Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 30 - The Girlfriend

Chapter 30 - The Girlfriend

Ayradel's Side

Kahit anong pagkakaila ko, talagang pati ako naloko. Magkahawig talaga sina Jayvee at Richard Lee. Dati ko pa napapansin pero ayoko lang pansinin dahil nga mainit ang dugo ko kay Richard.

Pero magkahawig na magkahawig sila sa unang tingin, pero kapag tinitigan mo ay magkaiba sila ng awra.

"Woah!"

"Akala ko ba, si Ayra ang kemerut ni Richard?"

"Ba't hinalikan ni Richard yung babae?"

"Baka sina Jully at Richard talaga?"

Napasinghap ako, maging ang mga tao, nang makumpirma kong si Richard— at hindi pala si Jayvee ang humalik kay Jully.

Medyo nagtagal din yung eksenang magkadampi lang ang mga labi nila, hanggang sa si Richard na rin mismo yung kusang bumitaw sa halik na yon. Nakita ko pa kung paano nagflash sa labi niya pagkatalikod kay Jully, ang isang smirk — na parang sinasabing laro lang ang lahat para sa kanya.

Na laro LANG para sa isang Richard Jaydee Lee ang lahat.

Samantalang hanggang ngayon, nanlalaki pa rin yung mata ni Jully dahil sa gulat, to the point na nabitawan niya pa talaga yung basong may lamang juice na hawak niya kanina.

"Baichi, tumayo ka diyan."

Laglag ang pangang napaangat lang ako ng tingin sa kanya, kasi pinoprocess pa ng utak ko lahat. Hanggang sa maramdaman ko yung kamay niya na nakahawak sa braso ko. Nagsink in lang siguro lahat sa 'kin noong hinatak niya na lang ako bigla patayo.

Napasinghap ako sa sobrang gulat lalo na noong hinila niya ako palabas ng canteen na parang armchair lang yung hawak nya. Tumigil lang siya sa paglakad nang medyo nakalayo-layo na kami sa canteen at humarap sakin na blanko ang mukha. Hindi ko mabasa ang iniisip niya, at... ang awkward.

Lalo na noong tinignan niya ako.

"Ayradel." napaangat ako ng tingin.

Agad rin naman akong kinabahan nang hawakan niya na naman ako sa magkabilang balikat.

Hindi muna ako nagsalita at gan'on din siya... Pagkatapos ay nagpakawala siya ng buntong hininga.

"Nevermind." dugtong niya.

"S-salamat..." tanging nasabi ko.

"Wala 'yun ah?" napaangat ako ng tingin sa kanya. Tumalbog ang dibdib ko.

"Ha?"

"Yung kanina wala 'yon."

"Y-yung... ano?" kunwari ay hindi ko alam pero sa totoo lang ay sasabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Hays! Kailangan ko pa ba talagang sabihin Baichi? Hindi mo ba maintindihan?!"

Napatungo ako kasi namumula na ng husto ang pisngi ko.

"Tss! Bakit ko pa nga ba kailangang sabihin sayo yun." aniya na nagiwas ng tingin. "Saan ka na pupunta?"

"S-sa... sa ano... Dedication Booth." napakagat ako sa ibabang labi sa hiya.

Nagpa-flash pa rin sa utak ko ang image niya habang nakadampi ang labi sa labi ni Jully.

"Baichi, look." tumitig siya sa mata ko. Hindi ko alam kung tititig rin ba ako pabalik, o iiwas dahil parang hindi ko kaya. "Don't look at me the way you look at me now. Look at me the other way."

Umawa lang ang bibig ko.

"Pumunta ka nang booth niyo. Sasamahan na kita."

At naglakad nga kami papuntang field nang walang umiimik. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Nauuna akong maglakad, at nasa likod ko siya, pero ni isa sa amin ay walang nagsalita. Kahit ang daming estudyante sa paligid eh pakiramdam ko sobrang tahimik.

...

Buong gabi kong pinagaralan ang sinabi niya,

"Don't look at me the way you look at me now. Look at me the other way."

Lahat ng sinasabi niya parang isang palaisipan. Huwag ko siyang tignan sa kung ano mang tingin ko sa kanya ngayon?

Ano ba ang tingin ko sa kaniya?

Rich kid, playboy, mayabang.

Huwag ko siyang tignan ng gan'on?

Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ko ang tibok nito.

Haaaaaaays! Wala lang 'to!

Nakatulugan ko na lang ang gan'ong mga isipin.

Kinabukasan, ganun pa rin ang set up. Pumasok ako sa entrance ng school na maraming nakatingin sa 'kin at halatang-halata pang ako ang pinag-uusapan. Mabuti na lang talaga at wala pa ring alam sina mama at papa ngayon tungkol sa gulong napasok ko.

May ilan sa mga ka-school-mates ko ang kilala na ako at nginingitian, hindi ko alam kung bakit pero nalaman ko nang may nagapproach sa aking lower year.

"Hello ate Ayra! Ang galing mo po n'ong kausap mo si Jully!"

"Oo nga ate Ayra! Ganda ng lines mo d'on!"

"Kapal din ni Jully e no, siya na nga lang nambubully e!"

At kung anu-ano pa.

"Ah hehehe. S-salamat! S-sige pasok na ako..."

Nakahinga ako nang hinayaan na nila akong dumaan ng malaya.

Kumalat na rin kagabi sa Tria Tironian Sites ang sari-saring picture nina Richard at Jully at ang balita na sila na raw talaga. Officially.

Sa dami ng balita hindi ko na alam ang papaniwalaan.

"Talagaaaa Jully?" pagkapasok ko pa lang ng room ay narinig ko na ang usapan ng mga kaklase ko. "Matagal ka nang nililigawan ni Richard? Paano mo siya sinagot?"

"Nakita niyo naman diba, he kissed me—"

"Mygahd sis! Nandyan na ang mang-aagaw!" bulong ni Zhien, na rinig ko naman, nang maagaw ko ang atensyon nila pagkapasok ko.

Hindi ko alam kung bakit pasok pa rin ng pasok ang tatlong iyan sa room namin, e nilipat na sila ng section.

Ah oo nga pala— syempre dahil nandito ang "boyfriend" niya.

Nakakainis.

Nagflip ng hair sa Jecel pagtingin ko sa kanya. "Akala niya siguro magkakagusto si Richard Lee sa kanya? Huh! Eh si Jully ang hinalikan? Ha-ha-ha!!!"

Nilapag ko sa upuan ko yung bag ko at narinig ko pa ang pag-apiran nilang tatlo. Umupo na lang ako sa upuan ko.

"Hayaan niyo na, Sis. Maging mabait na tayo kasi tapos na ang laban e, diba? May nanalo na at ako 'yon. Alam niyo namang ambisyosa will always be ambisyosa lang naman." napatingin ako sa nagsalitang si Jully, at nginitian niya pa ako ng plastik. "Diba no, Ayra?"

Ngumiti din ako ng matamis. "Congrats. Ang swerte ni Richard Lee at naging kayo." sambit ko, labas sa ilong.

"May sasabihin ka rin naman palang maganda Ayra. Hahaha!" aniya na hindi ko na lang inintindi.

Mas mabuti nang ganito. Sana nga ay tigilan na nila ako dahil sa pagiging masaya nila ngayon.

Napapikit ako. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis ng sobra.

Woooo.

Lumipas na naman ang oras na hindi na naman umattend ng klase ang Lee-ntik. Eh ano naman? Wala akong pakialam!

'Yong babaerong 'yon. Sa kung kani-kanino nalilink. Una kay Jae Anne. Ngayon kay Jully?

E ano naman, Ayra?

What the hell?!

Umiling-iling ako at inintindi na lang ang mga kailangan ko pang gawin.

Hanggang sa sumapit ang alas-tres, time ng MAPEH. Pumunta kaming Section 6A, 6B and 6C sa covered court ayon sa instruction ng teacher namin, na nakatayo na ngayon sa harapan habang magkahiwalay ng pila ang boys and girls.

Waltz daw ang lesson namin ngayon kung kaya naman kailangang humanap ng partner ang boys sa mga girls. At dahil nga kaonti lang ang boys, ang iba sa mga babae ay babae na lamang din ang makakapartner.

"You may now choose your partner," ani ng teacher namin, kasabay ang mahihinang tilian ng iba sa mga babae.

Tumingin ako sa direksyon ng mga taong paparating— na si Jayvee at Richard.

Napataas ang kilay ko. Bakit sila magkasamang dalawa?

Lumapit sila kay Sir Lucas at yumuko saglit.

"Sorry, Sir, I'm late." sambit ni Jayvee, samantalang si Richard naman ay tuloy tuloy lang na pumunta sa pila ng mga lalaki.

Sumunod naman si Jayvee pagkatapos tumango ni Sir.

Psh, napakagalang talaga ng Lee-ntik na iyon.

"O siya, magsipili na kayo ng partner!" muling sigaw ni Sir. Todo tili naman sina Jully, na nasa harapan ko lang.

"OMG, maganda na ba ako? Maganda ba ako?" sabi ni Jully.

"Oo sis! Ayan na yung boyfriend mo papunta na sa'yo!"

I rolled my eyes kung paano pa ngumisi si Lee-ntik. Oo ang ganda ng ngiti niya! Ang gandang burahin! Para pa siyang nagpa-fashion model.

Naglakad na ako para sana puntahan si besty nang biglang may humawak sa braso ko.

Napaangat ako ng tingin kay Lee-ntik na hawak na ako ngayon.

Lumundag ang puso ko.

"Wag mo nang agawan ng partner si Fern," kaya naman napatingin ako sa paglapit ni Suho kay Besty.

Pagkatapos ay nalipat ang atensyon ko sa magkaharap na sina Jayvee at Jae Anne ngayon.

"Tara na," aniya.

Parang biglang may kuryenteng dumaloy nang maramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

"T-te-tekaaa—"

"Pumunta na raw sa unahan lahat ng may partner na." sambit niya. Kunot ang noong nagpadala ako sa hila niya.

"Bakit ako ang pinartner mo?" sabi ko habang hinuhuli ang tingin niya. Hindi niya ako matignan ng diretso.

"Sino ba dapat?"

"Jully."

Kumunot ang noo niya.

"Sinong Jully?"

"D-diba girlfriend mo si Jully?" kumunot rin ang noo ko. Ibang klase to.

Nilingon ko sina Jully na ang sasama na naman ng tingin sa akin.

"Ah si Jojo?"

"Jojo?! Pfffftttt!"

Tumawa rin siya. "Oo, yun tawag ko sa kanya e. Jully pala 'yon?"

"Akala ko..." he interrupted me.

"Nagseselos ka ba, Baichi?" sagot niya habang ngising-ngisi.

"Hindi. S-sila yung nagseselos."

"Huwag kang mag-alala, hindi ka na nila magagalaw mula ngayon."

Ayan na naman ang paglundag ang puso ko. Bakit ba parang lately ang bait niya nang magsalita?

"A-ano ka ba. K-kahapon lang—"

Natigilan ako nang kinuha niya ang kamay ko at dahan-dahang inilagay iyon sa balikat niya habang na nanatili lang mata niya sa mukha ko.

Halos lahat rin ay sa aming dalawa ang atensiyon.

"Oh my gaaaaaad sobrang sweet ni Richard!"

"Ngayon ko lang narealize na bagay pala si Ate Ayra at Kuya Richard!!!" sabi pa ng ibang lower year.

"Shemaaaaaay! Ang labs kooooo!"

"Mas okay nang si Ayra kaysa kay Jully no!"

Pakiramdam ko e, uminit ng husto ang pisngi ko kaya pinili kong tumingin sa ibang direksyon.

Nakaramdam din ako ng kiliti noong hawakan niya ang bewang ko, pati ang kanang kamay ko.

"R-Richard," shocks, why am I stuttering?

"Sabi ko naman sa 'yo don't look at me that way," sabi niya habang nakatingin sa akin. Ayan na naman yung weird kong nararamdaman. "Mukha ba akong naggi-girlfriend para sa 'yo?"

"B-bakit? NGSB ka ba?"

Napansin ko ang pagpula ng tainga niya. "H-ha?"

"NGSB ka?" pinigilan ko ang pagtawa. "Hindi ka pa nagkakagirlfriend?"

"Hindi yon ang sinasabi ko!" Kunot na ang noo niya at pinigilan ko ang sarili kong kurutin siya.

"Sa bagay," sambit ko at nag-shrug. "Imposibleng hindi ka pa nagkaka-girlfriend. Sa dami ng babaeng nakapalibot sa 'yo araw-araw?"

"W-wala naman akong kahit isa na nagustuhan sa kanila," aniya kaya hindi makapaniwalang napaangat ako ng tingin. Napansin ko ang pagbabago ng tono niya at ang lalong pamumula ng dalawang tenga niya. "Ayoko lang manakit ng babae. Gusto nilang kasama ako kaya hinahayaan ko na lang na palibutan nila ako."

"Yabang," humalakhak ako habang gumagalaw na ang mga paa namin. "So sinasabi mong NGSB ka nga?"

Umirap siya habang pulang-pula na ang buong mukha na siyang lalong ikinatawa ko.

"Bakit ka nahihiyang NGSB ka?"

"I'm not."

"Weh?"

"Oo nga! Aish!"

"Psh." umiwas ako ng tingin. "Bakit ka ba nahihiyang umaming NGSB ka? Hindi mo ba alam na ang cool ng gan'on?"

"Talaga?"

Natawa naman ako kasi mukhang siyabg inosenteng ngayon lang nalaman iyon.

"Oo." sagot ko.

"Hindi ba mas cool kapag marami ka nang naging girlfriend, kasi diba gwapo ako kaya—"

"TCH! HINDI NO!"

Lumaki ang mata niya. "B-bakit naman?"

"Nakakainis 'yong gan'on! Parang pinaglalaruan niyo lang ang mga babae!"

"Tch. So ibig sabihin cool na ako sa paningin mo?"

Tumawa lang ako. "Hahaha! So NGSB ka nga?!"

"Aish!" Umamba siyang pipitikin ako sa noo kaya napapikit ako. Nang idinilat ko ang mata ko ay nakangiti na siya. Hindi ko alam kung bakit ang cute cute niya n'ong oras na 'yon.

"Ha? Cute ako?"

Lumaki ang mata ko nang marealize na nasabi ko outloud yung salitang cute siya waaaaaaaaa!!!!

"Wala akong sinasabi!"

"Psh." nagpacute na nga siya mga kaibigan.

Tumawa ako at tumawa rin siya. Nagtawanan kami, bago tuluyang nagturo ng steps si Sir Lucas.

"Ang gaspang ng kamay mo, Baichi." out of the blue na sambit niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata, habang ginagawa namin ang sinasabi sa unahan.

"Paano namang gagaspang 'yan e, hindi naman ako kumikilos sa bahay?" sagot ko.

Hindi naman sa tamad, ayaw lang talaga ni mama na pakilusin ako. Siya ang gumagawa ng lahat at sinasabing mag-aral na lang daw ako.

"Yuck, ang malas pala ng mapapangasawa mo."

"Pwede ba," sabi ko, "Wag kang ano kasi di naman ikaw mapapangasawa ko."

"Sigurado ka ba?" napalingon ako sa sinabi niya. "Sigurado ka bang hindi mo ako magugustuhan?"

Natahimik ako ng ilang mga segundo.

"S-sigurado."

Siguro? Siguro. Bakit ko naman siya magugustuhan? Hindi ako sa kanya may gusto kundi kay Jayvee lang. Kay Jayvee lang.

Bigla siyang natahimik. Agad akong napalunok.

"Then be my girlfriend."

Napaangat ako ng tingin kasabay ng pagkabingi ko.

"Ha?"