~Umaga~
"Argh…"
Sabi ni Jervin nang magising na siya at saka naupo na sakaniyang kama. Nang maidilat na ng binata ang kaniyang mga mata ay inilibot niya ang kaniyang paningin at napagtanto na nasa kaniyang sariling kwarto na pala siya. Ilang saglit pa ang lumipas ay mayroong kumatok sa pintuan ng kwarto ng binata.
"Jervin? Gising ka na?"
Tanong ng isang babae mula sa kabilang bahagi ng pinto. Hindi nagsalita ang binata sapagkat tumayo lamang ito at naglakad na papalapit sa pintuan upang pagbuksan kung sino man ang naroroon. Pagkabukas ng binata sa pintuan ay nagulat ang kaniyang ina sa itsura nito.
"Pv+@! Anong nangyari sa mata mo?! Ba't pulang pula yan?!"
Gulat na tanong ng ina ni Jervin sakaniya sabay hawak nito sa magkabilang pisngi ng binata at inoobserbahan ng mabuti ang mga mata ng binata. Nagulantang ang binata sa ikinilos ng kaniyang ina at kaagad na inalis ang mga kamay nito sakaniyang mukha at umatras ng bahagya.
"W-wala ka na d-dun."
Nauutal na sagot ni Jervin sa ina habang tinitignan ito gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Sinamaan lamang ng tingin ng ina ang binata at saka umalis na sa harapan nito.
"Ayusin mo sarili mo! Nasa baba ang Tita Aneska ninyo!"
Sigaw ng ina ni Jervin sakaniya habang pababa na ito ng hagdan. Napakunot ng noo ang binata at saka isinara na ang pintuan ng kaniyang kwarto. Agad na lumingon ang binata sa salamin na nakasabit sa may bandang kaliwa ng kaniyang kwarto at saka nilapitan ito upang tignan ang kaniyang sarili.
"Pv+@^&!^@? Bat pulang-pula mata ko?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang kaniyang sarili sa salamin habang ginagalaw ang kaniyang ulo. Ilang segundo pa ay napatigil ito sa kaniyang ginagawa.
"Kalungkutan. Panghihina. Pagka-hilo. Walang ganang kumain. Tuloy-tuloy na pag-iyak."
Sabi ni Liyan mula sa ala-ala ni Jervin. Nanlaki ang mga mata ng binata at saka ginulo ang buhok nito.
"Tuloy-tuloy na pag-iyak?"
Tanong ni Jervin sakaniyang sarili habang patuloy pa rin siya sakaniyang pagtingin sakaniyang sarili sa salamin at sa paghawak ng kaniyang buhok.
"Wala kang kasalanan… tandaan mo yan… Jervin."
Sabi ni Yvonne mula sa isa pang ala-ala ni Jervin. Hindi na napigilan ng binata ang kahihiyang nararamdamang nito ngayon kaya't mabilis nitong binitawan ang kaniyang buhok at dali-daling tumakbo pabalik sakaniyang kama, dumapa, ibinaon ang kaniyang mukha sa isa sa mga unan at sumigaw.
"Pv+@^&$)%#%$^&*&^*$%#$%#()*()(*(&%@$!$%^&**&%^$#@$%^&*(!"
Tuloy-tuloy na pagmumura ng binata habang nakabaon pa rin ang kaniyang mukha sa isa sa mga unan nito. Makalipas ng isang minute ay naupo na ito sakaniyang kama at napabuntong hininga.
"Naghihintay pala sa baba si Tita Aneska."
Sabi ni Jervin sakaniyang sarili at saka tumayo na mula sakaniyang pagkakaupo, naglakad na patungo sa pintuan, binuksan ito, naglakad patungo sakanilang cr at naghimalos na. Nang matapos maghilamos ay kinuha nito ang kaniyang sipilyo at ang toothpaste upang makapag spilyo naman. Nang matapos na ay pinunasan na niya ang kaniyang mukha gamit ng tuwalya na nakasabit sa loob ng cr, lumabas na at bumaba na ng hagdan.
"Kamusta na kayo nitong mga nakaraang taon?"
Pangangamusta ng isang babaeng may kulay asul na buhok sa ina ni Jervin habang nakaupo ito sa salas at tinitignan nito ang ina ng binata nang may pag-aalala sakaniyang mukha.
"Eto… kumakayod para lang may makain sa pang araw-araw."
Nakangiting sagot ng ina ni Jervin sa babaeng may kulay asul na buhok. Napabuntong hininga ang babae habang patuloy pa rin ito sakaniyang patingin sa ina ng binata. Nang makarating na ang binata sa pinaka babang bahagi ng hagdan ay ibinaling na sakaniya ang atensyon ng babaeng may kulay asul na buhok.
"Hello, Tita Aneska."
Bati ni Jervin sa babaeng may kulay asul na buhok na nagngangalang Aneska. Nginitian ng babae ang binata kaya't nginitian naman nito ang kaniyang tita pabalik.
"Kamusta na Jervin hijo?"
Pangangamusta ni Aneska kay Jervin habang naglalakad ang binata papunta sa salas at naupo na sa tabi ng kaniyang ina.
"Ano ung gusto mong marinig Tita? Ung nakakaginhawang sagot? O ung totoo?"
Tanong ni Jervin kay Aneska habang tinitignan nito ang kaniyang tita sa mga mata nang walang bakas ng kahit na anong emosyon sakaniyang mukha. Nangiti lamang ang tita sa tinanong sakaniya ng binata at saka tinignan ang ina ng binata na nanginginig ang bibig dahil sa kaba.
"Ilang taon na ba ako hindi nakakabisita sainyo?"
Tanong ni Aneska sa ina ni Jervin habang nakangiti pa rin ito at nakatingin sa ina ng binata. Patuloy lamang tinitignan ng binata ang kaniyang tita nang walang emosyon sakaniyang mukha, samantalang ang kaniyang ina nama'y taas baba ang kilay, nanginginig ang mga labi at hindi kayang panatilihin sa iisang lugar ang kaniyang paningin.
"M-mahigit i-isang dekada n-na."
Nauutal na sagot ng ina ni Jervin kay Aneska habang pabalik-balik ang tingin nito sa tita ng binata. Ibinalik na ng tita ang kaniyang atensyon sa binata na patuloy pa rin sa pagtingin sakaniya.
"Masasabi kong pinalaki mo siya ng maayos, sapagkat ayaw niyang magsinungaling sakaniyang sitwasyon."
Nakangiting sabi ni Aneska sa ina ni Jervin habang nakatingin pa rin siya sa binata na nakatingin pa rin sakaniya. Napabuntong hininga ang ina ng binata at saka pinunasan kaagad ang pawis na tumulo sakaniyang noo.
"Sabihin mo sakin ang lahat, hijo."
Nakangiting sabi ni Aneska kay Jervin sabay kuha ng baso sa coffee table na nasa pagitan nila at saka ininom ang kapeng naroroon sa basong iyon.
"Lagi akong napagtitripan ng mga kaklase kong lalake sa eskwela. Nagpupustahan sila kung magkakaroon daw ba ako ng girlfriend o hindi. Tapos nitong nakaraang linggo lang ay mayroon akong kaklase na kumakausap saakin dahil walang kumakausap sakaniya. Bagong lipat lang siya at napapadalas na kaming magkasama."
Kwento ni Jervin kay Aneska habang nakatingin pa rin ito sakaniyang tita. Matapos makainom ng tita ng binata sa kape ay ibinalik na nito ang baso sa lamesa na nasakaniyang harapan at tinignan ng mataimtim ang binata.
"Anong pangalan ng kaklase mo, hijo?"
Seryosong tanong ni Aneska kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Tinignan na rin ng ina ang binata at saka inabangan ang isasagot nito sa tita.
"Yvonne. Yvonne Tamayo."