Chereads / Runaway With Me / Chapter 42 - Yvonne's Mind

Chapter 42 - Yvonne's Mind

"Papatayin kita Jay!"

Sigaw ni Jervin habang nakaluhod at saka yumuko na. Naglaho na ang senaryong kaniyang kinaroroonan at nagdilim na ang kapaligiran. Umiyak ng tahimik ang binata dahil sa nasilayang hindi kaaya-ayang senaryo. Wala na itong lakas upang maglakad pa. Wala na itong lakas upang magpatuloy pa sakaniyang paglalakbay. Ramdam niya ang hapdi sakaniyang puso na unti-unti nang nasisira.

Biglang nagliwanag ang kapaligiran at mayroong lumitaw na senaryo. Dahan-dahang iniangat ng binata ang kaniyang paningin at nasilayan si Yvonne na nakaupo sa lapag, mag-isa sa isang silid at umiiyak ng tahimik. Walang pag-aalinlangang nilapitan ng binata ang dalaga habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak. Lumuhod siya sa tabi ng dalaga at saka dahan-dahang hinaplos ang buhok nito, ngunit tumagos ang kaniyang kamay.

"Yvonne…"

Mahinang tawag ni Jervin kay Yvonne habang tahimik itong umiiyak sa tabi ng umiiyak na dalaga. Nagpatuloy lamang sila sakanilang pag-iyak at ilang saglit pa ay magabal na lumingon ang dalaga sa gilid at saka pinagmasdan ang bagay sakaniyang tabi. Napakunot ng noo ang binata kaya't sinundan niya ang tingin ng dalaga at nasilayan ang patalim sa tabi nito. Nanlaki ang mga mata ng binata at saka ibinalik ang kaniyang tingin sa dalaga.

"Wag. Yvonne, wag."

Pagpipigil ni Jervin kay Yvonne na dahan-dahan nang inaabot ang patalim sa tabi nito. Dahil sa takot at pag-aalala ng binata para sa dalaga ay ilang beses niyang sinubukan na ilayo ang kamay ng dalaga mula sa patalim ngunit patuloy lamang ang pagtagos ng kaniyang mga kamay mula sa kamay ng dalaga. Kahit pa na ilang beses niyang subukan ay paulit-ulit nitong nakakalimutan na tumatagos lamang siya sa mga tao ay bagay na naroroon.

Umiling ang binata habang umiiyak at pinanuod ang dalaga na maglaslas sakaniyang sariling pulso. Paulit… ulit… ulit… ulit na sinugatan ng dalaga ang kaniyang pulso hanggang sa magdugo ito ng lubusan. Tahimik na umiyak ang binata sa tabi ng dalaga habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iling. Habang pinagmamasdan ang dalaga na nasakaniyang harapan ay biglang may narinig ang binata.

"Ano kaya ang magiging reaksyon nila pag namatay ako?"

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili. Biglang napalingon si Jervin sa pinanggalingan ng boses at nasilayan ang dalaga na nakatayo sa isang upuan, may tali na nakapalibot sakaniyang leeg habang nakatingin sa lapag na umiiyak at nakangiti. Nanlaki nanamang muli ang mga mata ng binata sa nasilayan, akma na sana itong tatakbo papalapit sa dalaga na nakatayo sa upuan ngunit bigla itong naglaho at may iba namang lumitaw.

"Pag namatay kaya ako… mamahalin na ako ni Mama?"

Tanong ni Yvonne sakaniyang sarili habang pinagmamasdan ang mga gamot sakaniyang palad ng nakangiti. Naluha si Jervin nang makita ang dalaga na paulit-ulit sinusubukang tapusin ang sariling buhay. Habang pinagmamasdan ang dalaga na inumin ang mga gamot na nasa palad nito at dahan-dahan niyang iniangat ang kaniyang kanang kamay na akmang aabutin ang dalaga mula sa kaniyang kinatatayuan.

"Bakit kailangan mong maranasan ang mga bagay na un?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang tahimik na umiiyak at patuloy pa ring pinagmamasdan ang dalaga. Matapos ng ilang segundo ay naglaho nanaman ang senaryo sakaniyang harapan at mayroon nanamang lumitaw na panibagong senaryo. Pinagmasdan ng binata ang dalaga na nakatayo sa pinakang dulo ng pamilyar na talampas habang nakatingin ito sa baba ng umiiyak.

Patuloy pa rin sakaniyang pag-iyak ang binata habang tinitignan pa rin ang dalaga. Dulot ng kaniyang panghihina ay napaupo ang binata habang patuloy pa ring pinagmamasdan ang dalagang akma nang tatalon mula sa talampas ngunit bago pa man makatalon ang dalaga ay mabilis na naglaho ang senaryong iyon. Kumunot ang noo ng binata dahil sa nangyari. Ngunit bago pa man ito makakilos ay biglang lumitaw ang senaryo noong araw na una siyang kinausap ng dalaga.

"Naiinis ka na rin ba sakanila?"

Tanong ni Yvonne kay Jervin habang papaupo na ito sa tabi ng binata. Ang binatang pinapanuod ang senaryong iyon ay napangiti habang patuloy pa rin sa pagbuhos ang kaniyang mga luha. Pinagmasdan lamang ng binata ang katabing dalaga.

"Kaklase ka ba namin?"

Tanong pabalik ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin nitong pinagmamasdan ang dalaga ng may halong pagtataka sakaniyang mukha. Natawa ang binatang nanunuod ng senaryong iyon habang umiling-iling pa.

"Hindi mo kasi kinikilala mga kaklase mo, e. Buti na lang nilapitan ka niya. Naging makulay pa ang mundo mo."

Nakangiting sabi ni Jervin sa Jervin na katabi ngayon ni Yvonne sa senaryong kaniyang pinapanuod. Dahan-dahang tumayo ang binata habang hindi pa rin nito inaalis ang kaniyang tingin sa senaryo na nasa kaniyang harapan. Noong akma na sana siyang lalakad papalapit roon ay biglang naglaho ang senaryong iyon ay may panibago nanamang lumitaw.

"Diba sabi mo may saltik ako?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne sabay lapit ng bibig niya sa tainga ng dalaga habang nakangisi. Natawa ng bahagya ang binatang pinapanuod ang senaryong iyon habang patuloy pa rin ito sakaniyang pag-iyak.

"J-Jervin…"

Nauutal na tawag ni Yvonne kay Jervin. Kita sa mukha ng binata na natutuwa siya sa reaksyon ng dalaga sakaniyang ginawa, makalipas ng ilang segundo ay tumayo na ng maayos ang binata at tinignan ang dalaga habang nakangisi pa rin ito. Tinignan lamang ng dalaga ang binata habang nanlalaki ang mga mata nito, ilang saglit pa ay umiwas ng tingin ang dalaga at saka biglang hinatak ang kwelyo ng binata, pumikit at saka hinalikan ito sa labi. Ang binatang nanunuod sa senaryong iyon ay biglang namula ang pisngi at napaiwas ng tingin mula sa senaryong iyon.

"Bakit ang lakas ng loob ni Yvonne na halikan ako sa harap ng maraming tao?"

Tanong ni Jervin sakaniyang sarili sabay takip ng kaniyang mata gamit ng kaniyang kamay habang namumula pa rin ang kaniyang pisngi. Makalipas ng isang segundo ay dahan-dahan na niyang inalis ang kaniyang kamay mula sakaniyang mata at mabagal na ibinalik ang kaniyang tingin sa senaryong iyon, ngunit naglaho na iyon na parang bula. Matapos ng ilang saglit ay may iba namang senaryo ang lumitaw.

"Kapag ba sumagot ako ng 'oo', magagawa ko ba ung ginawa mo nung isang araw sa fire exit?"

Nakangiting tanong ni Jervin kay Yvonne habang pabalik-balik nitong tinitignan ang dalaga. Napangiti ang binatang nanunuod sa senaryong iyon nang masilayan ang dalaga at ang matamis na ngiti nito nang marinig ang sinabi ng binata.

"Yvonne."

Tawag ni Jervin kay Yvonne. Biglang napalingon ang binata sa pinanggalingan ng kaniyang sariling boses at nasilayan ang kaniyang sarili na naglalakad papalapit sa dalaga na nakaluhod sa tabi ng kama ng kaniyang lola. Nalungkot bigla ang binatang nanunuod sa senaryong iyon at napabuntong hininga.

"Ung mas gugustuhin mo na lang matulog ng matagal hanggang sa maging okay na ang lahat."

Sabi ni Jervin kay Yvonne. Agad na napalingon nanaman ang binata sa pinanggalingan ng kaniyang sariling boses at nasilayan ang dalaga na nakaupo sa lapag at ang kaniyang sarili na nakaupo katabi ang dalaga. Napatingin ang dalaga sa binata kaya't nagkatama ang kanilang tingin. Unti-unti nang lumalapit ang katawan ng dalaga sa binata at saka niyakap ito. Niyakap din ng binata pabalik ang dalaga.

"Sobrang saya ko nung niyakap mo ako nung araw na un, Yvonne."

Nakangiting sabi ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa ring pinapanuod ang senaryong nagyakapan silang dalawa ng dalaga. Tumulo nanaman ang kaniyang luha habang nakangiti pa rin ito sa senaryong kaniyang pinapanuod.

"W-wag mo na lang sagutin. Sino ba naman ako para itanong un sayo."

Sabi ni Yvonne kay Jervin. Mabilis na nilingon ng binata ang pinanggalingan ng boses ng dalaga at saka nasilayan ang kaniyang sarili na nakaupo sa bangkuan sa talampas katabi ang dalaga.

"Isa kang anghel."

Sabi ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan ang dalaga. Napangiti lamang ang binatang nanunuod sa senaryong iyon habang may isang luha nanaman ang nalaglag galing sakaniyang namumulang mata.

"Isa kang hulog ng langit para sakin, Yvonne."