BINASA ni Adam ang tuyo pang buhok noon ni Lovely. Parang bata itong nagtataboy ng tubig sa dalaga.
"Ah gano'n ah!" wika ng dalaga habang sunod-sunod na pagpapatalsik ng tubig sa mukha ng binata.
"Awat na!" pagpipigil nito sa binata sabay sisid sa tubig.
Matapos lumangoy ng dalawa ay napasandal sila sa isang malaking bato.
"It's like paradise." Mahinang pahayag nito sabay may humuning ibon
"Heard that?" balikwas ni Lovely
"What?"
"That!" habang pinakikinggan ang malambing na huni ng ibon
"Yeah, a bird." Kaswal na tugon nito
"You know what, naririnig ko lang yang ibon na yan pero never ko pa yang nakita."
"Mystery bird ah!" natatawang wika nito
"Mystery talaga, kasi kahit anong hanap ko diyan kapag napapasyal ako dito, hindi ko talaga makita eh, sabi nila maliit lang daw yun at mailap talaga." Pahayag nito
"Ibang bird na lang hanapin mo." Biro ng binata habang pilyong nakangiti
"Loko ka!" natawa ring wika nito sabay taboy ng tubig papuntang mukha ng binata
"Halika na naghihintay nga pala sila Mang Teban doon" aya ni Lovely sabay talikod nito para umahon.
Sumunod naman agad si Adam. Kapagkuwa'y napatitig siya sa dalaga habang nakatalikod at nagsusuot ito ng pangitaas. Akala niya'y tipikal na swimsuit lamang ang suot nito. Pinanunuod niya ang pagdausdos ang puting tshirt nito sa maputi at makinis nitong likuran. Backless pala ang suot nitong swimsuit. Kaunting baba pa ng tingin ay napalunok siya. Kitang-kita kasi ang kurba ng seksi nitong katawan sa hapit na shorts.
"Hoy! Umahon ka na!" sigaw nito sa kanya
Dali-daling lumangoy palapit si Adam. Pag-ahon niya'y inikot niya ang tingin sa paligid sa huling pagkakataon.
"Sayang! Hindi ko nadala yung camera ko." Banggit nito habang nagdadamit
"Okay lang yan. You know what, there are things talaga na better kept here." Sabay hawak sa dibdib ng binata
Napatingin si Adam sa kamay ng dalaga na dumapo sa walang saplot niyang dibdib.
"Naku halika na nga! Magdamit ka na!" nailang wika nito
"If you want to take pictures, you can ask Mang Teban to take you here tomorrow." Dagdag nito
Nang makapagdamit na agad naglakad ang dalawa.
"Teka, bakit dito tayo dadaan? Doon sa kabila yung pinanggalingan natin oh!" puna ni Adam
Ngiti lamang ang itinugon sa kanya ng dalaga.
Nagtataka man ay walang nagawa si Adam kundi sumunod na lang. Hindi pa nagtatagal ang paglalakad nila ay naririnig na niya ang alon ng dagat.
"I knew it!" bulalas nito
Ilang saglit pa ay tumambad na sa kanila ang puting buhangin
ng dalampasigan.
"Ma'am!" sigaw ni Alvin habang nakaupo sa may puno ng niyog na halos nakadapa na
"Pinahirapan mo talaga ako ah! Pwede naman pala ditong dumaong!" reklamo nito sa dalaga
"Remember what I told you earlier? Mas masarap ang pinaghihirapan. Kung dito dumaong at hindi ka nahirapan papunta doon, your appreciation for the place would be different." Nakangising tugon nito sabay kuha ng iniaabot na bottled water ni Alvin
Nagpunas ng twalya si Adam. Alam niyang tama ang dalaga sa mga sinabi nito.
"What's next?" tanong nito
"sa cliff tayo" tugon nito habang inaabutan ng bottled water ang binata
"You mean, magki-cliff diving tayo?" tila namutlang tanong nito
"Yes, I assumed nakapagcliff diving ka na.. di ba?" patanong na tugon nito
"YES!" he answered confidently
Pagkadaong nila sa dulong parte ng isla ay binilinan ni Mang Teban si Adam.
"Sir, makinig ho kayo mabuti sa mga sasabihin ni ma'am kung ayaw niyong mamatay." Seryosong bilin nito
"Eto talagang si Mang Teban oh, wag niyo hong takutin! Binibiro lang ho kayo niyan Sir!" wika ni Alvin dahil nakita nilang nawalan ng kulay ang mukha ni Adam sa narinig
"Hoy! Dalian mo! Aakyat pa tayo!" nakasimangot na sigaw ni Lovely dahil sa matinding sikat ng araw
"Sir, dalian niyo ho, baka uminit yung ulo ni ma'am" mahinang aya ni Alvin sa binata habang nagpipigil ng tawa
Naglakad lamang sila ng kaunti at saka tumapak sa naglalakihang bato paakyat. Kitang-kita sa galaw ng dalawa na bihasa sila sa pagakyat sa batuhan. Nang makarating sa itaas ay naupo muna sila sa lilim ng nag-iisang puno doon upang magpahinga sandali.
"Nagrorock climbing ka rin?" usisa ni Adam
"Yes" confident na sagot ni Lovely
"Astig!" papuri ng binata
"Are you ready?" Nakangiting tanong ni Lovely sa binata
Tumayo na sila at naglakad patungong cliff. Saglit na pinagmasdan ang dagat. Nakaramdam ng kaunting lula si Adam. Parang bahagyang nanigas ang kanyang mga paa.
"Makinig ka ha, dito lang sa kinatatayuan natin pwedeng tumalon, kasi ito yung safe spot ng babagsakan mo, kasi kung doon ka tatalon, delikado, hindi lang kita dito pero mabato doon eh."
Nakatitig lamang si Adam sa mukha ng dalaga. Kulang na lamang ay tumulo ang laway nito sa pagkamangha. Walang kahit anong nilagay sa mukha nito. Tanging natural na makinis na balat, manipis at malarosas na labi, matangos na ilong at perpektong set ng mapuputing ngipin.
"Ang ganda naman ng pagkakagawa ni Lord dito." Sa isip niya
"Hoy! Nakikinig ka ba?!" tanong ng dalaga sa malakas na tinig
"Ay! Tigre!" gulat na bigkas nito
"Sabay tayo?"
"Ofcourse!"
"Okay, 1, 2, 3!" pagbilang ni Lovely
Tumalon si Adam. Idinipa pa nito ang kanyang kamay at sumisigaw hanggang sa pasisid na bumagsak sa tubig. Pag-ahon nito ay narinig niya ang tawanan ni Mang Teban at Alvin sa di kalayuan. Nagpalutang-lutang ito at hinanap si Lovely.
"Sir! Ayun!" ika ni Alvin habang tinuturo ang dalaga na nasa itaas pa ng cliff.
"Madaya!" sigaw nito
Naaninag niyang nakangiti ito. Tumalikod ito at nawala sa kanyang paningin. Akala niya ay hindi ito tatalon. Ngunit nagkakamali siya.
Bumwelo lamang pala ito at saka nagtumbling patalon ng cliff, habang nasa ere ay iniunat ang buong katawan sa aktong pasisid ng dagat. Smooth ang pagkakabagsak nito sa tubig. Pagbagsak ng dalaga ay siya namang hiyaw at palakpakan ng dalawang bangkero.
"Napakahusay talaga!" ika ni Mang Teban
Hindi agad umangat si Lovely mula ng bumagsak ito.
Hinanap ni Adam saan nagpunta ang dalaga.
"Andito na Sir!" ika ni Alvin
Paglingon niya ay nakita niyang nakahawak sa may bangka ang dalaga at nakangiti sa kanya
Lumangoy na siya palapit dito. Sabay silang sumampa sa bangka.
"Ganun ang talon!" pagyayabang nito kay Adam sabay apir kay Mang Teban
"Ang daya mo! Sabi mo sabay tayo eh! Isa pa!"
"Wag na, tanggapin mo ng pangit ang dive mo." Sabay tawa nito
"Tsaka mapapagod tayo, mag-iiscuba diving pa tayo eh." Dagdag ng dalaga
"Talaga? Dito din?"
'Hindi dito, dun lang sa kabilang banda, malapit sa kweba doon." Turo ng dalaga
Pinaandar ng muli ni Mang Teban ang bangka. Abala na ang dalawa sa pagsuot ng pang-scuba diving nila at tinutungan sila ni Alvin sa pag-aayos nito. Nng makarating sa lugar ay sinimulan na nila ang pagsisid. Nauuna si Lovely at ginagabayan niya ang binata kung saan magandang pumunta. Nakakita sila ng magagandang maliliit na isa na tila naglalaro sa iba't ibang hugis at kulay na corals. Sa pag-ahon nila ay kitang-kita ang ligaya sa mukha ng dalawa.
"Ma'am, tumawag na ho si Ador. Nandoon na ho sila sa isla niyo." Salubong ni Mang Teban
"You own an island?" gulat na tanong nito
Tumango lamang ang dalaga at sumampa na sa bangka.
Inabutan agad ng twalya ng binata si Lovely.
Habang umaandar at palapit na sila sa dadaungang isla ay may nakitang kweba si Adam.
"Can we go there?"
"Later, kain muna tayo."
Pagdaong nila ay agad napansin ni Adam ang buhangin. Mas pino ito kumpara sa ibang isla. Malapulbos ito at kulay gatas. Agad din niyang natanaw ang malawak at magandang log cabin sa isla na napapaligiran ng mga halamang namumulaklak.
Naabutan nila ang tauhan ng dalaga na naghahain ng pananghalian nila sa isang malapad na table sa harap ng log cabin na nalililiman ng malalaking puno sa paligid.
"Grabe! Amoy pa lang masarap na! Iba talaga magluto si Nanay Tessie!" papuri ni Lovely
Naghugas na sila ng kamay at naupo. Pinagsalu-saluhan nila ang masasarap na pagkaing nakahain. May mga prutas din silang dala at malamig na inumin na nilagay sa isang malaking cooler.
Habang kumakain ay hindi maiwasang mapansin ni Lovely ang pagkasabik ng binata sa ganoong pagkain. Hinayaan niya na lamang ito.
"Ang swerte niyo talaga Mang Teban! Ang sarap talaga magluto ni nanay!" papuri ni Lovely habang kumakain ng naka-kamay.
Si Adam naman ay hindi nagsasalita at laging puno ang bibig kakakain.
"Ang takaw mo!" sita ni Lovely sa binata
"Hmm.." lumunok ang binata bago magsalita.
"Ang sarap kasi eh! Matagal na kong hindi na nakakakain ng mga ganito."
"Bakit naman ho Sir?" usisa ni Ador
"Walang marunong magluto samin! Ngayon naman, mag-isa ako sa bahay." Tugon nito
Nakaramdam ng awa si Lovely sa sinabing iyon ni Adam. Parang may laman. O baka naman pakiramdam niya lamang iyon.
"Si ma'am masarap magluto yan! Lagi nasa kusina yan kasama si nanay eh!" ika ni Ador na anak ni Nanay Tessie
"Kumain na nga kayo, sakin na naman napunta ang usapan!" pagpigil ni Lovely
Matapos kumain ay nagpaalam na rin ang mga tauhan kay Lovely dahil may mga gagawin pa sila sa resort. Nagbilin na lamang ang dalaga na sunduin na lamang sila ng binata sa hapon. Sumabay na rin ang dalawa papuntang kweba.
Nang matanaw na ang kweba ay agad ipinahinto ni Lovely ang bangka.
"Dito na lang tayo." Ika nito
Takang taka naman si Adam sa sinabi ng dalaga. Napansin niyang medyo nangiti ang dalawang bangkero sa sinabi ng dalaga. Alam niyang may binabalak na naman ito.
"Let's swim from here." Seryosong wika nito
Napatingin si Adam sa kinatatayuan nila hanggang sa kweba.
"Seryoso ka? Malayo yan. Kakayanin mo?" may halong pag-aalalang tanong ng binata
"Unahan tayo! Pag nauna ako sayo, bayad na ang utang ko sa'yo, pag nauna ka, means hindi pa ako bayad." Wika nito habang nangingiti
"Naku po! Talo na." ika ni Alvin habang napakamot sa ulo
"Talo? Uhm. Matatalo ka talaga Miss Love—ly." Pagyayabang nito
"Really? Let's see." napameywang na tugon ni Lovely
Nag-ngitian ang dalawa at tumayo sa unahan ng bangka. Doon ay nag-unat-unat ng katawan.
"Ikaw maghudyat Alvin." Utos ng dalaga
"Yes ma'am!" tugon nito na bakas ang excitement
"Ready, set…. GO!" sa hudyat na iyon ay tumalon ang dalawa at mabilis na lumangoy patungong kweba. Napansin ng dalawang bangkero na mabilis ngang lalangoy ang binata at naungusan ng kaunti ang kanilang pambato.
"Aba! Ayaw yatang patalo ni Sir ah!" puna ni Alvin
"Naku, tiwala ka lang sa manok natin, uungusan niya yan!" tugon ni Mang Teban habang titig na titig sa kumpetisyon ng dalawa. Para silang nanunuod ng pelikula sa nakikita.
"Ayun!" napatayong bulalas ni Mang Teban
"Yes!" ika ni Alvin
"Yehey! I won!" sigaw ni Lovely
Ilang saglit pa ay nakarating si Adam. Pagkasampa sa batuhan ay nanatiling nakaupo ito at hinahabol ang hininga.
Pinaandar ni Mang Teban ang bangka at nilapitan ang dalawa.
"Nakita niyo ho yun? Nauna ako sa kanya kanina di ba? Paanong--?" takang takang tanong nito
"Sirena ho yata yan nung nakaraang buhay niya." Natatawang tugon ni Mang Teban
"Alis na ho kami ma'am. " Paalam ng mga ito.
LUMANGOY ang dalawa papasok ng kweba. Pagkarating sa dulo ay sumampa sila sa batuhan at naupo roon habang ang kanilang mga paa ay nakalubog pa rin sa tubig.
"So, bayad na ako ha!" paninigurado ni Lovely
"Yes, bayad ka na, sobra pa!" nakangiting tugon ng binata
"Good!"
"May sukli ka pa."
"Ha?"
"Yung sukli mo ibibigay ko bukas."
"Hindi ko maintindihan."
"What I mean is, bukas ako naman ang bahala sa'yo. Yun ang sukli ko."
"No need. Keep the change." Pagtanggi nito
"Ay! Hindi tama yon! Dapat pag sobra ang ibinayad, dapat tama ang sukli!" pangangatwiran nito
"You're good ah! But seriously, NO."pagmamatigas nito