Chereads / The Best Chapter / Chapter 3 - Chapter 3

Chapter 3 - Chapter 3

NAGSAWA na ang dalawa sa pagbababad sa tubig at halatang nilalamig na ang dalaga. Kaya nag-aya na itong bumalik sa cabin upang makapagpalit na ng damit.

"Saan tayo dadaan?" tanong ni Adam

"We have to swim to get to that big rock." Tugon nito sabay turo sa pupuntahan nila.

Lumangoy ang dalawa patungong sa batuhan. Pag-ahon ay napansin agad ni Adam na mukhang mahirap ang daraanan at nag-alala siyang baka mapahamak ang dalaga sa pagtapak doon.

"Sumampa ka sa likod ko, bubuhatin kita." Ika nito

"Ayoko nga!" matigas na pagtanggi ng dalaga

"Huwag ka ng mahiya, ayoko lang madulas ka diyan sa batuhan."

"Kaya ko naman!"

"No! Sampa sa likod ko, dali." Pagpupumilit nito sabay umupo para madali sa dalaga ang pagsampa

Dahil mukhang seryoso ang binata at hindi papatalo ay sumunod ang dalaga sa gusto nito. Naiilang man ay sumampa ito sa likod ni Adam. Halatang idinidistansya niya ang dibdib sa likod ng binata.

"Kumapit ka mabuti." Sabay hawak sa kamay ng dalaga at iniyakap nito sa leeg niya.

Nabigla ang dalaga sa ginawa ni Adam. Hindi na niya ito natanggal dahil biglang tumayo ito at napahigpit ang kapit niya sa leeg nito.

"Ay! Sorry!" bulalas nito dahil alam niyang nasakal ito.

"Okay lang, basta ikaw." Tugon nito

Hinampas niya ito ng mahina sabay tawa

"Huwag kang malikot baka matumba tayo!" wika nito habang natatawa

Habang nakasampa siya sa likod ng binata ay napagtanto niyang iyon ang unang pagkakataon na nakahawak siya ng lalaki. Napangiti siya habang tinititigan ang mamasel na likod at braso ng binata. Hindi nga niya napansin na malapit na siyang bumaba dahil nagenjoy siyang karga nito.

"Ang gentleman ha." Sa isip niya

"We're here! Wooh!" wika nito habang naghahabol ng hininga

Inaya ni Lovely ang binata na pumasok sa loob ng cabin upang makaligo ito. Habang nagkakape ang dalaga sa porch ay tinanong ito ng binata.

"Why are you smiling?" malambing na tanong nito

"Wala, I just realized na it's been a long time since I had fun." Nakangiting tugon ng dalaga

"Uhmm. Good thing kinulit kita!"

Habang nagmemeryenda ay naunang magkwento si Adam tungkol sa kanyang sarili. Napansin kasi ng binata na may pagkatahimik ang dalaga. Kinwento ni Adam ang tungkol sa trabaho niya sa isang advertising company at ang pag-iisa niya dito sa Pilipinas dahil ang mga magulang at ate niya ay nasa Amerika na. Kung hindi pa tanungin ni Adam ang dalaga ay hindi ito magkukusang magkwento tungkol sa kanyang sarili. Doon niya napag-alaman na nag-aaral ito sa isang unibersidad sa Maynila at tanging ama na lamang ang kasama sa buhay dahil yumao na ang ina nito two years ago sa sakit na kanser. Dahil lumungkot ang mata ng dalaga ng mapag-usapan ang ina ay agad iniba ni Adam ang pinag-uusapan. Hanggang sa hindi na nila napansin ang oras dahil sa masayang kwentuhan.

KINABUKASAN ay maaliwalas ang mukha ng dalaga na bumati kay Iza paglapit nito sa front desk. Napansin niyang abala ito at kausap si Rose, ang kapalitan ni Iza sa front desk.

"Oh, Rose. Why are you here? Mamaya pa shift mo di ba?" usisa nito

"Ma'am kasi po—" nauutal na tugon ni Iza sabay turo sa likuran ng amo.

Agad lumingon sa likod si Lovely upang tignan ang tinuturo ni Iza sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya ng magtama ang pareho nilang matangos na ilong ni Adam. Konting konti na lamang ang pagitan ay mananakawan na siya ng unang halik ng binata. Lumakas ang tibok ng puso ni Lovely at napaatras siya ng bahagya.

"Oh! Andito ka?" nabiglang tanong nito. She knows she's blushing. Ramdam niya ang init ng pisngi niya.

"Ah ma'am, si Sir po ang nagsabi na papasukin si Rose kasi po—" naputol na namang pagsasalita ni Iza

"Aalis tayo Lovely, kasi susuklian kita di ba?"

"You really don't give up that easily, makulit ka talaga!"

"Yup! Hindi kita titigilan hanggat hindi ka sumasama sakin." Nakangising tugon nito

"Sige na ho, ma'am!" panunukso ng dalawang empleyada

"Kagaya ulit ng kahapon! Magpalit ka na ng damit at magdala ng twalya at pamalit." utos nito sa dalaga

"Aba! Ginagaya mo ako ha!" nakangiting puna nito

PAGBUKAS ng pintuan ni Lovely ay nakasandal sa gilid ang binata at hinihintay siya. Kinuha nito agad ang tote bag niya at sabay silang naglakad papuntang sa dalampasigan. Kumaway agad si Mang Teban.

"Aba! Mang Teban! Kasabwat ka nito?!" sabay tabig sa binata habang sumasampa sa bangka

"Mahirap humindi kay Sir ma'am!" tugon ni Mang Teban

"Oo nga, makulit eh!" pagsang-ayon ng dalaga

Habang nakaupo ang dalaga ay agad niyang napansin ang mga nakaayos na lalagyanan ng mga pagkain at isang malaking cooler. Napansin ni Mang Teban na nakatingin ang dalaga sa mga ito.

"Si Sir ho nag-ayos niyan ma'am, maaga ho yan nag-abala para daw ho sa sukli niyo." Natatawang pahayag nito

Nangiti lang ang dalaga sa narinig na iyon sabay binaling ang tingin sa binata. Abala ito sa pagkuha ng litrato sa mga nadaraanang tanawin.

BUONG maghapong iyon ay puno ng biruan at tawanan. Ni hindi nila namamalayan ang oras habang magkasama. Damang-dama ni Lovely ang pagiging isang babae kay Adam, napakamaginoo kasi nito. Palaging naka-alalay ito sa kanya at walang patid siyang pinapatawa. Si Adam naman ay hindi mawalan ng ngiti sa labi sa tuwing magtatama ang mga mata nila ng dalaga. Gustong gusto niya ang pakiramdam na inaasikaso. Napakamaalaga ng dalaga sa kanya. Lagi nitong tinatanong kung uhaw ba siya o gutom at agad naghahanda ng pagkain. Hindi sila nauubusan ng pagkukwentuhan. Mula sa mga mabababaw na detalye ng kani-kaniyang buhay ay napunta ito sa mga mabibigat na mga pinagdaanan.

OUT of curiousity ay naitanong ni Lovely sa binata ano ang kwento sa likod ng una nilang pagkakakilala. Huminga ng malalim ang binata bago ito tuluyang sumagot.

"I was engaged." Tugon nito

"Oh! Engaged ka na pala, bakit ka magpapakalunod?" usisa nito

"She called it off." Malungkot na tugon nito

"I'm sorry." Sinserong tugon ng dalaga

"You don't have to. Kung hindi nangyari iyon, hindi kita makikilala." Wika nito sabay balik ng mga ngiti sa kanyang labi

Hindi na nakatugon pa ang dalaga at napayuko. Para mabasag ang katahimikan ng sandaling iyon ay nag-ayang tumayo si Adam para mamasyal muli.