Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 40 - Chapter 31

Chapter 40 - Chapter 31

Chapter 31: Cheek

Ayradel's Side

"Ano ba naman ireng mga batang ire!" tinignan kami ni Sister Lily mula ulo hanggang paa habang nakatayo kami sa harap niya. Karga parin ni Lee-ntik si Aaron. "Anong ginawa nyo't puro icecream yang damit pati mukha ninyo?"

"Kumain kami ng spaghetti kaya ganito." ngumisi ng nakakaloko si Lee-ntik.

"Magtigil ka JD ah. Sister Abby. Hala, kunin na ang mga bata at linisan bago sila kumain. Tignan mo naman ang dudungis!" tinignan naman kami ni sister Lily. "Kayong dalawa, doon sa banyo at maghilamos na din kayo!"

Tumango-tango ako. Naglakad ako at papasok na sana ng banyo nang napatigil din agad kasi nakisabay din sa pagpasok ko si Lee-ntik.

"Hoy hoy! Ako muna!" ginitgit ko sya gamit ang kaliwang braso ko. Nasa kaliwa ko sya at ding-ding ang nasa kanan ko. Nasa harapan namin pareho yung pintuan ng banyo.

"Tsk. Ako muna baichi! Ang lagkit eh oh! Pati damit ko nagka-icecream!" hinawakan nya yung door knob pero tinaboy ko yung kamay niya.

"Ano ka! Ako muna! Tignan mo nga yung mukha ko!" dinuro ko pa yung ilong at halos buong mukha kong puro icecream. "Maghihilamos lang ako! Mabilis lang 'to!"

"Teka nga.." ngumisi siya at lumapit. Kumunot ang noo ko at napaatras kaya lumapat ang kanang balikat ko sa ding-ding. "Bakit hindi na lang tayo magsabay? Mabilis lang naman pareho yung gagawin natin sa loob eh. What do you think?"

Napalunok laway ako at nailang sa tingin nya kaya ibinaba ko ang tingin ko.

"A.. Aish! Oo! Mauna ka na!"

"Good." ngumisi pa siya ng nakakaloko bago dumiretso sa pintuan ng banyo.

Walangya! Ang galing talaga mang-black mail ng Lee-ntik na yon!

Wala na akong nagawa kundi maghintay sa labas ng cr. Hay, ang lagkit ng mukha ko! Wala silang tissue, tsaka ayaw ko ring magpunas sa damit ko kasi siguradong papagalitan ako ni mama. Buti na lang talaga mukha ko lang yung nadumihan!

Pinunasan ko ang icecream sa mukha ko gamit ang kamay ko. Ang tagal naman ng Lee-ntik na yon!

"Hoy dalian mo naman!" kinatok ko na yung pinto habang nagma-marcha. Tsk. Naiihi pa ako.

"Maghintay ka Baichi!" sagot naman niya mula sa loob.

Naningkit ng di oras ang mata ko. Kinatok-katok ko ulit sya.

"Dali!" nagmarcha-marcha ulit ako don sa pwesto ko. Pakiramdam ko talaga aabutan na ako ng pagkaihi dito pag di ko pa 'to lumabas eh.

Pumunta ulit ako dun sa harap ng pintuan at kakatok ulit sana, pero natigilan ako nang magbukas na ang pinto.

"Tsk."

Napa-atras at umawang ng bahagya ang bibig ko nang lumabas siya. Basa ng kaunti yung buhok niya at nakita ko pa kung paano umagos ang butil ng tubig mula sa dibdib niya papuntang...

Napalunok-laway ako.

"Oh hija, bakit ka namumula- HARUJUSKO!" bumalik ako sa ulirat nang marinig ko si Sister Lily na nasa gilid na namin ngayon. "Bakit wala kang damit JD? Sa harap pa ng dalaga!"

Tiningnan niya ako bago niya pinunasan ng hawak niyang maliit na towel yung buhok niya.

"Nakalimutan kong magdala ng damit pangpalit."

"Hala o sige. Pumunta ka na dun sa kwarto ng mga bata at mayroon doong mga damit mo."

"Nae." (Nae = Yes/Ok) bago siya umalis sa harap ko at maglakad palayo. Napalunok ulit ako habang nakatayo pa rin dooon. Katawan ba talaga ng tao yung nakita ko? Abs....

Ipinilig ko ang ulo ko para kalimutan 'tong mga iniisip ko. Erase erase! Napabuga ako ng hangin bago tuluyang dumiretso sa loob ng c.r

*****

Kumain muna kami ng meryendang inihanda nila Sister bago kami tuluyang nagpaalam na aalis na.

"Dumalaw ka ulit, Ayra, anak ha?" nitakap ako ni Sister Lily at Sister Abby. "Ikaw din Jaydee." tumawa ang dalawa habang busangot ang mukha ni Richard.

"O siya, Richard may sasakyan ka naman diba? Ingatan mo si Ayra ah?"

"Sus. Kami nga dapat mag-ingat sa kanya. Hahaha-" bago pa siya matapos sa pagtawa, siniko ko na yung tyan niya. "- Aww." ngumiwi siya kasi napalakas yata.

Nakonsensya ako tuloy agad. Tumawa naman sina Sister Lily at Sister Abby.

"Sorry," napatingin ako sa damit niyang long sleeves na may stripes na white and skyblue. Fit pa rin ito sa katawan niya kaya naalala ko nanaman yung nakita ko kanina. "I-ikaw kasi eh." umubo ako ng bahagya at umiwas ng tingin.

Pakiramdam ko ang init nanaman ng mukha ko. Ano bang pinag-iisip ko? Jusko! Umiling-iling ako sa isip ko.

"O sige na, Richard."

Nagpaalam na kami sa mga taong nandun at sa mga bata.

Kaonting lakad pa lang mula sa pintuan ng orphanage ay naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay KO.

Shocks!

Sobrang lumakas kabog ng dibdib ko pero imbis na alisin iyon ay napaangat ako ng tingin sa kanya. Tahimik lang siya at nakatingin sa damuhan habang nakangiti ng kaonti, kaya natikom ko na lang din ang bibig ko at hindi na nagsalita pa.

Recently ay hindi ko talaga maintindihan ang mga nararamdaman ko pati na rin mga ikinikilos niya.

"Pahinga muna tayo sa damuhan." sambit niya bago niya ako nilingon. "Napagod ako."

"S-sige."

Naramdaman ko na lang ang bahagyang paghila niya sa akin papuntang lilim malapit sa isang malaking puno. Nang makarating kami doon ay agad niya akong pinaupo sa damuhan at agad din niyang hinigaan ang hita ko.

Pumikit pa siya na parang dinadama niya na naman ang hangin.

"Ikaw, ginagawa mo lang talaga ang gusto mo no?" pinaningkitan ko siya ng mata habang nakapikit pa siya. "Sinong nagsabing pwede mo akong gawing unan?"

"Baichi... kailan mo kaya ako hindi aawayin?"

Umawang ang bibig ko sa sinabi niya. "At ako pa ang nang-aaway ngayon?"

"Oo," tumawa siya at dumilat na. "Wala naman akong ginagawa, nagsasalita lang ako, naaasar ka na."

"Edi ibig sabihin nakakaasar ka talaga by nature."

"Yun ba first impression mo sa akin?" tanong niya.

"Psh. Hindi lang impression no, dahil totoo naman talaga. Hahaha."

"Tss. Ang bait bait ko e."

"Share mo lang?"

"Seriously..." sambit niya. "What do you think of me the first time you saw me?"

"Yung sa harap ng gate?"

"Hindi yon, yung isa..." sagot niya, kaya napakunot ako ng noo. Yon lang naman ang una naming pagkikita.

"Anong isa?"

"O sige yon na lang. Yung sa gate."

I shrugged.

"Wala... natakot ako sa'yo non kasi may mga Men In Black ka. Pinahabol mo pa ako." natawa ako nang maalala kung paano ko siya pinatid noon. "Bakit mo natanong?"

Ilang segundo bago siya nagsalita.

"Because I wonder... if we can be friends.."

Kumalabog ng malakas ang dibdib ko kaya naman parang nabingi ako at hindi agad nakapagsalita. Nagtama ang aming mga mata.

"I wonder if... If I can be as lucky as your friends now."

Ilang segundo akong tulala, bago ko tuluyang pinitik ang noo niya- kaya kumunot ito.

"Hindi mo naman kailangang tanungin 'yan," hindi ko namalayang napapangiti na pala ako habang nakatingin sa malayo. "You're already my friend. Kahit naiinis ako sa'yo."

Kakaiba, siya lang ang kilala kong nagtatanong pa kung pwede silang maging kaibigan.

"Tsssss.... gan'on ba 'yon e araw-araw ka nga nagagalit sa akin. Gan'on ba ang kaibigan?!"

"Oo naman. Lalo na kung ikaw ang kaibigan."

"Tssss. Basta, friends?"

What? Sa tagal na naming magseatmate ngayon lang kami officially naging friends?

"Friends..." sagot ko pa.

Hindi ko alam kung bakit hindi magkamayaw ang ngiti naming dalawa. Ang sarap ng tibok ng puso ko. Mabilis pero hindi dahil sa kaba....

Inabot siguro kami sa damuhan ng mga 30 minutes, at nang makapagpahinga ay dumiretso na kaming dalawa sa kotse niya. Tahimik nung pagkasakay namin, hanggang sa pinaandar nya na yung sasakyan. Nakatingin lang ako sa dinadaanan namin.

Nakangiti pa rin kaming dalawa hanggang ngayon. Para kaming mga sira.

"Kaibigan." Hindi makapaniwalang napatingin ako sa kanya.

Hanudaw?

"Pfft! What?" dugtong niya pa.

"Para kang ewan!" sabi ko at tumawa siya.

"Seatbelt. O gusto mo ako nanaman magkabit?" ngumisi siya ng nakakaloko.

Nawala ang ngiti ko at napalitan nanaman ng busangot.

"Tsk. Ako na." kinabit ko na yung seatbelt ko bago nagpakawala ng buntong-hininga. Bigla akong may naalalang itanong sa kanya. Tinignan ko siya at deretso pa rin sa daan ang tingin niya. Habang naka-half smile.

"Jaydee?" tumawa ako pagkatapos kong sabihin yon. Nag-iba naman agad yung itsura niya.

"Baichi -"

"Joke lang." sagot ko pagkatapos ay tinuon na din yung tingin sa bintana. "May itatanong lang ako..." sabi ko.

"Tungkol saan?" Saglit nya akong nilingon.

"Mama mo."

Napakapit ako nang bigla siyang prumeno. Mabuti na lang naka-seatbelt ako.

"Huy, anong problema?" tanong ko.

"Wala," sagot niya naman agad. "May dumaang pusa."

"Pusa?" kumunot ang noo ko at iginala sa paligid yung tingin ko. Nagtatakang tinignan ko siya. Parang wala naman akong pusang nakita? "O-okay..." sabi ko na lang.

Bumuntong-hininga siya bago nag-drive ulit. Ilang minuto muna kaming tahimik non kasi naiilang pa ako magtanong. Nakatingin pa rin ako sa bintana.

"What's about her?" napalingon ako sa kanya nung nagsalita siya. "My mom?"

"Ah.."

Humugot ako ng malalim na hininga. Hindi ko alam kung alam nya na ba 'to, o kung hindi man, tama ba na ako yung magsasabi nito sa kanya? Kung pangingialam ba 'to o dapat hayaan ko na lang sina Sister o Sir Alfred Lee yung mag-reveal nito...?

Pero wala na.. Nandito na lang rin naman... Mabuti na siguro 'to.

"Sinabi mo dati kay mama na hindi mo alam kung nasaan mommy mo? Pero kasi-"

"My mom, is already dead." pagputol niya sa sinasabi ko. Nalaglag ng bahagya ang bibig ko at ilang segundo siguro ako bago makapag-react.

"Alam mo?" di makapaniwalang tanong ko, pero ngumisi lang siya. You know, the famous smirk of Richard Lee.

Yung nakakalokong ngisi niyang hinahabol-habol ng lahat.

"Malamang, Baichi. Nanay ko yon eh." sagot niya. Lumukot ang mukha ko.

"Wow, edi okay. Sus." umirap ako sa ere at nag-cross arms. Todo isip ako kanina kung dapat ko bang sabihin o hindi, kung maaapektuhan ba siya o hindi, konsensyang-konsensya ako kanina, tapos NGINGISIAN NIYA LANG AKO?

"Sinabi kong hindi ko kilala ang mama ko kasi... hindi ko talaga siya kilala." sabi niya pagkaraan ng mahabang katahimikan. "Pagkapanganak sa akin, wala na akong naabutan na picture niya. Kahit... pangalan niya."

"T-talaga?"

"Ayokong malaman." dugtong pa niya.

Tumahimik na lang ako at pinagisipan ang lahat.

"Nandito na tayo."

Sa kakaisip ko kay Lee-ntik, hindi ko namalayang nandito na pala kami sa tapat ng bahay. Tinanggal ko na yung seatbelt pagkatapos, lumabas na ng kotse at naglakad na papuntang gate ng bahay.

Di ko namalayang sumunod pa pala sakin ang Lee-ntik. Tinignan ko siya. Parang may gusto siyang sabihin, pero parang mas pinili niya na lang na hindi.

"Bye." mabilis na sabi nya.

"Teka," pagpigil ko kaya lumingon sya. Lumapit ako at tumingkayad para halikan siya ng mabilis sa pisngi.

Bumilis ang tibok ng puso ko lalo na nang tignan niya ako na para bang nagtataka at nagtatanong.

"A-ah.." umiwas ako ng tingin dahil pakiramdam ko sobrang init ng mukha ko. "H-hindi mo alam yung kasabihan? Dapat halikan mo sa pisngi lahat ng nagpupunta sa bahay mo... para... hm, makatulog ka ng maayos. Haha. Sige. Pasok na ako, i-lock mo na lang yung gate ah."

Tsaka ako nagmamadaling pumasok at isara yung pintuan ng bahay. Napahawak ako sa dibdib ko habang hawak-hawak ko pa rin yung doorknob. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga kasi pakiramdam ko talaga aatakihin na ako sa puso.

"Aish, bakit ko pa ba naisipan yun?" bulong ko habang inuumpog ng mahina ang ulo ko sa pinto. Pagdilat ko, napaisip ako sa huli kong nakita bago ko pa maisara yung pintuan...

Tumalikod ako at isinandal ang likuran ko sa pinto..

Kanina... ako lang ba 'yon...

o nakita ko talagang namula siya?

Umiling-iling ako. Baka naiinitan lang yon. Totoo naman kasi yung kasabihan. Atleast makakatulog ako ng maayos mamayang gabi.

**

"Aray!"

"Sorry..."

"Ouch!"

"Ay, sorry."

"Ate, ingat ka naman!"

"So..sorry." sagot ko sa mga taong nababangga ko sabay hikab. Umupo ako saglit sa may katapat kong bench bago ko tignan yung relo ko.

6:15am.

Maaga pa naman bago mag-time. Pwede kayang umidlip muna ako dito? Antok na antok pa talaga ako. Saglit lang naman eh. Nasa harapan ko na naman yung building ng room ko. Promise, ilang minuto lang...

Yumuko ako at pumikit na habang nakaupo parin. Rinig na rinig ko pa yung mga footsteps ng mga estudyante. Ilang segundo nang...

"Besty?"

Anak ng tilapya.

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko. Kumunot ang noo ko pero hindi ako dumilat kaya naman mas inalog-alog niya pa ako. "Wuy besty!"

"Tsk. Besty naman wag kang magulo inaantok pa ako eh!" inalis ko yung kamay niya sa balikat ko. Mahina nya akong binatukan kaya napangiwi akong hinawakan yung ulo ko. Tiningala ko siya saglit pero yumuko ako agad ulit at pumikit.

"Loka-loka ka, bakit dito sa labas ng building? Tara don sa room!" sabi nya. Hinawakan yung braso ko, pero binawi ko rin agad.

"Tsk, naman bes-"

"Tara na nga ang kulit!" pagpupumulit nya ulit at hinila nya na ako ng tuluyan papasok ng building. Ugh. Badtrip. Nag-ala-zombie walk tuloy ako habang hinihila ako ni besty sa may hallway papuntang room. Ni hindi ko na tinitignan yung dinadaanan namin. Namalayan ko na lang na nakaupo na pala ako sa upuan ko sa loob ng room. Maingay pero parang wala akong marinig, ang alam ko lang inaantok talaga ako.

Sinandal ko ang likuran ng ulo ko sa headboard ng armchair at medyo lumiyad para medyo makahiga.

"Dalawang oras." sagot ko. "Wag ka nang maingay besty ah." pagkatapos nun pumikit na akong tuluyan.