Pumasok ako sa loob ng clinic nang masiguro kong wala ng tao sa loob kahit na ang head nurse. Lumapit ako sa kanya kung saan sya nakahiga.
Nakatingin lang ako sanya habang natutulog sya, alam ko kung bakit sya nag kakaganito. Unti unti nang bumabalik lahat ng alaala nya na ako mismo ang nag alis.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko na haplusin ang kanyang pisngi at itabi sa gilid ng mukha nya ang ilang hibla ng buhok nya na tumatakip sa kanyang mukha. Kahit na maraming taon na ang lumipas ay hindi pa rin nag babago ang mukha nya. Nakakaakit pa rin itong pag masdan, napaka amo, napaka inosenteng ng dating.
"Ano kayang mangyayari pag nag balik na ang alaala mo Yuki." Sabi ko na hindi maiwasang masaktan sa mga posibilidad na mang yayari.
Pano kung di nya ako matanggap muli. Kung mahal nya pa kaya ako non. Ngayon pa nga lang na iniisip ko ang mga posibilidad na yon ay sobra na akong nahihirapan at nasasaktan, pano pa kaya kung totoo na. Kakayanin ko kaya ang sakit.
Kung pwedi ko lang ibalik sa dati ang lahat. Nung wala pang gulo nung wala pang kaylangang itago sa kanya para maging normal muli ang buhay nya. Nung kasama nya pa ang magulang nya.
Bumalik sa aking alaala ang mga panahong sobra syang nag durusa. Nag durusa dahil sa akin, dahil sa pag mamahal nya sa akin. Dahil sa sakripisyong ginawa ko para lang mabuhay sya.
Biglang pumasok sa isip ko yung mukha nya nung pumasok sya non sa kwarto kung asan ako at ang walang buhay nyang ina. Kitang kita ko kung pano sya umiyak at nag sisisigaw non. Kung gaanong galit ang nakita ko sa mga mata nya non.
Napapikit ako nang mariin at pilit kong inaalis ang mga eksenang yon sa isip ko.
Tinitigan ko syang muli, pinag papawisan sya kahit na malamig naman sa loob ng kwartong to. At alam ko nananaginip nanaman sya. Mula nung bumalik ako dalawang bwan na ang nakakaraan, lagi ako sa tabi nya tuwing na tutulog sya. Binabantayan sya, minamahal sa malayo.
Hahawakan ko na sana ang noo nya para punasan ang pawis nya nung may isang kamay na pumigil sakin.
"Wag mo syang hahawakan Zero." Sabi ng taong humawak sakin. Ramdam ko ang higpit ng pag kakahawak nya sakin.
Tinignan ko sya, at kitang kita ko ang pulang mga mata nya. Nang kapatid ko, nang kakambal ko.
Hinatak ko pabawi ang kamay ko sa kanya at binalik ko na lang ang tingin ko kay Yuki.
"Pina ubaya ko na sya sayo dati dahil nangako ka, nangako ka na iingatan mo sya at proprotektahan laban sa kanila. Pero anong ginawa mo? Nawala lahat ng mahal nya sa buhay pati alala nya inalis mo. At sarili nyang ina pinatay mo!" Mahina man ang pag kakasabi nya, pero bawat salitang binibigkas nya ay punong puno ng galit. At di ko sya masisisi don.
Nanatili lang akong nakatingin kay Yuki, hindi sumagot sa sinabi nya. Dahil lahat nang yun totoo. Dahil sa akin nawala ang lahat ng mahal nya sa buhay at higit sa lahat ako ang nag wakas ng buhay ng sarili nyang ina. At lahat nang yon nasaksihan mismo ni Yuki, lahat ng yon.
"Umalis ka na dito Zero, dahil ako na ang mag proprotekta sa kanya mula ngayon. After all iniwan mo na sya 8 years ago, kaya hindi ko maintindihan kung bakit bumalik ka pa. Iniwan mo sya, mag isa kung wala si Nanay Eliz sa tingin mo buhay pa ba sya. Naturingang ikaw ang pinaka malakas sa lahi natin pero ang babaeng minamahal mo ni hindi mo man lang na protektahan"
Natigilan ako sa sinabi nya, tumingin ako sa kanya at nakita ko ang napaka seryoso nyang mukha na puno nang galit sakin. Iniwan ko si Yuki pagkatapos kong alisin ang alala nya. Pero hindi ko ginusto yun. Wala akong ibang hinangad kungdi ang ikabubuti nya, pero dahil pa rin sakin kaya sya nahihirapan ngayon at titindi pa to.
"Zero?" Napalingon ako kay Yuki nung narinig kong tawagin nya ang pangalan ko.
Nakita kong gising na sya. Tinawag nya ang pangalan ko pero hindi sya sakin nakatingin ang nag tataka nyang mga mata. Nakatingin sya sa gilid ko, at di sakin.
Lumipat ang tingin nya sakin at napakurap kurap sya. Yung mga matang yan ang kahinaan ko, mula noon hanggang ngayon. Hindi nabawasan ang pag mamahal ko sa kanya, kungdi mas lumalim pa. Oo iniwan ko sya non pero hindi ko kagustuhan yun, dahil kaylangan ko yung gawin. Pero alam ko na kahit anong gawin kong paliwanag, hindi non maaalis ang sakit na ginawa ko sa kanya. Kaylangan na ba kitang iwan Yuki?
"Oh Sir Steven bakit andito po kayo? Saka bakit andito ako?" Sabi nya at umupo.
"Nahimatay ka kasi kanina kaya dinala kita dito." Paliwanag ko.
Oo ako si Zero, pero ang inaakala nyang si Zero ang kapatid ko. Kaya ang kapatid kong si Steven ang tinatawag nyang Zero.
"Ah ganon po ba." Tumatangong sabi nya, at ngimiti syang nakatingin sakin. "Hindi po kasi ako nakakatulog ng maayos eh, kaya po siguro-" Hindi nya na natuloy ang sasabihin nya nung biglang bumukas ang pinto at may pumasok na dalawang babae.
"Oh tita bat andito po kayo?"
"Ano bang nangyari sayong bata ka, halos atakihin ako sa puso nung tinawagan ako ng head nurse nyo dito at sabihin na nahimatay ka raw." Puno nang pag aalalang sabi nya kay Yuki at nung nakalapit na sya ay niyakap nya to.
"Okay lang ako tita." Nakangiting sagot ni Yuki.
Tumalikod na ako at nag lakad na ako palabas....