Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 47 - Chapter 37 (1)

Chapter 47 - Chapter 37 (1)

Chapter 37.1: Vase

Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa 'yung teacher na rin mismo namin ay nagpaalam at lumabas. Ang ilan sa mga kaklase namin ay nagu-unahan na sa may pintuan pero kaming dalawa ni Richard ay hindi pa rin gumagalaw.

Para akong nababato lalo na ang kamay ko. Hindi ako makagalaw, kasi kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong tinititigan niya ako ngayon.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa inamin ko sa sarili ko. Ilang taon ko ring gusto si Jayvee, hindi ako makapaniwala na sa ikli ng oras na magkasama kami ni Richard ay makukuha niya ang loob ko ng ganito.

"Ayradel..." Pambasag niya sa katahimikan sa pagitan namin, pero nananatili pa rin ang mata ko sa sahig at ang kamay ko sa kamay niya. "Saranghae." namaos ang tinig niya.

Napalunok naman ako sa kaba. Bakit kakaiba ang dating sa akin ng simpleng thank you niya?

"Ha?"

"Neoleul chowahae. Aniyo. Neoleul... saranghae."

Hindi ko naintindihan pero bakit sobrang pumupula yung pisngi ko.

"Ayaw mo bang malaman kung anong ibig sabihin ng sinabi ko?" tinitigan niya pang maigi ang mata ko.

"A-ano?"

Pinigilan kong huminga habang hinihintay siyang magsalita.

"Besty!" Automatic na naglayo ang mga kamay namin kasabay ng pagsulpot ni besty sa harapan namin. Napadpad pa ang tingin niya sa naghiwalay naming kamay kaya naman uminit ng husto ang pisngi ko. "Uh, ehem. Ano, besty? Tara na? Kain muna tayo baka ma-late ka sa Science Quiz Bee."

Tumikhim ako at tumango rin.

Naiinis ako! Hindi ko alam kung sa sarili ko o sa pagsingit ni besty! Pero mali 'to! Argh!

"S-sige," kinuha ko ang backpack ko nang hindi lumalapat ang tingin sa katabi ko. Naglakad kami palabas ng room ni besty, pero hindi pa man kami nakakalayo e biglang nag-ring ang phone ni Lui.

"Hello?"

Tulala akong nagpatuloy sa paglalakad at iniwan si besty doon na may kausap. Nasa dulo na ako noon ng hallway nang sinubukan kong lingunin sana si Besty, pero agad na lumundag ang puso ko nang makita si Richard na naglalakad papuntang direksyon ko.

Nakatungo siya at mabagal na naglalakad. Nang makita niya ako ay natigilan siya kaya naman mas lalo lang akong kinabahan.

Binilisan ko ang pagliko at pagbaba sa hagdanan ng building.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at ang gusto ko lang ay ang medyo makalayo. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin ngayong alam ko na sa sarili kong gusto ko siya! Gusto ko siyang iwasan dahil ang weird sa pakiramdam!

Kahit kay Jayvee ay hindi ko pa yata nararamdaman 'to!

Narating ko ang exit ng building at saglit na binagalan ang paglalakad upang huminga. Lumingon ulit ako sa likuran para tignan kung nakasunod ba si Richard...

nang biglang may bumagsak na matigas na bagay sa ulo ko dahilan para mahilo at matumba ako sa lupang kinatatayuan ko.

.

.

.

Nadama ko ang kirot sa ibabaw ng ulo ko. Nilagay ko ang kamay doon at nang tignan ko ay tumambad ang kulay pulang bagay.

Dugo...

Unti-unting lumabo ang aking paningin pero bago 'yon mangyari e nakita ko pa ang pagsilip ng isang babae sa second floor na building.

.

.

Blurred ang paligid noong dumilat ako. Medyo dama ko pa ang kirot sa itaas na bahagi ng ulo ko kaya muli akong pumikit. Nang idinilat ko ang mata ko ay doon na lang naging malinaw ang puting ceiling na tumambad sa harapan ko.

Kunot-noong ibinaba ko pa ang tingin sa kapaligiran para siguraduhin kung nasaan ako. Sigurado akong nasa clinic ako ng Tirona High, pero bakit para akong nasa ibang lugar? Ang lambot rin ang kamang hinihigaan ko. Pagkakatanda ko, hindi naman ganito kalambot ang kama sa clinic ng school namin.

Inilibot ko pang muli ang aking paningin hanggang sa pumasok mula sa pintuan ng kwarto ang isang lalaking nakaputi. Dahil d'on ay agad akong kinabahan dahil hindi pamilyar ang kanyang mukha. May edad na siya na sa tingin ko ay nasa 40. Saka lang ako nakahinga ng maluwag nang makita ko ang uniporme niyang pang-doctor, pati na rin ang pagpasok sa silid ng gwapo pero bading na Nurse ng Tirona High. Ngumiti sa akin 'yong doctor at hinawakan yung bandang ulo ko.

"How are you feeling?" tanong nito saka ko naramdaman ang pagtanggal niya ng bandaid mula dito.

"Hm, okay lang po. M-medyo, nahihilo lang." Medyo nahihiyang sagot ko. "Uh, bagong doctor po kayo ng school?"

"Tanggalin na natin 'tong bandaid para mas makahinga 'yong sugat sa ulo mo. Mabuti na lang, hindi sa sentro ng ulo mo tumama ang vase, kundi..."

"Vase po?"

Tumango siya. "Yes, 'yong matigas na klase ng vase. Mabuti at sa gilid lang iyon tumama." Natikom ko ang aking bibig habang dinadama ang sakit ng sugat. "Actually, doon sa tanong mo kanina, nope. Hindi ako doctor ng Tirona High. Doktor ako sa Lee University, inilagay lamang ako dito upang gamutin ka."

Ibig sabihin, doktor siya nila Richard Lee.

Hindi pa man ako nakakapagsalita muli ay bumukas ang pintuan ng clinic at iniluwa nito ang mga pamilyar na mukha ng mga kaklase ko.

Si Jae Anne, kasama ang ilan na naman sa mga kaklase namin.

''Kakatapos lang ng klase, kaya ngayon lang kami nakapunta dito,'' parang nahihiya si Jae nang ilapag niya ang styro na dala niya sa side table. Gumilid naman sina Doc at 'yong nurse. ''Okay ka na?''

Ngumiti ako ng kaonti, dahil na rin sa hiya.

''Oo, thank you, ha?''

Ngumiti si Jae Anne, at saka muling may iniluwa ang pintuan. Si Jully, Zhien, at Jecel.

Mataray pa rin ang aura nila. Tumabi si Jae Anne, para bigyan sila ng daan papunta sa akin.

''Huwag mong isiping nandito kami dahil nagaalala kami sa'yo. Nandito kami, dahil sa amin sinisisi ang nangyari sa iyo. Gusto naming linisin ang pangalan namin.''

Tumaas ang kilay ni Jully habang naka-cross arms.

''Anong ibig niyong sabihin?''

''Wala ka bang nakita bago ka pa mawalan ng malay? Kung sino gumawa sayo nito?'' Ani Jecel.

Agad na sinaksak ang puso ko, nakita ko kung sino, pero hindi ko matanggap.

Napatingin ako kay Jae Anne na nakikinig lang sa amin ngayon, saka ako umiling-iling.

''Sigurado ka?'' Paguusisa ni Zhien.

''Oo,''

''Nasaan ang magaling mong bestfriend ngayon? Bakit wala siya dito?''

Hindi ako nakaimik... bakit parang may kahulugan ang bawat tanong nila?

''Mag-ingat ka, Ayra. Nalaman ko ang history niyo ni Luisaㅡ at alam mo kung anong nalaman ko?'' Sabi pa ni Jully habang lalong lumalapit. ''She hated you, like how we hate you. Sipsip ka raw, pabibo, malandi. Alam mo ba 'yon?''

Nagsimula nang lumabo ang mga mata ko dahil kahit ayaw kong tanggapin, tumatagos sa puso ko lahat ng sinasabi nila.

''Sabagay, hindi mo malalaman, napakagaling umarte niyang si Luisa e.''

Humalakhak siya na lalong naging dahilan ng paghagulgol ko. Naramdaman ko rin ang hapdi ng ulo ko pero mas masakit ang nasa puso ko.

''Tama na iyan, Miss. Hindi makabubuti sa kanya ang umiyak.'' Pagsingit n'ong doctor, ''Mas mabuti kung umalis na muna kayo.''

''Tandaan mo ang mga sinabi ko sa'yo, Ayra. Peke ang Luisa na 'yan.''

Bago pa sila umalis ng kwarto kasama si Jae Anne, at ilan sa mga kaklase namin. Narinig ko pa ang pagkasindak ng mga kaklase naming kasama ni Jae Anne, malamang ay kumalat agad sa buong klase ang balita.

''Magpahinga ka na muna,'' ani ng doctor.

Ilang minuto pa ay agad na lumipad ang paningin ko sa kumalabog na pintuan at iniluwa nito si besty. Mabilis siyang lumapit sa aking tabi para yakapin ako kahit nakahiga pa. Tumambad ang naga-alala niyang mukha nang harapin niya ako. Magulo rin ang neck tie at buhok niya na para bang nanggaling siya sa isang away.

Pulado rin ang mga mata niya na halatang galing sa iyak.

"Anong nararamdaman mo, besty? Okay ka na ba?"

''O-oo,'' pilit kong sagot.

''Kakagaling lang nila Jully dito, anong ginawa nila sa 'yo?''

Umiling ako, saka nilunok ang bikig na nagpapasakit sa lalamunan ko.

Doon ko rin napansin ang paglitaw ni Suho sa gilid ko, at ang paglabas ng doctor sa kwartong ito.

Tinititigan ko lang sa mata si Lui, na ikinakunot ng noo niya. Punung-puno ng tanong ang mga mata niya habang naghihintay ng sasabihin ko.

''I-ikaw ba?'' napakurap siya nang magsalita ako. ''Ang gumawa nito sa akin, Lui?''

Ikaw nga ba? Dahil ikaw ang taong nakita ko bago ako mawalan ng malay.