Chapter 36: Who's More Evil?
Richard's Side
Napahigpit ang hawak ko sa paper bag at sa Zesto ko, nang tignan ko ang room na nakaassign kay Baichi mula sa dulo ng hallway. Madami nang tao na nanonood kaya naisip kong baka pagkaguluhan ako kapag nakita ako ng mga 'to.
Ang gwapo ko pa naman.
"Jones," lumapit sa'kin ang isa sa Pilipinong MIB mula sa likod, na medyo nasa 20 years old lang. Inabot ko sa kanya ang paper bag. "Kilala mo na si Ayradel diba? Nand'on siya sa room D07, ibigay mo 'to."
Hinawakan niya naman yung paper bag, pero tinignan niya ako ng parang naga-alangan.
"Sir, kakasabi niyo lang po kanina na kahit anong mangyari kayo ang mag-aabot niyan."
Tumingin lang ako sa kanya, at tinigil ang pagsipsip sa Zesto. Mabuti naman at nakuha siya sa tingin.
"S-sige, Sir. Ibibigay ko na po."
Sinundan ko ng tingin ang likod ni Jones. Aalis na sana ako para pumunta sa ibang lugar nang agad rin akong napatigil.
Napapikit ako kasi puro mukha ni Baichi ang naiisip ko.
Ano ba namang klaseng utak 'to.
"Aish," sambit ko bago napagpasyahang puntahan na talaga ang room na kinalalagyan ni Baichi. Tulad nga ng inaasahan ko, bumuo ng ingay ang pagdating ko. Pero natakot silang lapitan ako dahil sa apat pang MIB na nakasunod sa akin.
"Oh my gash! Ano yung iniinom niya?! Zesto juice?"
"Mygoodnesss! Ang hawt niya!"
"Bakit feeling ko gusto ko lang maging Zesto?!"
Umupo ako sa railings sa tapat ng Glass Window ng Room D07, at dahil nga makapal ang tao sa hallway eh, tinatakpan nilang lahat ang view na gusto kong makita.
Pati yung kaibigan ni Baichi nakikisiksik doon. Yung iba naman sa akin nakatingin. Tss.
Inis na sumipsip na lang ulit ako sa Zesto grape juice ko. Lumabas na rin si Jones mula sa room. Lumapit siya sa 'kin habang nasa gilid ko pa rin ang ibang MIB.
"Sir, pwede pa pong pumasok. Wala pa ang instructor."
Tinignan ko siya pagkatapos kong uminom sa Zesto. "Sinabi ko bang papasok ako?"
"Uh, baka lang po gusto niyo."
"Sinong nagsabing gusto ko?"
"Ikaw po."
"Ano?"
"Wala po. Haha!"
Si Jones ang madalas kong makausap ng ganito dahil malapit lang ang edad namin. Tinuring ko na ring kaibigan ang gagong 'to kahit minsan sumusubra sa pananagot sa akin.
"Tss," sumimsim ulit ako at tumingin sa ibang direksyon. Doon ko na nakita ang pagdating ng isang instructor.
"Hello, Mr. Lee!" sabi n'ong structor na malamang e kilala ako dahil dito siya nagtatrabaho sa amin.
Hindi nga ako nagkamali dahil kina Baichi siya nakaassign. Inutusan niya rin sina Jones na palayuin ang ilang mga taong dumidikit sa glass wall.
Unti-unti kong nakikita ang glass window, pati ang loob ng room.
Umawang ang bibig ko at pinakiramdaman ang pagkalabog ng dibdib ko. What the heck, nakakabakla. Kahit mukhang tanga e, sumisipsip ako sa Zesto kahit wala nang laman.
Takte. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ng ganito. What the hell is with me?
Binigyan ko lang naman ng pagkain si Baichi?
Napansin ko sa peripheral view ko na nakatingin si Baichi sa 'kin. Kinampay ko tuloy yung paa ko kasi takte, hindi ako mapakali. Ilang beses na akong napapalunok at napapaubo.
Gusto ko sanang unti-untiin ang paglingon kay Baichi, kaso baka mukhang gago lang kaya tumingin na lang ako ng tuluyan.
Mukha kang gago Richard Lee alam mo ba yun???
Nakatingin nga sa'kin si Baichi. Tss. Bigwasan ko 'to e, may patingin-tingin pang nalalaman e.
"Ya! Bakit ka nakatingin? Doon ka sa white board! Aish," sabi ko kahit hindi niya naman ako maririnig.
Tumawa siya, at hindi ko alam kung bakit nahawa ako. Natawa rin tuloy mag-isa t4ngina. Nalalala ko rin naman agad na bawal niya nga pala akong tignan, kaya tinaboy ko ulit ang tingin niya.
Tumawa ulit siya, pero pinigilan ko nang ngumiti. Then she mounted something.
"Saranghae." she mounted.
Takte. Ngayon nagsisisi na ako bakit ko ba sinabing thank you ang meaning n'on.
"Nado." I mounted too.
Tug dug tug dug tug dug
Watdapakkkkk!
Bakla ka ng taon!
"Sir, huwag ka masiyadong kabahan! Easy lang!" Singit ni Jones sa gilid ko.
"SINONG KINAKABAHAN?!"
"IKAW PO!" ABA'T SUMIGAW RIN ANG HAYUP! "Joke lang sir! Nakahawak ka kasi sa dibdib mo e, oh!"
Napatingin naman ako sa kamay ko na nasa dibdib ko at agad na inalis yun.
"Akala ko tuloy may Lupang Hinirang Ser e. Hehehehe!" dugtong niya pa.
"Tss! Tabi nga!" tinapik ko pa siya nung dadaan ako.
"Okay ka lang Sir?"
"Hindi." Sagot ko. "May sakit yata ako."
"Ha? Ano pong sakit?"
Nag-isip ako.
"Ubo."
Umubo ako at inabot kay Jones ang balat ng Zesto, habang iniisip pa rin ang nangyayari sa'kin. Pagkatapos ay tumayo ako. Hinawakan ko ang pulso ko habang naglalakad papunta kung saan.
It's beating abnormally.
I think I need to wind up.
*
Pagkabalik ko sa Room D07, ay tapos na ang 1st part ng competitions. Kinwento sa'kin ni Jones lahat ng naganap dahil nga hindi ako nanood.
Pinanood ko mula sa hindi kalayuan kung paanong niyakap nila Luisa si Baichi dahil ayon kay Jones, nakapasok siya sa Difficult Level ng Science Quiz bee. Ngiting-ngiti rin si Baichi so I get my phone right away and took a shot of her, smiling.
Hindi niya ako madalas ngitian ng ganyan kaya hindi ko papalagpasin 'yon.
Palaging asar sa akin e ang bait ko naman.
I smiled while I am staring at her picture. Lima lang yata ang picture niya sa phone ko. N'ong natulog siya sa balikat ko, some random shot, sa beach noong sinabi kong girlfriend ko siya, at yung ngayon.
I felt a sudden jump on my heart kaya napatigil ako sa pagtitig sa picture ni Baichi. Hindi ko alam kung bakit bigla bigla na lang akong kinakabahan.
Napahawak ulit tuloy ako sa pulso ko. Buhay pa naman pala ako.
Takte.
I was about to walk away, but then I saw a walking douchebag. Agad akong napangisi nang makita kong papunta siya sa likuran ng Cafeteria Building sa hindi kalayuan. I know MY school a lot at alam ko kung para saan ang lugar na iyon na pinuntahan niya.
Sinundan ko siya at napangisi, nang nasa bibig niya na at sinisindihan ang isang stick ng sigarilyo. Tumingin ako sa buong Freedom Parkβ ang lugar sa L.U na pwedeng manigarilyo ang mga mga teacher at estudyante, saka napansing kaming dalawa lang ang tao dito.
Nilagay ko ang dalawa kong kamay sa bulsa.
"The good boy is smoking," nakangising sabi ko kaya saglit siyang napatigil at tumingin sa akin. "Naninigarilyo ka pala? Hindi halata."
Nabuo rin ang ngisi sa kanya at ipinagpatuloy niya lang ang naudlot niyang pagsindi. Humithit siya saglit sa sigarilyo at ibinuga ang usok mula sa ilong.
"Bakit?" sabi niya. Habang parang nililibot ng tingin yung mga puno at yung fountain sa gitna ng lugar. "Pati ito kakainggitan mo? Bakit hindi mo ako gayahin?" Humithit ulit siya.
"Ano kayang iisipin ni Vivian sa'yo bilang anak niya?" Sabi ko at gusto kong tawanan ang gulat na ekspresyon sa mukha niya. Tatalikod na sana ako nang magsalita rin siya.
"You stalked me that much, na pati pangalan ng nanay ko alam mo na?" Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit hindi mo itry manigarilyo? I have extra stick here,"
"Hindi mo ako kasing gago."
"Bakit, natatakot ka? Wala ka naman nang nanay diba? Wala nang magbabawal sa 'yo, c'mon. Wala rin namang pakialam ang tatay mo sa 'yo."
Pinagpatuloy ko lang ulit ang paglalakad dahil wala namang kwenta ang pinagsasabi niya.
"Dboy," Paghabol niya pa. "Tungkol kay Ayra. May gusto ka ba sa kanya?" biglang tanong niya kaya doon na ako tuluyang napaharap ulit. "Alam mo, kung may balak kang masama..."
"Paano kung gusto ko nga siya?" nang-aasar na sagot ko. "Saka bakit parang apektado ka yata? Wag mong sabihing, may gusto ka rin sa kanya?"
Ngumisi rin siya, hanggang sa naging tawa na nangiinsulto, kaya naman parang nagsiakyatan sa ulo ko lahat ng dugo ko sa katawan. Pero hindi niya pwedeng mahalatang naaasar ako kaya mas lalo akong ngumisi. Humithit ulit siya sa sigarilyo pagkatapos ay itinapon na iyon sa lupa.
"Of course not." sabi niya habang tinatapakan yung sigarilyong tinapon niya. Nanginig ang kamao ko habang tinitignan ko ang ngisi niya. "Hindi siya yung tipo ng babaeng magugustuhan ko. Sa totoo lang... wala talaga akong gusto at pakialam sa kanya. Katulad mo, pinaglalaruan ko lang rin ang nararamdaman niya para sa 'kin. Nakikita mo naman kung gaano niya ako kagusto diba?" Napatigil ako sa paghinga. "Yung tipong iiwanan ka niya para lang makasama niya ako---"
"P*TANGINA MO!" bigla na lang nandilim ang paningin ko at namalayan na lang na lumipad na pala yung kamao ko papunta sa mukha niya. Nawalan siya ng balanse kaya napahiga siya sa lupa habang nakatayo pa rin ako at naghahabol ng hininga sa harapan niya.
Nakangising pinunasan niya gamit ang hinlalaking daliri yung dugo sa gilid ng labi niya saka siya tumingin ulit sakin.
"Ano bang ikinagagalit mo? Pareho lang naman tayo eh, diba?" sabi niya.
Lumapit ako sa kanya kahit na nakahiga pa siya sa sahig. Hinapit ko siya sa magkabilang kwelyo, pero hindi pa rin nawawala ang pag-ngisi niya.
"Tngina! Anong balak mo kay Ayradel ha?!" sinuntok ko ulit siya sa mukha. Dalawa. Tatlong beses. Hanggang sa mawala sa mata niya ang salamin niya.
Hindi ako sigurado kung saan sa mga sinabi niya uminit ang dugo ko pero damang-dama ko ang galit at parang gusto ko lang siyang suntukin ng suntukin hanggang mabura ang mukha niya. Wala akong pakialam kung sino pang makakakita.
"Hindi ako ang may balak gawin dito," sagot niya. Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kwelyo niya. Dinura niya pa ang dugo sa bibig niya habang hindi nawawala ang ngisi. "Diba ikaw ang may balak na agawin sa akin lahat? Pero hindi mo 'yon magagawa kasi hindi mo siya makukuha sa 'kin. Hindi mo makukuha sa 'kin ang laruan ko!"
Mas lalong nandilim ang paningin ko kaya sinuntok ko ulit siya ng ilang beses hanggang sa maramdaman ko na lang na may humawak sa likod ko at nilayo ako mula sa gagong iyon. Hindi ako nagpatinag at nagpatuloy pa rin sa pagsuntok.
"RICHARD!" Napalingon ako sa likuran ko at nakita ang nag-aalalang mukha niya. Si Luisa at ilan pang mga estudyante ang may hawak sa akin. Tumataas-baba ang dibdib niya bago siya napatingin kay Gamboa na nakahiga ngayon sa lupa. "Oh my God..." Halos pabulong na sabi niya at napatakip sa bibig. "J-Jayvee... Anong nangyayari?!"
Marahas kong binitawan ang pagkakahawak ko sa kwelyo ni Jayvee at mabilis pa siya sa kidlat na pumunta sa harapan ng gagong yon.
Huminga ako ng mabibigat. Akala ko sa akin siya lalapit pero, t.ngina, doon pa siya sa Gamboa na 'yon nag-alala!
Tinignan ko kung paano niya haplusin ang mukha at buhok nito. Bago niya ako nilingon.
"ANO BANG PROBLEMA MO?! BAKIT MO SIYA SINUNTOK NG GANITO?!" sigaw niya sa 'kin.
Parang biglang may sumuntok sa kaliwang dibdib ko kaya nakuyom ko ang kamao ko. Tinignan ko si Gamboa na duguan ang bibig at puno ng pasa ang mukha, bago ko hindi makapaniwalang tinitigan si Ayradel, na galit na galit na nakatingin sa akin ngayon.
It seems like she hates me like hell.
She hates me so much.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito kagalit. Nagalit siya dahil sinaktan ko si Jayvee. Sinaktan ko yung lalaking gusto niya.
"Fuck." Narinig ko na lang ang sarili kong ngumingisi at humahalakhak ng sarcastic, hinawi yung mga kamay na nakahawak sa likod ko, bago ako umalis sa harap nilang lahat.
Pinunasan ko pa ang mata ko na nabasa. Hindi ko alam kung ano ba 'tong sakit sa dibdib ko. Tangina, nakakaloko. Ayoko ng ganito.
Maraming estudyante akong nababangga pero wala akong pakialam. Naglakad ako nang gulo ang buhok at polo. Wala akong pakialam. Lumabas ako ng school at sumakay ng dala kong motor saka ko 'yon pinaharurot ng takbo.
Wala akong pakialam kahit makasagasa o masagasaan pa ako.
Dahil gago na kung gago. Gago naman talaga ako eh.
Pero kung gago ako... mas gago ang Gamboa na 'yon.
*****