"Ayos lang ba kayo." Isang boses ng lalaki ang narinig ko.
"Mukha ba kaming ayos ah? Kita mo na ngang nahimatay tong kasama ko tapos tatanungin mo kung ayos lang kami." Sabi ko ng di man lang nililingon ang lalaking nag salita sa likuran ko.
May narinig akong humagikgik kaya kahit hirap ako lumingon dahil nasakin halos lahat ng bigat ni Yuki pilit ko pa rin nilingon ang nasa likuran ko. Bah ang lakas ata ng tama nung lalaking to. Kita nang may nahimatay nagagawa pang tumawa.
"At nagawa mo p-" Natigilan ako ng makita ko kung sino ang nasa likuran ko. At isa lang ang gusto kong gawin ngayon takpan ang mukha ko at mag pakain ng buo sa lupa.
"S-sir ikaw pala po yan, hmm bigla po kasing nahimatay si Yuki eh." Kinakabahan kong sabi dahil ang nasa likod ko pala ay ung bagong prof namin sa marketing, pero hindi sya ang tumatawa kasi seryosong seryoso ang mukha nya. May tao sa likuran nya na di ko masyado makita at sa tingin ko sya yung tumatawa.
"Akin na dalhin natin sya sa clinic." Sabi nito at lumapit samin at walang kahirap hirap na binuhat si Yuki. Ang taray parang walang kabigat bigat si Yuki ah.
Kaya ko rin naman buhatin yang si Yuki kasi kahit babae ako batak ako. Kaya alam kong kaya ko pero mahihirapan pa rin ako mas matangkad sakin si Yuki eh pero sya kung bumuhat para libro lang dala dala nya eh.
Ang bilis ng lakat ni Sir kaya mabilis kami nakapunta sa clinic. Ok naman na daw si Yuki sabi ng nurse kaylangan lang daw siguro ng pahinga dahil mukhang stress daw sya at walang masyadong tulog.
Yuki napapano ka ba? Dahil ba to sa mga napapanaginipan mo?
Feeling ko ang useless kong kaybigan bat di ko man lang matulungan tong si Yuki.
Sinuklay suklay ko yung buhok nya dahil dati pag masakit ang ulo nya yun ang gustong gusto nyang pinapagawa sakin. Nawawala daw kasi yung sakit ng ulo nya. At ngayon sa tingin ko to lang
ang magagawa ko para sa kanya.
Napalingon ako sa kaliwa ko nung maramdaman kong may papalapit sa amin ni Yuki. Pag lingon ko yung bagong prof pala namin si Mr. Kumi pala.
"Kanina pa ba hindi maganda pakiramdam nya?" tanong nito habang nakatingin sa natutulog na si Yuki.
"Hindi naman po sir, kaso kanina parang ang lalim ng iniisip nya tas nung may kumausap sa amin na babae bigla na lng sya nag kaganyan. Tapos po yan bigla na lng syang hinimatay." Paliwanag ko na nakatingin kay sir, ewan ko pero may kakaibang sa mata ni sir ngaun. Parang malungkot na ewan. Pero para saan, diba dapat nag aalala sya kasi nahimatay nga si Yuki pero iba yung nakikita ko sa mata nya.
Weird man makinggan, pag tumitingin kasi ako sa mata ng mga tao. Parang nakatingin ako sa salamin ng emosyon nila. Alam ko pag malungkot sila kahit na tumatawa pa sila. Pag nag sisinungaling sila. Para silang mga libro na nababasa ko.
At ngayon habang nakatingin ako kay Mr. Kumi may kakaibang lungkot akong nakikita. Nagulat ako tinaas nya kamay nya at hinawakan ang pisngi ni Yuki. Kakaiba ang pag tingin nya kay Yuki, para bang sobrang nangungulila sya. Mag sasalita sana ako ng biglang may yumakap sakin at tinakpan ang bibig ko at mabilis akong nilabas sa clinic ng school na hindi man lang nakakagawa ng ingay.
Nang nasa labas na kami ay binitawan nya na ako.
"Ano bang problema mo." Sabi ko sabay harap.
"Hi miss suplada." nakangiting bati nito sakin.
Napakunot noo ako ng makilala kung sinong walang hiya ang yumakap sakin. At kumaladkad sakin palabas ng clinic.
"Ikaw nanaman"
"Anong nanaman, isang beses pa lang tayo nag kausap Hazel, bali pangalawa pa lang pala to hahaha." Sabi neto.
Hazel eyes, yun ang kulay ng mata nya. Pero di tulad ng iba pag tinitignan ko yung kanya parang ang labo ng kulay. Hindi ko mabasa, hindi ko makita.
Napakurap kurap ako, ano bang nang yayari sakin ano to nahahawa na ako kay Yuki? KUng ano anong iniisip ko.
"Pano mo ako nakilala?, saka sino ka ba ha?" Inis na sabi ko, pilit kong pinatatapang pa yung boses ko.
"Ay oo nga pala, sorry hind pa pala ako nga papakilala sayo. Ako nga pala si Jake."Sabi nito sabay abot ng kamay.
Bah makikipag shake hands pa tong gunggong na to.
"Wala akong balak makipag kilala sayo." sabi ko sabay talikod at papasok na ako sa clinic dahil baka nagising na si Yuki, saka si sir lang kasama non don no. Hindi sa wala akong tiwala don baka kasi ma ilang tong si Yuki pag lalaki yung makita nya pag kagising nya. Sakto pa man din na may something tong si Yuki don sa bagong prof namin.
Pero bago ko pa mabuksan ung pinto ay humarang nanaman tong engkantong to. Ano ba kasi problem nito.
"Umalis ka nga jan!! Ano bang problema mo?" Singhal ko sa kanya.
Nakakainis naman tong lalaking to. Pero imbis na umalis sya sa pag kakaharang nya, bah ang loko nakatingin lang sakin. Na lalong nag painit ng ulo ko sa kanya.
"Umalis ka nga jan!!! ano ka ba?" Sabi ko at itutulak sana sya paalis sa may pinto pero nagulat ako bigla nyang hinawakan ang kamay ko at tinulak ako hanggang sa mapasandal ako sa may pader.
At mas lalo akong nagulat ng nilagay nya ang dalawa kong kamay sa magkabilang gilid ko, at lumapit pasya sakin kaya pati ulo ko naisandal ko na sa may pader, dahil baka mahalikan nya na ako sa sobrang lapit ng mukha nya sakin. Sa sobrang lapit nga nya feeling ko na duduling na ako eh.
"A-ano bang kaylangan m-mo ha?" pilit kong tinatapangan yung boses ko pero bakit parang kinakabahan ako na ewan. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko para akong tumakbo ng sobrang layo.
"Hmm ano nga kaya kaylangan ko?" sabi nya na nakatitig parin sakin.
Napatingin ako sa paligid namin baka kasi biglang may dumaan, siguradong ma ga guidance kami. Considered na PDA to at sobrang higpit ng school namin sa mga ganong topic. At higit sa lahat patay ako sa tito ko pag nalaman nyang na guidance ako at ang reason ay PDA!!!
"Don't worry, wala naman makakahuli satin." Napatingin ako ulit sa kanya. Ano bang trip ng mokong na to.
Pilit akong kumakawala sa pag kakahawak nya pero walang ibubuga lakas ko sa kanya. Kung tutuusin mako consider ko ang sarili ko na malakas ako kumpara sa iabng babae per kahit na anong piglas ko wala pa rin. Ang lakas ng lalaking to, pero hindi naman sobrang higpit ng hawak nya sakin eh. Pero hindi ko ma alis pagkakahawak nya.
"Ano ba bitawan mo nga ako." sabi ko at tinignan ko sya sa mga mata nya.
"Sabi na eh." Naka ngiting sabi nya at binatawan na ako. Pero hindi sya lumayo sakin nakatingin lang sya sakin deretsyo sa mga mata ko, at dahil matangkad sya sakin nakatingala ako ng konti. nagulat ako ng bigla nyang alisin ang salamin ko kaya napa pikit pikit ako dahil hindi sanay ang mata ko na walang salamin.
" Hoy akin na nga yan." at pilit kong kinukuha sa kanya pero ayaw nyang ibigay. Ano bang poblema ng lalaking to?
"Parehas tayo ng kulay ng mata"
"So? akin na yan di ako nakakakita ng maayos." At pilit kong kinukuha sakanya yung salamin ko.
"Bagay tayo."
"Ano? pwedi ba tigiltigilan mo ko ah. Wala akong panahon sa kalokohan mo." napipikon na sabi ko sa kanya.
"Ang cute mo talaga." Sabi nito sabay tawa."Oh ayan na baka umiyak ka pa jan." at binigay na nya sakin ung salamin ko. Kinuha ko naman sa kanya at agad kong sinoot.
"Ewan ko sayo tabi ka nga jan laki mong harang." Sabi ko sabay tabig sa kanya palayo. Nasa harap na ako ng pinto ng may maamoy akong kakaiba. Mabango sya pero parang nakakahilo at nakakaantok.
Nararamdaman ko na para na akong tutumba, kaya napahawak ako sa may pintuan.
"Hayaan mo muna sila." Narinig kong sinabi nya kaya kahit na hihilo ako ay lumingon ako sa kanya.
"A-anong sabi mo." Ano bang nang yayari sakin sobra akong nahihilo. nakita ko syang palapit sakin.
"Ako muna bahala sayo." sabi nito. Kusto kong sumagot pero d ko na magawa. nag didilim na paningin ko at naramdaman ko na lang na may mga kamay na bumuhat sakin. ang huli kong nakita ang mga mata nya nanakatingin sakin, bago dumilim ang lahat.