~Umaga~
"Pa, eto po ung nirecommend ni Yvonne. Si Jervin Añonuevo po."
Pagpapakilala ni Hendric kay Jervin sakaniyang ama habang nakatayo ito sa harap ng kaniyang ama katabi ang binata at si Yvonne naman ay nasa likuran lang nila.
"Diseotso ka na, hijo?"
Tanong ng ama ni Hendric kay Jervin habang tinitignan nito ng mabuti ang binata. Napalunok ang binata dahil sa kaba na kaniyang nararamdamang sa harap ng ama ng kaibigan ni Yvonne.
"O-opo."
Nauutal na sagot ni Jervin sa tanong sakaniya ng ama ni Hendric. Ang kaibigan ni Yvonne na katabi ng binata ay pinagpapawisan na at hindi makatayo ng maayos sapagkat kinakabahan na rin ito para sa binata.
"Marunong kang magmaneho ng sidecar?"
Tanong muli ng ana ni Hendric kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata. Tumango ang binata at saka napalunok muli.
"M-marunong p-po."
Nauutal na sagot ni Jervin sa tanong ng ama ni Hendric sakaniya. Si Yvonne ay nakangiti lamang habang nakatingin sa ama ng kaniyang kaibigan, hindi alintana ang kabang nadarama ng dalawang binata sakaniyang harapan.
"Wag ka pong mag-alala Tito~ yakang-yaka po yan ni Jervin~!"
Masayang sabi ni Yvonne sa ama ni Hendric habang patuloy pa ring nginingitian ito. Nginitian pabalik ng ama ng kaibigan ang dalaga at saka tumango.
"Pwede ka na magtrabaho."
Nakangiting sabi ng ama ni Hendric kay Jervin at saka iniwanan na silang tatlo sa loob ng water station. Mabagal na nilingon ng kaibigan at ng binata si Yvonne at saka Pinanlakihan nila ito ng mga mata.
"Pano mo nagawa un? Pano mo nakumbinsi ng ganun-ganun na lang si Papa?"
Hindi makapaniwalang tanong ni Hendric kay Yvonne habang patuloy pa rin ito sa pagtingin sa dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata.
"Salamat. Maraming salamat, Yvonne."
Masayang pasasalamat ni Jervin kay Yvonne habang nginingitian na nito ang dalaga. Nginitian pabalik ng dalaga ang binata at saka naglakad na patungo sa labasan ng water station nila Hendric. Bago pa man makalabas ng tuluyan ang dalaga ay nilingon niyang muli ang kaibigan at ang binata at saka nginitian ang mga ito.
"Tara na~!"
Masayang sabi ni Yvonne kila Hendric at Jervin at saka naglakad na papalabas. Nagtinginan ang kaibigan ng dalaga at ang binata at saka nagbuhat na ng mga lalagyanan ng tubig upang ilagay na ang mga iyon sa sidecar na gagamitin ng binata.
"Yan na ang lahat."
Sabi ni Hendric kila Yvonne at Jervin matapos nitong ilagay ang huling lalagyanan ng tubig sakanilang sidecar habang pawis na pawis. Ngumiti lamang ang dalaga sa kaibigan habang nakatayo ito sa gilid ng sidecar. Nang makatayo na ng maayos ang kaibigan ng dalaga ay Nagpakawala ng malalim na hininga ang binata at saka tinignan ang dalawa.
"Hindi ako marunong magdrive ng motor."
Sabi ni Jervin kina Hendric at Yvonne nang may pag-aalala sakaniyang mukha. Tinignan ng kaibigan ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito, samantalang ang dalaga nama'y nakangiting tinignan ang binata.
"S-seryoso ba?"
Kinakabahang tanong ni Hendric kay Jervin habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang binata gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Mabagal na tumango ang binata bilang sagot sa tanong ng kaibigan ng dalaga sakaniya. Napalunok lamang ang kaibigan ng dalaga at saka nanghihinang naglakad patungo sa motor upang maupo roon at magmukmok.
"Lagot ako neto kay Papa."
Naiiyak na sabi ni Hendric sakaniyang sarili habang nakatulala. Sinamaan ng tingin ni Yvonne ang nakatalikod na kaibigan, nilapitan ito at saka pinalo sa braso nito.
"Aray ko! Pv#$%$% mo! Maiiyak na nga ako dito, sasaktan mo pa ako!"
Sigaw ni Hendric kay Yvonne habang hinihimas nito ang brasong pinalo ng dalaga. Mas lalu pang sinamaan ng tingin ng dalaga ang kaibigan kaya't napaiwas agad ito ng tingin.
"Nakalimutan mo na ba na marunong akong magdrive ng sidecar?"
Naiinis na tanong ni Yvonne kay Hendric sabay cross arms nito sa harap ng kaibigan. Nanlaki ang mga mata ni Jervin dahil sa sinabi ng dalaga sakaniyang kaibigan.
"M-marunong kang magdrive ng sidecar?"
Gulat na tanong ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong tinitignan ang dalaga gamit ang kaniyang nanlalaking mga mata. Hindi pinansin ng dalaga ang binata sapagkat nakatuon lamang ang pansin nito kay Hendric.
"Payagan mo akong magdrive."
Seryosong sabi ni Yvonne kay Hendric habang masama pa rin ang tingin nito sa kaibigan at naka cross arms pa rin. Sinamaan din ng tingin ng kaibigan ang dalaga at saka sumimangot at iling nito.
"Turuan mo na lang si Jervin."
Seryosong sabi ni Hendric kay Yvonne habang nakasimangot pa rin ito sa dalaga. Pinanlisikan pa lalu ng dalaga ng tingin ang kaibigan ngunit biglang ngumuso ang kaibigan at nagpa-cute sa harap ng dalaga.
"Argh! Fine!"
Bulyaw ni Yvonne kay Hendric sabay iwas ng tingin sa kaibigan. Nginitian ng matamis ng kaibigan ang dalaga, tumayo na sa harap nito at saka ginulo ang buhok nito.
"Y-ya!"
Sigaw ni Yvonne kay Hendric sabay alis nito ng kamay ng kaibigan sakaniyang ulo habang nakasimangot. Natawa lamang ang kaibigan at saka naglakad na papalapit kay Jervin habang nakangiti pa rin.
"Good luck."
Nakangiting sabi ni Hendric kay Jervin sabay hawak nito sa balikat ng binata at saka tinulak ito ng mahina papunta kay Yvonne. Napalunok na lamang ang binata at saka kinakabahang nilapitan ang dalaga.
"S-sigurado kang marunong ka magdrive?"
Kinakabahang tanong ni Jervin kay Yvonne habang pinagpapawisan na ito sa harapan ng dalaga. Mabilis na pinanlisikan ng tingin ng dalaga ang binata at naglakad na papalapit sa manibela ng motor.
"Sumakay ka na para maturuan na kita."
Inis na sabi ni Yvonne kay Jervin habang pinanlilisikan pa rin nito ng tingin ang binata. Mabilis na naupo sa motor ang binata at saka hinawakan ang manibela ng motor habang patuloy pa rin itong pinagpapawisan. Tahimik na tumatawa si Hendric na nakatayo sa tabi ng sidecar habang pinapanuod ang pagtuturo ng dalaga sa binata.
"Asan ung susi, Dric?"
Seryosong tanong ni Yvonne kay Hendric habang pinanlilisikan pa rin nito ng tingin ang binata sakaniyang harapan na nakaupo sa motor. Hinagis lamang ng kaibigan ang susi sa dalaga habang tuwang-tuwa ito sa nangyayari sa dalawa.
"Buksan mo muna ung makina. Takteng 'to. Magda-drive ng nakasarado pa ang makina ng motor."