Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 28 - Married

Chapter 28 - Married

Ayradel's Side

Sumapit ang Lunes at ang hinihintay ng mga estudyante na Foundation Day ng Tirona High. Umaga pa lang, ang dami nang tao. Pwede kasi ang outsider ngayon.

Dahil wala rin namang klase ay dumeretso ako sa field kung saan nakapwesto ang mga booth.

Sa Dedication Booth ako nakaassign, tapos si Besty at Jayvee sa Marriage booth. Si Lee-ntik? Hindi ko alam kung saan siya nakaassign at- err, why would I have to know?

Siguro dahil na-guilty ako. Nasungitan ko siya kahapon, yon pala ay siya ang maghahatid sa akin pauwi.

Dumeretso ako sa Dedication Booth at mabuti naman hindi na ako pinansin ng Julhiencel Trios na nadaanan ko sa Karaoke Booth, na mukhang mang-aaway na naman sa tingin pa lang. Umupo ako sa bermuda grass at nagsimulang tumulong sa pagseset-up.

Sumapit ang ilang oras nang hindi ko namamalayan. Hindi ko rin nakita si besty, si Jayvee, kahit na nanggaling na ako sa Marriage Booth kanina. At si... Lee-ntik.

Bakit ko ba naiisip ang isang 'yon? Aish.

Ipinilig ko ang ulo ko at babalik na sana sa pag-aayos ng mga sound systems nang may mapansin ako sa daliri ko. Agad na kumunot ang noo ko at inikot-ikot ko ng tingin yung kanang kamay ko.

"Patay." sambit ko bago napakagat sa labi.

Tumingin agad ako sa lupa para tignan baka dun-dun lang din nalaglag. Sinilip ko rin pati ilalim ng table at speakers, to the point na napansin na ako ng mga kasama ko.

"Anong hinahanap mo, Ayra?"

Tumingala ako sa kanila mula sa paghahanap sa ilalim ng mga lamesa.

"Ahm, singsing ko, yung may heart sa gitna?" sagot ko. Tumayo ako para huminga ng malalim. "Bigay pa naman yun sa 'kin ni papa." bumagsak ang balikat ko habang binubulong 'yon.

"Saan ka bang mga lugar nagpunta? Balikan mo, baka doon nalaglag?"

Napaisip ako sa sinabi ni Jo. Saan ba ako galing kanina bago ako pumunta dito?

"Sige ah? Kayo muna dito." sabi ko sa mga kaklase ko bago ako dumiretsong Marriage Booth. D'on ako galing bago ako pumunta ulit sa dedication booth.

Palapit pa lang ako sa Marriage booth n'on, nang may narininig agad ako na ingay.

"A-ahh!" boses ng babae. Parang nahihirapan, na...? Hindi ko maexplain 'yung tono ng boses niya. "Dahan-dahan lang! Masakit! First time ko 'to no! T-tekaaaa!"

"Oo na honey, ito na nga oh!"

Teka...

Kumunot ang noo ko dahil sigurado ako kung sino ang nagmamay-ari ng mga boses na yon. Ano namang ginagawa ng mga yon?! Oh my gosh! Agad akong napatakip ng bibig.

"Sige mais, hard-an mo pa- ugh! Ano ba?!"

"S-sorry naaaa! Hahalikan na lang kita para di mo maramdaman yung sakit-"

Hinawi ko yung puting kurtina.

"ANONG GINAGAWA NYONG DALA--" nag-hang sa pagiging half open ang bibig ko pagkakita ko sa kanila. Nanlalaki din ang mga mata nila habang nakatingin sakin. Na parang ang weird ko. "-wa... Hehe."

I gulped, habang tumatawa ng awkward.

"Problema mo, besty?" kunot-noong tanong ni besty, at napangiwing binalingan si Suho. Pinalo niya yung kamay nito. "Aray! Hard-an mo pa talaga ang pagdiin- nangaasar ka ba ha?!"

"S-sorry, akala ko kasi kung anong ginagawa niyo eh." sabi ko nang tumatawa. "Ano bang nangyari dyan sa tuhod mo? Bakit may sugat?"

"Eh pano 'tong mais na 'to eh!"

"Sorry na nga honey eh." I chuckled nung nagpout si Suho. Nagmake-face lang si besty bago ako balingan ulit.

"Tinatawag ko siya kasi wala akong kasama dito, kasi yung iba nagsipuntahan sa canteen, pagkatapos ang bingi niya. E, tumayo ako, tapos may bakal palang nakausli, natalisod ako sa may bato!" pagkukwento niya.

"O ano namang kasalanan ni Suho dun?"

"Wala!" she pouted, natahimik saglit. "Ang bingi eh. Ahh-- Ako na nga maglilinis niyan!" ngumiwi ulit siya dahil sa sugat.

"Nako Suho, wag kang matakot dyan sa bruha na yan. May dalaw lang yan." sabi ko. "Mas maganda kung pumunta kayong clinic. Mas malilinis yang sugat mo."

At mahahanap ko ng mas maayos yung sing-sing ko. Ang gulo kasi kapag nandito yang dalawang yan eh, puro away.

"Anong clinic? No way!"

"Honey dali na kasi. Dadalhin na kitang cliniiiic!" Naka-pout si Suho habang naka-cling sa braso ni besty.

"Hoy Mais, ang OA mo ha." Umirap si besty at nagcross arms.

"Buhatin mo na kasi Suho." Suggestion ko kasi ang tagal nilang mag-away, hahanapin ko pa yung singsing.

Tumawa lang si besty, "Ako? Mabubuhat ni Mais? E, lampa nga yata 'yan eh parang mas malakas pa ako diyan- AHHHHCK!"

Ayaw pa ni besty sumama pero kinarga siya ni Suho ng sapilitan at pa-bridal style. Nagpapapadyak siya nung una, pero dahil siguro sumasakit yung sugat, tumigil din siya.

"Bestyyyy!" she shouted at me.

"Ano? Hindi ka pala kaya ha?"

"Suho ibaba mo ako!"

Tumawa lang ako bago paasar na kumaway habang pinapanood ko silang naglalakad palayo.

Anywaaays...

Ngayong ako na lang mag-isa dito sa marriage booth, sinimulan ko na ang masusing paghahanap. Mahirap pa namang makita yung sing-sing na maliit lalo na madamo yung ground! Tapos nakalagay na yung red carpet sa gitna! Baka mamaya nasa ilalim pala nun yung singsing ko diba?

"Sing-siiiingggg~" bulong ko habang sinisilip ang ilalim ng table. "Wer na u? Yuhooo~"

"Ayra."

"AY SING-SING KA!" napahawak ako sa dibdib ko at sa table sa sobrang gulat sa bigla-biglang tumawag sakin.

"Sorry, hahaha! " he scratches his nape, habang naglalakad palapit sakin.

"U-uy! Haha!"

Tumayo ako ng tuwid at inayos ang sarili ko. Tumatawa ako pero di ko mapagilang mapa-gulp. Aish. Calm down, Ayra. You have to act natural, pigilan mo muna yang pagdudugdug ng heart mo please lang huhuhu.

Bakit bigla yatang uminit?!

"So, ahm..." I started. "Anong ginagawa mo dito?"

"Anong ginagawa mo dito?" sabi niya rin.

SHEMAY SABAY PA KAMING NAGSALITA!

Tumawa kaming pareho at ang gusto ko na lang talaga ngayon ay magpalamon sa lupa kaysa naman makita nya kung gano na kapula ang pisngi ko ngayon!

Spell awkward?

"Hinahanap ko kasi yung singsing ko dito, baka dito kasi nalaglag eh." Ako na yung unang sumagot sa tanong naming dalawa.

"Ako kasi, ditong booth ako naka-assign. And... ahm..." Kumunot ng husto ang noo ko nang lumapit siya at kinuha yung kanang kamay ko. Lumakas ang tibok ng puso ko nang titigan niya ako sa mata. "...habang nag-aayos kami dito, nakita ko 'to."

Nakita kong sinuot niya sa daliri ko yung sing-sing na kanina ko pa hinahanap. Ilang segundo bago ako mag-react sa ginawa niya. Napangiti ako.

"Paano mong nalaman na akin 'to?" I looked at him with puzzled face. Ngumiti lang siya na lalong ikinawala ng puso ko.

"Hindi ito ang unang beses na hinawakan ko ang kamay mo."

Ngumiti siya habang nagwawala na ang puso ko sa saya.

"Ha-hahaha! S-salamat-"

"Walastik ah!" Nabaling ang paningin naming dalawa ni Jayvee nang biglang may sumigaw. Mga kaklase naming galing canteen, na dito din naka-assign.

"Ang pagkakaalam namin 3pm pa ang start ng Foundation Day, bakit may kinakasal agad dito sa marriage booth?!"

Kumunot ang noo ko bago ako tumingin sa buong paligid. Saka ko lang narealize na nasa harap pala kami ng pinaka-altar ng marriage booth. Hinila ko ang kamay ko mula kay Jayvee dahil sa pag-init ang pisngi ko, bago ako tumingin sa ibang direksyon.

"AYIIIEEE!!!" at nagkanya-kanya na nga silang kantsawan.

I cleared my throat para alisin ang awkward atmosphere sa aming dalawa.

"Sige, Jayvs. Salamat ulit ah? Balik na akong dedication booth." ngumiti ako kay Jayvee at sa mga kaklase namin saglit, bago ako tumalikod, at akmang aalis na sana nang hawakan niya ulit yung wrist ko.

Tinignan ko lang siya ng nagtatanong.

"Mamayang 5pm, magpeperform ako." binitawan niya ako. Ngumiti siya. "Please be in the crowd." saka niya tinap yung ulo ko, bago siya naunang maglakad palayo.

At bago ako tuluyang matunaw sa kinatatayuan ko.