~Tanghali~
"Buti pinayagan ka ng magulang mo na umalis kahit linggo ngayon."
Nakangiting sabi ng isang lalaki kay Melanie habang nakatayo lamang ito sa harap ng pasukan ng mall. Nginitian lamang ng dalaga ang lalaki hanggang sa makatayo na ito sa harapan ng lalaki.
"Hi Jay~"
Masayang bati ni Melanie sa lalaking nakatayo sakaniyang harapan ngayon na nagngangalang Jay.
"Hi Melanie. Kumain ka na ng tanghalian?"
Nakangiting tanong ni Jay kay Melanie habang nakatayo pa rin sa harapan ng dalaga. Nahihiyang umiling ang dalaga bilang sagot sa tanong sakaniya ng binata.
"Saan mo gustong kumain?"
Nakangiting tanong muli ni Jay kay Melanie at saka nagsimula na itong maglakad patungo sa pasukan ng mall. Agad naman siyang sinundan ng dalaga habang nakangiti pa rin.
"Hmm… kahit saan, basta kasama kita."
Nakangiting sagot ni Melanie kay Jay habang naglalakad na sila papasok ng mall. Nawala ang ngiti ng binata at saka nagpatuloy lamang sa paglalakad habang nakangiting sinusundan naman ito ng dalaga.
"Sa Hamburger Queen na lang tayo kumain."
Sabi ni Jay kay Melanie habang hindi nito tinitignan ang dalaga. Tumango ang dalaga sa binata habang nakangiti pa rin ito at sinusundan ang binata.
"Sige, dun na lang."
Masayang sagot ni Melanie kay Jay habang patuloy pa rin ito sakaniyang pagngiti sa binata. Napabuntong hininga na lamang ang binata at nagpatuloy lamang ito sakaniyang paglalakad.
"Mas magiging masaya sana kung sinama neto si Yvonne ngayon, e."
Mahinang sabi ni Jay sakaniyang sarili habang binibilisan nito ang kaniyang paglalakad, ngunit mabilis na nakakahabol sakaniya si Melanie na masayang sumusunod pa rin sakaniya. Nilingon ng binata ang dalaga habang patuloy pa rin ito sa paglalakad at saka nginitian ito, kinawayan ng dalaga ang binata habang sinisikap nitong makahabol rito. Tumingin nang muli sakaniyang dinaraanan ang binata at saka agad na naglaho ang kaniyang ngiti.
"Kung hindi ka lang kaibigan ni Yvonne hindi ako magtitiis sayo, e."
Mahinang sabi muli ni Jay sakaniyang sarili habang patuloy pa rin ito sakaniyang paglalakad hanggang sa makarating na ito sa tapat ng kainan na kaniyang sinabi kay Melanie kanina. Nang makahabol at tumayo na sa tabi ng binata ang dalaga ay napabuntong hininga ang binata at saka naglakad na papasok ng kainan na iyon.
"Jay teka lang~!"
Masayang sabi ni Melanie kay Jay habang sinundan nanaman nitong muli ang binata habang nakangiti pa rin ito. Naupo na sa bakanteng lamesa ang binata at saka inantay na makaupo na rin ang dalaga sakaniyang harapan.
"Ano gusto mo Jay? Ako na mag-oorder."
Nakangiting sabi ni Melanie kay Jay nang makaupo na ito sa harapan ng binata. Ngumiti ang binata at saka nilapit ang mukha nito sa dalaga.
"Ikaw na pumili para sakin."
Nakangiting sagot ni Jay sa tanong ni Melanie sakaniya. Biglang namula ang pisngi ng dalaga at saka tumango na lamang bilang pagtugon nito sa binata. Umayos na ng upo ang binata at saka tumayo na mula sakaniyang kinauupuan ang dalaga at naglakad na patungo sa kahera upang umorder na. Napabuntong hininga nanaman ang binata at saka inilabas na ang kaniyang phone mula sakaniyang bulsa. Binuksan niya ito at agad na lumitaw sa screen ng kaniyang phone ang imahe nilang dalawa ni Yvonne na magkatabi at masaya.
"Kelan ka ba ulit babalik sakin Yvonne?"
Malungkot na tanong ni Jay sa imahe ni Yvonne sakaniyang phone habang malungkot na pinagmamasdan ang kaniyang phone. Kinalikot ng binata ang kaniyang phone at saka inilapit ito sakaniyang tainga.
"Sorry. The number you have dialed---"
Sabi ng phone ni Jay sakaniya kaya't agad na niyang pinutol ang tawag at saka inis na inilapag ang kaniyang phone sa lamesa.
"Hanggang kelan pa ba tayo maglalaro ng tagu-taguan, Yvonne?"
Tanong ni Jay sakaniyang sarili sabay hawi ng kaniyang malambot na buhok at saka tumingala upang titigan ang kisame ng kainang kinaroroonan niya ngayon.
"Bakit ka nagbago, Yvonne?"
Tanong nanamang muli ni Jay sakaniyang sarili habang patuloy pa ring tinititigan ang kisame. Ilang saglit pa ay bumalik na si Melanie na may bitbit na tray.
"Eto na ang pagkain~!"
Masayang sabi ni Melanie kay Jay habang nakangiting inilapag ang tray na mayroong mga pagkain at inumin. Umayos nang muli ng upo ang binata at saka nginitian ang dalaga nang makaupo na muli ito sakaniyang harapan.
"Ay, oo nga pala. Magkano utang ko sayo?"
Tanong ni Jay kay Melanie habang akma na sana nitong kukunin ang kaniyang wallet mula sakaniyang bulsa.
"Kahit wag mo na bayaran!"
Pagpipigil ni Melanie kay Jay habang nanlalaki ang mga mata nito at ang kaniyang mga kamay nama'y umabot na sa tapat ng binata. Nginitian lamang ng binata ang dalaga at saka hinawakan na ang kutsara't tinidor.
"Kain na tayo."
Nakangiting pag-aaya ni Jay kay Melanie habang sinimulan na nitong galawin ang kaniyang pagkain. Namula nanamang muli ang pisngi ng dalaga at saka hinawakan na rin ang kaniyang kutsara't tinidor at nag-umpisa na ring kumain.
"Mmm… ang sarap nito, ah."
Kumento ni Jay kay Melanie nang maka subo na ito. Mas lalu pang namula ang dalaga dahil sa sinabi ng binata sakaniya, kaya't takang tinignan ng binata ang dalaga.
"Ba't ka namumula?"
Inosenteng tanong ni Jay kay Melanie habang tinititigan nito ang dalaga. Nang masilayan ng dalaga ang inosenteng itsura ng binata sakaniyang harapan ay nanlaki ang kaniyang balintataw hanggang sa mamula na ang kaniyang buong mukha. Nanlaki ang mga mata ng binata at saka agad na hinawakan ang pisngi at noo ng dalaga.
"M-may lagnat ka ba? Trangkaso? Ba't ka namumula ng sobra?"
Nag-aalalang tanong ni Jay kay Melanie habang hawak pa rin nito ang noo ng dalaga. Umiling lamang ito bilang pagtugon sa sunod-sunod na tanong sakaniya ng binata at saka ngumiti.
"K-kinikilig lang kase a-ako."
Nauutal na pagdadahilan ni Melanie habang nakangiti pa rin ito kay Jay. Inalis na ng binata ang kaniyang pagkakahawak sa noo ng dalaga at saka umayos na ng pagkakaupo.
"Ang cute naman nung mag jowa, oh."
"Kaya nga, e. Nag-aalala ung guy kay girl."
"Pinag-alala mo naman ako, e."
Sabi ni Jay kay Melanie at saka pinunasan na ang kaniyang sariling pawis. Ang namumulang mukha ng dalaga'y narrating na ang pinaka mataas na antas ng pagkapula nito nang masilayan ang kagila-gilalas na pagpupunas ng pawis ng binata.
"Bakit napaka pogi mo Jay?"