresto ito. She felt a bit tipsy ng maubos niya ang laman ng baso.
Pagkalapag ng baso ay nagsalita siya.
"I thought you already left. Bakit nandito ka pa?" may bahid ng inis ang pagkakasabi nito
Humarap sa kanya si Adam at hinawakan ang beywang niya. Kinabig ito papalapit sa kanya na dahilan ng biglang pagharap niya sa binata. Ngayon lang ulit nagtama ang mga mata nila. Tila nawalan ng lakas si Lovely sa titig na iyon sa kanya ni Adam.
"Let's skip the small talk." Seryosong wika nito sabay halik sa labi niya. Nabigla si Lovely at hindi nakagalaw.
"Anong ginagawa mo?!" sa isip niya habang nararamdaman niya ang labi ng binata na pilit pumapasok sa bibig niya. Ilang saglit pa ay naramdaman niya ang isang kamay nito sa hita niya at naka-alalay nitong binuhat siya para mapaupo siya sa lap nito. Lumipat ang magkabilang kamay ng binata papunta sa likod niya. Damang-dama niya ang mainit na palad nitong yumayakap sa kanya. Uminit ang pakiramdam niya at gusto na niyang sumuko. Pilit na inilalapit ni Adam ang dibdib ng dalaga sa kanya. Biglang bumitaw ng halik si Adam.
"Let go Love." Malambing na bulong nito habang nakatitig sa mga mata ni Lovely
Muli ay hinigit nito ang katawan ng dalaga at hinalikan. Sa pagkakataon iyon ay ibinuka na ni Lovely ang bibig at sinalubong ang maiinit na halik ng binata. Tuluyan na rin niyang hinayaan itong hawakan ang kanyang katawan. Napayakap siya rito ng mahigpit ng bigla nitong tanggalin ang buhol ng kanyang pang-itaas na swimsuit.
"No, Adam." Bulalas nito
Mahirap mang labanan ang init ng katawan ay nagawa pa rin ito ni Lovely. Alam niyang mali ang ibigay ang sarili sa isang taong hindi pa niya asawa. Iyon kasi ang kabilin-bilinan ng kanyang yumaong ina. Ang pahalagahan ang kanyang sarili.
TINAKPAN agad ni Lovely ang kanyang dibdib at nagmamadaling tumayo. Dinampot ang bath robe at isinuot ito habang nakatalikod kay Adam.
"I need to go." Wika nito sabay lumakad ng mabilis palabas.
MALAKAS ang pagkakasara ng pinto ng kwarto ni Lovely. Hinihingal siyang napaupo sa kama niya.
"Ano bang pumasok sa isip mo Lovely at ginawa mo yon!" tanong niya sa isip habang hinuhubad ang bath robe. Hindi maalis sa isip niya ang eksenang ginawa nila ng binata sa pool. Nagsisisi man ay napahawak siya sa labi. Bigla siyang napangiti.
"Urgh!" bawi nito. "Mali! Mali!" naiinis na wika nito habang papasok ng banyo.
Matapos maligo ay nanlaki ang mata niya at muntik ng mapasigaw dahil nakahiga sa kama niya si Adam.
"Anong ginagawa mo dito?" pigil na singhal ng dalaga
Ngumiti si Adam at inaaya siya nitong tumabi sa kanya.
Parang hinaplos ang puso niya ng ngiting iyon. Ngayon niya lang kasi ulit nakita ang matamis na ngiti ng binata.
"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Bumalik ka dun sa kwarto mo!"
"Relax, wala akong gagawin sa'yo, magkukwentuhan lang tayo." Kalmadong sabi nito
"Inaantok na'ko!" pagtaboy nito
"Nakakabuhay nga ng dugo yung kanina eh, parang ang dami kong energy oh!" pangungulit nito
"Kung ayaw mo umalis, ako na lang!" akmang bubuksan nito ang pinto
Mabilis na tumayo at napatalon ang binata pagkarinig no'n. Hinawakan nito ang kamay ng dalaga na nakahawak sa doorknob at malapitan nitong sinabi na gusto lamang niyang makipag-usap.
"Okay, let's talk. Tapos lumabas ka na ha!" singhal nito
Umupo ang binata sa kama at inaya siya nitong tumabi sa kanya.
"No way!" pagtanggi ng dalaga. Nagpout ng lips ang binata at nagpuppy dog eyes pa. Sinadya niyang ipinakita ang reaksyong iyon maawa ang dalaga. Naiinis man ay sumunod na rin si Lovely upang matapos na ang pag-uusapan nila.
"Let's start with… yung biglang pag-alis mo. Yung hindi ka man lang nagpaalam. Doon mo simulang magkwento." Lovely said sarcastically
Sinalaysay ni Adam ang totoong dahilan ng kaniyang biglaang pag-alis. Tahimik lamang si Lovely at walang reaksyon ang mukha. Matapos magkwento ng binata ay sinundan niya agad ng isa pang tanong.
"Why are you here? Wag mo sasabihing work kasi tapos na, nagsi-alis na ang mga kasama mo." May inis ang tinig nito
"I saw you with another man." Maikling rason nito
"And?" tanong nito dahil sa nabiting sagot ng binata
Huminga muna ng malalim si Adam dahil mahaba-haba ang kaniyang sasabihin.
"I don't know if you remember that night. I was in a restaurant, dining with Sarah when I saw you walked in with your friends. Natulala ako and Sarah noticed that. Hindi mo ako napansin kasi nakatuon yung atensyon mo sa lalaking may hawak ng bouquet of flowers. You looked happy. At dahil doon, naisip kong ayusin na lang talaga yung sa amin ni Sarah. Pero hindi ko talaga kaya, ilang beses bumabalik-balik sa isip ko yung ngiti mo. Yung ngiti mong hindi na ako yung dahilan. Kaya naisip kong dito magshoot ng ad para sa kliyente."
"Talaga lang ha! Eh bakit noong dumating ka, hindi ka man lang ngumiti sakin o bumati man lang?"
Napangiti si Adam ngunit halatang namang may kinukubling sakit na nararamdaman.
"Inaccept mo ang friend request ng sekretarya ko di ba?"
"I don't remember."
"I told her to add you at doon ko nakita lahat ng sweet pictures niyo ng boyfriend mo." Halatang nagseselos ang tinig nito
"Bakit ka nandito? Bakit ka nagpaiwan sa mga kasamahan mo? Alam mo naman palang may boyfriend na ako." Sa isip niya'y huling tanong na niya iyon at pag nasagot na ito ay palalabasin niya na ang binata.
"Because I love you." Malambing na pagtatapat ni Adam
Nabigla si Lovely sa mga katagang narinig. Hindi siya makasagot. Nakita ni Adam ang pamumula ng mukha ng dalaga. Napangiti ito ng bahagya.
"I know I'm late. Pero diba sabi nila, it's better late that never." Medyo pabirong sabi nito
"I hate you. Bakit mo pa sinabi yan! Kung kailan masaya na ako!" pagalit na tugon ng dalaga
"Alam kong mahal mo din ako Lovely. Hindi kayang magsinungaling ng mga mata mo kapag nakatitig ka sakin. And that kiss—"
"That was a mistake!" pagputol nito
Sinunggaban ng halik ni Adam ang dalaga. Madiin ang halik na iyon. Hinawakan niya ang nagpupumiglas nitong kamay at dahil sa malakas ang bisig ng binata ay napahiga niya ito. Nanlalaban man ang dalaga ay ramdam ni Adam na gusto nito ang ginagawa niya. Gawa ng pagbaling ng ulo ng dalaga ay nakawala ito sa bibig ni Adam.
"Stop it Adam! This is wrong!" sigaw nito
Napahinto ang binata at tumitig ng maiigi sa mga mata ni Lovely. "It feels so right Lovely. We can make this work just tell me you love me too." Pahayag nito habang nangungusap ang mga mata.
Hindi pa rin umaalis sa pwestong iyon si Adam. Nananatili siyang nakapatong sa dalaga at hawak ang magkabilang kamay nito.
Ilang patlang ang namagitan bago tumugon ang dalaga.
"I.. l-love you too."mahinang tugon nito
Nagliwanag ang mukha ng binata at napangiti. Tinanggal na niya ang mahigpit na pagkakahawak sa kamay ng dalaga at niyakap ito. Napayakap na rin si Lovely. Nakahinga na siya ng maluwag. Ngayon niya nasabi ang matagal na niyang kinikimkim na damdamin para kay Adam. Umalis si Adam sa ibabaw ng dalaga at humiga ng patagilid sa tabi nito. Hinaplos niya ang pisngi ni Lovely at marahang inihaharap sa kanya. Hanggang sa lumapat muli ang kanilang labi sa isa't isa. Marahang palitan ng halik. Alam ni Adam na hanggang doon lamang siya kaya ipinahiga na niya ang ulo ng dalaga sa kanyang braso at saka sila magkatabing nakatulog.