Ayradel's Side
"Anyway, Baichi." aniya. "Hindi mo man lang ba ako papapasukin, huh?"
Nagulat na lang ako nang ngumisi siya at naglakad papasok ng gate.
"Hoy hoy hoy!"
"Ganyan ka ba Baichi? Hindi mo ineentertain ng maayos ang mga bisita niyo?" nag-cross arms pa ang loko habang ngumingisi.
Bakit ba ganito 'tong taong 'to? Ang bilis magshift ng personalidad?
"Sino bang nagsabing bisita ka?"
"Ako." sagot niya. "Pumunta ako sa bahay niyo kaya bisita ako." nalaglag ang panga ko nang tinabig niya yung balikat ko para makapasok.
Hinawakan ko rin yung balikat niya para pigilan siya at iharap siya sakin.
"Lakas ng loob mo! Hindi ka ba nahihiya—"
"Kung hindi mo alam, pati sa kwarto mo nakapasok na ako, Baichi."
Umawang ang bibig ko.
"O-oo nga," binitawan ko siya dahil sa hiya. "Tungkol nga pala d'on... Salamat."
"Wag ka nang magpasalamat. Papasok na lang ako. Gusto rin naman akong makita ng mama mo, diba?" nag-wink pa siya at parang proud na proud sa sinabi niya.
"N-nandyan na rin ang papa ko!" sabi ko.
"P-papa mo?"
Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano sa naging lukot ng mukha niya. Pero naging straight pa rin ang mukha ko para takutin siya.
"Oo strict pa naman yon. Mas strict pa sa Daddy mo."
"A-ano naman ngayon?"
"Natatakot ka ba?"
"What?! I'm not!" napansin ko ang pagpula ng mukha at tenga niya kaya naman mas lalo akong natawa.
"Kaya wag ka nang pumasok!"
"Tss." may patawa-tawa pa siyang nalalaman. "Pasalamat ka mapilit ka, at may gagawin pa pala ako! Sige, alis na ako."
PFFT! HAHAHAHAHAHAHAHA!
"TEKA. Natatakot ka ba sa papa ko? Hahahahaha!" humawak ako sa tiyan sa sobrang tawa.
"Tch! Nagpapatawa ka ba? Bakit ako matatakot?! Ha?!"
"Sinong hindi takot sa 'kin?"
Natigilan kaming dalawa nang marinig ang napakalaki at napakatigas na tinig na nagmula sa likuran ni Lee-ntik.
Unti unti kaming napalingon rito. Narinig ko ang paglunok laway ni Richard.
"Hindi ka takot sa akin, ha?!" matigas ang tono ni Papa at kunot na kunot ang noo. Kung hindi ko siya kilala malamang ay natakot rin ako. Taas na taas ang noo niya at matikas ang tindig. Malaki pa naman ang dibdib at braso ni Papa kaya mas nagmukha siyang bouncer ngayon.
Compared mo kay Lee-ntik na may muscle rin naman pero alam mong bata pa. Hindi ko ako kung masusuka ako o matatawa!
Hahahahahahahaha!
Parang namumutla na si Richard.
Hahahahahahhaahha!
"Ah, hindi ka talaga takot?" sabi pa ni papa.
"H-hindi po Sir— I mean—"
Nanlaki ang mata ko nang hawakan ni Papa si Richard sa kwelyo, pero hindi naman ganoon kahigpit. Sinenyasan ko si Papa na kung ano bang ginagawa niya?!?! Jusko!!!!
"Ah- Sir-" Lee-ntik.
Pfft! Hahahahahaha!
"Bakit mo kasama ang anak ko?" tanong muli ni Papa, na medyo lumakas pa ang boses.
"W-wala lang po—"
"Boyfriend ka ba niya, huh?! Bilisan mo ang pagsagot!"
"Hindi po!" agad na sagot ni Richard kaya naman napatakip ako sa bibig para pigilan ang pagtawa.
AHAHAHAHAHHA HINDI PALA TAKOT HA
"Magsabi ka ng totoo!"
"Hindi po!"
"ANO?!"
"HINDI PO!"
"BAKIT HINDI?"
Huh?
Natigil ako sa pagtawa sa isip dahil sa sinabi ni Papa.
Tapos ngumiti na ito at binitiwan na ang kwelyo ni Richard. Pinagpagan niya pa ito na parang nadumihan.
Talagang napangiwi ako habang nakatingin sa kanila. Si Richard naman e, hindi alam kung anong irereact.
"Maganda naman ang anak ko ah? Bakit hindi mo siya ligawan? Hahahaha!"
"PA!!!"
"SHH! Manahimik ka riyan Ayra ha!"
WHAAAAAT?!
"Diba ikaw si Richard Lee?" naguguluhang tumango lang si Richard, na halatang hindi pa nakakabawi sa ginawang pampa-prank ni Papa.
"O-opo."
"Joke lang yung kanina hehehehehehehehehe." sabi ni Papa at kinuha sa bulsa niya ang cellphone. Nalaglag ang panga ko nang lumapit pa siya para akbayan si Richard. "Pa-selfie ha?"
Oh, men!
Napa-facepalm na lang talaga ako sa kahihiyan.
*
Last week is a hell week. Buti na lang talaga at sabado ngayon, atleast makakapagpahinga naman ako kahit papano.
"Aalis ako ng school niyo... 'Yon ang gusto mo diba?"
Kung siguro dati, kapag tinanong ako about sa bagay na iyon ay 'OO' ang isasagot ko. Pero iba ang nararamdan ko ngayon. Siguro dahil sa span of time na naging seatmate ko siya eh, nasanay na rin ako sa presensya niya.
Nasanay na rin ako sa pang-aasar niya.
Medyo napalapit na rin siya sa akin. Though hindi ko talaga maiwasang mainis sa kanya minsan.
Kina-lunes-an. Gan'on pa rin yung routine. Nung nag-lunch time, dumeretso kaming dalawa ni Lee-ntik sa library para i-tutor siya at para review-hin na rin yung sarili ko para sa darating na Science Camp.
Ang Science Camp ay ang isa sa malaking event sa school- since nga isang Science School ang TH- kung saan, ginaganap ang event sa loob ng tatlong araw.
Ang unang araw ay magaganap sa ibang school. Ang pangalawa ay sa Tirona High na. Ang pangatlo ay Science Leisure activity na lamang para sa estudyante ng Tirona High.
"Baichi..."
Kunot ang noong nakatutok ako sa libro nang kalbitin ako ng isang Lee-ntik sa harap ko. Nakaramdam nanaman ako ng pagkainit ng pisngi nang magtagpo ang mata namin.
"Ano?" sagot ko at ibinalik yung tingin sa libro.
"Tss. Ayaw kong sagutin yan! Sisiw na naman!" nilapag niya sa harap ko yung papel na may mga math equations.
"Anong sisiw ka dyan?" kinuha ko yung papel tapos nilapag ko ulit sa harap niya. "Sagutan mo yan. Magrereview lang ako dito. Okay?"
"Aish! I hate-"
Bago pa niya maipagpatuloy ang sasabihin niya ay agad kong hinawakan 'yung wrist niya na may hawak sa libro. Lumakas ang kalabog ng dibdib ko. Anak ng tupa, ano 'to?
"S-subukan mong ibato ulit 'yang libro!" Sabi ko. With warning tone.
"Psh." Binalik niya ulit yung libro at binasa. I rolled my eyes pabalik sa nirereview ko. Ilang minuto pa ay nawala ang nangungulit sa akin.
"Hihihi. Bakit Chardy-baby? Madali leng nemen yen ih. Geshte me tereen kiteee? Hihi."
Napatingin ako d'on sa pinanggalingan nung boses na nasa table na harap lang ng table namin ni Richard. Aba huh, yung Lee-ntik, wala na sa harap ko kundi nasa tabi na ng isang estudyanteng nasa table sa harap.
"Pwede?" ngumiti pa ang Lee-ntik at parang narape naman yung babaeng kausap niya. "Hindi ko kasi maintindihan eh." lumingon siya sa direksyon bago niya ako nakakalokong nginisian.
Kumunot ng super duper ultra mega ang noo ko at halos labasan na talaga ng usok yung ilong at tenga ko sa inis. Napakalandi talaga ng Lee-ntik na yon kahit kailan! Bwisit!
Tumayo ako at binalik yung libro sa shelf bago tuluyang lumayas ng lib. Hindi dahil naiinis ako kay Lee-ntik kundi dahil gutom na ako, at baka lalo lang uminit ang ulo ko.
Habang naglalakad ako pabalik sana ng room, natanaw ko si besty, kausap ang isang pamilyar na tao.
"Besty!" pagtawag ko kaya mula sa pakikipag-usap, ay lumingon siya. Pati na rin yung kausap niya lumingon na din.
"Ayra!" tinignan ko ng mabuti yung kasama ni besty na kumakaway at tumatakbo ngayon papunta sakin. Teka... Si.. Anong ginagawa nyan dito?
"Ella? Ano namang ginagawa mo dito huh?" tanong ko pagkalapit niya agad. Inakbayan pa ako ng bruha.
"Grabe ganyan ka ba mag-welcome?" she pouted. "Kabagot sa school namin, saka may bwisit na asungot na nilalang dun kaya dito muna ako tatambay. 1 hour pa naman bago yung next class ko eh. Ang saya diba?"
"Ikaw lang nasiyahan!" umirap si Besty kay Ella samantalang nagpout lang si Ella.
"Osya, kumain na ba kayo?"
"Uh, kumain na ako. Hehe." sagot ni Ella.
"Ako, hindi pa eh." sagot naman ni besty.
"Ay, o sige besty. Mag-lunch na tayo. Ella, sumama ka na lang samin."
Pumunta na nga kaming canteen para pumila at makabili ng pagkain. Pagkatapos, humanap kami ng pwesto sa malapit na garden para makakain. Doon kasi may mga round tables and benches, buti na lang may bakanteng table pa para saming tatlo.
"So, sino nga ulit 'tong tinutukoy mong bwisit kanina?" tanong ko habang sini-set up yung pagkain.
"So, yun nga. Yung sinasabi kong lalaki, e yung si Santiago Fermin!" sabi niya para maibalik sa dati yung topic. Nakinig lang kami sa kanya habang parang inis na inis talaga siya. "Grabe talaga! Kung makikilala niyo lang! Nako! Yung ugali... Hay. Di madescribe!"
"Di madescribe eh feel na feel mo nga yung pagkukwento mo. Haler, wala dito yung Santiago mo kaya wag ka masiyadong G na G." tumawa si besty.
Sumubo ako ng kanin. "Ganyan talaga magkwento ang mga author, besty."
"Yeah, right." tumango at ngumiti si Ella kay besty. "So... aware ka na, na sa Hate nagsisimula ang Love?" ngumisi ng nakakaloka si Lui.
"Hindi lahat ah. Saka fiction lang naman yun." ngumuso si Ella at halata namang namula.
"Alam mo Ella, hmm..." parang nag-iisip si besty. "Hindi ko kilala talaga yung Santiago na yan huh, pero naririnig-rinig ko na... gwapo daw yun eh?"
"Ha?" grabe si besty mang-intriga. Napapatulala na lang talaga si Ella. "Ano eh... I can say na gwapo at attractive nga yung si Santi-gago na yon, pero-"
"I'm glad that you find me attractive, Louella."
Napatigil kaming tatlo sa pag-uusap at napalingon sa taong nagsalita.