Chapter 8 - VII

Napahawak ako sa may dingding malapit sa may pinto ng classroom namin.

Patay mukhang di ako umabot ha, nakasara na kasi ang pinto ibig sabihin non nag uumpisa na ang klase.

Huminga muna ako ng malalim at pilit kong kinokontrol ang paghinga ko. Pinunasan ko na rin ang pawis ko sa may noo kamit ang likod ng palad ko. Isa pang hingang malalim at nag lakad na ako papuntang classroom. Ng nasa tapat na ako ng pinto ay dahan dahan kong binuksan at sumilip. Tinignan ko ang buong paligid ng room pero mga kaklase ko lang ang nakita ko. At isa pa sa pinagtataka ko ay tahimik silang lahat.

Binuksan ko na ng maluwang ung pinto papasok na sana ako ng biglang may magsalita sa may likuran ko.

"Miss Yuki bat ngayon ka lang" Kahit di na ako tumingin ay alam kong si President (school president) Vlan Helwing ang nasa may likuran ko. Unti unti nga akong napalingon at di nga ako nagkamali sa hinala ko.

"Ah, kasi sir ano.. hmmm" hala anong sasabihin ko banaman na sabihin ko kung anong nangyari kanina. Baka akalain pa nitong baliw ako.

"Nalate po ako ng gising kaya ngayon lang po ako." Napapakamot na sabi ko sakanya. Bahala nang pagalitan, wala na akong maisip eh.

"Hay nakung bata ka oo, pumasok ka na may sasabihin ako sa klase nyo." Sabi nya.

"Sige po" at pumasok na ako sa loob.

Kung titignan mo hindi mo mapag kakamalang Dean sya sa isang sikat na University dito sa bansa. Pano ba naman yung ayos nya lagi syang parang namamasyal lang sa mall. Naka long sleeve na puti or itim lagi tas naka maong. Diba aakalain mong napa daan lang dito sa school. Daig pa nga sya ng mga Dean dito na kung todo suit and tie pa.

Pero hindi lang dahil don kaya hindi mo talaga aakalain kung sino sya. Dahil ang bata nya pa 35 y.o lang sya. Halos doble ng edad nya mga edad ng deans dito. Tas ang gwapo nya pa at ang tangkad kaya ang daming nag crush sa kanya eh student man or mga professor din dito. At sa pag kaka alam ko pa na may pamangkin sya dito na nag aaral. Well Helwing family ang may ari ng school na to, at mula nung na aksidente yung family ng dating Pres. ng school sya na ang humawak neto. Namatay kasi Si Mr. and Mrs. Helwing eh yung anak lang nila naka survive parang ako ako lang din naka survive.

Pero yung tungkol sa pamangkin nya, walang student or professor ang nakakaalam kung sino. Ibang pangalan daw kasi yung gamit, kaya yun walang may alam kung sino sya.

Nang naka upo na ako ramdam kong nakatingin sakin tong katabi ko pero di ko na lang pinapansin. Saka ba naman makipag titigan ako diba, wala rin naman akong alam sabihin sa kanya. Yung tungkol kahapon, kahit marami akong tanong tinitiis kong wag mag tanong baka mas lalo lang akong maguluhan sa nang yayari. Dagdag pa yung kani yung batang yun, hay ewan ang gulo.

Napa buntong hininga na lang ako at yuyuko na lang sana sa table ko nung narinig ko yung boses ni Pres. Helwing.

"Ok class, dahil sa biglaang pag re resign ni Prof. Hulma may papalit sa kanyang bagong teacher and new Professor sya dito sa University natin. Pero mukhang wala pa sya kaya antayin na muna natin sya. " Sabi nya habang naka sandal sa white board at naka pa mulsa. Napangiti tuloy ako at hindi lang kami halos ata ng babae dito sa room nakangiti habang naka tingin sa kanya ang gwapo nya sobra hahahahahah. Mga gantong mukha ang di nakakasawang titigan

Halos mapatalon ako sa kina uupuan ko nung biglang may kumalabog sa tabi ko. Pag tingin ko si Zero pala nalaglag nya yung 3 librong makakapal kaya ang lakas ng tunog. Bakit naman may dalang tatlong libro tong taong to eh may locker naman na pwedeng pag lagyan non. Hello isang subject lang to at isang librong di naman ganon ka kapal ang ginagamit namin dito.

Pinulot nya yung libro nya at tumingin sya ng seryoso sa harapan kung san naka puwesto si Pres. Helwing, pag tingin ko naman naka tingin din ng seryoso sa kanya si Pres. Helwing.

Nagpalipat lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa kasi walang nag aalis ng tingin nila, Para silang nag lalaban sa isip nila. At kung sino unang bumitaw ng tingin syang talo.

Asan na ba yung bagong prof. namin ang tagal naman nya first day nya tapos late pa sya.

Napatingin ako sa may pinto ng classroom namin nang may marinig akong kumatok.

Dahil nasa dulo ako di ko makita kung sino ang kumatok nung bumukas yung pinto. Napalingon nanaman ako sa tabi ko nung may marinig akong parang naputol. Pag katingin ko nakita ko yung kamay ni Zero na may hawak na putol na ball pen at kumalat na sa kamay nya yung ink. Naputol nya yung pen gamit lang yung isang kamay nya?

"Oh andito na pala ang bago nyong teacher eh." Narinig kong sabi ni Pres kaya napatingin ako nanaman ako sa harapan.

At napa kurap kurap ako nung makita yung bagong prof namin dito sa subject na to.

Sa dinami rami ng prof sa mundong to, bakit sya ang bago naming professor sa subject na to.

"At di lang dito sa subject na to nyo sya magiging professor, dahil tatlong subject ang tuturuan nya for these sem. Lahat ng hawak ni Mr. Hulma na subject ay si Mr. Kumi na ang sasalo" Sabi pa ni nya. "Kaya magpakabait kayo ha. Sige aalis na ako." Sabi ni Sir Helwing at tumango lang kay Mr. Kumi at umalis na.

Pagkaalis ni Sir Helwing, tumingin na samin si Mr. Kumi huminto ang mga mata nya sa katabi ko at nakipag titigan sya ng ilang minuto bago sya tumingin sakin at nag salita.

"Hi class, I'm Professor Steven Kumi. Ang bagong professor nyo sa subject na to." Sabi nya habang nakangiti at di pa rin inaalis ang tingin sakin.

At dahil sa ngiti na yon, nabibingi nanaman tuloy ako sa tunog ng puso ko. Steven Kumi at Zero Kumi, sino ba talaga kayong dalawa?