Sinarado ko yung librong hawak ko at nilapag ko sa mesa kasama nang iba pang libro na binabasa ko. Tumayo ako at pumunta sa mga libro kung saan nakasulat lahat ng kasaysayan na ng paaralan na to. Naglalakad ako ng mabagal sa harapan ng mga libro habang pinaglalandas ang mga daliri ko sa mga ito habang nakapikit. Kada librong nahahawakan ko, para silang palabas sa isipan ko. Lahat ng mga nakasulat dito ay nakikita ko ng malinaw sa isipan ko. Tuloy tuloy lang ako sa pag hawak sa mga librong to hanggang mapunta ang mga daliri ko sa pinaka huling libro. Binuksan ko ang mga mata ko at napangiti ako, at kinuha ko ang librong yun.
"Universidad de Helwing S.Y 1900-1901" Mahinang basa ko. Mas lalo akong napangiti, ang pangit talagang pakinggan ng pangalan ng school na to dati.
Binuksan ko to at ang unang bumungad sakin ay ang mukha ng School President nung 1900. Si Mateo Helwing, and taong dahilan kung bakit binuksan ang paaralang to kahit kanino. Yun ang pangarap nya, pangarap nya na naging pangarap ko na rin. Pangarap namin na natupad dahil sa pag sisikap nya, na kasama ako.
Banayad kong hinawakan ang mukha nya, kasabay ng pag patak ng mga luha ko na sinapo ng litrato nya. Kahit napaka tagal na ng panahon mula nang nagawa ang librong to, napaka ayos at napaka detelyado parin ng kanyang mukha. Parang sya parin ang nakatingin sakin habang nakangiti.
Matapos kong titigan ng ilang minuto pa ang kanyang mukha ay maingat kong binalik ang libro sa lalagyanan nito at tumingin sa aking likuran. Lumapit ako sa pader kung saan may tagong lagusan na patungo sa isang natatanging silid dito sa library na to. Isang kwarto kung nasaan nakatago ang isa pang kasaysayan ng paaralang ito. Kasaysayan na itinago at patuloy na tinatago. Dahil sa kwartong to nakapaloob ang kasaysayan ng angkan ko. Ang mga taong di katulad ng iba, natatangi sa lahat. Kayang mabuhay isang daang beses kesa sa normal na mortal. Mga abilidad na hindi kapanipaniwala.
Danag, yan ang tawag samin dito sa bansang to. Pero mas kilala kami bilang Vampire's.
Hinawakan ko ang pintuan ng lagusan at napangiti ako. Asa loob na sya, ang batang magiging susi para magawa ko na ang aking dapat na gawin. Batang sinubaybayan ko mula sa kanyang pag silang. Konting pag aantay na lang, mag kikita na tayong muli Abigor. At pag nangyari yun sisiguraduhin kong pag sisisihan mo ang ginawa mo sakin at sa lahat ng mahal ko.
At para matupad yon kaylangang bumalik na ang alala mo Yuki. Kaylangan nang matapos ang pag hahanda ng katawan mo. Yun lang ang tanging paraan para lumabas na si Abigor.
Biglang pumasok sa isip ko ang nangyari mahigit isang daang taon na ang nakakalipas. Mga eksena na pilit kong kinakalimutan pero hindi ko magawa. Mga pangyayaring pumapatay ng paulit ulit sakin.
Na kung pano ako nagising na katabi si Mateo, na wala nang buhay.
Napangisi ako at tumingin sa gilid ko nang di ginagalaw ang ulo ko. At sa isang kisap mata lang ay nakaharap na ako sa likod ko at nakaharang na ang isang palad ko sa mukha ko. At ngayon ay may hawak hawak ko na ang kamao.
"Ang ganda naman ng pangangamusta mo Zero. Parang gusto ko tuloy maiyak sa tuwa." Nakangising sabi ko sa kanya at biglang hinigpitan ang pag kakahawak sa kanyang kamay at unti unti ko tong binababa para makita ang mukha nya.
At nag tagumpay nga akong makita ang gwapong mukha nya na nag pataas ng kilay ko. Nag matured lang ng konti ang mukha nya pero syang sya pa rin 8 years ago.
"Asan si Yuki?" Puno ng kasiryosohang sabi nya na di man lang iniinda ang pag kakahawak ko sa kanya. Alam kong bumalik na ang ilang persyento ng lakas nya pero alam kong hindi pa sya ganon kalakas para hindi man lang masaktan sa pag kakahawak ko. Ako man ang pinaka malakas na babae sa lahi namin, sya naman sa kalalakihan. At pag nagising na ang katawan ni Yuki, base sa propesiya, sya na ang nakakahigit kanino man. Ang natatanging nilalang na kayang magpahinto ng digmaan sa pagitan ng dalawang lahi. Ang Danag at Soucouyant.
"Hmmm.. ewan ko, hindi naman ako tanungan ng lost and found eh." Nang aasar na sabi ko sa kanya.
At biglang tumaas nanaman ang isa nya pang kamay para sana suntukin ako pero mas mabilis pa rin ako sa kanya, noon man o kahit ngayon. Dahil bago pa man tumama sa mukha ko ang kamao nya ay nasapo na yun ng palad ko. Dahil sa pwersa ng pag kakasuntok nya ay medyo lumipad ang ilang hibla ng buhok ko. Hindi pa man bumabalik ng husto ang lakas nya pero di mapag kakailang nakakamatay ang suntok nya kung normal na tao at siryosong pinsala sa isang Danag.
Pero hindi ako kung sinong Danag lang, dahil ako ang pinaka malakas na Danag ngayon.
Sa isang kisap mata lang ay naibagsak ko na ang dalawang kamay nya at ngayon ay naka angat na sya habang nakahawak na ang kanang kamay ko sa leeg nya.
"Sa palagay mo talaga makakaya mo akong saktan jan sa pasuntok suntok mo? Masyado mo atang minamaliit ang kakayahan ko. Hindi ang isang katulad mo ang makakapanakit sakin." Sabi ko sa kanya habang nakangiti at hinigpitan pa ang pag kakasakal sa kanya.
Pilit nyang inaalis ang pag kakahawak ko sa leeg nya, nakakatawa syang tignan ngayon. Dahil hindi pa tuluyang bumabalik ang tunay na kakayahan nya ay para syang normal na tao ngayon. Kitang kita ko ang pamumula ng mukha nya at ang pag hahabol nya ng hininga.
"Pagpasensyahan mo na, pero medyo masakit to." Sabi ko at walang babalang binato sya kung asan ang mga libro.
Kahit ang lakas na ng pagkakabato ko sa kanya ay hindi man lang to nag likha ng anumang ingay ni hindi nasira or nagalaw ang mga libro o ang bookshelves man lang. Bagkus medyo umilaw lang to ng kulay maputlang asul. Ang ganda talaga ng pag kakagawa ng gusaling to, tanungin ko kaya kung sino ang nag disenyo at nag lagay ng spell dito. Papaayos ko lang yung bahay ko haha.
Nag lakad ako papalapit sa kanya at kita ko kung pano sya nahihirapang kumilos.
"Alam mo Zero, hindi nyo ko kaaway. Pero syempre, mas lalong hindi nyo ako kakampi. Isa lang ang gusto ko, ang patayin ang dapat kong patayin. At yung babaeng yon lang ang tanging makakatulong sakin. Pero syempre salamat sayo, ikaw ang naging dahilan para matupad ang propesiya." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.
Napalingon ako sa likod ko nung may marinig akong parang sumisigaw, hindi malakas tama lang para marinig namin.
"Oh, andon pala yung hinahanap mo." Sabi ko at tumingin ulit sa kanya. "Mukhang nahihirapan na sya, puntahan mo na. Syempre ayaw ko naman syang mamatay diba?" Sabi ko at aalis na sana nung may maalala ako.
"Ah, oo nga pala. Sulitin mo na yung pag lapit lapit sa kanya. Kasi pag bumalik na ang alaala nya di ko lang sure kung tatanggapin ka pa nya. Alam mo na, maaalala nya na rin kasi kung pano mo pinatay yung butihing ina nya. Sa mismong harap nya." Nakangiting sabi ko sa kanya at tuluyan ng umalis.
Narinig kong may bumukas na pinto pero di na ako nag abalang tignan pa. Palabas na ako ng History Section nang madaanan ko si Jacob na mukhang inaasar nya nanaman yung babaeng yun. Seriously anong nagustuhan ni Jacob sa babaeng yun. Napakasimple tapos nakasalamin pa.
Di ko na lang sila pinansin at tuloy tuloy na akong lumabas ng tahimik. Sanay akong gumilos ng walang ingay at di man lang napapansin ng mga tao sa paligid ko.
Pagkatapos kong kunin ang mga gamit ko ay lumabas na ako ng library na yon. Nag lalakad na ako palabas sana ng University dahil tapos na naman ang pakay ko nung biglang may tumawag sakin.
"Miss Vlandez."
Nung lumingon ako ay nakita ko ang isang matandang lalaki na naka full black suit. Unang tingin ko pa lang alam kong hindi sya basta bastang tao lang na nag tratrabaho dito. Isa syang Cazador, isang mortal na may kakayahan tulad namin. Ang pinag kaibahan lang ay hindi kasing haba ng buhay namin ang buhay nila. At sila rin ang bahalang tumugis sa mga Danag na gumagawa ng gulo at pumapatay ng mga ordinaryong tao.
"Ano yun?" Seryosong sabi ko sa kanya.
"Ipinatatawag ka sa President's office." Walang emosyon nyang sabi sakin.
"At bakit naman ako pupunta don?" Mataray na sabi ko sa kanya.
"Kung pupunta ka na don ngayon, nasisiguro kong masasagot ang tanong mo. Sundan mo lamang ako at ihahatid kita patungong opisina ni Mr. Vlan."
Abat pilosopong to.
"Hindi ko na kaylanag ang tulong mo, baka nga mas alam ko pa kesa sayo ang pasikot sikot ng lugar na to." Sabi ko at nilagpasan ko na sya. At baka hindi ako makapag timpi at mapatalsik ko sya sa kinatatayuan nya.
Habang nag lalakad ako sa pamilyar na daan na yun, hindi maiwasang malungkot ako. Napakaraming alala ang meron ang lugar na to sakin. Dahil dito kami unang nagkakilala ni Mateo.
Napapikit ako at pilit kong iwinaksisa isipan ko ang nakaraan ko, hindi to ang tamang oras para isipin yun. Napabuntong hininga na lang ako at pinag patuloy ang pag lalakad ko.
Huminto ako sa harapan ng isang malaking pinto. Huminga muna ako ng malalim at kinalma ang sarili ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay binuksan ko na ang pinto ng hindi kumakatok.
Pero pagkapasok ko wala akong nakitang tao sa loob, kaya umupo na lang ako sa upuan na nasa harap ng isang old style na office table na gawa sa kahoy.
Tinignan ko ang paligid ng kwartong to, ibang iba na to sa dahil opisinang alam ko. Ilang taon na ba nung huling punta ko dito. Sobrang tagal na, mahigit isang daang taon na. Napabuntong hininga ako at pilit iwinaksi sa isipan ko ang mga alaalang yon.
Bigla akong nakaramdam na may papalapit sakin mula sa likuran ko. Na may hawak na bagay na pweding makapinsala sakin. Kaya bago nya pa masaksak sa likuran ko ang hawak nya ay mabilis ko tong sinakmal sa mismong talim nya ng di man lang lumilingon at ang kamay ko lang ang gumalaw papuntang likuran ng ulo ko.
Isang saglit lang ang kinailangan ko para maagaw ko sa kanya ang patalim nya at maitulak sya sa pader at sakalin sa leeg. Grabe ilang nilalang ba ang kaylangan kong sakalin ngayon at ilang pag sugod ba ang kaylangan kong ilagan.
Nakasakal lang sa leeg nya ang kaliwang kamay ko at nakatingin ako sa patalim na nasa pitong pulgada ang laki. Dahil sa mismong talim ako nakahawak ay may malalim akong hiwa sa mga daliri ko na sanhi ng pag durugo nito.
"G-grabe ka n-naman nag bibiro lang ako eh. B-bit-tawan mo na a-ako hindi na ako makahinga." Narinig kong sabi nitong sakal sakal ko, ni hindi ko na pinag aksayahan ng tingin dahil nandon sa patalim na hawak ko ang buong atensyon ko.
Pamilyar sakin ang patalim na to. Lalo na tong mukhang rosas na naka ukit sa mismong hawakan nito. Inikot ko ang patalim at tinignan ko ang kabilang pisngi ng hawakan nito at nakita ko ang nakaukit na M&V. Hindi ako pwdedeng mag kamali, kay Mateo to. Siya mismo ang nag gumawa ng patalim na to at ako naman ang nag ukit ng mga disenyo nito.
"San mo nakuha to?"
"Importante p-pa ba y-yun? Kayl-langan n-ng gamutin yang kamay m-mo at b-bitawan mo na ako. H-hindi n-na ako maka h-hinga." Sabi nito na nararamdaman kong pilit nyang inaalis ang kamay kong nakasakal sa kanya.
Pero hindi yun ang gusto kong marinig sa kanya kaya mas lalo ko pang hinigpitan ang pag kakasakal ko sa kanya.
"ANG TANONG KO ANG SAGUTIN MO! SAN MO NAKUHA TO?!" Sigaw ko at tumingin sa kanya.
Pero bigla akong natulala at nahinto ko ang pag hinga ko. Bigla kong nabitawan ang patalim at ang leeg nya at umatras na dalawang hakbang. Ramdam ko ang malakas na pintig ng puso ko, totoo ba tong nakikita ko?
"Mateo." Yun lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kanya.