NANGHIHINAYANG si Zack dahil ngayong sembreak ay hindi siya makakasama sa nobya sa resort nito.
"I'll call you everyday babe! Mamimiss kita! I love you!" pagpapaalam nito habang nakayakap at panay ang halik sa pisngi ni Lovely
"Hoy Zack! Halika na sa loob! Aba tong bata na 'to! Sa Bacolod lang pupunta akala mo mag-aabroad kung magpaalam!" bulyaw ng ina ni Zack
"Sige na pumasok ka na sa loob, see you in two weeks babe! I love you!" pagtulak nito sa nobyo
"Sige Lovely anak, alis na kami, mag-iingat ka sa pagmamaneho ha." Paalam ng ina ni Zack kay Lovely
Gabi na ng makarating sa resort ang dalaga. Mabuti na lamang at naabutan nito ang nanay-nanayan bago ito umuwi. Habang nagkukwentuhan ay hindi maiaalis na maitanong ng matanda kung anong nangyari at bigla silang naglaho ni Adam. Hindi na naitago pa ni Lovely ang pagkainis habang nagkukwento sa matanda.
"Aba'y loko palang bata yun ano!" bulalas ni nanay Tessie
"Hayaan niyo na ho, masaya naman na po ako."
"may nobyo ka na?"
"Opo" matamis na ngiti nito
"Kaya naman pala blooming si ma'am!" puna ni Alvin
ISANG LINGGO nang nasa resort si Lovely at masaya ang bawat araw niya roon. Naituturo niya kay Iza at Rose ang mga natutunan niya noong nag-training siya bilang front desk officer sa isang kilalang hotel sa Maynila. May ilan din siyang plano na inihanda para madagdagan ang mga pumupunta sa kanilang resort. Masaya sila at sa wakas ay unti-unti ng natutupad ang pangarap nilang lahat para sa resort.
"Rose, may mga reservations ba tayo? Iaayos ko kasi ang dates ng gagawin kong promo for this coming summer."
"Isa lang po ma'am, yung advertising agency po na magshu-shoot daw po dito ng two days. Sa Saturday na po yun tapos wala na pong iba."
"Ah good. Okay na yun kesa wala di ba?" nakangiting tugon nito
Naging abala si Lovely sa pagpapaganda ng resort. Nanghingi siya ang pera sa kanyang ama upang ipangbili ng pangdagdag na dekorasyon doon.
"Wow! Ang ganda ma'am! Natutunan niyo rin po iyan sa training?" puna ni Iza
"Nakita ko lang doon tapos ginaya ko, para mabago naman ng kaunti, si mama pa ang huling nag-design ng resort eh." Tugon nito habang inaayos ang mga dekorasyon sa receiving area.
Binago ni Lovely ang disenyo ng signage ng resort at nagpalagay din siya ng mga outdoor lamps at string lights sa mga daan doon. Dahil sa bagong bihis ng resort ay naisip ni Lovely na kumuha ng professional photographer para makuhanan ito at maipost sa social media.
"Ma'am!" sigaw nito habang nakaharap sa computer
"Ano yun Iza?"
"Ang daming nag-iinquire sa resort natin sa facebook ma'am!"
"That's good! Effective ang promotion! Sagutin mo lang lahat ng questions nila at akong bahala mag-ayos kapag may reservations."
Masayang ibinalita ni Lovely sa ama ang unang tagumpay niya sa pamamalakad ng resort. Inaaya niya ito na pumunta roon ngunit katulad ng inaasahan niya ay nagdadahilan ito.
UMAGA pa lamang ay abala na si Lovely at Rose sa pag-aasikaso sa mga customers. Karamihan ng mga walk-in guests ay mga estudyante ring katulad niya, mga magbabarkada na sinusulit ang sembreak. Hanggang sa dumating na ang mga guests na nagpareserve mula sa isang advertising agency. Excited na sinalubong nila ang mga ito dahil isang malaking oportunidad ito sa resort para lalo itong makilala.
Isang babae ang lumapit sa kanila at nagpakilala na siya ang nagpareserve ng tatlong room para sa two-day stay nila sa resort. Agad nitong nilista ang pangalan ng kumpanya at ilang detalye sa information sheet. Habang nagsusulat ito ay nagsidatingan na rin ang mga kasamahan nito. Naupo ang mga ito sa bagong palit na sofa sa receiving area at doon hinatidan ng welcome drinks.
"Ang ganda ng resort niyo." Papuri ng babae
"May I know po kung paano niyo po nalaman yung resort namin?" usisa ni Lovely habang nakangiti
"Sa boss ko, siya yung nagsabi sa kliyente na dito i-shoot yung commercial." Kaswal na sagot nito
"Sinong boss?" dagdag na tanong ni Lovely
"Kasama namin, mamaya lang darating na yun. Si Mr. Ad—"
Naputol na wika nito
"A-Adam." Dugtong ng dalaga
Nasabi iyon ni Lovely dahil nakita niyang bumaba ng kotse ang binata at papalapit na ito habang may bitbit na bag. Nakasuot ito ng sunglasses. Naka-blue polo ito na nakatupi ang manggas at tattered maong shorts. Seryoso ang mukha nito at hindi siya pinansin. Naupo agad ito sa sofa.
"What's with the attitude?" sa isip niya habang nakatitig sa binata.
"Yung keys?" tanong ng babae at agad iniabot ni Rose ang mga susi ng kwarto. Alam ni Rose na na-shock ang amo kaya't siya na rin ang nagturo sa mga magiging kwarto ng mga ito.
Nakatitig lamang si Lovely habang dumadaan sa harap niya si Adam. Nagtataka siya bakit ganoon ang kilos ng binata. Malayo sa unang nilang pagkakakilala. Hindi man lang siya nito nilingon o binati man lang.
"Bakit sa itsura niya parang ako pa ang may kasalanan sa kanya? Hindi ba't siya yung nagpa-asa?" tanong ni Lovely sa sarili habang nakasalubong ang kilay
Pagbalik ni Rose ay agad umalis si Lovely dahil gusto niyang magtanggal ng inis dahil sa nangyari. Pumunta agad ito sa kusina kung saan naroon si nanay Tessie at Mang Teban. Kinuwento agad nito ang nangyaring pang-iisnab sa kanya ni Adam. Habang nagkukwento ay bakas na bakas ang inis sa pagsasalita niya. Tila nagpipigil naman ng tawa ang dalawang matanda habang nakikinig sa kanya.
"Ano ba kasing kinaiinis mo? Hindi ba't sabi mo masaya ka na sa nobyo mo. Pansinin ka man o hindi ni Adam ay dapat wala na iyo 'yon. Pwera na lamang kung may gusto ka pa rin sa kanya." Nakangising panunukso ng matanda habang naghihiwa ng carrots.
"Gusto mo mag-sorry siya sa'yo? O mag-I love you?" dagdag na panunukso ni Mang Teban
"Pareho yata!" hirit ni nanay Tessie sabay tawa ng mag-asawa
"Kayong dalawa ha! Kanina niyo pa ko inaasar! Maka-alis na nga!" padabog na umalis ang dalaga
"Babantayan niya yun si Adam" medyo pabulong na sabi ng matanda
"Narinig kita nanay!" sigaw ni Lovely mula sa labas ng pinto
Isang oras makalipas ay lumabas na sa kani-kaniyang kwarto ang mga tauhan ni Adam para masimulan na ang trabaho. Kagaya ng una ay dinaanan lamang ng binata si Lovely at parang hindi ito nakikita. Hanggang sunset lamang nagtrabaho ang mga ito at sabay-sabay naghapunan.
Maghapong iyon ay hindi mapakali si Lovely sa front desk. Kung ano-ano ng inaayos niya sa paligid. Hanggang sa maabutan na siya ni Iza. Nagtaka ito sa kilos ng amo kaya tinanong si Rose tungkol dito.
"Nandiyan si Sir Adam, dinedma siya." Bulong ni Rose sa kapalitan
"Ahh. Humopya si Madam." Sabay pigil na tawa ng dalawa
Napansin ni Lovely na nakikipag-usap ang binata sa ibang tauhan niya at nakikipagtawanan. Lalo siyang nakaramdam ng inis.
Nang gabing iyon ay hirap makatulog ang dalaga. Hindi naman niya maabala ang kanyang nobyo dahil nakikipag-inuman ito sa mga kamag-anak nito sa Bacolod. Hanggang sa may kumatok sa kanyang pinto. Napabalikwas siya at naisip agad na baka si Adam 'yon.
Inayos niya pa ang kanyang buhok at huminga ng malalim bago buksan ang pinto.
"Ma'am, may problema po." Nahihiyang sabi ni Iza
"Ano 'yon?" nadismayang tanong ni Lovely
"May reklamo po yung naka-check-in."
Agad sumama si Lovely kay Iza upang puntahan yung nagrereklamong guest. Nakita niya agad ang sekretarya ni Adam na nakatayo sa gilid ng pinto ng kwarto. Nginitian niya ito bago siya nagtanong kung anong problema. Ayon sa sekretarya ay hindi lumalamig ang aircon ng kwarto. Habang nagsasalita ito ay naglalakad sila papasok sa loob nito. Pagtingin niya sa aircon ay nasulyapan niya si Adam na nakahiga sa kabilang kama. Naka-shirt itong puti at shorts habang may tinitignan sa cellphone. Buntong hininga ang pinakawalan ng dalaga bago siya nagsalita.
"Iza, ipatawag mo kay Alvin yung naggagawa ng aircon. Para magawa agad ito."
"Miss, lipat na lang ng room sila Sir kasi maaga pa po kami bukas, kailangan na hong magpahinga." Mungkahi ng sekretarya
"Okay po." Mabilis na tugon ng dalaga
"Ma'am isa na lang po yung available na room."
"Okay, ilipat mo sila doon. Ituro mo na lang kung saang room."
"Yung katabing room niyo po yun ma'am." Bulong ni Iza
Nanlaki ang mata ni Lovely sa narinig. Tila nananadya ang tadhana na pangyayaring 'yon. Naunang lumabas ng kwarto si Lovely upang lumanghap ng sariwang hangin dahil pakiramdam niya ay hindi siya makahinga sa kwartong iyon.
Hanggang sa huling araw ng pagstay ni Adam at mga kasama niya ay patuloy pa rin ang pag-iiwasan nila ni Lovely. Later that night, matapos magvideo call sa nobyo ay nagpasiya si Lovely na magnight swimming para marelax siya at mabilis makatulog. Bmag-isa siyang nagpunta sa gusaling may indoor pool. Tanging mga wall lamps lamang sa right side ang binuksan niyang ilaw para hindi siya masyadong kita sa loob dahil made of clear glass ang isang wall nito na tanaw ang beach. Nang buksan niya ang ilaw ng pool ay napangiti siya at naexcite. Inilapag niya muna ang bottle of wine at glass sa gilid ng pool. Saka niya hinubad ang bath robe na puti at isinabit sa may silyang naroon. Bahagya siyang nilamig dahil naka-two piece swimsuit lamang siya. Dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan at saka nagsimulang lumangoy. Pasisid siyang lumangoy hanggang sa dulo ng pool at agad naman itong bumalik sa pamamagitan ng floating style. Muli ay naupo siya sa hagdan at nagsalin ng wine sa baso. Pagkainom ay medyo inihiga ang sarili at dinama ang lamig ng tubig. Paminsan-minsan ay umaangat para uminom ng wine. Hindi niya maalis sa isipan ang reaksyon ng mukha ni Adam. Napapatanong nga siya sa sarili kung bakit ganoon ang binata sa kanya. Pinakikiramdaman niya ang sarili. Para kasing bumabalik ang damdamin niya para dito.
Habang nakapikit ay naalala nito ang saglit na pagsasama nila. Ang gwapo nitong mukha at tikas ng pangangatawan. Napapangiti siya pag binabalikan ang mga napagkwentuhan nila sa isla. Hanggang sa napadilat siya dahil sa langitngit ng pinto. Alam niyang wala ng tao dahil maghahating-gabi na. Umayos siya ng upo at pilit inaaninag ang tila anino sa may pintuan. Nangilabot siya sa takot dahil multo agad ang unang pumasok sa isip niya. Habang lumalakad ang tao papalapit sa kanya ay unti-unti na niya itong nakikilala. Matikas ang pangangatawan at sa tindig pa lamang ay alam na niya kung sino iyon. Napalunok siya ng mailawan ang mukha nito.
"Adam" mahinang wika nito