~Hapon~
"Pano kayo naging malapit ni Liyan sa isa't isa?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang naglalakad na sila kasama ang iba pang nilalang sa mga pamilihan sa Unity Locale.
"2 years ago… exam namin nun nung nangyari un. Habang nagkakatuwaan kami ng mga 'kaibigan' ko kasama ang teacher namin, napansin kong umiiyak sa isang tabi si Liyan. Kaya naisipan ko siyang lapitan at i-comfort. Dahil alam ko ang pakiramdam ng walang nagko-comfort sayo lalu na pag kailangan na kailangan mo na talaga ng taong masasandalan."
Sagot ni Yvonne sa tanong ni Jervin sakaniya habang nakatingin lang ito sakanilang dinaraanan at nakangiti. Tinignan saglit ng binata ang dalaga at saka ibinalik ang kaniyang tingin sakanilang dinaraanan habang sabay ngiti.
"Pero ngayon meron ka nang masasandalan."
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito at hindi tinitignan ang dalaga. Biglang napataas ng parehong kilay ang dalaga dahil sa sinabi sakaniya ng binata at ang ngiti nito kanina ay mas lalu pang lumawak.
"Gusto mo ba talaga malaman kung pano kami naging close ni Liyan o hindi?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin habang hindi pa rin nito tinitignan ang binata at patuloy pa rin sa paglalakad nang nakangiti. Lumawak pa lalo ang ngiti ng binata dahil sa sinabi ng dalaga sakaniya.
"Gusto. Tuloy mo lang kwento mo."
Nakangiting sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakaniya habang patuloy pa rin sila sa paglalakad. Biglang sumilip si Justin mula sa bulsa ng blouse ni Yvonne upang tignan kung nasa tamang daan pa silang tatlo.
"Kumanan na kayo dito."
Sabi ni Justin kila Yvonne at Jervin sabay turo sa daanan sa bandang kanan nila. Sumunod naman ang dalaga't binata sa itinuro sakanila ng dwende at nagpatuloy sa paglalakad.
"Deretsuhin niyo lang tas makakarating na tayo sa stall nila Liyan."
Huling sabi ni Justin kila Yvonne at Jervin bago siya bumalik sa bulsa ng blouse ng dalaga.
"Ano na ung sumunod na nangyari?"
Tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad patungo sa tindahan ng kaibigan ng dalaga na nagngangalang Liyan.
"Tinanong ko siya kung ano nangyari, tapos sinabi niya sakin na ung kaibigan daw niya na grade 9 naglaslas. Sinendan siya ng picture ng pulso na grabi ung pagdudugo. Nung nakita ko un…"
Sagot ni Yvonne kay Jervin ngunit bigla itong tumigil sa paglalakad at sa pagsasalita habang nakatingin lang ito sa kung saan. Napatigil din sa paglalakad ang binata at saka nasilayan nito ang dalaga na nakatingin sa kung saan kaya't sinundan niya lamang ang tingin nito at nakita ang isang tindahan na maraming tinitindang tsokolate.
"Ufro selepa~!"
Masayang sabi ni Yvonne sa tindera ng tsokolate. Biglang nanlaki ang mga mata ng binata nang makita ang dalaga roon kaya't agad siyang lumingon sakaniyang tabi upang tiyakin kung wala na sakaniyang tabi ang dalaga. Ngunit nang lumingon siya ay nasilayan niya ang dalaga sakaniyang tabi na may hawak-hawak na apat na tsokolate. Mas lalu pang nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sakaniyang nasilayan.
"P-pano mo…"
Sabi ni Jervin kay Yvonne habang dahan-dahan nitong tinuturo ang tindahan ng mga tsokolate. Agad na ibinaba ng dalaga ang kamay ng binata na akma na sanang ituturo ang tindahan ng mga tsokolate.
"Siguro dahil sa potion na ininom ko kanina."
Sabi ni Yvonne kay Jervin sabay kagat na nito sa isa sa mga tsokolate na kaniyang hawak. Kinuha ng dalaga ang isa sa mga tsokolate na wala pang kagat at saka ibinigay iyon sa binata habang nakangiti.
"S-salamat."
Nauutal na pagpapasalamat ni Jervin kay Yvonne dahil gulat pa rin ito sa ginawa ng dalaga kani-kanina lamang. Nagpatuloy na sa paglalakad ang dalaga habang kinakain nito ang tsokolateng kinagatan na niya kanina. Mabilis na sinundan ng binata ang dalaga at noong nakarating na siya sa tabi ng dalaga ay kumagat na siya sa tsokolateng ibinigay sakaniya.
"Nasan na pala ako sa kinekwento ko?"
Tanong ni Yvonne kay Jervin sabay tingin nito sa binata nang may inosenteng mukha at ang kaniyang mga labi ay may bakas ng tsokolate. Tinignan ng binata ang dalaga ngunit agad din nitong iniwas ang kaniyang tingin. Nagtaka ang dalaga sa inasta ng binata at bigla nanamang lumitaw muli si Justin galing sa bulsa ng blouse ng dalaga.
"Dun sa part na nakita mo ung picture na sinend kay Liyan."
Sagot ni Justin sa tanong ni Yvonne kay Jervin sabay tago nang muli sa bulsa ng blouse ng dalaga.
"Ayun! Salamat kuya Jah~ nung nakita ko ung pic na sinend sakaniya, hindi ako natakot o nagulat, mas nangibabaw sakin ang pag-aalala ko sakaniya. Kaya kinomfort ko lang siya hanggang sa tumigil na siya sa pag-iyak. Tas ayun na, simula nung araw na un, naging close na kami."
Pagpapatuloy ni Yvonne sakaniyang kinekwento sa binata habang patuloy pa rin sila sakanilang paglalakad. Tumango ang binata habang nginunguya niya ang tsokolate sakaniyang bibig.
"Malapit na ba tayo kuya Justin?"
Tanong ni Jervin kay Justin habang hindi nito tinitignan ang dwende na nasa bulsa ng blouse ni Yvonne. Walang natanggap na sagot ang binata mula sa dwende kaya't nilingon niya ang dalaga ngunit nawala na ito sakaniyang tabi. Nataranta ang binata dahil mag-isa na lamang siya sa lugar na hindi siya pamilyar. Habang tahimik itong nagmamasid-masid ay narinig na niya ang boses ng dalaga sa hindi kalayuan. Mabilis na tumakbo ang binata patungo sa lugar na kung saan niya narinig ang boses ng dalaga.
"San punta mo?"
Tanong bigla ni Yvonne kay Jervin mula sa likuran nito. Nagulantang ang binata dahil bigla na lamang sumulpot muli ang dalaga mula sa kung saan. Agad na hinarap ng binata ang dalaga at saka tinignan ito ng masama ngunit hindi niya kinaya kaya't pumikit na lamang ito at saka huminga ng malalim upang pakalmahin ang kaniyang sarili.
"Hinahanap kita. Bigla ka nanamang nawala."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakaniya nang kumalma na ito. Nangiti lamang ang dalaga sa binata at saka hinawakan ang kamay nito. Nagsimula nang maglakad ang dalaga at naglaho na silang pareho ng binata.
"Oh? Sino siya?"
Walang kalam-alam na tanong ng isang babae kay Yvonne mula sa isang tindahan na kung saan ay lumitaw silang muli. Nginitian ng dalaga ang babae at saka tinignan si Jervin habang hindi pa rin binibitawan ang kamay nito. Nanlaki ang mga mata ng binata dahil napunta na kaagad sila sa ibang lugar at saka hindi namalayan na napahigpit na ang kaniyang paghawak sa kamay ng dalaga.
"Liyan, siya ung kinukwento ko sayo kanina~"