Chapter 9 - VIII

"Yuki nakikinig ka ba, kanina pa ako salita ng salita pero parang hindi ka naman nakikinig sakin." Napapano ba tong babaeng to kanina pa ako salita ng salita pero parang wala sya sa sarili nya. Kanina ko pa kinakausap pero di naman ako pinapansin. Biglang nawala kahapon pero pag tinatanong ko naman hindi ako sinasagot ng maayos.

Parang ngayon tinatanong ko pero nakikipag titigan lang sya sa kinakain nyang carbonara.

"Yuki!" tawag ko sa kanya, pero wala pa ring epekto.

"YUKI!" sigaw ko sa kanya na may pahampas effect pa sa mesa.

Tas sya yun napatingin na sakin pero pati mga katabi namin nakatingin na rin sakin. Grabe anong nang yayari sa babaeng to?

"Hazel may sinasabi ka ba?"

Hindi ko alam kung babatukan ko ba sya or ano eh. Kanina ko pa sya napapansin after nung first subject talaga eh. Saka yung bagong prof ewan ko iba yung narramdamn ko don parang katulad kay Zero nung pumasok sya sa room biglang lumamig yung loob ng room.

Well may AC naman kami pero iba talaga mahirap ipaliwanag.

" Ayos ka lang ba? Parang kanina ka pa kasi wala sa gondisyon mo eh." Kahit na naiinis ako sa kanya syempre nag aalala rin ako no, iba kinikilos neto since kahapon pa. Tapos bigla pang nawala kahapon di man lang nag paalam. Buti na lang wala yung prof namin dapat non kaya hindi na rin kami nag attendance.

"Ah, oo ayos lang ako." Sabi nya sabay buntong hininga at binalik yung tingin sa kinakain nya.

"Sure ka parang hindi ka ayos eh kanina ka pa ganyan mula ng first subject natin."

"Oo nga ayos lang ako." At pilit syang ngumiti sa akin.

"Ang weird mo, kanina pa. Ayos ka lang ba talaga."Pangungulit ko sa kanya. Pero tango lang ang sinagot nya sakin.

Hindi to ok. Ano nanaman kaya ang problema nitong babaeng to. Wag mong sabihin na dahil sa bagong prof namin kaya sya nag kakaganyan.

"Yung bagong teacher natin sa marketing." Biglang sabi nito. Habang pinag lalaruan nya yung pendant ng kwintas nya. Ngayon ko lang nakita yung kwintas na yan saka parang parehas kami ng pendant ng kwintas ko ah.

Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko na nakatago sa damit ko. Kung yung kanya kasi choker type necklace, yung akin naman mahaba yung chain ng akin at gold din yun. Parehas kami ng pendant pero mas malaki lang yung stone ng kanya. Dalawa pamilya lang ang may gantong klaseng pendant, ang pamilya ko at ang pamilyang yon.

"Kapatid sya ni Zero."

Naalis ang tingin ko sa pendant ng kwintas nya at napatingin ako sa kanya. Hindi imposible yun, Baka mali lang ang lola ko, imposibleng pamilya ni Yuki yon. Ipiniling ko ang ulo ko at tinignan sya ulit.

Napangiti ako sabi na eh, tungkol to sa bagong prof namin kaya nag kakaganyan sya. Saka syempre alam kong mag kapatid sila eh tinanong yun kanina sa room kung mag kamag anak nga sila, kasi hindi lang sila mag kamukha, parehas pa sila ng last name. Syempre yung mga intrigera kong kaklase mag tatanong kung mag kamag anak sila. At boom hindi lang pala sila simpleng mag kamag anak, mag kapatid pa sila.

"Alam ko ti-..." Hindi ko na natapos ang sinasabi ko nung bigla nyang hinampas yung mesa. Diba magkabigan nga kami ang hilig namin hampasin yung lamesa. Buti na lang ma ingay na ngayon sa canteen dahil dumarami na ang kumakain kaya hindi na masyadong agaw pansin pag hampas nya sa mesa.

"Alam mo na magkapati sila?" Medyo malakas na pag kakasabi nya sakin. Ano bang nangyayari dito sa babaeng to. Di man lang ako pinatapos sa pagsasalita.

"Ano ba talagang nangyayari sayo ha. Malamang alam ko eh diba nga tinanong sya kanina kung kaano ano nya si Zero. Kasi magkamukhang magkamukha sila at parehas pa sila ng last name."

Na wiwirduhan na ako sa babaeng to, ano yun lutang nga siya buong klase?

"Ahh tinanong ba nila kanina." Sabi nya at nanahimik nanaman sya. Ang lalim naman ng iniisip nitong si Yuki.

Nakatingin lang ako sa kanya at nakikita ko at nararamdaman ko na hindi lang yung tungkol sa mag kapatid na yun yung iniisip nya. May iba pang gumugulo sa isip nya eh. Yung mga napapanaginipan nya kaya?

"Yuki alam mo naman na kung may problema ka pwedi mo naman sabihin sakin diba? Makikinig naman ako eh, saka diba parang mag kapatid na rin naman tayo." Sabi ko at hinawakan ko yung isa nyang kamay.

Malayo man ang agwat ng edad pero hindi ng puso namin. Ewan ko pero parang kapatid na talaga ang turing ko sa kanya. Dahil siguro parehas kami ng pinag daanan, parehas kaming nawalan ng magulang dahil sa isang trahedya. Pero maswerte ko na syang ma ituturing dahil at least sya nawalan ng memorya tungkol sa trahedyang pumatay sa mga magulang nya, pero ako naaalala ko lahat ng detalye ng nakaraan ko. Kung pano pinatay ng lalaking yun ang magulang ko sa harapan ko, limang taon na nag nakaraan.

Hindi bat ko ba iniisip yung mga bagay na yun, nakaraan na yun. Si yuki dapat ang iniisip ko kasi sya ang may poblema ngayon.

HInintay ko syang sumagot pero wala, tumingin lang sya sakin at ngumiti ng konti. Ganon ba ka seryoso yun para maging ganto tong babaeng to.

Nanahimik na lang din ako at kumain na. Alam ko naman na sasabihin din nya ung problema sakin, pero di nga lang ngayon.

Natapos na kami sa pagkain at papunta na sa susunod na klase namin ng may isang babaeng humarang samin. Sabay kaming napahinto ni Yuki at napatingin sa kanya.

"Hi, ikaw ba si Yuki .?" nakataas ang isang kilay na sabi nito.

Ang angas naman ng dating ng babaeng to. Kala mo kung sinong maganda ang kapal lang naman ng make up. Naibulong ko na lang sa sarili ko. May pataas taas pa ng kilay nya mukhang drawing lang naman yung make up nya. Hinihintay kong mag salita tong katabi ko kasi alam kong katulad ko ayaw nya rin sa mga babaeng masyadong maangas. Nung di ako makarinig ng kahit na ano sa katabi ko napatingin ako sa kanya.

Napakurap kurap ako dahil walang kakilos kilos si Yuki basta nakatingin lang siya sa babae. Napano nanaman tong babaeng to at naka titig lang don sa babae, wag mong sabihing nagagandahan sya sa babae to.

"Ah oo miss sya si Yuki, bakit?" ako na lang ang sumagot. Dahil wala atang balak mag salita tong kaybigan ko.

Nabaling ang tingin ng babae sakin at tinignan ako mula ulo hanggang paa sabay ngisi. Aba anong problema nitong babaeng to. Nakakakulo ng dugo ah, maganda naman sana eh kaso kulang na lang punuin ng eye liner yung mata. Tapos yung bibig kulay itim na mas lalong na emphasize dahil sobrang p[uti nya parang wala na syang dugo.

"Ikaw si Hazel diba?" Nakataas ang kilay na sabi nya sakin.

"Ako nga pano mo nalaman ang pangalan ko." Mataray na tanong ko. Ba hindi ako papatalo sa katarayan nitong babaeng to no.

"Hindi ako makapaniwala na nag kainteres sayo si Jake." Sabi nito at binalik na ang tingin kay Yuki na sobrang tahimik pa rin.

Sandali sino naman ung Jake na yon may kakilala ba ako na Jake ang pangalan. Sa pag kakatanda ko wala naman kahit dito sa school wala akong kakilala na Jake ang pangalan. Sira ulo na ata tong babaeng to.

" Oh well aalis na ako, it's so nice to see you AGAIN Yuki." Sabi nya na pinagkadiin pa ang pag sabi ng salitang again at lumingon muna sakin at ngimisi bago tumalikod at nag lakad na palayo samin ni Yuki.

Ibato ko kaya sa kanya yung sapatos ko? Kahit isang beses lang. Sarap sabunutan ng hinayupak na yun kung maka asta kala mo kung sino.

"Kilala mo ba yon Yuki, sabi nya kasi again meaning nag kita na kayo dati. Saka sinong Jake naman yung sinasabi nya." Nang gigigil na sabi ko.

Pero wala akong narinig kay yuki kaya naman lumingon ako sa kanya.

Nagulat ako sa nakita ko kasi nanginginig siya at nakatakip ang dalawa nyang kamay sa magkabilang tenga nya.

Natatarantang hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya. Napano sya bat nag kakaganto sya? Tinignan ko ulit ung babae kanina pero di ko na nakita ang bilis naman mag lakad non.

"Hoy Yuki napapano ka." Sabi ko na medyo inalog ko sya. Baka mahimasmasan sya. Ngayon ko lang nakita tong ganto, parang takot na takot sya. Pinag papawisn sya tas tumitingin sya sa paligid nya.

"Ano yun, sino ba sila kilala ko ba sila dati." sabi nya nanginginig pa ang boses. Ano bang nang yayari sa kanya. May mga luha nang lumalabas galing sa mata nya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Ha, ano bang sinasabi mo. Hoy Yuki napapano ka ba sinong sila, hoy!!" Medyo malakas nang boses na sabi ko sa kanya. Kinakabahan na ako talaga sa inaakto nya, hindi naman sya dating ganto eh. Ano ba yan pati ako naguguluhan na sa nangyayari.

Napapahigpit na ang hawak ko sa kanya dahil parang matutumba na sya. Sobra na ang panginginig nya para ba syang takot na takot. Pero saan naman sya matatakot. Nagulat ako ng bigla nya akong hinawakan sa magkabilang braso ko at tumingin sakin na para bang hinang hina sya.

"Sino ba ako?" Sabi nya bago bigla na lang nahimatay. Buti na lang at naalalayan ko sya at hindi sya tuluyang natumba. Pero dahil medyo mabigat siya at nagulat din ako dahil bigla syang nawalan ng malay napaupo kami sa simento.

"Hoy Yuki hala napapano ka gising Yuki." sabi ko na medyo tinatapik ko ang pisngi nya. Pero ayaw nya magising kahit na anong tapik ang gawin ko.

Napapatingin ako sa paligid namin pero walang ibang tao. Adik san napunta mga tao dito bat biglang nawala. Binalik ko ang tingin ko sa kanya at pilit parin syang ginigising. Nang may biglang nag salita sa likuran ko.