Nakatingin lang ako sa kanya, kahit mahigit isang daang taon na nung huli ko syang makita alam kong sya to. Isang kurap lang ang ikinailangan at may dalawang butil ng luha ang naglandas sa pisngi ko. Napuno nang kaligayahan at pananabik ang buong puso ko. Ang mahal ko binalikan na ako.
"Hindi ko alam na simpleng sugat lang pala ang mag papaiyak sayo Miss Vlandez. Grabe ka manakal, kala ko mababalian na ako ng leeg." Sabi nito at hinihimas ang kanyang leeg na medyo namumula.
Napangisi ako nung mapag tanto ko na maliban sa
mukha, wala na silang pag kakapareha. Napabuntong hininga na lang ako at napailing iling, ano bang iniisip ko. Matagal nang nangyari yon, kahit nabuhay man sya noon na alam kong imposible. Mas imposibleng maging iisa lang sila, hindi naman Danag si Mateo para mabuhay ng matagal. Ano ba tong pinag iisip ko.
"Saka, hindi Mateo ang pangalan ko. It's Vlan Helwing, the current president of this school." Sabi nito na pinapagpag yung damit nyang medyo nalukot.
Pinulot nya yung patalim at inilapag sa mesa nya. May kinuha syang box sa may drawer at lumapit sakin.
"Akala ko madaling gumagaling ang mga sugat nyo. Pero mukhang mali ang impormasyon na yon dahil tignan mo ang kamay mo, hindi man lang humihinto ang pag patak ng dugo mo." Sabi nya saka lumapit saki, hahawakan nya sana yung kamay kong may sugat pero tinabig ko ang kamay nya dahilan para matalsikan sya ng konting dugo sa kamay at damit nya.
Tinignan ko sya nang seryoso, isang sulyap aakalain mong sya si Mateo. Pero pag tinitigan ng mabuti masasabing mag kamukha lang talaga sila. Saka boses pa lang mag kaibang mag kaiba na ang trible nito. Malambing at banayad sa tenga ang boses ni Mateo ngunit ang taong nasa harapan ko ay buong buo at napakalalim ng boses.
"Wag mo akong hawakan, hindi ko kaylangan ang tulong mo o kahit na sino."
Tinignan ko yung mesa kung asan yung patalim na dahilan kung bakit ako nasugatan.
"Tama ang alam mo na kapag nasugatan kami ay madali tong gumaling. Pero hindi ng mga bagay na gawa sa silver." Sabi ko at lumapit sa mesa at kinuha ko yung patalim. Ang tagal nating di nag kita, akala ko ay nawala ka na rin kasabay ng pagkawala ni Mateo.
Pinaglandas ko ang mga dulo ng daliri ko sa nakaukit dito at pumikit. Isa sa katangian ko ang makita ang nakaraan at hinaharap ng mga hinahawakan kong bagay o tao. Ang kaylangan ko lang ay ipikit ang aking mga mata at makikita ko na ang nakaraan at hinaharap ng bagay na hinahawakan ko.
Pero bago ko pa makita ang mga bagay na gusto kong makita ay may umagaw na ng patalim sa kamay ko.
"Sorry, hindi pwdedeng hawakan nang kung sino lang ang Blade of Hope. Isa yun sa mga sinumpaanng tungkulin ng mga naging President ng school na to. Kung ayaw mong gamutin yang sugat mo, wala akong magagawa pero kung pwede lang balutan mo ng bandage yang sugat mo nagkalat na yung patak ng dugo dito sa office ko." Sabi nito na may inaabot na bandage sakin. Pero hindi ko yun kinuha tulad ng sinabi ko kaya ko ang sarili ko hindi ko kaylangan ang tulong ng iba.
"Ano bang kaylangan mo sakin at pinatawag mo pa ako dito?" Sabi ko habang binabalutan ng puting panyo ang kamay ko. Nakaugalian ko na kasing magdala ng puting panyo kahit saan ako pumunta.
Umupo ako sa upuan na nasa harap ng office table habang iniikot ko sa kamay ko yung panyo at nung bubuhulin ko na dahil isang kamay lang ang pwede kong gamitin at yung bibig ko na lang pinanghatak ko para mabuhol ng mahigpit sa kamay ko.
Tapos ko nang balutan ang kamay ko pero hindi ko pa rin naririnig ang dahilan nya sa pag papatawag sakin dito. Kaya tinignan ko sya, at nakita ko syang nakatingin lang din sakin. Ano to pinapunta nya ako para lang titigan?
"Alam kong maganda ako pero pwede bang tigilan mo kakatingin sakin at sabihin mo na kaylangan mo! Sinasayang mo oras ko." Naiinis na sabi ko sa kanya.
Pero imbis na sabihin nya na ang kaylangan nya ay nakatingin lang sya sakin. Ano makikipag titigan lang sakin tong taong to? Pagod na ako ngayong araw na to at gusto ko ng mahiga sa kama ko. Kaya tumayo na ako mukhang wala naman kaylangan tong taong to sakin.
"Kung makikipag titigan ka lang naman sakin Mr. School President, aalis na lang ako at gusto ko nang mag pahinga." Sabi ko at tumalikod na at nag lakad na papalabas.
Nasa harap na ako ng pintuan at bubuksan na sana pero bigla akong napaluhod. Biglang bumigat ang katawan ko na dahilan kaya ako napaluhod. Pilit akong tumatayo pero hindi ko magawa. Pag susubukan kong tumayo ay mas lalong bumibigat ang katawan ko. Lumingon ako sa likod ko at nakita kong nakatingin sakin si Vlan.
Sumalubong sa mga mata ko ang kulay bughaw (blue) nyang mga mata. Nawala sa isip ko na ang mga Helwing nga pala ang pinaka pinuno ng mga CaZador (Evil's Hunter). At ang mga Cazador ay may kakayahan sa mahika, hindi man sila kasing bilis at lakas ng mga Danag (Vampire) pero may kagamitan naman sila na kaya kaming mapinsala o mapatay. Pero hindi nila ito ginagamit samin, kungdi sa mga Soucouyant (Pure Demon or Half Demon and Vampire).
" Baga ka pumasok sa University na to, we already informed you about our rules sa mga special student like you. The first rule and the one of the most important rule is "No using of special ability and strength specially if you're surrounded by the normal student and staff". Pero anong ginawa mo, parang papel na binalibag mo lang si Mr. Kumi sa library. Kung wala lang spell na nilagay don sira sira na ang mga libro don at sa tingin mo anong iisipin ng mga normal student and staff don?"
Walang emosyon na sabi nya sakin, pero kada salitang sinasabi nya mas lalong bumibigat ang pakiramdam ko. Pero wala akong balak na lumuhod don hanggang matapos syang mag salita.
Nararamdaman kong umiinit na ang katawan ko, bumibilis ang pintig ng puso ko. Kahit di ko tignan ang mukha ko alam kong nag bago na ang kulay ng mga mata ko. Inalis ko na ang tingin ko sa kanya at unti unti akong tumayo at humayap sa kanya.
Nakita ko ang pag rehistro ng gulat at pagka mangha sa mukha nya. Hindi ako kung sino lang na pwede nyang paluhurin basta basta.
" So, anong gusto mong mangyari Mr. Helwing?"
"Ikaw nga ang pinaka malakas sa lahi nyo. Well tulad ng isang normal na student dito, kada paglabag sa rules may kalakip na disiplina." Nakangiti nyang sabi sakin. Bakit parang ayaw ko yung paraan nya ng pag ngiti.
"Magiging Personal Student Secretary kita hanggang matapos ang School Grand Ball na mangyayari sa anniversary ng school."
Napakunot ang noo ko, hindi pwedeng mangyari yon. Masisira ang mga plano ko,
"At susunod ka sa sinabi ko, isa yan sa kasunduan na sinumpaan mo bago ka pumasok dito na susunod ka sa mga rules and regulation ng shool na to." Sabi nya at umupo na sa upuan nya. Nawala na rin yung mabigat na pakiramdam ko.
"At sumunod ka na lang sa parusa mo, hindi mo naman siguro gugustuhin pestihin kita diba? Alam mo kung anong kayang gawin ng mga Cazador, lalo na ang mga Helwing. Bukas ka na mag sisimula, sige makakaalis ka na." Sabi nya at inasikaso na ang mga papeles na nasa mesa nya.
Naiinis man ako ay lumabas na ako don, baka kung anong magawa ko pa sa lalaking yon. Isang hamak na Cazador ay bibu bully lang ako. Ako na syang pinaka malakas sa aming lahi. Pero hindi pwedeng may gumulo sa mga plano ko. Walanghiyang lalaking yon, tama hindi talaga sya si Mateo. dahil kahit kaylan hindi ako gagalitin ng ganto. Bakit ko ba napag kamalang sya si Mateo, mukha lang ang tanging pag kakapareha nila wala na.