NAGPAPALIPAS ng oras si Lovely at ang mga kaibigan niya sa mini park sa loob ng kanilang university. Napuna ni Evie ang pananamlay at pagiging walang kibo ni Lovely.
"Mukha ka namang nalugi sa itsura mo girl!" puna nito sa kaibigan
"Ay oo nga pala! Ano nga palang nangyari dun sa kinukwento mo samin kahapon? Natawagan mo?"
Tumango lang si Lovely at umiiwas na pag-usapan ang tungkol kay Adam.
"Hoy! Ano na?! Gusto pa nito pinipilit eh!"
"Wala. Mag-aasawa na yun kaya wag na nating pag-usapan, okay?!"
"What?! Mag-aasawa na? Ilan taon na ba yun girl?"
"26"
"Ah mature na"
"Oo pero gwapo at mukhang professional."
"Uy, pinagtatanggol!" panunukso ng mga ito.
"Alam mo wag ka ng magsenti diyan, look around you, malay mo isa sa mga yan ang maging first boyfriend mo." Sabay turo ng kamay sa palagid
"Wag ka dun sa mga pa-fall! Dun ka sa hindi ka basta basta iiwang nganga!"
"Correct!"
"Ayun girl, si Zack, alam ko matagal ng may crush sa'yo yan!"
"Ha? Si Zack, naging kaklase natin ng highschool yan, babaero yan! Ayoko!"
"Choosy pa 'to! Malay mo nagbago na yan, alam ko walang jowa yan ngayon eh, teka tawagin ko."
"Hoy! Tumigil ka nga!" sabay awat sa kaibigang si Evie
"Zack! Zack!" natuloy pa rin nitong pagsigaw
Biglang tumiklop na parang makahiya si Lovely sa ginawa ng kaibigan. Agad lumingon si Zack sa kanila at ngumiti. Kasama nito ang mga kaklse na nakatambay lang din medyo malapit sa kanila.
Dahil sa narinig rin iyon ng mga kasama ni Zack ay tinukso na rin siya ng mga ito.
"Pare, lapitan mo na. Kahit sino diyan, lahat naman ng magkakaibigang yan magaganda eh!"
Zack brushed his dark brown wavy hair backwards and grin to his classmates.
"Go Zack!" pagcheer ng mga ito habang pinanunuod na lumakad ang kaibigan palapit kila Lovely.
Paglapit nito ay hindi malaman ni Lovely ang gagawin sa kahihiyang ginawa ng kaibigan. Nagtatawanan ang mga ito habang papalapit na si Zack sa kanila.
"Hi! Bakit niyo ko tinawag?" nakangiting tanong nito
"Ah, you know Lovely di ba? Malungkot kasi siya ngayon, pwede mo ba siyang pasayahin kasi aalis na kami eh."
"Ah ganun ba."
"Oh! Lovely, maiwan ka namin kay Zack ah. Smile!" sabay mabilis na tayo ng mga kaibigan niya.
Humabol pa ng kurot si Lovely sa tagiliran ng kaibigan ng paalis na ito.
"No need Zack, you can go back to your friends. I'll go ahead na rin." Sabay dampot ng bag nito at akmang aalis
Hinawakan agad ni Zack ang kamay ni Lovely na nakahawak sa bag. Biglang naalala ni Lovely ang paghawak sa kanya ni Adam noon kaya agad niyang inalis ang kamay dahil sa pagkabigla
"I'm sorry" alistong wika ng binata
Napatitig si Lovely s mukha nito. Magkahalong kaba at hiya ang nararamdaman niya.
"Kwentuhan muna tayo, don't worry, hindi ako manyak." Sabay hawak nito sa upuan
Dahil sa hiya ay napa-oo ang dalaga. Tahimik lamang ito at hindi makapasalita.
"Bakit ka nga pala malungkot?"
"Ah, wala yun."
"Alam mo simula noong highschool tayo ganyan ka."
"What do you mean?"
"Ganyan.. tahimik, seryoso, nakakailang lapitan, kaya walang makapagtangka manligaw sa'yo eh, kahit ako." Nabiglang pahayag ni Zack
"May balak ka pala manligaw noon ah!" napangiti ito
"Ayun! Ngumiti rin!"
"Oh! Bakit? Ano namang meron sa ngiti ko?
"Bihira kasi kitang nakikitang ngumiti."
Dahil sa natural na pagiging charming ni Zack ay hindi namalayan ni Lovely na nagbibiruan na sila ng binata. Hanggang sa tawagin na siya ng kaibigang si Evie dahil papasok na sila sa klase.
"Papasok ka na pala---Lovely!"
"Bakit?"
"Can I--- get your number?" nahihiyang tanong ng binata
"uhm, excuse me. Mas matipid kung sa facebook na lang?" pagsingit ni Evie sa usapan ng dalawa
Natawa ang dalawa sa hirit ng kaibigan. Hanggang sa ibinigay na rin ni Lovely ang number niya sa binata.
Magaan ang loob ni Lovely kay Zack, palabiro ito at masayahin tulad ni Adam. Palagi silang magkausap sa cellphone, magkachat sa messenger at sumasama rin ang binata sa kanya kahit pa kasama ang mga kaibigan niya. Hinahatid at sinusundo rin siya nito sa bahay.
First day na ng on-the-job-training ni Lovely sa isang malaking hotel sa Manila. Kinakabahan siya. Sinundo siya ng binata sa bahay at inihatid sa hotel na pagtetrainingan niya. Sa unang araw pa lamang ay masakit na ang paa ng dalaga dahil sa maghapong nakatayo sa front desk. Gabi na at tinignan niya ang cellphone. Nagtataka siya na walang text message ang binata sa kanya. Nasanay na kasi ang dalaga sa ginagawa ni Zack.
Habang nag-aayos ang magkakaibigan sa restroom bago umuwi ay napansin ni Cassey ang panay tingin ni Lovely sa cellphone niya.
"Girl, kung walang text, okay lang mauna magtext. Wag kang masyadong pa-Maria Clara."
"Okay lang yung ganun? Hindi ba nakakahiya?"
"Sus! Okay lang yun no! Mangamusta ka lang." tugon nito habang naglilipstick
Nilakasan ni Lovely ang loob at nagtext sa binata kung anong ginagawa nito. Hindi ito mapakali at naghihintay agad ng reply.
"Di kaya napagod manligaw yun? Sa tingin niyo? Give up na kaya?"
"Girl, kumalma ka nga. Magretouch ka na. Mamaya dumating yun tapos mukha kang haggard diyan."
Inilabas ni Mia ang face powder ng kaibigan sa bag nito.
"Ayusan kita, napapraning ka na eh!" wika nito habang pinapahiran ng face powder ng mukha ng kaibigan
"Eto, bagong bili kong lipstick, gamitin mo, bagay sa'yo yan."
"Bakit pa ko maglilipstick eh uuwi na ako, ang sakit na ng paa ko sa heels na'to."
Binuksan ng kaibigan ang lipstick at walang paalam nitong ipinahid sa labi ni Lovely.
"Oh ayan, okay na, halika na, magdinner muna tayo."
Paglabas ng magkakaibigan sa hotel ay tumawid sila katapat na restaurant. Doon niya agad nakita si Zack na may hawak ng bouquet of roses. Napatingin siya sa mga kaibigan habang papalapit ang binata.
"Kayo ha!" habang kinikilig
"Mauna na kami girl. Enjoy the night!" sabay beso sa kabigan at saka umalis
Paglapit ng binata ay inabot nito ang bulaklak.
"First time ka nauna magtext sakin ah" nangingiting wika nito
Tumango lamang ang dalaga at naupo sa iniayos na silya ni Zack.
"Anong meron? Bakit tayo magdidinner?" usisa ng dalaga
"First day mo."
"First day lang, may pa-dinner pa?"
"Syempre special."
Habang kumakain ay kinukwento ni Lovely ang unang araw niya sa hotel. Buong atensyon namang nakikinig ang binata sa kanya. Hanggang sa matapos ang date na iyon at ihahatid na siya ng binata. Pagpasok sa subdivision kung saan nakatira ang dalaga ay may maliit na parke doon bago sumapit sa bahay nito. Inihinto ni Zack ang sasakyan doon at inaya siyang bumaba muna.
Pagbukas ng pinto ng kotse ay nag-aalangan bumaba si Lovely.
"Why?"
"My feet hurts. Tanggalin ko na lang sapatos ko tutal malapit na rin naman ako sa bahay."
"Ah! Wait lang." umalis ito at binuksan ang compartment ng kotse.
"Here you go." Sabay dukwang nito para isuot sa dalaga ang pambahay na tsinelas
"Wow ready ah!" sabay suot ng tsinelas na panlalaki
"Pang emergency ko yan" sabay ngisi
May maliit na playgound doon at inaya siya ng binata na magswing. Doon ay komportable silang nag-uusap at nagtatawanan. Hanggang sa maging seryoso ang mukha ng binata. Tila alam na niya ang mga susunod na mangyayari.
"Lovely"
"Yes?"
"Wala pa akong tanong naka-yes ka agad." Biro nito
"Ikaw ah!" sabay mahinang hampas nito sa balikat ng binata
"Pinapatawa lang kita. But seriously.." Tumayo ito at hinawakan ang kamay ng dalaga at inayang tumayo din. Lumapit ng husto si Zack sa dalaga.
"Lovely, I love you. Can you be my girlfriend?" namumungay ang mga mata nito habang binibigkas ang mga salitang iyon.
Sa sandaling iyon ay nagbitaw ng matamis na "yes" ang dalaga ng walang alinlangan. Mahigpit na yakap ang sumunod. Pagkalas ng bisig ng binata kay Lovely ay inilapit nito ng husto ang mukha sa dalaga at naghihintay ng pahiwatig ng pagsangayon nito.
Umusad ng kaunti ng ulo ng dalaga. Yun ang hudyat na hinihintay ni Zack. Ibinaling niya ng kaunti ang ulo at dahan-dahang inilapat ang labi sa malambot na labi ng dalaga.
It was a soft, passionate kiss. Napapikit silang dalawa at pinakikiramdaman ang lakas ng tibok ng kanilang mga puso. Pag-urong ni Zack ay siya namang dilat nila. Sabay silang napangiti. Muli pa ay hinagkan ni Zack ang dalaga. This time his lips is half open. Nabasa ni Lovely ang halik na iyon at sinundan niya ang bawat galaw ng labi ng nobyo. Niyakap ng husto ni Zack ang dalaga papalapit sa kanya. Alam ni Lovely na umiinit ang kanilang halikan. Ilang saglit pa ay bumitaw na ang dalaga at napangiti. Napahawak sa kanyang labi.
"I'm your first kiss." Nakangiting puna ni Zack
Tumango ng marahan ang dalaga. "How did you know?" tanong nito
"I just know." Sabay yakap nito sa nobya