Ayradel's Side
"Ha?"
"Sabi ko... Pwede ka nang tawaging tao." ngumisi pa siya lalo na noong naningkit ang mata ko.
"psh."
"Anyway, thanks," iniabot niya sa babae ang card tapos nang ibinalik sa kanya ay hinawakan niya nacnaman ako sa braso at hinila palabas. "Tara na."
"Teka. Naman!" saway ko at halos masubsob na ako sa bilis niyang maglakad. May takong pa naman 'tong sandals na pinasuot sa akin! Walang awa!
Ang suot ko kasi ngayon ay fitted dress na kasing kulay ng tiger's skin. Umaabot ito hanggang gitnang hita ko na tinernuhan ng black leather jacket.
Naka-all black naman ang kumag, at aminin ko man o hindi, talagang nadala niya 'yon ng maganda.
Hindi na siya nagsalita. Patuloy lang kami sa paglalakad. Binati at pinagbuksan pa kami ng pintuan ng kotse ni Kuya Maximo bago kami sumakay.
"Lee-ntik, saan mo ba talaga ako dadalhin? Saka bakit ganito pa ang suot, ha?"
"Sa party."
"Anong party? Bakit mo naman ako isasama sa isang party?"
"Sa—" natigil ang bibig niya sa pagiging half open. "Aish, mamaya ko na sasabihin."
"Bakit?"
"Basta, Baichi, ako'ng bahala sa 'yo."
Nilingon ko siya at tumalbog naman ang dibdib ko sa ngiti niya. Tsk.
Lumipas ang minuto at tumigil na ang sasakyan sa tapat ng isang....
Hotel?!
Biglang kumabog ang dibdib ko, lalo na nung pinababa niya na ako ng kotse.
"H-hoy, teka. A-anong g-gagawin natin dito?" tanong ko. Tinignan niya ako ng seryoso at hinila nanaman. "Hoy! T-teka lang!"
"Tsk. Kakain." sagot niya na parang naiirita d'on sa tinanong ko.
I gulped. Nanlaki ang mga mata ko habang hila-hila niya pa rin ako, pinaprocess sa utak ko yung sinabi niya.
K-kakain? Aning ibig sabihin niya sa salitang 'kakain ?!
Shiz!
"E-eh diba... diba h-hotel 'to?" sabi ko. Tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil rin sya. "A-ayoko na. Iuwi mo na ako-"
"Wala nang atrasan, Baichi." nagsitayuan ang mga balahibo ko nang tinignan niya ako ng seryosong-seryoso sa mata.
Mukha siyang galit na ewan kaya medyo natakot at napaatras ako. Hinawakan niya ulit ako sa may pulso at hinila na naman. Nabigla ako dahil bigla na lang lumitaw sa may likuran namin ang mga men in black na sumusunod sa paglalakad namin!
Shiz, please tell me what is happening?
"Ito tatandaan mo sa loob, Baichi." kinakabahang napatingin ako sa kanya. "Stay calm and act natural. Ako na'ng bahalang gumalaw."
"PERVERT!"
Agad akong lumayo sa kanya na siya namang ikinagulat niya. Kumalabog na naman nang husto ang dibdib ko, kasabay ang paginit ng pisngi ko sa naging reaksyon ko.
"I mean..."
"What the hell are you thinking exactly, Baichi?" lumobo ang pisngi niya na halatang nagpipigil ng tawa. "Di ko alam na ganyan ka ka-green minded!"
"K-kasi... ikaw kaya! Wala naman akong iniisip ah?!" giit ko pa.
"Really, eh?"
"Ang tawag doon ay nagi-ingat! Sa sinasabi mong favor mo na 'to, tingin mo sinong hindi kakabahan?!"
"Okay, I'll explain. Sabihin mo sa akin lahat ng mali kong nasabi." tatawa-tawa niya pang sabi.
Napanguso ako sa kahihiyan at tumingin sa ibsang direksyon.
"Yung... kakain sa hotel. Yung... ikaw yung g-gagalaw..."
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!"
Bigla ba naman siyang humagalpak ng tawa!
Inis na pinagmasdan ko silang lahat, maging 'yong mga MIB e tumatawa na.
Noong makabawi at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. Malawak pa rin ang ngisi niya pero ngayon tingin ko ay kaya niya nang magsalita kumpara kanina na tawang-tawa.
"Sinabi kong kakain tayo sa HOTEL, kasi kakain naman talaga ng PAGKAIN. Restaurant ang ground floor nito." pinagdiinan niya pa talaga ang dapat pagdiinan. "And about sa, ako nang bahalang gumalaw... It is... Baichi. This is the favor I want to ask you earlier..."
Napalunok ako.
"Alin d-dito?"
"I want you," sumisikip ang paghinga ko sa bawat sambit niya ng salita. "..to be my girlfriend. This night."
Matinding katahimikan ang namayani sa paligid. Habang nakatingin siya sa akin at inaabangan ang sagot ko.
"Ha?"
"I want you to be my girlfriend, just this night."
Nalaglag ang panga ko.
"I... I..."
"You what?" aniya. "Baichi, just this time. Napansin mo bang these past few days ay palagi akong wala? It is because of my problem. I just need your help. And after, I'll give you one thing that you want."
"Pero... yung mama at papa ko, pano pag—"
"Hindi lalabas ang balita." panigurado niya. Mahabang pagtitig ang ginawa ko, bago muling dumisplay ang ngisi sa mukha niya. Hinawakan niya ako sa balikat. "I'll take that as a yes."
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong nagpahila. I suddenly trust him.
Nang makapasok kami sa loob ay napapikit ako dulot ng ilaw, at pagdilat ko ay parang modern paraiso ang tumambad.
Red carpet at eleganteng chandeliers ang bumungad sa amin. Bumaba pa kami sa ground floor gamit ang isang eleganteng escalator, at pagkababa ay round and tall tables ang siyang bumungad.
Medyo yumuko pa ako at nagtago ng kaonti sa likuran ni Richard dahil pakiramdam ko e, lahat ng taong nasa tables na, ay nalipat sa amin ang atensyon. Dagdagan pa ng mga karesperespetong mga businessman and women, mga magagandang babaeng nakasuot ng eleganteng dress, at mga media na walang humpay sa pagkuha ng mga litrato sa bawat sulok.
"Is that Richard Lee?"
"Bakit may kasama siyang iba?"
"Oh, is she the lucky girl?"
Halos sunod sunod ang ginawa kong paglunok.
Para akong nasa teleserye lang. Sobrang ang yayaman tignan ng mga tao, na anytime e magmumukha kang basahan.
Ganto pala talaga kalaki ang mundong ginagalawan ng isang Richard Lee. Walang wala ang nakasanayan kong mundo.
"Nabigla ka ba?" aniya habang elegante kaming naglalakad kung saan. "Chin up, you are the prittiest."
May kung anong tumalbog sa dibdib ko, samantalang ginaearan niya naman ako ng matamis na ngiti. Ganoon rin ang ang ngiti niya habang tinitignan ang mga tao.
Magsasalita sana ako nang nadistract ako dahil sa isang flash ng camera. Napatingin ako sa paligid at ngayon lang nagsink-in sa 'kin ang mga nakikita ko kanina pa.
"Bakit may mga medias? Akala ko ba—"
"Just trust me, may umaasikaso na sa kanila."
Napansin ko nga ang mga tauhan niyang nasa paligid.
"But, as I've said earlier. We can't turned back." sabi niya nang tinangka kong umurong. "Stay calm. Ako'ng bahala sayo."
"Pero-" bumaba ang kamay niya mula sa pulso ko papuntang kamay.
Ininterwined niya ang mga iyon.
Shit, tama ba 'to?!
Hindi ko alam kung bakit ang weird ng pakiramdam ko ngayon, o dahil siguro ay first holding hand ko 'to.
Narinig ko ang halakhak niya.
"I don't know, I should be serious now. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako." aniya na nagpanguso sa akin.
"Pinagtatawanan mo ba ako?"
"What? No." saka siya tumawa.
HAHA! Tss.
Ang ilaw ay eleganteng dilaw, na minsan ay nagfe-fade into black. Paiba-iba ang lightings pero hindi naman parang sa Bar.
Ang magical.
"Ano bang meron ngayon dito? Saka saan tayo pupunta?"
Sobrang laki ng lugar na parang hindi na kami natapos sa paglalakad. Plus ang bagal pa naming maglakad. Dahil siguro literal na nasa red carpet kami.
"Engagement party." sagot niya.
"Nino?"
Bago niya pa nasagot ay napansin ko ang lahat ng mga tao sa daraanan namin ay nagsisihawian. Ramdam na ramdam ko pa ang pagtitig nilang lahat lalo na nung mga camera man.
Alam niyo yung feeling na pwedeng mapahamak ako dahil nakikita ng lahat na ka-holding hands ko ang isang Richard Lee, pero a part of me ay ayaw tanggalin yon? Hindi ko alam pero parang nawala ng konti ang kaba ko nang hawakan niya ang kamay ko.
Kinagat ko ang labi ko. Nagpakawala ako ng hangin at tumungo dahil sa hiya.
Hanggang sa makita ko na lang ang sarili naming tumigil at tumayo sa tapat no'ng center table nang marating namin ito. Parang nagkaroon ng commotion dahil sa paglapit naming iyon. Sari-saring opinyon at flash mula sa camera.
Unang tumingin sa pagdating namin ay yung may-edad na lalaking nakaharap. Nakatalikod kasi sa direksyon namin yung tatlo pang kasama nito sa table.
"Speaking of the devil," nakangising sabi nung lalaking nasa-edad 40 na yata habang hawak ang glass of wine. Naka-tuxedo siya at sa hitsura pa lang ay mahahalata mong malaking tao ito.
Lumingon din sa amin yung dalawa pang nakatayo sa tall round table na yon. Katulad ng nakararami ay naka-business attire rin sila. Samantalang, ang mga babae naman ay naka-dress.
Tinitigan ko pa yung nagsalitang lalaki kanina, dahil mukhang itong pamilyar.
"Son." medyo mariin ang pagkakasabi nito ng salitang iyon.
What the—
Nanlaki ang mga mata ko kasabay ang mabilis na pagtibok ng puso habang pinagdarasal na sana mali ang nasa isip ko.
I'M DOOMED!
Siya ang tatay ni Lee-ntik. Si Alfred Lee. Ang DepEd Secretary!
"And who's this girl with you? Ano na namang palabas ito?!" tanong muli nito nang nakatingin na sa mga kamay naming magkahawak.
Medyo umatras ako para makapagtago sa likuran ni Lee-ntik dahil sa takot sa tatay nya. Hindi ko inaasahan na mas nakakatakot ang aura nito sa totoong buhay at sa harapan.
Hindi kamukha ni Lee-ntik si Sir Alfred Lee. Kung may pagka-inosente ng kaonti ang mukha ni Richard, ma-autoridad naman ang dating ng tatay niya. Nakakatakot, to the point na manginginig talaga ang tuhod mo pag tinignan ka na nya.
"What the hell is going on-" Bigla namang may dumating na babaeng suot ang violet na cocktail dress, na agad ring napatingin sa kamay namin ni Richard.
"B-babe..." Bakas sa mukha ng babae ang pagkabigla. Parang nangilid rin ang luha sa mata niya, habang diretso ang tingin sa amin.
Ang iba naman ay blangko lang ang mukha na parang normal na lang itong nakikita nila.
"W-what's the meaning of this, huh? Bakit... I thought we are okay?"
"R-Richard..." bulong ko at mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko.
"She's my girlfriend." sagot niya sa itinanong nung babae.
Agad akong napalunok at sa tipo pa lang ng mga titig nila ay parang gusto ko nang bawiin agad ang sinabi ni Richard.
Shocks ano ba 'tong pinasok kooooooooooo?!
Dumaloy ang kuryente sa buong katawan ko— nang gumapang mula sa kamay ko ang kamay niya papuntang waist ko. Hinigit niya pa ako lalo palapit sa kanya. Halos marindi naman ako sa mas lalong nabubuong komosyon sa paligid at sa sari-saring pag-click ng mga camera, habang blangko pa rin ang ekspresyon ng mukha niya.
Tigilan mo naaaaaaa!
Hindi ko na alam ang dapat gawin. Hindi naman namin plinano ito at hindi ako sanay na magsinungaling.
"No..." tumawa ng pilit at mapait yung babae at umiling-iling. "You're kidding, r-right? You can just pick up a girl anywhere na pwede mong sabihing girlfriend mo, Richard! You are kidding!" Halata sa kanyang naiiyak na siya pero hindi siya inintindi ni Richard.
Tumikhim ay isa sa mga katabi ni Sir Alfred Lee. "Hijo, kung nabigla ka sa desisyon namin na ipakasal ka kay Anicka, maaari naman nating i-cancel itong kasal ninyo. Love can always wait."
"That's the thing, Sir." natigil sila sa pagsasalita ni Richard. "I don't love her."
"RICHARD!" Anicka.
"I'm sorry."
"But our family is a perfect partner, Hijo—"
"Marriage. Is not a business. Sir." sambit niya habang nakatitig kay Alfred Lee. May diin sa bawat salita niya. "I don't like to hurt your daughter Mr. Montenegro but I won't marry her just because of our business..." sabi niya at tumingin sa paligid bago dumiretso ang titig nya sa mga mata ko. "And I will never... marry someone that I am not inlove with."
Napapikit at dilat ako.
Si Lee-ntik ba 'tong katabi ko?
"Please, Mr. Montenegro. For your daughter. Don't let her marry someone who didn't love her back." Dugtong pa niya.
"What are you saying, hijo?" Sabi n'ong Mr. Montenegro. Mataba ito ay puti na ang buhok. "You are also a product of arrange marriage, did you remember?"
"Yes. And we are not happy." Nakita ko kung paano siya bahagyang yumuko. Natahimik ang lahat ng tao. "I'm so sorry, Sir. I will end it here."
Hihilahin niya na sana ako palayo nang nagsalita ang daddy nya.
"I think she's not the one for you." tumingin ito sa akin. Ngumisi lang si Richard at hindi sumagot.
"Binibini..." narinig kong nagsalita pa si Sir Alfred Lee kaya kinakabahang huminto ako sa paglalakad para lingunin ulit siya. Natahimik ang buong paligid at napaatras ako ng bahagya nang naglakad pa siya para magkaharap kami. Tinitigan niya ako ng straight to the eye, at muntik na akong matumba dahil sa panlalambot ng tuhod na naramdaman ko. "You must be Ms. Ayradel?"
Imbes na tumango ay napalunok ako dahil sa kaba.
"Y-yes, sir." sagot ko na ako lang yata ang nakarinig. Ngumisi sya ng nakakatakot. Tahimik pa rin ang paligid na parang inaabangan ng lahat yung mangyayari.
"Although you ruined this party, I'd like to remind you," aniya. Ginapangan ng kaba ang dibdib ko. "Being my son's girlfriend is hard. And. Everyday. Seems. Harder. Kung kaya niyang iwanan ang ibang babaeng nagmamahal sa kanya ay kaya ka rin niyang iwan. So be careful, young lady." saka pa siya ngumisi at tumawa ng nakakakilabot.
Kahit hindi dapat e, tumatak sa utak ko ang mga sinabing iyon ni Alfred Lee, habang hinihila ako ni Richard palabas.
Naramdaman ko na lang ang lamig ng hangin nang marating namin yung likuran nung building. Binitawan niya yung kamay ko at tahimik lang kaming dalawang naglakad-lakad sa may buhanginan.
Ako naman, tinignan ko yung kagandahan ng dagat. Habang hindi pa rin napoproseso sa utak ko ang lahat. Para lang akong nanaginip.
Richard's Side
"Being my son's girlfriend is hard. And. Everyday. Seems. Harder. Kung kaya niyang iwanan ang ibang babaeng nagmamahal sa kanya ay kaya ka rin niyang iwan. So be careful, young lady."
Parang mas kinabahan pa ako n'ong nanahimik si Baichi kaysa sa nangyari kanina.
Nakakabading, potek. Ang corny ko pa kanina dinaig ko pa si Fern na bading naman talaga.
Naglalakad lakad lang kami sa buhanginan, habang tinitignan tignan ko siya kasi ang tahimik niya.
"H-hindi ka ba magagalit?"
Napalunok ako nang lumingon siya.
"Ha?"
Tsk!!! Slow talaga nito minsan.
"Y-you can slap me now." pero wag lang malakas.
"Bakit?"
Slow ampotek.
"Because I used you without warning? I used you and tell everyone you are my girlfriend para matakasan ang engagement party ko?"
Naghand gesture pa ako na parang sinasabi na "Really?! Really Baichi?! Hindi mo gets?!"
"Tsa! Hahahaha!" ayun, tumawa pa. "Alam ko namang may rason ka."
Hindi ko alam kung bakit parang na-bading ako sa sinabi niya. Parang kinilig ako ng konti. Pero konti lang.
T*ngina ano?!?! Hindi ako kinilig.
Tinanggal ko ang pagkakangiti ko saka umiwas ng tingin.
Ang tawag doon... tss. Bahala kayo.
"Ang hirap kasi ng buhay niyo. Parang nakadepende kayo sa pera. Kahit naman siguro ako ang nasa posisyon mo, ayaw ko rin ipakasal sa taong hindi ko naman mahal."
Napalingon ulit ako sa sinabi niya. Pinigilan ko na ngumiti. Pero parang may kakaiba talaga akong naramdaman. Hindi ko alam kung ano.
"P-pero dapat magalit ka pa rin sa 'kin."
"Ayoko nang gawing kumplikado lahat."
"Life is boring when it is not complicated." sabi ko. "Wala ka talagang balak ipaglaban yung gusto mo."
One thing na napansin ko about her is hindi siya umiimik, kahit na ayaw niya. Masyado siyang mabait at masunurin. Kaya gusto ko siyang asarin ang go against me.
Parang tanga lang pero natuwa ako nung sinuntok niya ako dati. Masakit, pero sakto lang para matawa pa ako.
Biruin mo yun. Si Baichi manununtok?
Umupo siya sa may buhanginan malapit sa dalampasigan. Gan'on din ako.
"Tss. Wala na e. Damay na ako e?"
"Eh bakit ka pa ba kakain, kung itatae mo lang rin naman?"
Nanlalaki ang mga matang tumingin siya sa akin sabay hagalpak ng tawa.
What?
"Hahahaha! Ano?!?!"
"Anong nakakatawa d'on?" umiwas ako ng tingin.
"WAIT!" Napalingon ako sa pagsigaw niya. "Gawin mo nga ulit!"
"Ang alin?"
"Pout ka ulit!"
"What?!?!" ano ako bading?! "Hindi ako nagpout!"
Inabot niya ang pisngi ko at inistrech-strech iyon.
Parang biglang tumigil ang oras.
T*ngina.
"Sige naaaaaa!" tss. Siya yata nagpapacute sakin e.
"The hell Baichi! Aish!"
Tawa siya ng tawa habang pulang pula naman ako sa inis at kakapisil niya.
"Masaya ka na?" Tumango siya sa tanong ko habang tawa pa rin siya ng tawa.
Umiwas ako ng tingin dahil para siyang kumikinang sa paningin ko.
Sinubukan ko ring pumikit pero ngiti niya ang nakikita ko.
Ang lakas rin ng tibok ng dibdib ko habang tumatawa siya sa tabi ko.
Ano 'to?!