~Gabi~
"Ung asawa mo?"
Tanong ni Liyan kay Yvonne habang nakaturo ang daliri ng kaibigan kay Jervin. Nanlaki ang mga mata ng dalaga at ng binata at saka nagkatinginan ang dalawa sa isa't isa. Hindi na napigilan ng kaibigan kaya't tumawa na ito sa harapan ng dalaga't binata.
"Sira ulo ka ba? 17 years old pa lang ako!"
Sigaw ni Yvonne kay Liyan habang hawak pa rin nito ang kamay ni Jervin. Mas lalu pang tumawa ang kaibigan dahil sa sinabi ng dalaga. Tinitigan lamang ng dalaga ang kaibigan habang nakangiti, samantalang ang binata nama'y tinignan ito habang nanlalaki pa rin ang kaniyang mga mata.
"Sorry… sorry… namiss ko lang pagtripan 'tong si Yvonne. Liyan Jimenez nga pala, major in potions."
Paghingi ng tawad at pagpapakilala ni Liyan kay Jervin habang pinupunasan na nito ang sariling luha sakaniyang mga mata dahil sakaniyang pagtawa kanina at saka iniabot ang kaniyang kamay sa binata upang makipagkamay rito.
"J-Jervin Añonuevo. N-nag-aaral pa lang n-na maging wizard."
Nauutal na pagpapakilala naman ni Jervin kay Liyan habang dahan-dahan niyang inabot ang kamay ng kaibigan ng dalaga upang makipagkamay. Nginitian ng kaibigan ng dalaga ang binata at saka bumitiw na sila pareho sa kamay ng isa't isa.
"Gusto mo bang turuan kita sa mga potions?"
Sabik na tanong ni Liyan kay Jervin habang nakangiti ito sa binata. Pinanlakihan ng mga mata ng binata ang kaibigan ng dalaga dahil sa tinanong nito sakaniya. Binitawan na ni Yvonne ang kamay ng binata at saka hinawakan naman ang balikat nito para ipaalam na maayos lang ang lahat at wala siyang dapat ipagalala.
"Wag ka na magprisinta~ ung potion nga na ininom ko na galing sayo may side effects, e."
Natatawang sabi ni Yvonne kay Liyan sabay bitaw na nito sa balikat ni Jervin at saka pumasok na sa tindahan ng kaibigan. Agad namang sumunod ang binata papasok sa tindahan.
"Hoy, at least nga magaganda ung side effects ng mga potions na ginawa ko, e!"
Depensa ni Liyan sa sinabi ni Yvonne habang inaayos na nito ang mga potions na nakadisplay sakaniyang tindahan. Natawa lamang ang dalaga sa sinabi ng kaibigan at naupo sa isang tabi.
"Maupo na kayo kung san niyo gusto! Mag-feel at home lang kayo! Mga pisti!"
Sigaw ni Liyan kila Yvonne at Jervin habang patuloy pa rin ito sa pag-aayos ng mga potions sakaniyang tindahan. Naupo na lamang ang binata sa tabi ng dalaga at saka pinanuod ang kaibigan nito.
"Ano-ano pa ung ibang side effects na mararanasan ko galing sa potion mo?"
Tanong ni Yvonne kay Liyan sabay kagat nito sa tsokolate. Hinarap na ng kaibigan ang dalaga, nilapitan at saka nginitian ito.
"Makakapag teleport ka, magke-crave ka sa chocolates, then… magbabago kulay ng mata mo. Purple ngayon ung kulay ng mata mo kasi effective pa ung potion. Kung ie-estimate ko kung gano tatagal yan… hmm… baka tumagal yan ng isang linggo."
Sagot ni Liyan sa tanong ni Yvonne sakaniya habang inoobserbahan ang dalaga. Kumunot ang noo ng dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan. Agad na napansin naman ito ni Jervin kaya't tinignan nito ang dalaga.
"Masamang bagay ba un?"
Inosenteng tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga. Pinanlakihan ng mga mata ni Liyan ang binata at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sa dalaga.
"Hindi ba niya kilala nanay mo? Kasi kung hindi… ang swerte niya. Lagi akong ginigisa ng tanong ng mama mo tuwing sinusubukan kong bisitahin ka sa bahay niyo, e. Buti na lang to the rescue lola mo."
Kumento ni Liyan sabay pameywang nito habang nakatingin pa rin kay Yvonne. Biglang nanamlay ang dalaga dahil sa sinabi ng kaibigan kaya't hinawakan ni Jervin ang balikat ng dalaga.
"Namatay na si Lola Beatrice."
Malungkot na sabi ni Jervin kay Liyan habang nakatingin ito sa dalaga at hawak pa rin ang balikat ng dalaga. Napaatras ang kaibigan at agad na naluha.
"K-kelan pa?"
Nanghihinang tanong ni Liyan kay Jervin habang nanginginig na ang tuhod nito. Malungkot na tinignan ng binata ang kaibigan ng dalaga.
"Nitong lunes lang."
Sagot ni Jervin sa tanong ni Liyan sakaniya at saka ibinalik na niya ang kaniyang tingin kay Yvonne. Biglang napaupo ang kaibigan ng dalaga sa lapag habang tahimik na umiiyak. Agad na nilapitan ng dalaga ang kaibigan at saka niyakap ito.
"Bakit walang nagsabi sakin?"
Tanong ni Liyan kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Nayuko lamang si Jervin habang nakaupo pa rin sa upuan.
"Hindi man lang ako nakapagpaalam kay Mommy Beatrice…"
Sabi ni Liyan habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Niyakap lamang ni Yvonne ang kaibigan ng mas mahigpit habang pilit na pinipigilan ang kaniyang sariling mga luha sa pagtulo. Lumipas ang ilang minute na ganuon ang sitwasyon sa loob ng tindahan ng kaibigan ng dalaga.
"Ayaw ipaalam ng Tita ko na namatay na si Mama Beatrice sa iba."
Sagot ni Yvonne sa tinanong sakaniya ni Liyan kanina nang tumigil na ito sakaniyang pag-iyak. Malungkot na tinignan ng kaibigan ang dalaga at saka nginitian ito.
"Oo nga pala… kung sino ang pinaka matanda sa isang angkan ay ang siyang magsisilbing pinuno nito. Nakalimutan ko un, ah."
Sabi ni Liyan habang nakangiti pa rin kay Yvonne. Napabuntong hininga ang dalaga at saka tumayo na. Tiningala ng kaibigan ang dalaga at nasilayan itong nakangiti sakaniya habang iniaabot nito ang kaniyang kamay upang hawakan ng kaibigan. Nginitian pabalik ng kaibigan ang dalaga at saka hinawakan ang kamay nito upang makatayo nang muli.
"Matanong ko lang…"
Biglang sabi ni Jervin mula sa kawalan kaya't Napatingin sakaniya sina Yvonne at Liyan.
"Ano-ano ung mga potions na binebenta mo?"
Tanong ni Jervin kay Liyan habang nakatingin sa mga potions na nakadisplay sa loob ng tindahan ng kaibigan ni Yvonne. Bumitaw na pareho ang dalaga at ang kaibigan nito sa pagkakahawak ng kamay ng isa't isa at saka nilapitan na ng kaibigan ang kaniyang mga potions.
"Merong mga transformation potions, shempre iba-iba yang mga potions na yan, depende sa kung anong uri ng nilalang. May mga shrink potions, enlarging potions, strength potions, love potions, healing potions, basta marami pang iba. Pero ang ipinagmamalaki kong potion na naimbento ko ay ang potion na nagbibigay ng kakayahan sa kahit na sino na makapasok sa isipan ng iba. Ang kailangan lang gawin ay inumin ang potion at saka hawakan ang nilalang na gusto mong diskubrehin ang isipan."
Tuloy-tuloy na sagot ni Liyan sa tanong ni Jervin nang hindi na namamalayan kung ano na ang kaniyang sinasabi. Napatitig ang binata sa kaibigan ni Yvonne.
"San nakalagay ung potion na pinagmamalaki mo?"
Tanong ni Jervin kay Liyan habang iniikot na nito ang kaniyang paningin sa mga potions na nakadisplay sa tindahan ng kaibigan ni Yvonne.
"Ayun, sa pinakadulong bahagi sa kaliwa ko, ung kulay brown."
Walang kalam-alam na sagot ni Liyan sa tanong ni Jervin sakaniya. Tumayo na ang binata mula sakaniyang kinauupuan at saka nilapitan ang potion na tinutukoy ng kaibigan ni Yvonne. Hindi na pinansin ng dalaga at ng kaibigan nito ang binata dahil nagkekwentuhan na silang pareho. Dahan-dahang kinuha ng binata ang potion an iyon, inalis ang takip at saka uminom ng kaunti. Nanlaki ang mga mata ng dalaga nang makita ang binata at ang bukas na lalagyanan ng potion.
"Jervin, wag!"