~Hapon~
"Anong nangyari dyan, Yvonne?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakaturo at nakatingin ito sa pulso ng dalaga. Mabilis na tinignan ng dalaga ang kaniyang pulso at agad itong tinakpan gamit ang kaniyang panyo.
"W-wala 'to. N-nakalmot lang n-ng pusa kanina."
Nauutal na sagot ni Yvonne sa tanong sakaniya ni Jervin habang pabalik-balik ang tingin nito sa binata at sakaniyang pulso. Tinignan ni Justin ang dalaga habang naluluha na ang kaniyang mga mata. Nang mapansin ng dalaga ang dwende ay nginitian niya lamang ito.
"Patingin."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay lapat niya ng kaniyang kamay sa ere upang doon ipatong ng dalaga ang kaniyang kamay. Dahan-dahang tinignan ng dalaga ang binata at saka umiling ito.
"Yvonne."
Tawag ni Jervin kay Yvonne habang hindi niya pa rin ibinababa ang kaniyang kamay. Yumuko lamang ang dalaga at sinisikap na hindi tumingin sa binata, hindi na nito namalayan na may mga luha na pala ang nangahas na tumulo mula sakaniyang mga mata.
"Tamayo, Jervin."
Mahinang tawag ni Melanie kela Yvonne at Jervin habang nagmamasid-masid ito sakanilang silid-aralan. Napatingin ang binata sa kaibigan at saka ibinaba na nito ang kaniyang kamay, samantalang ang dalaga nama'y patuloy pa rin ang pag-iyak sa tahimik na paraan habang tinatakpan pa rin ang kaniyang pulso.
"Ano un?"
Tanong ni Jervin kay Melanie habang sinusubukan nitong hindi ipahalata sa kaibigan ang pagaalala nito para kay Yvonne. Nangiti ang kaibigan sa binata.
"Magka-cutting kayo sa second sub?"
Nakangiting tanong ni Melanie kay Jervin sabay tingin na sa binata. Nagdalawang-isip ang binata sa pagsagot sa kaibigan, ngunit tumango ito bilang sagot sa tanong nito. Mas lumawak pa ang ngiti ng kaibigan dahil sa pagtango sakaniya ng binata, kaya't agad na nagtaka ang binata sa inasta nito.
"Baket? Magka-cutting ka rin?"
Tanong ni Jervin kay Melanie habang inoobserbahan na niya ang bawat kilos ng kaibigan. Tumango ang kaibigan sa binata habang nakangiti pa rin ito at saka panay na ang pindot sakaniyang phone.
"Magkikita kasi kami maya-maya ni Jay sa mall."
Sagot ni Melanie sa tanong ni Jervin sakaniya habang patuloy pa rin siya sa pagpindot sakaniyang phone. Biglang kumunot ang noo ng binata dahil sa sinagot ng kaibigan.
"Goodbye, class!"
"Goodbye and thank you, Ma'am!"
"Tara na?"
Masiglang tanong ni Melanie kila Yvonne at Jervin sabay tayo na mula sa kaniyang kinauupuan habang bitbit na ang kaniyang bag.
"Mauna ka na."
Sabi ni Jervin kay Melanie habang hindi ito tinitignan. Napabusangot na lamang ang kaibigan at saka naglakad na papalabas ng kanilang silid-aralan.
"Woah!"
"First time mag-cutting ni Fuentes, ah!"
"Ano kaya dahilan?"
"Baka nagseselos kela Tamayo at Jervin?"
"Ooooohhhh!"
"Hindi malabong mangyari!"
"Akala ko ba walang type si boss Jervin, pre?"
"Hoy! Kelan ko sinabi na walang type si boss Jervin?"
"Nung nagpustahan tayo nung nakaraang linggo!"
"Pahamak ka Pelayo!"
"Ay! Dapat ba sikreto lang natin un? Sorry, sorry!"
"Ano bang problema niyo kay Jervin, ha?!"
"Easy lang Ceejay!"
"Easy? E, hindi nga kayo nagi-easy sa pambubully!"
"Easy-han mo lang din Angela!"
"Kung wala kayong matinong sasabihin tungkol kay Jervin, mas mabuti pang manahimik na lang kayo!"
"Sorry, Jasben!"
"Kay Jervin kayo mag-sorry hindi sakin!"
"S-sorry boss Jervin!"
Paghingi ng tawad ng mga lalaking kaklase nila Jervin sakaniya. Tinignan niya lamang ang mga ito at ibinaling na ang kaniyang atensyon kay Yvonne.
"Tara na."
Sabi ni Jervin kay Yvonne sabay hawak nito sa braso ng dalaga. Tahimik na kinuha ng dalaga ang kaniyang bag at saka nanginginig at nanghihinang tumayo na habang nakayuko pa rin ito. Mabilis na tumayo ang binata at saka binitbit na rin ang kaniyang bag. Nanahimik ang buong klase dahil sa nangyari, ngunit hindi iyon pinansin ng dalaga't binata sapagkat naglakad lamang sila patungo sa pintuan ng silid-aralan na iyon. Agad na napansin nila Ceejay, Angela at Jasben ang nanlalamyang dalaga na bahagyang inaalalayan ng binata.
"Anong nangyari kay Tamayo?"
Nag-aalalang tanong ni Jasben kay Jervin nang tumigil ang dalawa sakaniyang harapan. Tinignan saglit ng binata ang kaklase at saka tinignan naman nito si Yvonne sakaniyang tabi.
"Hindi ko alam, e. Bigla na lang siyang nanghina."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Jasben sakaniya habang nakatingin pa rin ito kay Yvonne. Nag-aalalang tinignan ng kaklase ang dalaga.
"Kumain ka na ba, Tamayo?"
Nag-aalalang tanong ni Angela kay Yvonne habang nakatingin ito sa dalaga. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang kaklase at saka nginitian ito sabay tango bilang sagot sa tanong nito.
"Sigurado ka, ha?"
Paninigurado ni Ceejay kay Yvonne habang tinitignan nito ang dalaga nang may halong pag-aalala sakaniyang mukha. Inilipat naman ng dalaga ang kaniyang tingin sa pangatlong kaklase at saka nginitian din ito sabay tango.
"Salamat sa concern niyo."
Pagpapasalamat ni Yvonne kila Ceejay, Jasben at Angela habang nginingitian nito ang tatlong kaklase. Nanahimik ang lahat at nagpatuloy na sa paglalakad si Jervin at ang dalaga papalabas ng kanilang silid-aralan.
"Hindi pa kumakain si Yvonne simula kaninang umaga."
Mahinang sabi ni Justin kay Jervin habang nagtatago pa rin ito sa bulsa ng blouse ni Yvonne. Tinignan ng binata ang dalaga nang may pag-aalala sakaniyang mukha habang patuloy pa rin sila sa paglalakad.
"Akala ko ba kumain ka na?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Ngumiti lamang ang dalaga habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad.
"Punta tayo sa bandang likuran ng school na 'to… may portal dun papunta sa Unity Locale."
Pag-iiwas ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang hindi pa rin nito tinitignan ang binata.
"Matigas ulo nyan. Sumunod ka na lang. Sasabihin niya rin ang dahilan kapag ready na siya."
Mahinang sabi ni Justin kay Jervin sabay sinilip nito ang binata, nang magkasalubong ang kanilang tingin ay nginitian ng dwende ang binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at saka patuloy lamang inaalalayan si Yvonne habang naglalakad na sila patungo sa bandang likuran ng kanilang eskwelahan.
"Salamat kuya Jah."
Pagpapasalamat ni Yvonne kay Justin sabay ngiti nito sa dwende, nginitian nito pabalik ang dalaga at saka nagtago nang muli sa bulsa ng blouse nito.
"May gumugulo nanaman ba sa isip mo?"
Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Ngumiti ang dalaga nang hindi nito tinitignan ang binata at saka umiling.
"Doon ko gustong sabihin sayo ang lahat."
Sagot ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin ito. Napatigil bigla sa paglalakad ang binata kaya't tumigil din muna ang dalaga at saka tinignan ang binata habang nakangiti ito.
"Diba sabi mo sakin kahapon… pwede ko namang ipakita sayo ang kahinaan ko."