Chereads / I LOVE YOU SEATMATE (Tagalog) / Chapter 43 - Chapter 34

Chapter 43 - Chapter 34

Chapter 34: Itutuloy o Itutuloy?

Richard's Side

Inikot-ikot ko yung balikat na parang minurder ni Baichi. Hindi naman sobrang sakit pero medyo napapangiwi ako sa sakit.

Basta.

Noong natanaw ko na papasok na ng classroom si Baichi ay napahawak ulit ako sa balikat at nagkunwaring nasasaktan pa rin.

Halata naman sa kanya ang pagkagulat nang makita ako. Hehe.

"A-ang arte mo naman! Mahina lang naman 'yon e!"

Tss. Wala man lang pakialam sa akin 'to.

"Tsk. Akala mo lang mahina!" sagot ko. "Hindi ka kasi nagdadahan-dahan. Hindi ako nagbibiro n'ong sinabi kong masakit balikat ko."

Gusto ko na lang matawa kasi parang sobrang nakokonsensya na siya! Hahahahaha!

"Tsk."

Mas lalo ko panginasahe yung balikat ko na parang nasasaktan.

"S-sorry. A-akin na nga!"

"Ano?!" sabi ko.

"Tumalikod ka! Mamasahi-in ko na ng totoo."

Napangiti ako pero inalis ko rin agad.

"Wag na. Baka bugbugin mo na naman-"

"Hindi na. Tsk."

Ngiting tagumpay na tumalikod ako sa kanya para ipamasahe yung likuran ko. Hahahahaha! Ayos... Mas okay pa 'to kesa sa mga pinagmamassage-an ko ah?

"Tama na! Tuwang tuwa ka na e!"

Binitiwan niya na yung balikat ko kung kailan malapit na akong makatulog. Tss. Yun pala ay nandyan na si Ma'am na lumabas lang saglit kanina.

Tsk. Istorbo ka Ma'am e!

Nagturo na nga yung teacher namin at halos wala akong natutunan. Palagi lang akong tumitingin sa katabi kong hanep kung makinig. Parang wala na siyang ibang nakikita kundi 'yung teacher namin. Minsan kahit asarin ko siya wala nang epekto sa kanya.

Tsss.

Nang mag-recess ay madalas na si Fern ang kasama ko. Wala nang masiyadong babaeng sumusunod o pumapaligid sa akin dahil nasabihan ko na ang principal ng school na 'to na sabihan ang mga estudyante na ayaw ko na ng gan'on.

Nasabihan ko na rin sila na ingatan si Baichi, na baka siya naman ang balikan ng mga babaeng may gusto sa akin.

Bago pa makatayo mula sa upuan si Baichi ay hinigit ko na ang braso niya.

"Oh?" aniya.

"Recess." sabi ko.

"Ha? E magrerecess naman talaga ako e."

Oo nga. Ang gusto ko, samahan mo ako. TSSSSSSSSS! Kailangan ko pa bang sabihin baichi?!

"Kaya nga. Sabay tayo."

"S-Sige..." sabi niya at hinintay niya ako.

hindi ko binitawan ang braso niya habang kinukuha ang wallet sa bag ko.

"Hoy ano yan?!" napalingon naman ako kay Luisa na akala mo nakahuli ng nagdadrugs kung sumigaw.

Agad naman binawi ni Baichi yung kamay niya sa akin.

Nainis ako. Tss!

"R-recess tayo besty?" sabi ni Baichi na kay Luisa na nagcling ng braso niya.

Diretso lang ang tingin sa akin ni Luisa habang taas ang kilay.

"Hmmmm... Talaga kayang may balak kayong yayain ako? Okay lang rin naman kung kayo lang?"

Ang galing rin umamoy nito e. (,- -)

"Tara na besty!"

Tinignan ko naman ng masama si Baichi na si Luisa lang ang hinila. Tss.

Ako nag-aya sa 'yo e.

Nakarating kami ng canteen na nasa likuran nila ako nakasunod. Silang dalawa lang ang naguusap tapos minsan ay patingin tingin lang sakin si Luisa.

"Treat mo ba, ha, Richard? Hehehehehe!" sabi ni Luisa. Saka naman dumating si Suho na tumatakbo. Agad niyang inagaw si Luisa sa min, pero sa iisang table lang naman kaming lahat pumwesto.

"Honey!!! Bakit ka magpapalibre kay RJ e nandito naman ako! Ang mister mo!"

"Yaaaak! Lumayo ka sa akin! Anong mister?!!?!"

"Pfft!" napatingin ako kay Baichi na natatawa na habang nakatingin sa kanila.

Medyo natigilan ako... ewan ko. Bigla akong kinabahan. Recently talaga ay may nararamdaman akong kakaiba.

"Order na ako." sabi ko na lang kaya napatingin silang tatlo sa akin.

"Sige. RJ. Ikaw na lang magdecide ng kakainin. Hehehehe!" sabi ni Suho.

"Tignan mo. Ikaw pala talaga yung magpapalibre."

"Babayaran ko yon Honey!"

"Utot mo!"

"Ang bastos mo Honey may kumakaiiiiin!"

Pumunta na lang ako sa counter. Pagtayo ko pa lang ay nagkaroon na ng commotion.

"Siiiii Richarddddd!"

"OMGEEEEEEE!!!"

"Pwede ko kaya siyang lapitan?!?!"

Hindi ko na lang inintindi at pumili na ng mga pagkain. Kasama na r'on yung exclusive na pagkain na para sa akin. Natatandaan ko pa yung pagkain na to.

Eto yung pagkain n'ong unang beses na nakasama ko si Baichi dito sa Canteen. Hahaha!

Ilang minuto pa ay dinala na ang mga ulam at pagkain sa table namin.

"Ay, ang bongga namang recess 'to parang lunch?" sabi ni Luisa.

Ngumisi lang ako at nilagay sa harap ni Baichi yung ulam na gustong-gusto niya dati. Yung first time na nakasama ko siyang mag-canteen.

Tinignan niya lang ako kaya medyo natawa ako.

"Tss. Paghihiwain mo na naman ako?"

"Hahahahahaha! Hindi sa'yo na yan."

"E sayo 'yan e?"

"Tss. Sawa na ako."

"Kung ayaw mo besty sa akin na lang." singit ni Luisa at akmang tatayo nang humawak na ng kutsara si Baichi at sinimulan nang kainin yung pagkain.

Natawa ako sa isip ko.

Nagsimula na kaming kumain lahat.

Kumakain kami nang magkaroon ulit ng konting ingay. Pumasok sa canteen si Vboy. Tss. Hindi ko na sana papansinin nang magsalita si Luisa.

"Omg si Jayvee, bes-" natigilan siya nang magkatinginan kami. Mukhang narealize na kasama niya na kami ngayon ni Suho. "Ay sorry! Nasanay akong kaming dalawa lang palagi ni besty nagrerecess e! Hehehehe!"

Hindi ko alam kung bakit tumingin sa akin si Suho. Tingin na may ibig sabihin.

'Ano?'

Tatanong ko sana pero umiwas na lang ako ng tingin. Tumingin ako kay Baichi na pinagpapatuloy lang ang pagkain.

Nakaramdam ako ng inis.

So kapag kayong dalawa lang ni Luisa, si Jayvee pinaguusapan niyo ng ganito?!

Isang malaking TSS.

Ano naman?!

Buong araw tingin ko ay badtrip ako. Tahimik ako sa classroom. Hanggang paguwi.

Napansin rin 'yon nila Suho, at lalong lalo naman ni Karl na napaka-tsimosa.

Hindi ko sila inintindi lahat.

Malala na 'tong nararamdaman ko kung anuman 'to.

Inggit? Selos?

Kung ipagpapatuloy ko pa 'to talagang mamalasin ako.

"Itutuloy mo pa ba 'to Richard Lee?" tanong ko sa sarili ko.

Kumuha ako ng coin at tinitigan ito.

"Kapag head, titigil ka na. Kapag tail, ipagpapatuloy mo..."

....saka ko hinagis yung piso. Dahan-dahang kong tinignan ang lumabas...

at ang lumabasssssssss...

ay

Head.

"Ha! hahahahaha! Practice lang 'yon. Eto na talaga." sabi ko saka hinagis ulit yung barya.

Head ulit.

"Hindi. Practice lang yun ulit. Eto. Eto. Eto na ulit yung totoo."

Hinagis ko ulit at ang lumabas ay...

...to be continued.