Dahan dahang nag lalakad ako sa gilid ng mga libro na sa unang tingin pa lang ay mahahalatang luma na ang mga ito. Librong nag lalaman ng ibat ibang kwento patungkol sa iba't ibang lahi ng sanlibutang ito. Mga librong pag binasa ng isang ordinaryong tao ay isa lamang itong lumang libro na nag lalaman ng mga pang yayaring kathang isip lamang. Pero ang lahat ng librong ito ay libro ng kasay sayan na ako mismo ang nakasaksi. Kasaysayan na ako mismo ang nag umpisa.
Huminto ako sa harap ng limang libro na kulay itim ang balot nito na may kulay gintong sulat sa harapan ng mga libro. Hindi katulad ng ibang libro na nakaayos na mag kakasama at tanging ang gilid lang ang nakikita, ang mga ito ay naiiba sa pag kakaayos.
Nakaharap ang mga to kaya mag makikita at mababasa mo ang titolo ng mga libro. Kinuha ko ang pinaka unang libro at pinaka paborito ko sa lahat.
Hinaplos ko ang mga nakaguhit dito na marka ng pag kakakilanlan ng mga lahi o tinatawag na "Dhampir Marks".
"Los Maldición Gemelos" Mahinang basa ko.
Simple pero napakaganda ang ginamit na istilo sa pag kaka sulat nito gamit ang kulay gintong tinta na kahit nakalipas na ang mahabang panahon ay napaka linis at kumikinang pa rin pag natatamaan ng liwanag.
Bubuksan ko na sana ang libro nang may narinig akong tunog ng sumaradong pintuan.
Ibinalik ko sa lalagyanan ang libro at nag lakad ako para silipin ang dumating.
"Yukina" Mahinang sabi ko at napangiti ako. Nalalapit na nga ang panahon na magigising ka na, at sa panahon na nagising ka na. Ano kaya ang gagawin mo pag bumalik na ang mga ala ala mo? Sinong pipiliin mo?
Nakita ko syang nag lakad at pinag mamasdan ang naka paligid sa kanya, nangiti akong lalo nang makita ko ang namamangha nyang mukha ng makita nya ang mga libro. Mula pa pagkabata, isa na yon sa napansin ko sa kanya. Ang pag kahilig nya sa libro. Maaring naburo nga ang alala nya ngunit siya parin ang isa sa mga batang binantayan ko at binabantayan ko pa rin.
"Nyx" Narinig kong pulong sa isipan ko.
Pumikit ako at nakita ko sa isipan ko ang aking kapatid, ang aking kambal na si Theia.
"Nyx, maaari bang ako ang gumamit ng iyong katawan?" Narinig kong sabi nya. Nakikita ko sa mga mata nya ang pananabik.
Ngumiti ako sa kanya at tumango.
Naramdaman ko ang sobrang lamig na bagay ang yumakap sa katawan ko, at ito ang palatandaan na ang aking kapatid naman ang gagamit ng aking katawan.
Kung kanina ay naka itim na damit ang katawan ko alam kong ngayon ay napalitan na ito ng kulay puting kasootan.
Dumilat ako at ang kulay Dark Violet na kulay ng mata ko ay unti unting napalitan ng Sapphire blue eyes ng aking kapatid at biglang pakiramdam ko ay lumulutang na ako. Na sinyales na tuluyan nang napunta ang katawan ko sa kapatid ko.
"Salamat kapatid ko." Mahinang bulong ng aking kambal.
Ngumiti lang ako at ipinikit ko na ang aking mga mata. Hindi man ako ang nag papagalaw ng aking katawan pero lahat ng kanyang nakikita ay nakikita ko rin lahat ng kanyang naririnig ay naririnig ko rin.
Nakakatawang isipin at nakakapag taka na panong ang dalawang kaluluwa ay nabubuhay sa iisang katawan. Pero hindi kami pinanganak na ganto, may sarili kaming katawan ng kapatid ko. Pero dahil sa isang trahedya, ang dating dalawang katawan ay naging iisa.
Naramdaman ko ang pag lakad ng aking kapatid, patungo sa mga librong tinititigan ko rin kanina. At katulad ko, kinuha nya rin ang librong hawak ko kanina ang aklat na nag papatungkol sa Isinumpang Kambal o mas kilalang Los Maldición Gemelos.
Naramdaman kong may papalapit sa likod namin at alam kong si Yukina yon.
"Pano ka nakapasok dito?" Sabi ng aking kapatid.
Nangiti kami dahil naramdaman namin ang pagkagulat ni Yukina, hindi nya siguro inaakala na may ibang tao syang makikita sa loob ng kwartong ito.
"Hmmm, nakita ko po kasing bukas yung pinto kaya pumasok po ako."
"Nakabukas ang pinto?" Sabi ng aking kapatid sa nag tatakang boses. "Hindi bumubukas ang pintong yun basta basta." Sabi nito at humarap sya kay Yukina.
At ng humarap na ang kapatid ko sa kanya at nag salubong ang kanilang mga mata ay rumihistro ang pagkamangha sa mga mata nito. Dahil siguro sa Sapphire blue eyes ng aking kapatid.
"Yuki, ikaw pala yan." Ramdam ko ang sobrang mag mamahal ng aking kapatid sa taong kaharap nya ngayon.
"Sorry, kilala po ba kita?" Nagtatakang tanong nito sa aking kapatid.
Ramdam ko ang sakit ng damdamin ng aking kapatid dahil sa simpleng tanong ni Yukina. Nararamdaman ko ang nag babadyang pag luha nya. At hindi ito maaaring makita ni Yukina, dahil ang luha ng isang dyosa ay hindi basta basta. Likido ito sa umpisa ngunit pagkalipas ng isang sandali ay nagiging isang napaka gandang klase ng bato.
Klase ng stone na makikita ngayon sa leeg ni Yukina.
Tumalikod kami sa kanya at binalik na ni Theia ang hawak nyang libro saka pumikit ng mariin upang mapakalma nya ang kanyang sarili. Makalipas ang ilang segundo ay humarap na syang bmuli kay Yukina na may ngiti sa labi nya.
"Kilala ko ang lahat ng nag aaral dito. Sige na at tumingin tingin ka muna dito. Sa tingin ko naman ay matutulungan ka ng mga librong nandito."
Sabi nito at nag lakad na papalayo kay Yukina. At sa mabilis na kilos ay nakapag tago na kami sa likod ng mga libro. At katulad ng dati naming ginagawa ay binabantayan namin sila mula sa malayong distansya.
Napangiti kami ng makita namin ang nag tatakang mukha ni Yukina ng sa ilang saglit lamang ay nawala na sa paningin nya ang kausap nya.
Dahil siguro natakot ay parang nag mamadaling kumilos si Yukina para siguro lumabas na.
Nag lalakad na sya papalabas ngunit tumingin muna syang muli sa itaas kung saan nakasabit ang mga nag gagandahang ARANYA o Chandelier.
Nakatingin lang sya don lalo na sa pinaka malaking disenyo sa tatlong Aranya na nakasabit. Ang simbolo na sya mismo ang pinahihiwatig.
Makalipas ang ilang minuto na nakatitig lamang sya sa mga yon ay bigla syang napahawak sa kanyang likurang bahagi ng kanyang kaliwang balikat.
Kitang kita sa mukha nya na parang nasasaktan sya at naluluha na sya. Nararamdaman ko na ang pag aalala ni Theia ngunit hindi sya maaaring lumapit kay Yukina.
Tumingin sa paligid nya si Yukina siguro para mag hanap ng ibang tao na naririto ngunit ng mapatingin sya sa kanyang paligid ay napuno ng gimbal ang kanyang mukha na parang may nakikita sya na sobrang kinakatakutan nya. Na sya lamang ang tanging nakakakita.
Sa sobrang takot nito ay sumisigaw ito ng sumigaw at biglang tumakbo papalabas ng kwartong ito. Ngunit nasa kalagitnaan pa lang ito ng pag takbo ay bigla itong nadapa. Dahil siguro sa takot na nararamdam nito ay napapukit na ito ng mariin.
Naramdaman ko ang pag kilos ni Theia papalapit kay Yukina ngunit hindi nya maaaring gawin ito hindi maaaring hawakan ang bata!
"Theia!" Sigaw ko, na alam kong tanging si Theia lamang ang makakrinig. Natigil sa pag lapit si Theia.
"Nahihirapan na si Yuki." Bulong nya.
"Alam mong mas mahihirapan sya pag hinawakan mo sya. Bahagi ito ng kapalaran nya, wala tayong magagawa." Sabi ko sa kanya.
HIndi na sya nag salita, at nakatingin lang kami kay Yukina.
Unti unting binuksan ni Yukina ang kanyang mga mata at tumingin sa paligid nya at nakita ko ang pag aliwalas nito. Maaring nawala na ang mga nakikita nya kanina na dahilan ng kanyang pagsigaw sa sobrang takot.
Pero na wala man ang kanyang takot na nararamdaman napalitan naman ito ng sobrang balisa. Na parang hirap na hirap na syang intindihin ang kanyang nararanasan. Gustuhin man namin na damayan sya na yakapin sya ay hindi namin maaaring gawin yon. Dahil imbis na makabuti ay lalo lamang naming mapapasama ang sitwasyon.
Isinubsob nito ang kanyang mukha sa kanyang mga braso habang naka dapa parin sa sahig ng kwartong ito at nag simulang umiyak. Nasisiguro ko na sobrang pagkalito na nag nararamdaman nya ngayon.
Napatingin si Theia sa may pintuan ng may mag bukas nito at nagulat ako ng makitang papalapit si Zero ngayon kay Yukina na puno ng pag aalala sa kanyang mga mata.
"Yuki ayos ka lang ba?" Puno ng pag aalala na sabi nito sa kakadapang si Yukina.
"May sugat ka ba? May masakit ba sayo?" Sabi pa nito at tinulungang umupo si Yukina.
Nakatingin lang nung una si Yukina sa kanya ngunit bigla na lang itong umiyak ng sobrang lakas habang nakatakip ang kanyang dalawang kamay sa kanyang mukha.
Niyakap sya ni Zero.
"Ayos lang yan, magiging maayos din ang lahat. Andito lang ako hindi kita iiwan."
Makalipas ang ilang minuto ay kumalma na rin si Yukina at nahinto na rin sya sa kanyang pag iyak.
Tinanong sya ni Zero kung okay na ba sya ngunit hindi ito sumagot kinuha lang nito ang kanyang panyo at pinunasan nya ang kanyang mukha at nag paalam na ito saka umalis na.
Naiwang nag iisa si Zero habang nakatingin pa rin ito sa lumalayong si Yukina.
"Anong ginawa nyo sa kanya?" Puno ng galit na narinig kong sabi nito samin.
Hindi nag salita si Theia at nakatingin lang sya kay Zero.
"Tinatanong kita anong ginawa mo kay Yuki!!!" Sigaw nito at biglang lumapit ng mabilis sa kinalalagyan namin ni Theia na nakaamba ang isang kamao nya samin.
Pero bago pa sya nakalapit samin ay hinatak ko na pabalik si Theia at ako na muli ang nag kontrol sa aking katawan.
At saktong nakalapit na sya ay ako na ang nakasapo ng kanyang kamao.
Sumalubong sa kanyang mga pulang mata ang aking Dark Violet na mga mata.
"Kami wala kaming ginawa sa kanya, ngunit ikaw anong ginawa kay Yukina para magkaganto sya!" Sigaw ko at sa isang saglit lang ay naibato ko na sya sa mga lalagyanan ng mga libro sa kabilang panig ng malaking kwartong ito. Pero kahit na malakas ang mag kakabato ko sa kanya ay di man lang nasira o nawala sa ayos ang mga libro. Umilaw lang ng kulay Asul ang mga natamaan nya.
"Ang ganda talaga ng pag kakagawa ko sa lugar na to." Nakangising sabi ko.
Tumingin ako sa naka higang si Zero sa lapag at nakita ko na medyo napalakas ata ng pag kakabato ko sa kanya.
"Nakakapag takang hindi pa rin bumabalik ang iyong lakas pagkalipas ng mahabang panahon. Ikaw ba talaga ang itinakda?"
Sabi ko sa kanya at hindi ko na hinintay pa ang kanyang sagot at nag lakad na ako papaalis.