Chapter 26 - Santi

Ayradel's Side

Nanlalaki ang matang inalala ko ang pamumula ng mukha ni Lee-ntik.

"Shoooocks!" I said to myself infront of the mirror. Napa-facepalm ako sa sobrang kahihiyan. Juskoooooo! Nakakahiya! All this time, bakat pala yung bra ko? Kaya pala gan'on yung reaksyon niya?

AAAAAAAAHHHHH!

Hindi ko na alam kung ano pang mukha ang maihaharap ko! Ilang minuto ang nakalipas, matapos kong magpalit ay lumabas na rin ako. Naramdaman ko na naman ang init ng paligid nang pasadahan ako ng tingin ni Richard mula ulo hanggang paa. Nagpalit na rin siya ng damit niya at wala na rin sina Kuya Maximo at ang ilang mga Men In Black.

Napalunok ako, at pinilit na umakto ng natural. Kalma lang, Ayra. Kunwari wala kang alam.

"B-bakit?" tanong ko nang magtagal ang mata niya sa mukha ko.

Good." sabi niya lang at binuksan ang itim na payong na hawak niya, pagkatapos ay pumunta na sa ulanan. "Tara na."

Akmang susukob pa lang ako sa payong niya nang taasan niya ako ng kilay.

"Oh- oh! Ano ka sinuswerte?" aniya.

"Ha?"

"Ikaw maghawak niyan!" binigay niya sa akin yung handle ng payong.

"Ang gwapo ko tapos paghahawakin mo lang ako ng payong, tss."

Di makapaniwalang nalaglag ang panga ko at napairap na lang talaga. Wala talagang pagka-gentleman sa katawan ang isang ito.

"Okay. 'Yan gusto mo e." bulong ko.

Mas nauna akong naglakad at dahil nga nasa akin ang payong ay nababasa na siya ngayon ng ulan.

"Ya! Ya! Yaaa! Baichiiii!" he warned.

I bit my lower lip habang tumatakbo na. 'Di nagtagal 'di ko na kinayang pigilin ang tawa ko. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo. "Mabuti nga sa 'yo! Hahahaha!"

"Baichi! Mababasa ulit ako- Aish! Baichi!"

Lilingunin ko sana siya pero halos mapatili ako sa gulat nang hablutin niya ang bewang ko at: "Gotcha," aniya bago inagaw sa akin yung payong. Siya naman yung tumakbo palayo ngayon, kaya ako naman ngayon yung nababasa.

"Yaaa! Richaaaaaard!"

Nakarating kami ng gate, at ng kotse niya ng medyo basa dahil sa pag-aagawan namin ng payong. At talagang sa huli, ako pa ang nagbukas ng pinto ng sasakyan para sa kanya!

"Thanks!" sabi niya nang pagbuksan ko siya.

Napaka gentleman talaga ng nilalang na 'to! GRRRRRR.

"Saan po tayo young master?" sabi ni Kuya Maximo habang tinitignan kami sa rear view mirror. Pareho kaming may mga towel na pinampupunas sa mga buhok naming nabasa na naman.

"Sa bahay ng isang Baichi." sagot niya habang straight ang mukha.

Nag-make face lang ako habang sa daan nakatingin. Ilang minuto ang nakalipas at...

"Achoo!" napatingin ako sa katabi kong namumula na ang ilong.

Bahagya akong lumayo sa kanya habang tumatawa. "Anong nakakatawa- Achoo! Heol! Baichi!"

"A-ano? Wag mo nga akong hawaan. Mahirap mag-memorize kapag may sipon." sabi ko kaya mula sa pag-achoo ay nilingon niya ako.

"Anong wag?" sabi niya at dinuro-duro ako. Mas lalo naman akong napapaatras. "E, ikaw may kasalanan nito!"

"Anong ako? Ikaw kaya kasi- huy a-anong gagawin mo-"

Namutla ako nang bigla niya ba namang sapuhin ng dalawa niyang kamay ang mukha ko. Ilang segundo niya akong tinitigan.. Ang lapit ng mukha namin... sobrang lapit... hanggang sa...

"Achoo!"

Literal na nanlaki ang mga mata ko.

"YUCK!!!!!! Eeeeew-" hinampas hampas ko ang balikat niya habang humahagalpak siya ng tawa. "Bakit mo ako inachingan?! Bastos kaaaa!"

"Huh? Ang bastos, bakahubad-"

"YAH!"

"A-aray! Ang sakit ah! Ginagaya mo ba ako? Bakit ka nagya-yah?!"

"Ewan sa'yo!" humalukipkip ako at hinarap ang daan, samantalang pinagpatuloy niya lang ang pagtawa.

Hindi naman ako ganitong klaseng tao na nanghahampas pero hindi ko alam kung bakit ang sarap hampasin ni Lee-ntik. Aish!

"Ang swerte mo nga e, nasa 'yo na ngayon ang mga virus na kasing gwapo ko! Hahahahaha!"

"Napaka talaga~" bulong ko habang parang nandidiring pinupunasan pa rin ang mukha ko.

"Hahahahahaha!" buong byahe tumatawa lang po siya.

Asar! Pati si kuya Maximo nakikitawa rin?!

Lumipas ang ilang minuto at nakarating na rin kami sa harapan ng apartment na tinutuluyan namin. Lumakas ang tibok ng dibdib ko, lalo na noong may maaninag akong babae na nakatayo sa harapan ng gate namin.

"Baichi-"

"S-shocks!" nanlalaki ang mata kong napatingin sa orasan sa cellphone ko. "Shocks! 7PM na?! Shocks!"

Mabilis pa sa alas-kwatrong bumaba ako ng sasakyan ni Lee-ntik. Automatic na nagcross-arms si Mama nang matanaw na niya ako.

"M-ma..."

"Sabihin mo, Ayra, uwi ba ng matinong babae 'to?!" napaatras at napayuko ako sa sigaw ni mama. "Diba 3:00 ang uwian nyo? Saan ka nanggaling? Sinong kasama mo? Bakit sakay ka ng kotse na 'yon?!"

"M-ma... kasi..." napakagat ako sa labi.

"Sorry, tita." I froze, nang marinig ko ang pagsabat ni Richard.

Naramdaman ko ang presensya niya sa tabi ko, kaya mas lalo akong kinabahan, dahil alam kong baka mas magalit si mama ngayong alam na niyang lalaki pa ang kasama ko.

"I did a violation at the Library. Siya kasi ang inassign na magbantay sa akin sa school nila, kaya nadamay siya sa parusang magwalis ng Science Garden. Umulan pa kaya medyo nagpatila pa kami."

Umangat ako ng tingin kay mama dahil sandali siyang tumahimik. Hindi siya nagsalita, at nanatili lang siyang nakatitig kay Richard.

"S-sino ka?" tanong niya dito. Kumunot naman ang noo ko sa klase ng tingin ni mama kay Lee-ntik.

"Richard Lee."

"Sabihin mo," sabi ni mama habang hindi pa rin naaalis ang pagkakatitig kay Richard. "Sinong mga magulang mo? Kasi m-may kamukhang-kamukha kang kakilala ko..."

Napatingin ako kay Richard at gan'on din siya sa akin. Sa ekspresyon niya, hindi ko alam kung naguguluhan ba siya o may iba pang tumatakbo sa isip niya.

"Si Alfred Lee, at si..." kumamot siya saglit sa kanyang ulo. "..hindi ko kilala ang mama ko."

Kumunot ang noo ko sa sinagot niya. Hindi niya kilala ang mama niya? Pero narinig ko isang beses na kausap niya ang mama niya sa cellphone? Paanong hindi niya kilala?

"Sige po, kailangan ko nang umalis." yumuko siya kay mama at saglit na ngumiti. "Sorry po ulit, dahil late na siyang umuwi."

Tumango lang si mama habang hindi pa rin nito inaalis ang titig kay Richard na para bang sinusuri ang bawat parte ng mukha nito. Nahalata ko na rin ang pagkailang ni Richard kaya naman bahagya ko na siyang itinulak paalis, at sumabay na ako sa paglakad niya patungong sasakyan niya.

"Pasensya na." sambit ko, at napakamot rin ako sa batok. "Saka Saranghae. Haha." dugtong ko pa at di ko alam kung bakit lumaki ang mata niya.

"HA?!" lumakas pa ang boses niya.

"Saranghae. Thank you! Sa paghatid?" Nag-aalangang sagot ko. Dahan-dahan siyang nakabawi mula sa pagkakanganga at tumango-tango.

"Ahh, oo nga pala! Hahaha!" bigla naman siyang tumawa. Baliw na yata 'to.

"Baichi, may sasabihin ako..." aniya na mula sa pagtawa ay biglang nagseryoso.

Matagal niya muna akong tinignan kaya naman napalunok ako.

"A-ano?"

"Ano kasi e..."

"A-ano?"

"Crush ba ako ng mama mo?"

Nalaglag ang panga ko at di makapaniwalang hinampas siya.

"Aw!"

"Siraulo mo kasi! Sige na! Umalis ka na!" sabi ko kasabay ng pagsara ng pinto ng sasakyan niya. Akala ko aandar na ito, pero unti-unti pang bumaba yung windshield at nadisplay nanaman ang peymus niyang ngisi.

"Ayradel," Ayan na naman ang pagtalbog ng dibdib ko tuwing sinasabi niya yung pangalan ko. Tsk. "Bukas ulit." Nakangiting sabi niya bago tuluyang umandar ang sasakyan niya palayo. Hindi ko alam kung bakit rin ako napangiti.

Hindi na nagsalita pang muli si mama matapos umalis ni Richard. Pinapasok niya lang ako ng bahay at mukhang kalmado na siya, pero parang nasa malalim pa ring pag-iisip. Hindi ko alam kung bakit, o kung ano ang iniisip niya, pero tingin ko ay tungkol kay Lee-ntik.

"Oh, Ate!" bungad ni papa pagkapasok ko ng bahay.

Sinulyapan ko muna si mama na tuloy tuloy lang ang lakad patungong kusina, bago bumalik ang tingin ko kay papa- na mukhang napansin din ang pagkatulala ni mama. Humalik ako sa pisngi niya.

"Saan ka nanggaling? Anong nangyari sa mama mo?"

I shrugged, "Nameet niya kasi kanina yung classmate kong anak ng DepEd Secretary."

"Anak ng!!!" napatingin ako kay papa na nanlalaki ang mata. "Anak ng DepEd? May kaklase kayong ganoon? Ibig sabihin sikat 'yon?!"

Tumawa ako. "Oo nga pala, Pa, hindi ko nakwento." sabi ko at inilapag na yung bag ko sa sofa. "Opo may kaklase akong ganon, pero this grading lang siya magi-stay. At saka observer lang talaga siya sa Tirona, Pa. Hindi regular student."

Tumango-tango lang si Papa, "Minsan nga dadalaw ako sa school niyo para magpapicture!"

"Sus naman Pa!" Tumawa ako at minabuting dumeretso sa kusina.

Sumunod naman sa likuran ko si Papa tapos naabutan naming umiinom ng tubig si mama na mula sa ref.

"Ma." sabi ko. "Sorry po ulit ah, kasi ngayon lang ako nakauwi."

Ngumiti lang ng tipid si mama.

"Magtetext ka kapag gan'on."

Tumango-tango naman ako. Nagbuka sara ang bibig ni mama, na parang may gusto siyang sabihin. "Ah, yung kaklase mo pala na 'yon...?"

"Si... Richard Lee po?" sabi ko.

"Oo?"

"Bakit po? Anong problema sa kanya?"

"Wala!" sagot agad ni mama na bahagyang ikinakunot ng noo ko. "W-wala. Haha. A-ang gwapo kasi eh, artistahin, hawig ng papa mo."

Tumawa ng tipid si mama at napahalakhak naman sa gilid namin si papa.

"Dapat na yata akong magpapicture sa kanya!" tumatawang saad ni papa, na sinabayan ko rin ng halakhak.

"Papuntahin mo siya minsan dito ah?"

Nalilito man ay tumango-tango na lang ako kay mama.

Paggising ko kinabukasan ay ang bigat ng pakiramdam ko tapos barado pa ang ilong ko.

"Aish 'yung Lee-ntik na 'yon- Achooooo!" bumangon na ako at napakamot sa ilong kong sobrang kati.

Pakiramdam ko sobrang lamig at tinatamad akong maligo, kaya humiga na lang ulit ako para matulog.

Maya-maya pa ay may narinig akong yabag ng paa papasok ng kwarto ko.

"Oh ay- Bakit nakahiga ka pa?" boses ni mama. "Wala ka bang pasok?"

"M-meron po. Feeling ko ma masama ang pakiramdam ko."

Lumapit si mama para hipuin ako. "Sus, wala naman. Hala sige, maligo ka na at baka ma-late ka pa. Malaking minus 'yon sa grade. Sige na, kilos na."

Tinatamad man ay sinunod ko na lang ang gusto ni mama. Kinalaunan ay humalik na ako sa pisngi nila ni papa para pumasok na. Nakakailang lakad pa lamang ako palayo ng bahay namin ay biglang may nangharang sa akin na isang babae. Naka-cap siya at may I.D, at

...mic?

"Miss Bicol," aniya kaya biglang nagising ang diwa ko. Tagalog ang salita niya pero slang. "Saglit lang ito pero pwede po ba kitang interviewhin?"

"P-po?"

"Tungkol ito kay Richard Lee. Nababalita kasi na girlfriend ka daw po niya. Totoo ba na-"

"Jane!"

Napalingon ako sa likuran kung saan natanaw ko ang sampung mga babaeng parang galit na galit na papunta sa direksyon namin. Biglang kumabog ang dibdib ko. Teka... ano 'to? Bakit...?Mga babae ba sila ni Lee-ntik? Gulo na naman ba 'to?

"Hawakan mo na, Jane!"

whut da?!??

"Oo siya nga yon!"

"Waaaaa! Lagot ka sa amin ngayon!"

Napaatras ako at akmang tatakbo sana nang hawakan nung Jane ang braso ko.

"Oh, oh, where do you think you are going?"

Sinipa ko ang binti niya at iyon ang pagkakataon ko para hilahin ang braso ko at tumakbo palayo. "Hoy! Bicol- bumalik ka dito-"

"What the hell Jane bakit mo pinatakas?!"

AAAAAAAAAAAAHHHH!

"DALIAN NIYO GIRLS! PARA SA PUBLICATION 'TO!!!!"

Narinig ko pang sigaw ng isa.

O shiz anong publication? Ng Lee University?! Fudge?!

Kahit hilong-hilo ako ay pinagpatuloy ko ang pagtakbo, ganon din ang panghahabol nila. Pusanggalang mga babae 'yon, wrong timing kung manghabol. And you know I hate running. Kaonti na lang talaga maaabutan na nila ako!

"Omaygad!" mariin kong naipikit ang mata ko at nanigas sa kinatatayuan ko nang muntik na akong mabangga ng isang sasakyan. Napadilat ako nang mapansing wala akong naramdamang bagay na tumama sa akin. Doon, tumambad ang isang pulang sasakyan na walang bubong.

"Hop in." napalingon ako sa driver nitong lalaki na may buhok na umaabot hanggang balikat at naka-shades.

"Ha?" umawang ang bibig ko sa sinabi niya.

Doon ko na rin nahalatang parang pamilyar ang mukha niya.

"Hop in or you wanna lose your hair?"

Napatingin ako sa mga babaeng malapit na sa amin, kaya naman agad kong tinalon ang kotseng walang bubong para makaupo sa passenger seat nito. Kasabay n'on ang pagharurot ng lalaki sa sasakyan.

"HEEEEEEEEY!"

"TIGIIIIIIIIL!"

"UGHHHH! MAY ARAW KA RIN!"

Nilingon ko 'yong mga babaeng ngayon ay frustrated nang sumisigaw at pinatitigil kami.

"Hoo!" I heaved a sigh at napahawak sa aking dibdib. "Grabe- malapit na yon ah?"

Narinig ko ang nakakakilabot na ngisi ng lalaking nagdadrive sa tabi ko, at doon lamang nagsink in sa akin ang lahat.

"S-sino ka nga pala?" napalunok ako sa sarili kong tanong.

"Tama nga sabi niya. You're gullible." sagot niya na nananatili ang plain niyang tono.

"Ano?! Anong uto-uto? Sinong siya?"

"Sumama ka sa akin kahit hindi mo ako kilala?" aniya, habang sa daan pa rin nakatingin "Alam mo ba kung anong gagawin ko sa 'yo ngayon?"

"H-huh?" muli, ay napalunok ako. "S-sino ka ba? Anong gagawin mo?"

Hindi siya sumagot bagkus ay ngumisi lang nang nakakakilabot, gayunpaman ay ramdam ko pa rin ang kalamigan ng boses niya. Tinignan ko ang gilid ko at tinantsa kung kakayanin ko bang tumalon sa kalsada, since kaya ko namang talunin ito dahil walang bubong 'tong kotse. Mabagal din naman ang pagpapatakbo niya. Akmang tatayo na sana ako para simulan ang plano ko nang bigla niyang binilisan ang pagpapatakbo.

"Waaaah!" agad akong napaupo at napahawak sa dibdib dahil sa kaba.

"'Wag mo nang subukang tumalon. Hindi ako masamang tao." sabi niya kaya napalingon ako na takang taka. Hinubad niya yung shades niya kaya naman nadisplay yung medyo singkit at malamig niyang mata. "Can't remember me?" Saglit siyang lumingon.

Kunot na kunot pa rin ang noo ko habang pinapasadahan siya ng tingin. "I-Ikaw yung...?"

"Mall. Arcade. Coffee. Jacket..."

Unti-unting lumalaki ang mata ko habang may inaalala.

"Take it, Miss. Sorry for my ungentleness earlier. You might catch a cold. Naka-sleeveless ka lang at inaamin ko nang ako ang may kasalanan kung bakit nadumihan 'yang jacket mo kanina. And I should be the one saying sorry. Ako ang hindi nakapansin sa'yo."

"I-ikaw--" napatakip ako ng bibig habang nanunumbalik sa akin ang lahat.

"Yep. I'm Santi."

"Nandito ka ba--- I mean, hinanap mo ba ako para bawiin ulit yung Jacket mo? Importante ba ang jacket na 'yon sa 'yo?"

Ngumisi siya.

"Kahit pilitin kita alam ko namang wala na 'yon sa'yo ngayon."

"O-oo nga eh..." bumagsak ang balikat ko sa sobrang kahihiyan. "T-teka, paano mo nalaman na wala na sa akin 'yong jacket mo?"

Sinuot muli 'yong shades. "I know your friend, Louella."

Mas lalong nanlaki ang mata ko. "P-paano mo--?!"

"Baba na." Walang ganang sambit niya habang sa harap na nakatingin.

"H-ha?"

"Nandito ka na sa school niyo." aniya. "Baba na."

Napatingin ako sa paligid at nasa tapat na nga ako ng Tirona High. Woah, ang bilis ah?

"Ah..."

"Hey," gumalaw na ako pababa at isasara na sana ang pinto ng kanyang sasakyan, pero napalingon ulit ako sa kanya. "I'm not here for the jacket. I'm here to obviously drive you to school."

Nanatiling nakaawang lamang ang aking bibig.

"Those crazy girls, 'yong humabol sa 'yo, they are my schoolmates from Lee University. And I heard about you..." dugtong pa niya. "And Richard Lee."

"T-taga Lee University ka rin?"

"Hindi ba obvious?" sagot niya. Sinamaan ko siya ng tingin. Kaya pala kilala niya si Ella. Gosh.

He sighed.

"At simula ngayon kailangan mo nang mag-ingat. Baka abangan ka pa kung saan ng mga 'yon. Don't worry, Richard Lee will handle them, hindi ka nila magugulo, pero mag-ingat ka pa rin."

"Magkakilala kayo ni Richard Lee?"

"Anyway. Atras." he said instead of answering my question again. Bakit ba hindi marunong sumagot ng ayos 'to?

"Ha?"

Pumikit siya na para bang nawawalan na siya ng pasensya dahil lang nagsalita siya. Parang tamad na tamad siyang magsalita.

"Atras, o gusto mong masagasaan?"

Agad ko namang isinara ng tuluyan ang pinto ng kanyang sasakyan at umatras mula sa kinatatayuan ko, saka napansin ang pag-irap niya habang nagu-U turn.

"Salamat ulit!" sabi ko, bago na siya tuluyang umandar paalis. Tinignan ko pa ang papalayong pigura nito.

Nagkibit balikat na lang ako sa kabila ng mga sinabi niya. Ang weird naman n'on. Pero biruin mo, magkikita pala ulit kami? Naalala ko tuloy yung panahon na tinapunan niya ako ng kape. Pati yung panahon na pinahiram niya sa akin yung jacket niya- yung jacket niyang binigay ko kay Ella.

Louella Cayabyab... lagot kang bata ka. Sorry talaga!

"Achoo!" napahawak ako sa ilong, pagkatapos sa ulo kong biglang sumakit.

Nakakainis talaga, kasalanan 'to ng isang Lee-ntik na inachingan ako kagabi at ginawang panyo! Sama tuloy ng pakiramdam ko, hay.