Chereads / Runaway With Me / Chapter 38 - Unity Locale 4

Chapter 38 - Unity Locale 4

~Hapon~

"Yvonne!"

Tawag ni Justin kay Yvonne habang tumatakbo na ito papalapit sa dalaga at may bitbit na pagkain at inumin. Hindi kumawala si Jervin at ang dalaga sakanilang yakap. Ipinagpatuloy lamang ng binata ang kaniyang paghaplos sa buhok ng dalaga habang patuloy pa rin itong umiiyak sakaniyang braso.

"Yvonne, kainin mo na 'to dali."

Sabi ni Justin kay Yvonne habang iniaabot na nito ang pagkaing binili niya mula sa ibaba ng talampas. Kumawala na si Jervin at ang dalaga sakaniyang yakap at saka kinuha ng binata ang pagkain mula sa dwende upang buksan ito at saka isubo sa dalaga. Kinain naman ng dalaga ang pagkaing binili ng dwende para sakaniya. Unti-unti nang bumabalik ang lakas ng dalaga nang malapit na niyang maubos ang pagkaing ipinapakain sakaniya ng binata. Nang maubos na nito ang pagkain ay inaabot naman ng dwende ang tubig sa binata upang buksan ito at ipainom sa dalaga.

"Ano na pakiramdam mo, Yvonne?"

Nag-aalalang tanong ni Justin kay Yvonne habang may hawak pa itong isang inumin na kulay lila. Nang makainom na ang dalaga ay tumingin na ito sa dwende na nakatayo sakaniyang harapan at saka nginitian ito at tumango.

"Salamat kuya Jah."

Pasasalamat ni Yvonne kay Justin habang nakangiti pa rin ito sa dwende. Nagpakawala ng malalim na hininga ang dwende at saka ngumiti, senyales na napawi na ang pag-aalala nito sa dalaga.

"Para saan yan kuya Justin?"

Tanong ni Jervin kay Justin habang nakatingin ito sa hawak-hawak na inumin ng dwende na kulay lila. Tinignan na rin ito ng dalaga kaya't iniabot na ng dwende ang inumin sa dalaga.

"Inumin mo pa yan, Yvonne. Para tuluyang bumalik ang lakas mo."

Sabi ni Justin kay Yvonne habang nakangiti pa rin ito sa dalaga. Agad namang kinuha ng dalaga ang inuming iniaabot sakaniya ng dwende at saka ininom ito.

"Ano na pakiramdam mo, Yvonne?"

Nag-aalalang tanong ni Jervin kay Yvonne habang tinitignan nito ng maigi ang dalaga. Biglang nagliwanag ang buong katawan ng dalaga at agad naman itong naglaho. Ang mga kayumangging mata ng dalaga'y napalitan na ng kulay lila at ang namumutlang mga labi naman nito kanina ay bumalik nang muli sa dati nitong kulay.

"A-ang mga m-mata mo…"

Nauutal na sabi ni Justin kay Yvonne habang tinititigan nito ang mga mata ng dalaga. Nanlaki ang mga mata ni Jervin nang makita rin na nagbago ang kulay ng mga mata ng dalaga.

"Ano meron sa mata ko?"

Takang tanong ni Yvonne kay Justin habang tinitignan nito pareho sina Jervin at ang dwende. Biglang nangiti ang binata mula sa kawalan at saka tinitigan ang dalaga.

"Maganda."

Sagot ni Jervin sa tanong ni Yvonne sakanilang dalawa ni Justin habang nakangiti ito sa dalaga. Napatitig na lamang ang dalaga sa binata dahil sa sinagot nito sakaniya.

"A-ano na pala pakiramdam mo, Yvonne?"

Tanong ni Justin kay Yvonne habang nakatingin pa rin ito sa dalaga. Biglang natauhan ang dalaga at saka tinignan na ang dwende sakaniyang harapan.

"Ayos na ayos! Ano ba ung pinainom mo sakin kuya Jah?"

Sagot at tanong ni Yvonne kay Justin habang tinitignan nito ng mabuti ang dwende sakaniyang harapan. Tinignan na rin ni Jervin ang dwende habang inaabangan ang sagot nito sa tanong ng dalaga.

"Naaalala mo pa ung naging kaklase mo dati sa school ng mga wizards at witches? Si ano… si Liyan? Liyan Jimenez?"

Tanong pabalik ni Justin kay Yvonne habang nakangiti ito at hinihimas ang kaniyang batok. Biglang nanlaki ang mga mata ng dalaga at saka nangiti sa dwende.

"Siya ba ung gumawa ng potion na ininom ko?"

Tuwang tanong ni Yvonne kay Justin habang nakangiti pa rin ito at nakatingin sa dwende. Tinignan ni Jervin ang dalaga at saka ibinalik muli ang kaniyang tingin sa dwende, hindi alam kung sino ang tinutukoy ng dwende.

"O-oo. Sabi niya sakin ano… ibabalik daw nung potion niya ung lakas mo pero may side effect."

Nag-dadalawang isip na sagot ni Justin kay Yvonne habang pabalik-balik ang tingin niya sa dalaga at sa lupa. Tinitigan lamang ng dalaga ang dwende gamit ang kaniyang nanlalaking kulay lilang mga mata at saka bahagyang tinagilid ang kaniyang ulo. Nanlaki naman ang balintataw ni Jervin nang makita ang ginawa ng dalaga.

"Nagbebenta ba siya dun sa baba?"

Tanong ni Yvonne kay Justin habang nakatingin pa rin sa dwende. Tumayo na ng tuwid ang dwende at saka nginitian ang dalaga.

"Oo."

Nakangiting sagot ni Justin kay Yvonne. Inilapat ng dalaga ang kaniyang kamay upang maupo roon ang dwende.

"Saan nakapuwesto ung stall niya?"

Nasasabik na tanong ni Yvonne kay Justin sabay tayo ng mabilis. Napatayo na rin si Jervin at saka tinignan ang dwende na nasa kamay ng dalaga.

"Sa pinaka kanang bahagi sa may gitna."

Sagot ni Justin sa tanong ni Yvonne sakaniya habang nakaharap ito sa dalaga. Biglang tinitigan ng dalaga ang dwende habang hindi maipinta ang pagmumukha nito.

"Anong mukha yan?"

Inosenteng tanong ni Justin kay Yvonne habang tinititigan nito ang mukha ng dalaga na hindi maipinta.

"Hindi ko gets."

Simpleng sagot ni Yvonne sa tanong ni Justin sakaniya habang tinititigan pa rin nito ang dwende na nakaupo sakaniyang mga palad. Natawa ng bahagya si Jervin ngunit sinikap niyang pigilan ang kaniyang tawa. Biglang nanlupaypay ang dwende at saka kumunot ang noo nito habang patuloy pa rin niyang tinitignan ang dalaga.

"Ituro mo na lang samin ung daan, kuya Justin."

Mungkahi ni Jervin kay Justin habang nakatingin ito sa dwende at saka nakangiti. Tinignan ni Yvonne at ng dwende ang binata at saka tumango pareho bilang sagot rito. Nangiti lamang ang binata, kinuha ang kaniyang bag at saka nagsimula nang maglakad pababa ng talampas.

"Tara na."

Masiglang sabi ni Jervin kila Yvonne at Justin habang patuloy pa rin ito sa paglalakad pababa ng talampas. Mabilis na tumalon ang dwende papasok sa bulsa ng blouse ng dalaga, at ang dalaga nama'y kinuha ang kaniyang bag at mabilis na sinundan ang binata.

"Sa tingin mo ba kuya Jah, naaalala pa ako ni Liyan?"

Tanong ni Yvonne kay Justin habang tuloy-tuloy pa rin sa paglalakad sina Jervin at ang dalaga patungo sa mga pamilihan na nasa ibaba ng talampas.

"Nung sinabi ko nga lang pangalan mo kilala ka na, e."