Chapter 32: Selfie
Richard's Side
Hindi ako nakatulog dahil sa kakaisip sa ginawa ni Baichi kagabi.
"A-ah... H-hindi mo alam yung kasabihan? Dapat halikan mo sa pisngi lahat ng nagpupunta sa bahay mo... para... hm, makatulog ka ng maayos. Haha. Sige. Pasok na ako, i-lock mo na lang yung gate ah."
Napangiti ako n'ong maalala 'yung sinabi niya na 'yon. Tss! Jinjja.
"Mukhang good mood tayo ngayon Young Master ah," napatingin ako kay Maximo na kakapasok pa lang ng kotse. Tinignan ko ahh mukha niya sa rearview mirror.
"Maximo," sabi ko. "May alam ka bang kasabihan na dapat halikan mo sa pisngi ang mga taong pumupunta sa bahay niyo?"
Mas lumapit pa ako sa kanya para tignan kung may alam ba talaga siya o wala.
"Meron. Dito sa buong Buenavista. Pero kasabihan lang iyon ng matatanda Young Master. Bakit?"
Napangisi ako at umiling-iling.
"Wala..." saka ako tumingin sa bintana. Buong byahe ay doon sa kasabihan lang na iyon umikot ang utak ko.
Tss...
I should have kissed her too noong pumunta siya sa bahay namin nina Mama at Papa.
hindi ko namalayan na napaidlip na pala ako sa maikling byahe na iyon, nang biglang tumunog ang cellphone ko.
"Aish. Istorbo." kinapa ko ang bulsa ko, pagkatapos hinagis ko kay Maximo na nasa driver's seat yung cellphone. Nagulat siya pero nasambot niya naman. Dapat lang.
"Young master-" lumingon sya at pinakita yung cellphone na nagtatanong.
"Sagutin mo. Natutulog kamo ako." sabi ko bago ako pumikit ulit at sumandal.
Sinagot naman ni Max yung tawag at ni-loudspeaker. Nagsimula na siyang magdrive.
"H-hello?"
"Maximo? Bakit hindi si Richard ang sumagot ng telepono?"
Napadilat ako sa boses ng tumawag. I released a heavy sigh bago ako tumingin kay Maximo. Lintek. Ano nanaman bang kailangan ng hukluban na yan sakin? Ang aga-aga.
"T-tulog pa po si Young Master, Sir."
Hinayaan ko na lang silang dalawang mag-usap don. Hindi na ako makaidlip, takte. Maya-maya inabot na sakin ni Maximo yung cellphone bago nagpunas ng pawis sa noo.
Ngumisi ako bago binulsa yung cellphone.
Bakit ba lahat na lang sila takot sa matandang yun? Tss.
Napatingin ako sa bintana tapos binaba yung windshield. Nandito na kami sa school, takte.
Gusto kong makita si Baichi.
Humikab ako pero napatigil din agad nang may napansin ako sa labas.
"Teka." sabi ko kay Maximo para itigil saglit yung sasakyan.
Namumuro na 'tong Vboy na 'to ah. Masyado ko na syang pinag-aaksayahan ng oras. Kumunot ang noo ko at tinignang mabuti yung gago, na nakatayo sa harap ng isang computer shop.
May kausap siyang babae, nasa 40s ang edad, maputi, maganda, kamukha niya.. Nakangiti yung babae sa kanya, habang tinatapik yung ulo niya.
Ang swerte naman pala ng gunggong na 'to sa nanay niya? Mama's boy.
Ngumisi ako at tinaas na yung windshield. Sumandal ulit ako at bumuntong-hininga.
Pambihira.
Hinayaan ko ang mata kong pumikit. Hindi ko inintindi yung sakit na biglang gumuhit sa puso ko.
"Young master, anong problema?" tinignan ako ni Maximo sa rear view mirror.
Ngumisi ako at inayos yung butones ng polo ko. "Kailan ba ako nagka-problema?"
Hindi naman ako magkakaproblema. Kasi hindi ako malalamangan ng gago na yon. Hinding-hindi.
Naramdaman ko na naman ang sobrang pagkagalit.
"Kilala na kita simula bata ka, hindi ka makakapagsinungaling." napatingin ako kay Maximo. Kumuyom ang aking panga. "Alam ko ang nararamdaman mo."
"Ayoko nang maalala ang lahat, Maximo. Kinalimutan ko na ang lahat."
Tiningnan ko si Maximo kaya tumango-tango lang sya bago mag-drive ulit. Maya-maya napasok na ng sasakyan yung school. Bumaba ako pagkahinto, at syempre dahil ako si Richard Lee, nagsilapitan agad ang mga babae para pagkaguluhan ako.
"Omgeeeee Richard Leeeee"
"Gosssshhhh sa wakas naabutan ko rin siya!!!"
"Goodmorning Richard!" sabay-sabay na bati nila habang yung iba kumakapit pa sa braso ko.
Hindi ko alam kung bakit dati masaya ako sa mga atensyon ng babae, ngayon, parang wala na akong pakialam.
"Richard, totoo ba na girlfriend mo na si Ayradel?" tanong nung isang babaeng sa kanang braso ko nakayakap. "Huhuhu!"
"Saan niyo nalaman yan?" Agad na kumunot ang noo ko. Sinigurado kong hindi lalabas ang impormasyon tungkol sa naganap sa pagitan namin ng tatay ko. Noong gabing ipinakilala ko si Baichi bilang girlfriend ko para hindi matuloy ang plinano nilang kasal ko.
"Wala, napapansin lang namin." Sagot ng babae kaya napabuntong hininga ako.
Sasagot sana ako nang makita ko yung gagong mas nauna nang naglalakad sakin. Nakabonet sya, suot pa rin yung old-school nyang eyeglass, at nakapamulsa. May mga babae ring nakasunod sa likuran niya kaya di ko maiwasang ngumisi.
Nagtataka yung mga babae habang sinusundan yung tinitignan ko, pero di ko sila sinasagot. Parang masaya nanaman 'tong araw na 'to ah?
"GIRLFRIEND KO NGA SI AYRADEL." nakita kong napatigil si gago kaya ngumisi ako at hinarap na yung mga babae. "Pero wala namang problema d'on. I'm also always yours! I'm taken but always single!"
Kumindat ako kaya nagsitilian naman silang lahat, chanting I love you Richard all over again.
"Richard." natigilan sila sa seryoso ng boses at napalingon sa gago. I smirked the hell out of my mind bago ko sya nang-aasar na tiningnan.
"Si Jayvee!" bulong ng mga babae bago magsipaghawian. Humakbang siya palapit sakin. Walang nagsasalita. Nakatitig lang ang gago.
Tingin ba nya matatakot nya ako sa tingin niyang yan?
Ngumisi ako at nagpamulsa rin bago magsalita.
"Anong kailangan mo-"
"Ikaw, ano bang kailangan mo?" tanong niya pabalik, kaya nawala ang ngisi ko. "Anong kailangan mo sa amin?"
Tumawa ako ng sarcastic. "Ang pagkakaalam ko si Ayradel lang ang nabanggit ko? Kasama ka ba?"
"Ako, o si Ayra, pareho lang yon! Bakit ka ba pumunta dito sa school? Anong ba talagang balak mo?!"
Alam kong naasar ko na naman siya kaya tumawa ako ng nakakaloko. Nagsimula akong humakbang at tumigil sa tapat nya. Halos lahat na ng napapadaan, nakikinood.
"Kung may balak nga ako... wala ka na d'on." nakangising sagot ko. "At kung nandito man ako, tandaan mo mayaman ako, at hindi naman sayo 'tong school."
Saka ko siya nilagpasan.
"Baka nakakalimutan mong tatay mo lang ang mayaman."
Napatigil ako ngunit hindi na nagpaapekto.
Baka nakakalimutan mong tatay mo lang ang mayaman.
Tss. Nakakabwisit yon ah?
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa marating ko na lang yung room. Sumalubong sakin sa hallway yung Luisa, at nakasunod sa likod nya si Fern.
"Honey- Uy! RJ!" salubong ni Fern at sinuntok yung kanang balikat ko. "Ang aga natin ah? Maaga kang nakatulog?"
Tinapik ko siya pabalik sa balikat.
"Gago. Hindi nga. Puyat ako. Tsk. Tumabi ka nga!" sagot ko at tumawa pa ang loko.
"Sige habulin ko lang si honey ah? HOOONEEEY!!!"
"Saglit. Fern!" Napahinto si Fern. "Diba sabi mo dati, kaya ka nagkagusto kay Luisa dahil hinalikan ka niya sa pisngi?"
"Bakit? Hinalikan ka rin ba sa pisngi ni Besty Ayra-"
"HA?! HINDI!" napakurap-kurap ako kasi napalakas yung boses ko.
"E bakit mo tinatanong?"
"Wala lang! Sige na nga layas! Alis! Shoo!" saka ako kunot-noong naglakad.
Tss. Parehong-pareho ang magbestfriend na Luisa at Baichi na yon ah. TCH!
Napailing na lang akong pumasok ng room. Lahat ng tao don nagsingitian at nagsibatian sakin.
Ngumisi lang ako at dumiretso ng tingin kay Baichi na... teka...
Kunot-noong lumapit ako sa pwesto niya. Nagpamulsa ako, pagkatapos napangisi.
Tulog ba 'to?
Tinitigan ko siyang mabuti pagkaupo ko sa tabi niya. Kinuha ko yung dulo ng buhok nya at kiniliti siya sa tenga pero kumunot naman yung noo niya. Umupo agad ako ng tuwid nung gumalaw siya para magpanggap na wala akong ginawa, pero di sya nagising at bumalik lang ulit sa pagtulog. Natawa ako ng mahina.
Kasabihan pala para makatulog ng maayos pag gabi ah?
Napailing-iling ako. Baichi talaga. Epekto ba yan ng pagiging Rank 1? Nakakatakot naman yata. Daming alam.
Napatingin ako sa kanya nang gumalaw siya para mag-iba ng pwesto. Nahihirapan yata sa higa niya. Ngumisi naman ako ng nakakaloko sa naisip ko.
Umurong ako ng mas malapit sa kanya at nilagay yung ulo niya sa balikat ko. Gumalaw lang siya ng konti pero di naman nagising. Pagkatapos, kinuha ko yung cellphone ko. Sinet sa front camera at nag-selfie habang natutulog siya sa balikat ko.
Ngumisi ako at binalik sa bulsa ko yung cellphone bago din ako pumikit nang ngising-ngisi.
Lintek na kasabihan 'yan. Dalawang oras lang ang tinulog namin ni Baichi.