"N-nasan ako?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang iniikot niya ang kaniyang paningin, ngunit purong itim lamang ang kaniyang nakikita kahit saan man siya lumingon.
"Yvonne! Liyan!"
Tawag ni Jervin kina Yvonne at Liyan ngunit walang sumagot. Hindi mapakali ang binata kaya't naglakad na lamang ito. Hindi niya alam kung saan siya patungo ngunit nagpatuloy pa rin siya sakaniyang paglalakad.
"Saan ba 'tong lugar na 'to?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad. Ilang saglit pa ay unti-unti nang nagliwanag ang kapaligiran at may nasilayan itong isang batang babae na nakaupo sa sahig sa sulok ng isang silid, umiiyak. Akma na sana niya itong lapitan upang tanungin kung ano ang nangyari rito, ngunit mayroong isang babae ang mabilis na lumapit dito at saka pinagpapapalo ang batang babae ng sinturon.
"Hindi ka magtatanda, ha?! Ilang beses ko bang dapat sabihin sayo un?!"
Galit na tanong ng babaeng pumapalo sa kaawa-awang batang babae sa sulok ng silid. Dahan-dahang nilapitan ni Jervin ang babae at nasilayan ang mukha ng ina ni Yvonne. Nanlaki ang mga mata nito at napaatras ng isang hakbang dahil sa gulat nito. Nagpatuloy ang senaryo ng batang umiiyak at ng ina ng dalaga na walang awang pinaghahampas ng sinturon ang dalaga saka bigla nang naglaho ang senaryo at nangitim nanamang muli ang kapaligiran.
Hindi makahakbang ang binata dahil sa nasilayang senaryo. Nanatili siya sakaniyang puwesto ng ilang segundo at sinikap nang humakbang. Ngunit bago pa man ito makahakbang ay nagliwanag nanamang muli ang kapaligiran at nasilayan ang batang babae kanina na nakatayo naman sa pamilyar na mabatong bakuran habang nakayapak at tirik na tirik ang araw. Nagulantang ang binata dahil sa tabi ng batang babae ang isang batang dwende na nakatayo rin at nakayapak. Mabilis na nilapitan ng binata ang batang babae at akma na sana nitong hahawakan ang balikat ng batang babae ngunit tumagos lamang ang kaniyang kamay sa batang babae na umiiyak.
"Magtanda kayo pareho ni Josh! Mga sakit kayo sa ulo!"
Sigaw ng babae kanina mula sa isang bintana ng pamilyar na bahay. Nuong nilingon na iyon ni Jervin ay nasilayan niyang muli ang mukha ng ina ni Yvonne. Nanlaki ang kaniyang mga mata at saka tinignang mabuti ang dwende sa tabi ng batang babae at nakitang si Josh nga iyon.
"Kuya Josh!"
Tawag ni Jervin kay Josh ngunit bago pa man ito makalapit sa dwende ay naglaho na ang senaryong kinaroroonan niya at nangitim nanamang muli ang kapaligiran. Hindi nagtagal ay nagliwanag nanamang muli ang kapaligiran at nasilayan nanaman niya ang batang babae na nakaupo sa sahig ng masaya at tumatawa kasama ang limang dwende. Ilang sandali pa ay biglang lumitaw ang babae kanina at saka sinampal ng pagkalakas-lakas ang batang babae.
"Ang ingay mo! Kung magtatawanan kayo, wag dito! Nakakaistorbo kayo!"
Sigaw ng babaeng lumitaw din kanina sa batang babae na nakadapa na sa sahig at pulang pula ang pisngi. Hindi pa nakuntento ang babae sa sampal na ibinigay niya sa bata kaya't sinipa niya pa ito ng malakas papalayo sa limang dwende at saka umalis na. Galit na hinabol ni Jervin ang babaeng nanampal at nanipa sa batang babae, ngunit natigil ito nang masilayan nanaman ang mukha ng ina ni Yvonne sa babae. Naglaho nanaman ang senaryong kaniyang kinaroroonan at umitim nanamang muli ang kapaligiran.
Gulong-gulo ang binata dahil sa tatlong senaryong kaniyang nasilayan. Napaupo na lamang siya bigla at hindi namalayang tumutulo na pala ang kaniyang mga luha. Ilang saglit pa ay naalala na niya ang nangyari. Uminom siya ng potion na inimbento ni Liyan at sa kagustuhang pigilan siya sa pag-inom ng potion ay hinawakan ni Yvonne ang kaniyang kamay at napunta na siya sakaniyang kinaroroonan ngayon.
Dahan-dahang nagliwanag muli ang kapaligiran at nasilayan nanaman ang batang babae na nagtatago sa likuran ng isang pader habang nakatingin sa isang babae at sa kasama nitong batang babae. Masayang naglalaro ang babae at ang batang babae sa isang silid. Tumayo na ang binata at saka tinabihan ang batang babae na nagtatago sa likuran ng pader.
Pinagmasdan din ng binata ang babae at ang batang babae na masayang naglalaro sa loob ng silid. Nasilayan nanaman niya ang mukha ng ina ng dalaga sa babaeng kalaro ng batang babae. Habang nanggigigil ay hindi na niya namalayan na dahan-dahan na pala niyang tinitignan ang mukha ng batang babae sakaniyang tabi at naluha nanaman nang tuluyan nang makita ang mukha ng batang Yvonne na umiiyak habang pinapanuod mula sa malayo ang kaniyang ina at ang batang babaeng kalaro nito.
Napaluhod ang binata sa tabi ng batang Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pag-iyak. Naglaho nanamang muli ang senaryong kaniyang kinaroroonan ngunit patuloy pa rin siya sakaniyang pag-iyak. Hindi na nakaalis ang binata sakaniyang kinaroroonan at hindi na rin nagdilim ang kapaligiran, ngunit may mga sigaw na umaalingawngaw mula sa kung saan. Agad na tumayo ang binata at saka tumakbo ng pagkabilis patungo sa pinanggagalingan ng mga sigaw na umaalingawngaw. Biglang may lumitaw na senaryo sa harapan ng binata kaya't agad itong napatigil sa kaniyang pagtakbo. Nasilayan niya si Yvonne na nakahiga sa lapag at malapit nang mahubaran habang mayroong isang lalaki ang nasa ibabaw nito na hawak ang dalawang braso ng dalaga.
"Tulong! Tulungan niyo ako!"
Sigaw ni Yvonne habang sinusubukan nitong kumawala mula sa lalaki. Nakaramdam ng matinding galit si Jervin kaya't mabilis siyang tumakbo patungo sa lalaki ngunit tumagos lamang muli siya at nasaktan pa siya. Galit na tinignan ng binata ang lalaking nasa ibabaw ng dalaga ngunit hindi ito pamilyar sakaniya.
"Jay! Tama na Jay!"
"Ayaw mong makipagbalikan sakin diba? Ano na lang kaya ang masasabi ng mga magulang mo kapag umuwi ka sakanila ng buntis?"
Nakangiting tanong ni Jay kay Yvonne habang hawak-hawak niya ng mahigpit ang dalawang braso ng dalagang malapit nang mahubaran. Pinipilit pa rin ng dalaga na kumawala mula sa pagkakahawak sakaniya ng lalaki habang umiiyak na ito. Mas lalu pang lumawak ang pag ngiti ng lalaki nang maamoy na nito ang leeg ng dalaga.
Sa nararamdamang galit ni Jervin ay hindi na niya napigilan ang kaniyang sarili at pinilit na pinagsasasapak ang lalaki ngunit tumatagos lamang ang kaniyang mga kamao rito. Bigla nang nanghina ang binata at saka napaluhod na lamang sa harapan ng nakahigang dalaga na dahan-dahang pinagsasamantalahan ng lalaki at saka umiyak.
"Papatayin kita Jay!"