Chereads / Runaway With Me / Chapter 37 - Unity Locale 3

Chapter 37 - Unity Locale 3

~Hapon~

"Jervin, bantayan mo si Yvonne, ha. Bibili lang ako ng makakain niya sa ibaba."

Sabi ni Justin kay Jervin habang nakatayo ito sa harapan ng binata na nakaupo sa bangkuan sa talampas na inistambayan nila noong huling punta nila ni Yvonne. Tumango lamang ang binata bilang sagot sa dwende, tumango pabalik ang dwende sa binata at saka Mabilis na tumakbo papalayo sa kinaroroonan nila.

"Jervin."

Mahinang tawag ni Yvonne kay Jervin habang pinagmamasdan nito ang mga pamilihan sa ibaba. Mabilis na nilingon ng binata ang dalaga at saka naupo nang mas malapit sa dalaga upang marinig ito ng maayos.

"Ano un, Yvonne?"

Tanong ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Dahan-dahang nilingon ng dalaga ang binata at saka nginitian ito.

"Isang linggo pa lang ang lumilipas nung kausapin kita."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang nakangiti pa rin ito sa binata. Kumunot ang noo ng binata at saka tinitigan nito ang dalaga nang may pagtataka sakaniyang isipan.

"O-oo."

Sagot ni Jervin kay Yvonne sabay tango nito sa dalaga habang nakatingin pa rin sila sa isa't isa. Nginitiang muli ng dalaga ang binata at saka tumingin na sa kalangitan.

"Nung buhay pa si Mama Beatrice… sabi niya sakin… mas mabuti nang ipakita sa tao na malakas at mahina ka. Nung una, hindi ko nagets. Pero nung nagtagal… tinanong ko si Mama Beatrice kung bakit pa kailangang ipakita na mahina ka. At hindi ko inaasahang ang kaniyang sinagot."

Pagkukwento ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa kalangitan at nakangiti. Patuloy pa ring tinitignan ng binata ang dalaga habang inaabangan nito ang sunod na sasabihin ng dalaga.

"'Kailangan mong ipakita na mahina ka upang malaman mo kung sino-sino ang iyong masasandalan sa panahong naghihirap ka.'"

Pag-uulit ni Yvonne sa sinabi sakaniya ng kaniyang lola na si Beatrice. May luha na biglang tumulo mula sa mata ng dalaga habang nakangiti pa rin ito sa kalangitan.

"Pero nung pinakita ko sa karamihan ang kahinaan ko… imbis na malaman ko kung sino-sino ang mga masasandalan ko… nag-take advantage sila sakin. Kaya simula nung napuno na ako sa mga taong nagte-take advantage sakin, pinangako ko sa sarili ko na hindi ko na ipapakita ang kahinaan ko sa iba."

Pagtutuloy ni Yvonne sakaniyang ikinekwento kay Jervin sabay tingin nito sa binata habang nakangiti pa rin. Naalarma bigla ang binata dahil sa itsura ng dalaga. Namumulang mga mata, namumutlang mga labi habang nakangiti at naninilaw na kutis ng balat.

"O-okay ka lang ba? Ano na pakiramdam mo? May tubig ka ba dyan sa bag mo? Bakit kasi hindi ka muna kumain bago ka pumasok?"

Sunod-sunod na tanong ni Jervin kay Yvonne sabay hawak nito sa kamay ng dalaga at sa pisngi nito. Ngumiti lamang ang dalaga sa binata at saka hinawakan ang kamay nito na nasakaniyang pisngi.

"Okay lang ako."

Mahinang sagot ni Yvonne kay Jervin habang hawak pa rin nito ang kamay ng binata sakaniyang pisngi. Tinignan ng binata ang mga pamilihan sa ibaba at umaasang makababalik kaagad si Justin nang tama sa oras.

"Nasan ka na kuya Justin?"

Tanong ni Jervin sa ere habang tinitignan pa rin nito ang mga pamilihan sa ibaba ng talampas habang hawak pa rin nito ang kamay at pisngi ni Yvonne. Malumanay na inalis ng dalaga ang kamay ng binata sakaniyang pisngi at saka ipinatong ang mga kamay ng binata sa bangkuan habang hawak niya pa rin ito.

"Uminom ka na ba ng tubig? Ano ba kasing pumasok sa isip mo? Bakit mo ginugutom ang sarili mo?"

Sunod-sunod na tanong nanaman ni Jervin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga nang may pag-aalala sakaniyang mukha. Ngumiti ang dalaga sa binata habang hindi pa rin nito binibitawan ang mga kamay nito.

"Naaalala mo ung araw na namatay si Mama Beatrice? Diba tinanong ko kung bakit kailangang mamatay si Mama Beatrice at kung ano ung pesteng dahilan ng Diyos kung bakit niya hinayaang mangyari un?"

Tanong pabalik ni Yvonne kay Jervin habang nakatingin pa rin ito sa binata at hawak pa rin ang mga kamay nito.

"Naaalala ko pa."

Sagot ni Jervin kay Yvonne habang patuloy pa rin ang kaniyang pagtingin sa dalaga na hindi rin inalis ang tingin sakaniya. Binitawan na ng dalaga ang mga kamay ng binata at saka tumingin sa mga pamilihan sa ibaba.

"Dahil sa sinabi ko… mas lalu pang lumala ung away namin ni mama."

Sabi ni Yvonne kay Jervin habang patuloy pa ring tinitigan ang mga pamilihan sa ibaba ng talampas. Napabuntong hininga ang binata, sumandal sa bangkuan at saka tumingin sa kalangitan habang nasa magkabilang gilid na ang kaniyang mga kamay, upang hindi makita ang kalunos-lunos na itsura ng dalaga.

"Dati na kami nag-away ni mama dahil lang sa hindi ko pag sunod sa mga gusto niya para sakin. Dahil sa pag-aaway namin na un ay tinuturing niya akong stranger sa loob mismo ng bahay namin. At ngayong kinwestiyon ko ang Diyos… tinuturing na niya akong parang hayop. Pag galit siya… ako ang lagi niyang pinagbubuntunan ng galit. Kapag nagkakasalubong naman kami sa bahay… ung mga tingin niya sakin… parang gusto niya na akong itapon dahil nandidiri siya sakin."

Pagkukwentong muli ni Yvonne kay Jervin sabay tingin na nito sa lupa at nagsimula nang umiiyak. Tumingala ang binata at saka pumikit, ang mga kamay nito ay nagging hugis kamao dahil sa nararamdaman niyang galit.

"Tapos kanina… nung tinanong niya ako kung hindi ako kakain… nakayuko lang ako nun at saka hindi ko siya sinasagot. Nung napuno na siya… dali-dali siyang naglakad papalapit sakin… saka sinabunutan niya ako. Hindi ko pa rin siya nun sinasagot… kaya hinatak niya ako sa buhok ko pabalik sa kwarto ko. Pinilit kong hindi iparinig kay mama ang pag-iyak ko… d-dahil baka mas malala pa ang gawin niya sakin."

Nanginginig na ang mga kamao nito dahil sa panggigigil ngunit agad din namang kumalma ang binata nang biglang hinawakan ng dalaga ang kamay at braso nito. Agad na nilingon ng binata ang dalaga na nakaharap na sakaniya ngunit nakayuko pa rin. Naramdaman ng binata ang mga luhang tumutulo sakaniyang mga kamay na galing sa mga mata ng dalaga. Lumapit pa lalo ang binata sa dalaga upang maging sandalan siya nito.

Gamit ang kaniyang kanang kamay ay pina sandal niya ang ulo ng dalaga sakaniyang balikat at saka niyakap ito. Patuloy lamang sa pag-iyak ang dalaga habang ang binata nama'y hinahaplos na ang buhok ng dalaga.

"Iiyak mo lang yan… nandito lang ako."