Her eyes were shimmering with adoration nang makita ang hinandang romantic dinner ni Adam sa isla. May mga palamuting mga bulaklak sa paligid at may puting tela na nakabubong sa kakainan nila. May mga naka-alambiting ding string lights na nagbibigay liwanag sa mesa. Nakahain na ang mga pagkain at wine na iinumin nila. Masuyong pinaupo ni Adam ang dalaga. Habang kumakain ay pinanunuod nila ang unti-unting paglubog ng araw. Nawala ang inis ng dalaga sa binata sa gesture na iyon. Ngunit may alinlangan pa rin siya. Nararamdaman niyang may pagtingin na rin siya para dito ngunit ayaw naman niyang maging panakip butas lamang. Kilala ni Lovely ang sarili. Hindi niya kayang manahimik kung may gumugulo sa kanyang isip, gusto niya agad masagot ang mga tanong na iyon.
Matapos maghapunan ay magkasama nilang niligpit ang mga iyon at ipinasok sa loob ng cabin. Habang hinihintay nilang sunduin sila ni Mang Teban ay naisipan ni Adam na gumawa ng bonfire. Agad nitong binaba ang glass of wine at tumayo. Namulot ito mag-isa ng mga tuyong punong kahoy sa paligid. Nagprisintang tumulong si Lovely ngunit ayaw ni Adam na mapagod ito kaya nanatili lamang itong nakaupo habang nakatanaw sa binata.
Nang makagawa ng bonfire ay binuhat ni Adam ang isang mahabang patay na punong kahoy upang upuan nilang dalawa.
"Sweet" sa isip ng dalaga. Ito na ang pagkakataon niya upang makilala niya ng husto ang binata.
PAKIRAMDAM ng binata ay malapit na siyang sumabog sa nararamdaman niya para sa dalaga. Kaya ayaw na niyang mag-aksaya pa ng panahon kaya gusto na rin niyang malaman kung may nararamdaman din ito para sa kanya. Hindi na niya pinatagal pa at tinanong na niya sa dalaga kung anong kinaiinis nito ng umagang iyon. Nung una ay panay ang iwas nito na mapagusapan iyon ngunit dahil sa pangungulit ng binata ay nagsalita na rin ito.
"I just felt something is wrong." Seryosong tugon nito
"What do you mean?"
Para lumakas an loob ay inubos ni Lovely ang wine sa kanyang baso. Huminga ito ng malalim at saka sinabi sa binata ang totoong dahilan ng kanyang pagsusungit.
"Panakip-butas? NO way! Actually, it was you who saved my life, not the other way around."
Naramdaman ni Lovely ang sinserong mga salitang iyon. Tinanong niya sa binata kung paano siya nailigtas nito.
"I was determined to end my life Lovely. I just can't bear the pain anymore. So, gusto kong mamatay kung saan ako masaya, sa dagat. Pero mukhang ayaw ng dagat. When I was in the water, refusing to move, letting all my air out, I saw you. It was like… magic, I don't know what it is. I had a glimpse of your face and I was struck. I felt something in that particular moment. I felt hope because I saw it in your eyes. Suddenly, I had a change of heart. And it's because of you."
Nawalan ng imik si Lovely. Mahabang patlang ang namagitan. Tila naghihintayan ng kung anong sasabihin o gagawin ng isa. Parang napako ang mga mata ng dalaga sa apoy ng bonfire. Hindi siya makagalaw. Ayaw niyang lumingon sa binata. Unti-unti niyang nararamdaman ang dahan-dahang lumalapit ang binata sa kanya. Her heart was pounding. Para siyang nakuryente ng hawakan ni Adam ang kamay niya. Tinignan niya iyon. Ang isang kamay ni Adam ay humawak sa baba niya upang iharap ang mukha niya sa mukha nito. Wala na siyang nagawa kundi sumunod. Nagtama ang kanilang mga mata. Nananatili si Lovely sa posisyong iyon, hindi siya umuusad. Hinahayaan niyang si Adam ang lumapit ng husto. Nagtama na ang kanilang ilong kaya bumaling ng kaunti ng binata. Ilang pagitan na lamang ay magdidikit na ang kanilang mga labi. Ramdam na niya ang init ng hininga nito. Kaunti na lamang ay matitikman na ni Lovely ang kanyang unang halik. Nang biglang nagbago ang isip nito! Umiwas ito ng mukha at umurong ng bahagya.
"Oh! I'm sorry." Bulalas ng binata
"No need." pag-iwas ng dalaga sabay tayo nito
"Let's go inside para makapagpahinga na tayo while waiting for Mang Teban." Aya nito
Napakamot-ulo na lamang ang binata at tumayo. Nagmamadaling pumasok ang dalaga sa loob ng cabin. Si Adam naman ay naupo lamang sa silya sa porch. Doon na siya maghihintay. Habang nasa loob ng cabin ang dalaga ay nababalisa ito sa nangyari ilang minuto lamang ang nakakaraan. Hindi niya malaman ang gagawin dahil first time iyon mangyari sa kanya. Nahihiya siya. Hanggang sa narinig na niya ang pagtawag ng binata.
"Nandito na si Mang Teban, Lovely!"
Sa buong byahe ng dalawa ay hindi sila kumikibo. Napansin ito ng bangkero. Sumenyas ito sa binata ng kung anong nangyari. Kibit-balikat naman ang itninugon ng binata. Hanggang sa makarating sila resort. Inihatid niya ang dalaga sa kwarto nito at nagpaalam. Nagpaalam din naman ito pabalik ngunit nakatalikod ito para buksan ang pinto.
PABALING-BALING si Lovely sa higaan. Hindi siya makatulog. Hindi maalis sa isip niya ang muntik na halik na iyon. Hindi siya pamilyar sa nararamdaman. Bago sa kanya lahat ng ito.
"Sasabihin ko na sa kanya bukas ang nararamdaman ko." Sa isip niya sabay buntong hininga
Mapayapang natulog si Lovely dahil alam niyang kinabukasan ay magtatapat na siya ng nararamdaman sa binata. Nauna pa siyang magising bago tumunog ang alarm clock niya. Nag-ayos siyang mabuti. Bago siya lumabas ng kwarto ay tinignan pa niya ang mukha sa salamin na nakasabit sa dingding ng kanyang kwarto.
"Good morning Iza!" masiglang pagbati nito
"Good morning ho ma'am" nagtatakang bati naman nito
"Ah, ma'am may sasabihin nga po pala ako sa inyo." Pahabol nito
"Later na Iza ha, may kakausapin pa ako."sabay alis nito
Natanaw ni Iza na papunta ito sa kwarto ng binata.
"Ay! Shet." Napamura ito.