Chereads / Runaway With Me / Chapter 47 - Delivery

Chapter 47 - Delivery

~Umaga~

"Ano ba pre! Wag kang matakot magmaneho! Mas matapang pa ata kesa sayo si Yvonne, e!"

Sigaw ni Hendric kay Jervin habang nakaupo ito sa likuran ni Yvonne na nakaupo naman sa likuran ng binatang kung magmaneho ng motor ay para bang nakasakay sa isang kabayo.

"Kasalanan ko ba na first time kong magdrive ng motor?!"

Tanong pabalik ni Jervin kay Hendric habang sinisikap pa ring magmaneho nito ng maayos. Agad na napahawak sa hawakan ang kaibigan habang kinakabahan, samantalang si Yvonne naman ay naka cross arms lamang habang Masamang tinitignan ang bawat tao at sasakyang lumagpas at malagpasan nila.

"Ayoko na! Tama na! Igilid mo na 'to agad Jervin! Baka masuka pa ako!"

Sigaw ni Hendric kay Jervin sabay higpit na nito sakaniyang pagkakahawak sa hawakan ng sidecar. Mabagal na iginilid ng binata ang sidecar sa tabi ng kalsada at saka tumigil na ito. Mabilis na bumaba ang kaibigan mula sa sidecar at saka pabalik-balik na naglakad bago tumigil sa harapan ni Yvonne.

"Yvonne. Ikaw na nga muna magdrive. Baka kung ano pa mangyari satin, e."

Sabi ni Hendric kay Yvonne sabay pameywang nito at tingin ng masama kay Jervin. Agad na nagliwanag ang mukha ng dalaga at masayang bumaba mula sa sidecar. Bumaba na rin ang binata mula sa sidecar at hinayaan ang dalaga na masayang sumakay sa motor.

"Maupo ka dun sa tabi ng mga lalagyanan ng tubig at nang makita mo kung paano magdrive ng matino."

Sabi ni Hendric kay Jervin habang papaupo na ito sa likuran ni Yvonne. Sinamaan ng tingin ng binata ang kaibigan ng dalaga at saka naglakad na patungo sa kabilang bahagi ng sidecar at saka sumakay na roon, katabi ang mga lalagyanan ng tubig.

"I've missed this."

Sabi ni Yvonne sakaniyang sarili at saka nagsimula na agad magdrive. Napabuntong hininga na lamang si Jervin dahil mas matino pa kaysa sakaniya magmaneho ang dalaga. Pinagmasdan ng mabuti ng binata ang dalaga habang hindi niya namamalayan na unti-unti na pala siyang ngumingiti. Habang nakatingin sa harapan si Hendric ay napansin niya ang tingin ng binata sa dalaga at napansin din nito ang kaniyang ngiti. Biglang ngumiti ang kaibigan at saka ipinatong ang braso nito sa balikat ng dalaga habang hawak ang ulo nito.

"Alisin mo ung kamay mo Dric!"

Sigaw ni Yvonne kay Hendric habang patuloy pa rin ito sa pagmamaneho ng matino. Biglang naglaho ang ngiti ni Jervin dahil sa ginawa ng kaibigan. Mas lalu pang lumawak ang ngiti ng kaibigan kaya't imbis na alisin ang kaniyang kamay mula sa dalaga ay ginulo pa nito ang buhok niya.

"Dric!"

Inis na sigaw ni Yvonne kay Hendric habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagmamaneho. Mabilis na inalis ng kaibigan ang kaniyang kamay mula sa dalaga at saka lumayo ng bahagya. Sinamaan lamang ng tingin ni Jervin ang kaibigan ng dalaga at saka tumingin na sakanilang dinaraanan.

"Oh? Anong meron dun?"

Tanong ni Yvonne sabay gilid na ng sidecar nang makita ang mga nagkukumpulang tao sa gilid ng kalsada. Nang maigilid na iyon ay agad na bumaba ang dalaga at saka nakipagsiksikan sa mga nagkukumpulang tao. Sunod na bumaba naman si Jervin upang sundan ang dalaga.

"Naku po! Anong nangyari sakanila?"

"Sabi nila halimaw raw ang may gawa niyan sakanila."

"Ano ung mga nasa kamay nila?"

"Balahibo ba un?"

"Di nga?"

"Ba't naman sila may hawak na balahibo?"

"Baka nananakit sila ng mga hayop kaya sila pinatay."

"Grabe naman un kung ganun."

"Isang halimaw lang ang makakagawa sakanila ng ganiyan."

"Anong klaseng halimaw naman?"

"Aba malay ko."

"Ba't ang lalaki ng mga kalmot sakanilang katawan?"

"Paraan po! Makikiraan!"

Sabi ni Yvonne sa mga taong nakapalibot habang sinusubukan niyang makapunta sa pinakang gitna nuon. Nang tuluyan na niyang marating ang gitna ay nanlaki ang kaniyang mga mata at saka napatakip ito ng bibig gamit ang kaniyang kamay dahil sa nasilayan.

Limang lalake ang nakahilata sa lapag, lahat duguan at wala nang mga buhay. Ang apat sa mga ito ay may hawak na kulay abong balahibo samantalang ang isa namang walang hawak na balahibo ay wala ng kanang braso. Hindi nakagalaw ang dalaga mula sakaniyang kinatatayuan nang biglang may humatak sakaniya papalayo roon.

Nang makaalis na ito mula sa mga nagkukumpulang mga tao ay agad nitong tinignan ang taong humatak sakaniya at nasilayan ang binata. Agad na niyakap ng dalaga ang binata at saka nag-umpisa nang umiyak. Nagulantang ng bahagya ang binata ngunit agad naman nitong niyakap pabalik ang dalaga at saka hinaplos ang buhok nito.

"Andito na ako. Andito na ako. Wag ka na matakot. Andito na ako."

Kinakabahang sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy lamang ito sakaniyang paghaplos sa buhok ng dalaga. Nagulantang bigla si Hendric nang makita ang dalaga at ang binata na magkayakap, ngunit hindi siya bumaba sa sidecar, sapagkat natatakot siya na baka mag magnakaw nito.

"Jervin! Anong nangyari kay Yvonne?!"

Nag-aalalang tanong ni Hendric kay Jervin mula sa sidecar. Hindi pinansin ng binata ang kaibigan ni Yvonne sapagkat ay itinuon lamang ang kaniyang atensyon sa dalagang umiiyak at nakayakap sakaniya.

"Andito na ako. Andito na ako. Wala nang makakapanakit sayo."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang hinahaplos pa rin nito ang buhok ng dalaga. Nagkagulo na ang mga nagkukumpulang tao nang dumating na ang mga pulis at ang ambulansya upang imbestigahan at kunin ang mga bangkay.

"Tama na ang pagtingin niyo dito! Magsi uwian na kayo! Wala nang titignan pa rito!"

Pagpapaalis ng isa sa mga pulis sa mga taong naroroon. Ang iba'y agad namang sumunod sa pulis samantalang ang iba nama'y nanatili lamang roon.

"Magsi uwian na kayo! Wala nang titignan pa rito!"

Sigaw muli ng pulis habang hinaharangan na ang mga tao. Ang iba'y nagsi alisan na rin ngunit ang iba nama'y mas piniling manatili pa roon. Napabuntong hininga na lamang si Hendric na nakaupo pa rin sa sidecar habang patuloy pa ring tinitignan sina Yvonne at Jervin.

"Ano kaya ang nakita ni Bunso dun?"

Tanong ni Hendric sakaniyang sarili habang nag-aalala ito kay Yvonne. Makalipas ng ilang segundo ay dahan-dahan nang kumawala ang dalaga mula sa pagkakayakap nito kay Jervin. Agad na itinigil naman ng binata ang kaniyang paghaplos sa buhok ng dalaga at saka nag-aalala itong tinignan.

"Okay ka na?"