Chereads / The Best Chapter / Chapter 7 - Chapter 7

Chapter 7 - Chapter 7

MATAPOS maligo ni Adam ay siya namang pagbanggit sa kanya ng nobya tungkol sa tawag.

"Baby, sinagot ko yung tawag sa phone mo ha, ring ng ring eh, baka importante, yun pala it's just marketing call from a resort." Kaswal na pagsasalita nito

Nagsalubong ang kilay ni Adam ng marinig ang salitang "resort".

Dinampot agad ni Adam ang cellphone at mukhang naiinis ito.

"Anong resort yung tumawag? Tungkol saan daw?"

"Oh! Bakit naiinis ka? Kanina pa kasi nagriring yung cellphone mo eh!"

"Baka kliyente yun!" palusot nito

"Wag kang mag-alala hindi kliyente yun! May promo lang daw sa resort."

"Anong resort nga?!"

"Wag ka ngang magtaas ng boses sakin! Merce---"

"Mercedes?" pagsabat ng binata

"Oo yun!"

Padabog na lumabas ng kwarto si Adam hawak-hawak ang cellphone. Agad niyang hinanap ang numerong tumawag sa kanya at sinave ito. Malakas ang pakiramdam niyang si Lovely ang tumawag na iyon. Hindi rin kasi ito nawala sa isip niya kahit minsan. Naupo si Adam sa porch ng kaniyang bahay at nagsindi ng sigarilyo.

"Oh! Di ba nag-stop ka na?" ika ni Sarah at akmang kukunin ang sigarilyong nasa kamay ni Adam. Mabilis na umiwas ito.

"Pwede umuwi ka na." Pagtataboy nito

"Hindi mo ako ihahatid?" paglalambing nito

"May dala kang kotse oh!" sabay turo nito

"Would you like me to stay?"

"Umuwi ka na kasi ila-lock ko pa ang gate. Matutulog na rin ako. Maaga pa ako bukas." Walang ganang tugon nito

Nagpantig ang tenga ni Sarah sa tugon ng nobyo. Humarap ito kay Adam at nanggigil na tinanggal ang sigarilyo sa bibig nito.

"Anong problema mo?!" pagalit na tanong nito

"Ikaw! Ikaw anong problema mo?!"

Hinatak ni Adam ang nobya papasok ng bahay para doon mag-usap. Ayaw nitong makaistorbo ng kapitbahay sa lakas ng boses nila. Pagpasok sa bahay ay namumuo na ang luha sa mga mata ni Sarah.

"Bakit ba ganyan ka? Ang laki ng pinagbago ever since bumalik ka. Okay na tayo di ba?"

"You know we're not okay." Sarkastikong ngiti nito

"Tell me, ano pa bang dapat kong gawin para bumalik na tayo sa dati." Pagmamakaawa nito

"Hindi na tayo babalik sa dati Sarah. Kung gusto mo ng maging tayo, makuntento ka sa ganito." Malamig na pagsasalita nito

"Nagkabalikan nga tayo pero parang hangin mo naman ako ituring, palagi kang tahimik, lumilipad ang isip mo sa kung saan!

Simula ng bumalik ka, hindi na natin napag-usapan ang kasal natin. Hindi ka na malambing sa akin kagaya ng dati."

"What do you expect Sarah. You cheated on me!"

"Tapos na yun! Confuse lang ako non kaya nagawa ko yun. Gusto ko lang makasiguro na—"

"Oh come on Sarah! We both know na kung walang asawa at mga anak ang ex mo siguro hanggang ngayon magkasama kayo!"

"Please Adam. Tigilan na ntin yung ganitong pag-aaway."

"You're right. Tigilan na natin 'to."

"What?! Ang sabi ko tigilan na natin yung ganitong pag-aaway. Kung hindi na tayo makakabalik sa dati we can start all over again." Humihikbing pakiusap nito

Walang maisagot si Adam sa pakiusap na iyon ni Sarah. Hanggang sa lumuhod ang dalaga sa harap niya. Parang natauhan si Adam sa ginawang iyon ni Sarah.

"What are you doing?!" sabay hawak nito sa braso ng nobya at iniangat ito

"Gagawin ko lahat Adam, just give me a chance. Let's make this work. I cant imagine what life is like kung hindi kita kasama. Please.. please.." Pagmamakaawa nito sabay yakap ng mahigpit sa kanya

Hindi ganoon katigas si Adam para hindi makaramdam ng awa sa nobya. Naisip rin niya ang pagiging mabuti nito sa kanya sa loob ng tatlong taong kasama niya ito. Sa kabila ng kasalanan nito sa kanya ay alam niya ring may pagmamahal pa siya para rito.

Nagbalik sa kanyang alala ang gabing iyon. Ang huling gabi niya sa resort. Matutulog na sana siya noon. May ngiti sa mga labi niya habang naiisip niya si Lovely at ang plano niyang pagtatapat ng nararamdaman niya para dito.

Sa kalagitnaan ng mahimbing niyang tulog ay walang humpay ang pagriring ng cellphone niya. Kahit antok na antok pa ay inabot niya ito at nasulyapan niyang alas kwatro pa lamang ng madaling araw.

"Hello" pagsagot nito sa tawag na gumagaralgal pa boses

"Adam!" malakas na boses ng nasa kabilang linya. Nabosesan niya agad ito.

"Tita, Bakit ho?"

"Adam nandito kami sa ospital! Si Sarah.." umiiyak na pagsasalita nito

"Naano si Sarah?"

"Nagtangkang magpakamatay! Nag-away ba kayo?"

"H-hindi ho." May alinlangang tugon niya

"Pumunta ka dito! Kung may problema kayo ayusin niyo! Hindi yung aabot kayo sa ganito!"

Dali-daling nagempake si Adam at umalis ng resort.

Nang magising si Sarah ay nakita niya si Adam sa tabi niya.

"You have a lot of explaining to do. Tell me why did you do this stupid thing." Bakas ng pagpipigil ng inis ni Adam sa pagtatanong na iyon.

Pagkarinig ng tanong na iyon ay ibinaling ni Sarah sa ina ang tingin. Abala itong nag-aayos ng gamit niya.

"Walang alam si tita sa mga pinag-gagagawa mo no?" tanong nito

Marahang umiling ang dalaga. Matagal na hindi umimik ang dating magkasintahan.

"I think I should go ahead. Para makapag-usap kayong dalawa."

Paalam ng ina ni Sarah sabay kuha ang shoulder bag at humalik sa noo ng anak.

"Ayusin niyo yan ha. Ikaw na Adam ang bahala kay Sarah, mamayang gabi na ako babalik dito." Ma-awtoridad na bilin nito

Pagka-alis ng ina ay nagpakawala ng buntong hininga si Sarah. Batid ni Adam na iyon na ang hudyat ng pagsasalita nito.

"I was calling you for three days."

"And you expected me to answer your calls after what happened, unbelievable." Adam said sarcastically

"Adam, I'm truly sorry." Sabay tulo ng luha nito

Hindi tumitingin ng diretso si Adam sa dalaga, sumusulyap lamang ito.

"Ganun lang yun? Babalik ka sakin kasi hindi ka pinili ng lalaki mo?" madiing pagkakasabi nito

"I love you Adam. I do."

Naaawa si Adam sa dating nobya ngunit nangingibabaw pa rin ang galit nito

"You did this kasi hindi ko sinasagot ang tawag mo, ganun ba? Ibig sabihin kasalanan ko pa yang nangyari sa'yo?"

"No, I'm not blaming you. Naiintindihan ko yung galit mo, ang sa akin lang bigyan mo pa ako ng chance, please Adam."

Matigas si Adam. Ayaw niyang tignan ang dating nobya. Kapag kasi tinitigan niya ito ay lalo siyang maaawa. Alam ni Sarah ang weakness ng dating nobyo.

"Look at me Adam." Masuyo nitong hinawakan ang baba ng nobyo a iniharap sa kanya

"I love you Adam, please. Let's make this work. Give me a second chance, I'll make it up to you. Please.. please.." pagmamakaawa nito

Nakita ni Adam ang buong pusong pakikiusap ng dating nobya. Naramdaman niyang mahal niya pa rin ito.

"I can't promise you anything Sarah."

"I understand. Just stay with me baby." Sabay halik nito sa kamay ng binata

NATATAKOT si Adam na baka gawin muli ni Sarah ang pagtatangkang pagpapakamatay kapag iniwan niya ito. Hindi kakayanin ng konsensya niyang siya pa ang maging dahilan ng pagkawala nito.

"Thank you Adam. Mahal na mahal kita." Bulong ng dalaga habang nakayakap sa binata. Hindi naman naghintay ng sagot si Sarah dahil alam niyang kailangan talaga ng panahon upang maibalik ang dating pakikitungo sa kanya ng dating nobyo.